KYLA POV
"Ikaw naman po sir! Ang lakas mong magbiro sakin! Never po akong magkakaroon ng ganyan kahit na habang buhay pa akong magtrabaho. At 'di po ako mahilig sa mga sasakyan, kung may pag iipunan man ako, ito ay ang bahay para sa pamilya ko."
Ngumiti siya at sinimulan na niyang imaneho ang kanyang sasakyan. Siguro ay hindi rin siya naniniwala na mangyayari din ang bagay na ito. Akala ko nga ay magiging tahimik na ang magiging biyahe namin ngunit sa kalagitnaan ng aming biyahe ng muli siyang magsalita.
"Walang masamang mangarap. Malay mo ay mangyari rin ang sinasabi mo, basta ang ipangako mo sa sarili mo na hindi ka hanggang jan lang. Lahat naman tayo nagsisimula sa ganyan. Kung di mo naitatanong, dati ay minimum rate lang din ako hanggang sa nagsikap ako. Nakita ko rin ang sitwasyon ng pamilya ko dati kaya nga ito ako at nagsumikap. Basta may right mindset ka at parati mong i-claim na gaganda ang buhay mo!"
Medyo mahina din ang loob ko ngunit ang sarap pakinggan ng mga sinasabi niya. Who knows if this is going to happen? Basta ako ay magsisipag lang din sa magiging work ko in the near future.
"Siya nga pala, may boyfriend ka na ba?" tanong niya na tila ay may ibang kahulugan.
Napakunot ang noo ko sa personal na tanong niya. Bakit sa dami ng mga pwedeng itanong ay ito pa? Nahihiya tuloy ako na sagutin ang tanong niya.
"Po?" maikling sagot ko.
"Sige na, wag ka nang mahiya pa sa akin dahil wala namang malisya ang tanong ko sayo. May boyfriend ka na ba?"
Sakto pa sa pagtapos ng tanong niya ang pag traffic sa kalsada. Lumagok ako ng dalawang beses at napahawak ako sa bag ko. Nang lumingon siya ay ang lagkit ng tingin niya.
"Wala po, no boyfriend since birth pa po. 21 pa lang naman ako so I am not in a hurry po. Naniniwala ako na darating din po ang lalaking nakalaan para sa akin," madrama kong sagot na kabaliktaran ng katotohanan.
Sa dami ng mga problema namin, baka uugod ugod na ako bago magkaroon ng boyfriend.
"What?" tanong niyang tila ay hindi makapaniwala, "Sa ganda mo na yan ay walang lalaki na nagtangkang manligaw sayo?'
Ito yung unang pagkakataon na mayroong nagsabi sa akin na isa akong magandang babae. Never nga akong sinabihan ng kahit na sino ng ganito so I am just grateful to him. Masarap din pala matawag na maganda kahit na hindi totoo hahaha!
"Yes po! I swear, never pa po akong nagkaroon ng boyfriend in my entire life at sana ay wag muna siyang dumating dahil sa hindi pa ako ready to commit myself po."
"Parehas pala tayo! Ako kase, never akong magmamahal ng babae. Para sa akin, walang kwenta ang pag ibig dahil sa parents ko na nag hiwalay. Nagloko ang mama ko sa papa ko at sumama sa ibang lalaki. Yung tita ko ay nagloko rin sa tito ko at may mga pinsan akong lalaki na hirap din makakita ng mga babae sapagkat lahat sila ay mga nagloloko rin, yung mga kapatid ko na pinakulong din ng mga asawa para maperahan. Sa dami ng mga nababalitaan kong ganyan, hirap na ako. May trauma din ako ako sa mama ko dati, I experienced abused from her physically and emotionally."
Grabe naman! Gusto ko sanang kontrahin ang mga sinasabi niya na ang hirap din paniwalaan. As in talagang lahat ng mga kamag anak niyang mga lalaki ay nakaranas ng ganito? That is too good to be true but at the same time, wala sa hitsura ni Sir Kenneth ang magsisinungaling.
Sa pagkakaalam ko, mga lalaki ang madalas na magloko sa relasyon. Ang matatanggap ko pa rito na rason kung bakit ayaw niyang magkaroon ng asawa ay nakaranas siya ng pang aabuso galing sa mama niya. Ako, mahirap man ang pamilya ko ngunit masasabi ko na wala akong natanggap na pang aabuso galing sa sarili kong mga magulang. Salat man sa buhay ngunit buti na lang ay sila ang naging parents ko.
"Bakit natahimik ka yata? Mahirap bang paniwalaan ang sinasabi ko? Pwede ka naman pumunta sa mansyon namin sa Cebu para makita mo, nandoon lahat ng mga taong sinasabi ko sayo," sambit niya, ang defensive niya kaagad.
Nagulat ako sa pagiging defensive niya ngunit mas nagulat ako na siya ay taga Cebu rin pala.
"Teka saan po kayo sa Cebu?" masiglang tanong ko.
"Hahaha! Actually, ten years lang ako doon and I rarely talk to my dad. We are not close family that is why I stayed here in Manila sa loob ng mahabang panahon. Limot ko na nga halos ang tungkol doon, don't get me wrong, I love that place but not my dysfunctional family na watak watak."
Mas lalo pa akong nalungkot sa sinabi niya. Akala ko ay pag may pera na ay masaya ang pamilya. I guess, masyado ring naging limitado ang utak ko kaya minsan ay nagiging assumera din ako.
"I am sorry to hear that po," sagot ko.
"Hayaan mo na! Sanay akong mag isa sa buhay ko, nag uusap naman kami ng mga kapatid ko ngunit mas madalas kaming nag babangayan. Kapag inaasar nga nila ako kung bakit ako single ay inaasar ko sila na sawi sa pag ibig. Dalawa ang mga kapatid kong lalaki na parehas mas matanda sa akin," natatawa pa siya habang naglalahad ng kwento. "I have been away from them for ten years at sa social media lang ako nag uupdate sa buhay nila."
Ako ba ang una niyang pinagsabihan nito? O nasabi niya na rin ito sa ibang tao? Talagang inemphasize niya na ang ten years at ngayon lamang ito nag sink in sa utak ko. Ibig sbihin ng kwento niya ay never siyang umuwi ng sampong taon mahigit?
Baligtad kami, ako nga ay one month pa lamang rito ngunit nami miss ko na ang family ko pero siya ay never nakaramdaman ng home sick. Ang tanda na siguro ng papa niya na mag isa sa mansyon nila. Mukhang ang lalim ng hinanakit niya sa pamilya nito na tinatago niya sa ngiti.