KENNETH POV "Tita please, hindi naman po kaylangan na humatong ang lahat sa ganito eh!" sambit ko sa kanya. "Maawa kayo sa waiter, it was just an accident kaya wag na natin itong pahabain pa!" Sana naman ay ma convince ko itong si tita sapagkat naawa talaga ako sa lagay nitong waiter. "No Kenneth, minsan ay kaylangan mo talagang turuan ng leksyon ang mga ganitong klase ng tao!" Akala ko nga ay lalala na ang sitwasyon ngunit buti na lamang ay dumating itong si Dad. "What is going on here?" tanong niya pa. "Ito kasing waiter, he is stupid na sinadya akong tapunan ng juice sa damit ko! Oh my gosh, this is so embarrassing!" Tumingin si papa sa waiter na yumuko rin sa kanya at nanghingi ng sorry. Nakita ko pa nga na halos paiyak na ang waiter na ito eh. If Dad does not defend this wai

