CHAPTER 4

1006 Words
KYLA POV I don't know how I am supposed to react on this one ngunit buti na lang ay nag go na ang signal kaya dumeretso na ang kotse niya. Nakayuko ako ngayon, hindi ko na iniisip ang pamilya ko, iniisip ko ang kalagayan ng pamilya nila Sir Kenneth. His Dad must be old already, kung ano man ang ugat ng pag aaway nila, naniniwala akong maaayos din ito. Naway maisip niya din na may mamanahin pa dapat sa papa niya. Kung may mansyon sila, sure akong may iba pa silang mga negosyo. Hindi naman sila magkakaroon ng mansyon without livelihood. Malamang baka may companies din sila doon, farm or land. "Dapat pala ay bumili tayo ng mga magiging pasalubong mo sa pamilya mo sa Cebu para kapag dumating ka doon ay wala silang masabi. Don't worry, sasagutin ko na ang lahat ng mga expenses ng mga bibilhin mo. Ilan ang mga kapatid mo at mga iba mo pang pagbibigyan," sambit niya. I am so speechless right now. Iba ang pinapakita niyang kabaitan sa akin, mayroon talagang something or baka masyado akong naga assume. Kung na trauma na siyang makipag relasyon sa babae, imposible na magkagusto siya sa akin. "Pasalubong? Eh, nagmamadali po ako kaya hindi na po siguro," pagtatanggi ko sa kanya. Palusot ko ito para sana ay hindi na niya ako gastusan. Mamaya nito ay may iba pa siyang lakad na mas importante tapos ako pa ang sinamahan niya. Ayaw ko siyang maabala as much as possible. Alam din ng mama ko na walang wala rin ako ngayon kaya maiintindihan niya na wala akong pasalubong. Tutok na tutok siya sa daan at napapansin ko na binabagalan niya ang pagmamaneho kahit parang pwede pang bilisan. Baka gusto niya na mahaba pa ang aming pag sasama, Char! Minsan ang sarap pukpokin ng ulo ko sa pagiging assumera ko. Feeling maganda lamang ako na walang pera. "Wag ka na kasing mahiya pa sa akin. Ako ang bahalang bumili para sa pamilya mo. Kung sakali man na tumawag ang mama mo, ako mismo ang magpapaliwanag sa kanya kung bakit ka natagalan. Pupunta muna tayo sa inuupahan mong tirahan at pagkatapos ay pupunta tayo sa mall," sagot niya habang walang kurap ang mga mata sa pagmamanehong mabagal. "Si... sige po..." nauutal kong sagot. Nahihiya talaga ako sa kanya. Ang gulo noon sa boarding house na tinutuluyan ko at marami pang mga lasinggero. Wala ring pagpa parkingan ang kanyang sasakyan at malas pa kung abutan siya ng mga lasinggero doon. Ako,kaya kong masikmura ang lugar na inuuapahan ko ngunit ang balat sibuyas na tulad niya, mahihirapan na makipag salamuha doon. "Sige po,kita na lang tayo sa kanto ng boarding house ko. May parking lot din po doon sa may convenient store. Kahit po bumili kayo ng isang stick ng sigarilyo sa kanila ay makaka park kayo." "Yosi?" natawa siya, "Hindi ako nahuthot ng yosi sa buong buhay ko. At ni minsan ay wala akong alak na inilagay sa tiyan ko. Iniingatan ko ang health ko dahil walang mag aalaga sa akin kapag nagkaroon ako ng sakit. Ikaw, parehas tayo ng sitwasyon, naninigarilyo ka ba o umiinom?" Natawa ako, guilty ako sa pag inom ng alak ngunit inosente ako pagdating sa yosi. Ni minsan ay hindi ko naisipan na ilagay yan sa labi ko. "Yung totoo? Minsan po ay nainom din ako pero not because I want to pero need ko pong makisama sa ibang tao. Tsaka, doon lang po ako nainom sa aming boarding house at puro po kami babae doon. Never po akong nakikipag inuman sa mga lalaki." Dudugtungan ko pa sana ang sasabihin ko dahil kapag ang lalaki ay nalasing, may mga balak sila. "Tama yan, mulat ka rin pala dito sa Manila? Marami ang mga babaeng nabubuntis ng maaga rito kaya mas lalong maraming nag hihirap na mga tao dito. Tulungan mo muna ang mga magulang mo. Pero gusto ko sana mapuntahan yung mismong lugar niyo. Wag kang mahiya, nakatira din ako sa magulong lugar dati noong lumuwas ako ng Manila. Sanay din ako sa ganyan." Pinipilit niyang pumunta so no choice na ako. Ito rin naman ang huli naming pagkikita kaya tatanggalin ko na ang hiya ko. Dumating kami sa tapat ng boarding house ko at may nakita akong mga lalaki sa labas na nakatambay at nag iinuman. Hindi ko alam kung paano ako bababa nito ng walang Kenneth na sasama. Magaan naman ang mga gamit ko. Puro mga damit ang karamihan nito kaya mas maigi pang wag ko nang pababain si Kenneth upang maiwasan ang pag aabot ng tagay sa kanya. Habang tinatanggal niya ang seatbelt ko ay kinausap ko siya. "Sir, ako na lang po ang bababa rito para po walang problema. Tutal, magaan lang po ang mga gamit ko sa loob," pagpapaliwanag ko sa kanya. "Tara na sa loob, sasamahan na kita para mabilis tayong makaalis." Siya pa nga ang nag bukas ng pintuan. Pagbaba naming dalawa ay nagtinginan ang mga tambay na ito sa amin at nag abot pa sila ng tagay. Mga batugan na mga tao, sayang ang laki ng katawan nila pero mga tamad at ayaw magbanat ng buto. Ang mga pinambibili pa nila ng alak, dapat ay ibigay nila sa kanilang mga pamilya. "Ang gwapo ng syota mo, Kyla! Mukhang mayaman pa!" sambit noong matabang lalaki, "Tara pare dito ka muna at mag iinuman tayo." Nakita ko na ang pagkailang sa mukha ni Sir Kenneth na nakangisi. Alam ko na gusto niyang tumanggi subalit nahihiya lamang siya. "Sorry po pero hindi po kasi siya pwedeng uminom. He is not my boyfriend, boss ko po siya sa office at nagmamadali po kami," tugon ko, hinawakan ko na ang kamay ni Sir Kenneth, hinatak ko siya sa loob ng boarding house ko. Ang sarap hawakan ng kamay niya, ang lambot nito at ang lamig. Nahihiya man ako sa ginagawa ko ngunit need ko itong gawin para iiwas siya sa mga taong gustong magpainom sa kanya. Nang makarating kami sa pintuan kung saan ako nangungupahan ay binitawan ko na ang kamay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD