Dalawang linggo nang lumipas at wala pa din silang alam na clue or information sina Francis at Howell, kung ano na ang nangyari sa kay Gwendolyn. Samantala ang kanilang hinahanap ay kasalukuyang nag-iimpak at kausap siya ni Sarah. "Hindi ka na ba talaga magpapapigil?" tanong ng kaibigan, at tinulungan siya sa paglagay ng mga damit sa maleta. "I need to leave, Ate. Sooner or later malalaman nila na nandito ako. Ayokong madatnan nila ako dito. Madadamay ka pa kayo ni Kuya Sky," sabi niya, at nagpakawala ng malalim na hininga. "Salamat pala, Ate. Thank you for sheltering me here." "Ano ka ba, Negra. We're friends and sisters by heart. Dadating ang araw na kakailanganin ko din ang tulong mo." "Oo naman, you can leaned on me," seryosong sagot no Gwendolyn. "Are you sure na pupunta ka ng

