KYLA POV
Ang ayos ng pagtatanong ko sa mama ko ngunit ito ang ibibigay niyang sagot. Alam ko naman na stress ang mama ko sa dami ng mga problema sa bahay. Sadyang ito ang ayaw ko sa kanya, ang bilis din mag init ng kanyang ulo.
"Calm down ma! Nagsasabi lamang ako ahead of time para hindi na ako maghintay doon. Kamusta nga pala ang lagay ni papa? Maayos na ba ang pakiramdam niya?"
"Maayos na ang pakiramdam niya pero kaylangan pa niyang manatili dito sa hospital ng ilang araw. Ayan ang sabi ng doctor."
Nang sabihin niya ito ay hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na magtanong.
"Ma, sigurado ka po ba na dapat akong umuwi sa atin? Kasi baka bigla po tayong kapusin nito sa pera. Nag aalala lamang ako. Pwede ko pa naman siguro i-cancel ang flight ko para maipagpatuloy ko ang pagtatrabaho ko dito sa Manila?"
"Ituloy mo na ang pag uwi mo dito dahil tuloy ang plano. Gawin mo itong alang alang sa papa mo na may sakit."
Nahihiwagaan ako sa sinasabi niyang ito. Ano kaya ang ibig niyang sabihin? I am so confused right now, nalalabuan na ako sa mga nangyayari.
"Yung totoo po? Ano ang nangyayari ha? Uuwi na ako, baka po pwede ko nang malaman kung ano po ito kasi wala akong alam sa mga nangyayari eh!"
"Basta anak! Ipapaliwanag ko ang lahat ng ito sayo kapag umuwi ka dito sa bahay. Sige na, aasikasuhin ko muna ang papa mo."
Binabaan niya nga kaagad ako ng tawag. Nagtataka na ako kung ano ba ang meron. Hindi ko talaga gets ang mga weird na nangyayari. Iba kasi ang tono ng pananalita ni mama. Nitong mga nakaraang araw, madalas siyang problemado ay may times pa nga na naiiyak siya. Ngunit ngayon, wala akong nararamdaman na kalungkutan sa pagsasalita niya.
I cannot wait anymore, lilinawin ko ito sa mga kapatid ko. Si Jerome at Iza, parehas silang nasa hayskul. Fourth year na si Jerome at si Iza ay first year hayskul na. Isang malaking dagok pa ang kakaharapin ko ngayong tutuntong na ng college si Jerome.
Nang sagutin niya ang tawag ko ay tinawag ko kaagad siya sa nickname niya sa contact ko.
"Hoy bansot ano ang meron ha?" tanong ko.
"Ano!?" tanong niya, "Bakit ka napatawag ate?"
Ewan ko rin ba sa lalaking ito kung nagmamaang maangan siya o talagang ayaw niyang umamin?
"Uuwi na ako jan sa Cebu. Nagulat nga ako kay mama kanina dahil biglaan ang pagpapauwi niya sa akin jan. Aminin mo na kung may alam ka sa mga nangyayari!"
"Wag ka nang magalit. Ako nga ay nalalabuan din sa sinasabi mo."
"Pare tumagay ka pa!" bulong ng lalaki na narinig ko.
"Gago wag kang maingay brad! Kausap ko ang ate ko!"
Na high blood ako sa narinig ko mula sa kapatid ko kaya matinding sermon ang inabot niya kaagad sa akin.
"Hoy bansot ano ang ibig sabihin nito ha? Umiinom ka ba? Minor ka pa pero balak mo na kaagad sumunod sa yapak ni papa!"
"Ate relax! Hindi ako umiinom dito, mga kaklase ko ang umiinom ngunit pass ako dahil good boy itong kapatid mo. Ako kasi ang nagawa ng assignments nila at kapalit nito ay ang pagbabayad nila ng pera sa akin. Dumidiskarte ako, ayaw mo kasi akong bigyan eh! Baon ko nga kanina sa school na binigay ni mama ay bente pesos lang. Dinadahilan niya na walking distance lang daw ang school," pagmamaktol niya pa.
"Buti nga sayo ay twenty pesos samantalang ako ay 10 pesos lang! Isipin mo, sino sa ating dalawa ang lugi? Itawid mo na ito kasi ga graduate ka na sa hayskul. Mag send ka ng picture mo sa akin mamaya ha kapag nag end ako ng call ha! Mabalik tayo sa usapan natin kanina, sure ka ba na wala kang alam sa mga nangyayari?"
"Ate wala talaga akong alam sa mga nangyayari. Ano ba ito baka ikaw na ang magsabi sa akin? O baka nahihiya kang magtanong kay mama? Ako na ang magtatanong sa kanya!"
Sa pananalita niyang ito ay nakumbinsi na akong wala siyang alam sa mga nangyayari at malamang ay ganito rin ang isasagot ng kapatid kong isa mamaya. Tanging kay mama ko lang talaga malalaman ang lahat.
"Never mind! Send me a picture na hindi ka nainom ha? Nako ka! Isusumbong kita nito kay mama kapag nalaman ko yan. Makakarinig ka ng sermon sa aming dalawa."
"Hahahaha!" ang malakas na tawa niya, and then he is the one who ended the call.
And then nag send siya kaagad ng picture niya na nagawa ng assignment at sapat na ito para maniwala ako sa mga sinasabi ng kapatid ko. Napangiti pa nga ako, natutuwa ako na nagiging madiskarte siyang lalaki na alam na kung paano kumita ng sarili niyang pera. Matalino din kasi ang kapatid kong ito kahit papaano, top 2 siya dati sa klase nila kaya siguro ay naisipan niya din na gamitin ito para kumita ng pera.
Umiglip muna ako ng saglit at nag alarm ako 1 hour before my flight. Mahirap nang maiwanan kapag nagkataon. Nang tumunog ang alarm clock ko ay kaagad akong nagising, medyo inaantok pa ako ngunit kaylangan kong umalis ngayon para hindi ako ma late sa aking flight. Pagtingin ko nga sa paligid ko ay nakita kong marami nang mga tao unlike kanina.
Gabi na rin ngayon kaya siguro maraming may mga flight ng ganitong oras. Ang haba din ng pila pero nairaos ko rin. Magiging mahaba haba ang biyahe ko kaya matutulog muna ako nito mamaya. Takot ako sa airplane, takot ako sa heights pero mas trip kong sumakay sa airplane kaysa sa barko. Magiging nakaka bagot din ang biyahe papunta sa Cebu at halos mag iinit din ang pwet ko sa kakaupo dito sa airplane.
Nandito pa ako sa pinaka gilid na upuan at talagang kita ko ang labas kahit na gabi na. It brings back memories noong ako ay bago pa lamang na punta dito sa Manila. Ang sarap sa pakiramdam na babalik ako ulit sa pamilya ko.