CHAPTER 5

1018 Words
KYLA POV "Sorry po sir ha? Makukulit kasi ang mga yun kaya hinatak ko po kayo kaagad. Baka kasi patagayin nila kayo doon eh." "Ayos lang. So pwede ba akong pumasok sa loob? O pwede dito ako sa labas tapos iabot mo ang mga gamit mo at ako na lang ang maglalabas?" Hindi pwede ang lalaki dito sa loob. Ito ang mahigpit na bilin ng landlord dito kaya ito rin ang susundin ko. "Actually, only girls lamang po ang allowed dito sa loob," sambit ko sa kanya. "No problem, iabot mo ang mga gamit mo sa akin para ako na ang maglalagay sa kotse ko." Grabe, wala akong masabi sa kanya. Pumasok ako sa loob at sinalansan ko ang gamit ko sa lumang maleta na binili namin ni mama noon sa ukay ukay. Ewan ko nga sa sarili ko kung bakit natataranta ako pero hindi ko na tiniklop ang mga damit ko. Nagsasalansan lang ako, basta salpak sa maleta para makaalis kami kaagad. Marami din akong mga gamit dito, halos sumabog nga ang maleta ko. Naalala ko na may ilan nga pala akong binili na mga gamit sa ukay ukay. Lumabas ako at nakita ko si Sir Kenneth na may tinatawagan but the moment he saw me ay tinigil niya ang pakikipag usap at binulsa ang kanyang cellphone. "Yan lang ba ang lahat ng gamit mo?" tanong niya. "Yes po," sagot ko. Kinuha niya ang maleta at siya na mismo ang nagdala nito. Sayang, hindi ko na makikita ang mga kasama ko dito sa boarding house dahil sa nagmamadali ako. Ngunit nagpaalam naman ako sa landlord naming lalaki bago ako umalis since bayad na ang isang buwan kong stay dito. Sinakay niya sa likod ng kotse ang maleta ko at nang kargahin nga niya ito ay lumitaw ang mga muscles sa kanyang mga kamay. Natulala pa nga ako ng ilang sandali sa kanya at nahimasmasan lang ako sa sarili ko noong pinagbuksan na niya ako ng pinto. Napangiti nga lang siya nang makita akong tulala sa kanya. "Sakay na!" Heto naman ako at sumakay sa loob. Nang makapasok kami ay napasilip ako sa labas at nakita ko na may mga chismosa na nakatambay. Grabe, hindi ko alam kung ano ang tinititigan nila, ito bang kotse or ang gwapo kong kasama. Kung nagkataon pala na nandito pa ako nakatira at uuwi ako mamaya, I am so sure na yayariin ako ng mga ito sa mga chismis. Buti at last day ko na rin ito sa kanila. Nang lumarga na kami ay nagbato ng tanong si Sir Kenneth ang akala ko ay walang pakialam sa mga nakita niya kanina. "Ang daming tao sa lugar niyo ha? Ano ba ang meron kanina?" natatawang sambit niya. Paglingon ko sa kanya ay nakita ko na siyang naka black shades and damn! He looks hotter right now! "Marami pong mga chismosa. Dalawa lang naman ang rason kung bakit sila nagtipon tipon sa labas. It's either because of your car or because of you po," paliwanag ko pa. Sasabihin ko pa nga sana na dahil ito sa pagiging pogi niya ngunit baka kiligin ako sa harapan niya which I don't want to happen. "Sanay na ako sa ganyan, parang ang gulo nga ng lugar niyo. Delikado pa naman kapag may mga manginginom na lalaki sa labas. Dapat ay pinagbabawalan ang mga yan." "Nako! Hindi na po ako umaasa jan dahil sa isa ring manginginom ang may ari kaya minsan tinotolerate ang inuman dito. Pero safe ako kasi bihira akong lumalabas sa boarding house namin kapag weekend. Pero sorry ulit ha? Parang hindi ka yata sanay sa nakita mo?" "No problem with that!" Ito ang huli niyang sinabi bago kami naging tahimik. Pumunta na kami sa isang mall at ang dami naming pinamiling pasalubong para sa mga magulang ko at dalawa kong kapatid. May pa donut pa nga siya at grocery. And not only that, bumili pa siya ng extra maleta para dito ilagay ang mga pasalubong ko sa family ko. Pala isipan nga sa akin kung paano ko bibitbitin ang mga ito pabalik. Nang makarating kami sa airport ay dito na ako nagpaalam sa kanya. "Maraming salamat po sa lahat ng naitulong niyo sir Kenneth! Sana ay dumami pa ang mga taong katulad niyo," sambit ko. "Walang anu man!" I wanted to hug him so bad dahil sa pakiramdam ko ay kulang ang pagpapasalamat ko sa kanya. Pero magkakaroon ito ng malisya sa akin. "Sayang huling pagkikita na po natin ito-" Ngumisi siya, "I don't think so! Sige na, wag mong kalimutan na magpasundo sa mama mo dahil marami kang dala para sa kanila." Pinisil niya pa ang ilong ko bago siya umalis. At saktong pagtalikod niya ay kinilig ako. Parang ang bilis lamang ng mga pangyayari na magkasama kaming dalawa. And I am so clueless kung ano ang ibig niyang sabihin kanina noong kontrahin niya ang sinabi kong ito na ang huli naming pagkikita. Pero hinayaan ko na, inisip ko na baka dumating nga ang araw na mag krus ang landas naming dalawa pagdating ng araw. Who knows what the future holds? Basta ako, I am looking forward na muli kaming magkita. Maswerte ako na naka book ng flight six hours from now. Rush kasi itong flight ko at sakto ang pera na pinambayad ko. Habang ako ay naghihintay dito sa upuan ay tumawag na ako kay mama na kaagad niyang sinagot. "Nasaan ka na?" "Nasa airport na po ako ma," sagot ko sa kanya. "At nakapag book na po ako ng flight. Nakakahiya man itong sabihin ngunit hinatid po ako ng boss ko dito sa airport at binilhan ako ng maraming pasalubong para sa inyo." "Ganun ba!? Nagpasalamat ka naman ba sa kanya?" Sumagot ako kaagad sa kanya, "Syempre! Marunong din akong tumanaw ng utang na loob doon sa tao at sa katunayan nga ay ilang beses akong nagpasalamat sa kanya. Siya nga po pala, kaya ako napatawag ay dahil magpapasundo po ako sa inyo jan." "Nako kalma ka anak, ayaw kitang ma hassle sa flight mo. Mag text ka kapag nasa airport kana. Ako lang ang nagbabantay dito sa papa mo ngayon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD