CHAPTER 12 It was a wonderful morning. Gwendolyn is waiting for Austin to pick her up. Ngayon ang araw na tutungo silang tatlo nina Austin sa New York. She felt so excited. Kagabi pa'y halos hindi na siya makatulog. "Sana nandiyan na sila," wika niya at itinuon ang mga mata sa kalsada. Ilang saglit pa'y napangiti siya nang makita ang parating na itim na kotse. Hindi siya nadismaya nang agad itong huminto sa harapan niya. Agad na bumukas ang pinto ng backseat. Nakita niyang prenteng nakaupo doon si Kuya Austin niya. May attaché case na nakapatong sa may hita nito. At mukhang may kausap pa sa telepono. "Sakay na!" nakangiti wika nito sa kanya at pinatay ang tawag. Malapad ang ngiti niyang sumakay sa likod at agad na sinara ang pinto. "Good morning, Kuya," bati niya dito. Ngumit

