Waiting Game

3347 Words
Shobe's POV Ako si Shobe Guaza, 16 years old, at ako ang tinaguriang "Campus celebrity" dito sa school namin. Meron akong tatlong kaibigan. Si Indino Robles, the Mr. Friendship, si Jesser Palma, the creative one, at si Esther Provido, the cheerful one. Magkabarkada na kami since grade 7. At masaya kaming magkakasama hanggang ngayon. Maganda rin ang takbo ng buhay ko, walang hassle, masaya lang. Pero hindi ko alam na magbabago ang lahat isang araw... "Meron daw tayong bagong kaklase na lalaki." "Oo nga, sino kaya yun?" "Sana naman pogi." Napailing nalang ako sa pinag-uusapan ng mga chismosang nasa likod ko. Pero naiintriga ako ah. Sino kaya yung tinutukoy nila? Pag nakita ko na yung bago kong kaklase, kakaibiganin ko siya. After a minute, may pumasok sa room namin na isang lalaki. Palinga linga siya tapos bigla siyang napatingin sakin. Mukhang siya na yata ang bago naming kaklase. Nginitian ko naman siya as a sign of welcoming. Kaso... Inisnob lang ako. Ay, grabe siya. "Ay, snob. Tsss." sabi ko sabay irap. Kainis, napahiya pa ako. "Laaah, si Shobe inisnob." sabi ni Jesser na katabi ko at nag 'awww' naman si Indino. Kainis, nang-asar pa. Pinabayaan ko nalang sila at nakita ko namang pumunta yung lalaki sa bakanteng upuan na nasa harap ko. Bigla naman siyang niyaya ni Indino na umupo dun dahil katabi lang naman ng bakanteng upuan yung upuan niya. "Dito ka na umupo, yung nakaupo kasi dito lumipat na ng school last month." Umupo naman siya dun at sinimulan na siyang interviewhin ni Indino. "Hi ako pala si Indino Robles. Ikaw?" "I'm Britt Flores. I came from a Christian school. Pero lumipat kasi kami dito kaya di ko napatuloy ang pag-aaral ko dun." "Ah ganun ba, sige just stick with me para may kasama ka. Wag kang mag-alala, kahit maingay 'tong kaklase natin, mabait rin naman sila. Hehehe." Hmmm.. So Britt pala ang pangalan niya. At isang christian. Well I don't care kung ano ka man. Basta humanda ka na lang bukas. Mali ang kinalaban mo Britt, isa yata akong campus celebrity dito sa school. Kaya humanda ka. *evil laugh* -The next day- Nandito ako ngayon sa room. At himala yatang ako ang naunang nakarating dito. Ewan, excited lang siguro sa possibleng gawin ko sa new CLASSMATE ko. After ilang minutes, nagsidatingan na rin ang iba kong classmates, pati na rin ang barkada ko. Nagbabasa lang si Esther sa kinauupuan niya sa kabilang row. Si Jesser naman eh katabi ko't naglalaro ng basketball sa cellphone niya. Katabi naman niya si Indino na nakatayo at nanunuod ng game sa cp ni Jesser. Bigla namang pumasok si Britt sa room at nagulat ako sa ginawa niya... H-he smiled. At nagwave siya sakin. OMG. Mukhang nagbago yata ang isip niya at napagtanto niyang maging friends kami. Well, hindi ko na muna siya pagtripan ngayon. Kumaway rin ako sa kanya para di siya mapahiya. Mas mabuti na 'to kesa sa awayin ko pa. "Hi Britt." Napatingin naman ako kay Indino nang binati niya rin si Britt at nagwave. Teka nga?..... Napatingin uli ako kay Britt at nakatingin siya kay Indino. -______- Pinahiya na naman niya ako. Kainis akala ko okay na kami. Tsss. Well, mali ang kinalaban mo Britt. Humanda ka. Pumunta na siya sa upuan niya na kaharap ko. Uupo na sana siya ng bigla kong hinila ang upuan niya at... *BOOOOOOOGSH* Anong napala niya? Edi tawanan ng mga kaklase namin. "HAHAHAHAHAHAHAHA!" Grabe, nakakatawa talaga ang itsura niya. HAHAHAHAHA! Bigla naman niya akong sinamaan ng tingin. Tapos hinila yung upuan niya at umupo. Hahaha, yan ang napapala mo. Kainis ka kasi eh, kung di mo lang sana ako pinahiya. Ano ka ngayon, hahaha. -Recess- Nandito kami ngayong magkakaibigan sa canteen, kumakain (malamang). Habang kumakain, bigla nalang nag-open topic si Indino about kay Britt. "Guys, isali kaya natin si Britt sa grupo natin." "Oo nga, mukha naman siyang mabait eh. Diba?" sabi ni Esther sabay tingin kay Jesser. "Oo nga, ano sa tingin mo Shobe?" Nilunok ko muna yung kinakain ko at sinagot siya, without a doubt. "Ayoko." Narinig ko naman ang pagreklamo nila. "Ano ka ba naman Shobe, give him a chance." Esther said sabay siko sakin. "Oo nga, tsaka malay mo magbutihan pa kayo." sabi ni Indino "Yep. Tsaka I can see a good future between you two." sabi ni Jesser na dahilan para mabilaukan ako. "Ano ba yang pinagsasabi mo Jes? Ang weird lang ah." Napatawa naman sila, kainis. Bigla naman akong inakbayan ni Esther at nagsalita, "Bigyan mo kasi ng chance yung tao. Mabait naman siya eh. Sige na." Then they seconded sa sinabi ni Esther. "Oo nga Shobe sige na." "Sige na pumayag ka na." Tsss, ang kulit ha. "Ewan ko sa inyo. Nawalan na ako ng gana." Tumayo na ako at nagpaalam sa kanila. "Una na ako ah. Bahala kayo diyan magplano kung pano gumanda ang loob ko diyan sa Britt na yan." At umalis na nga ako. Nang pumasok na ako sa room, una kong nakita ang pagmumukha niya. Tumingin siya sakin with a serious face. At langya! Inisnob lang uli ako. Okay, fine! No problem! Sanay naman ako eh. Eh ano pa bang magagawa ko para di siya makita? Eh classmate ko siya eh, tsss. Umupo nalang ako dun sa upuan ko. Then a light bulb just poped on my head. *smirk* I think It's time para i-continue ang pangtrip ko sa kanya, whahahahaha! Bigla ko namang siyang sinundot sundot. *poke* *poke* *poke* Bigla naman siyang lumingon sakin at halata mo sa mukha niya ang pagkairita niya. Hahaha. Inirapan ko nalang siya, at bumalik naman siya sa pagbabasa. At dahil pinanganak akong makulit, itinuloy ko pa rin ang pagsundot sa kanya. *poke* *poke* *poke* *No response* *poke* *poke* *poke* *poke* *poke* *No response* *poke* *poke* *poke* *poke* *poke* *poke pa more* At naramdaman ko naman na napuno na siya kaya nabigla nalang ako ng bigla siyang tumingin sakin with a pissed face. "Ano bang problema mo?!" Aba't sinigawan pa ako!!! >:( "Eh ano bang pakialam mo!" "Eh nagpapapansin ka kasi sakin eh. Sabihin mo na kasi kung talagang may gusto ka sakin, hindi yung kukulitin mo pa ako!" "Excuse me! FYI, hindi ako nagpapapansin sayo no!" "Exactly! Kaya stop bothering me!" "Psh, bahala ka!" "Aish, hindi talaga kita maintindihan!" At bumalik nalang siya sa pagbabasa. Kainis, ang kapal ng mukha. Ako? May gusto sa kanya? Psh, isang malaking ASA! Nakita ko naman ang barkada ko na pumasok sa room and I think narinig nila yung away namin. "Oy kayo ah, ang aga aga ume-LQ na. Yiiieeee~" panunukso samin ni Indino. Tapos bigla naman akong nakarinig ng tuksuhan mula sa likod. "Oy, si Shobe luma-love life na." "Yiiieee~ bagay silang dalawa ni Shobe." "Crush ni Britt si Shobe." At narinig ko naman ang hiyawan ng mga kaklase ko. "AYYIIIIIEEEEEEEEEE~" Kainis, mga walang magawa sa buhay. Sinubsob ko nalang ang mukha ko sa desk ko para matago ang inis ko. ---------------------------------------------- Time na! Kaya nagsi-uwian na yung ibang estudyante. Pero dahil SSG ako, nandito ako ngayon sa bulletin board with my co-SSG rin. Denidesignan naman ito. Habang busy kaming nag-aayos ng bulliten board, bigla ko namang nakita si Britt na pumasok sa chapel. Magkalapit lang kasi ang chapel namin dito sa bulletin board. Ano naman kaya gagawin niya dun? Ay malamang, magdadasal. Tss, Christian nga pala siya kaya di na ako magdududa. Bigla namang may pumasok na bright idea sa utak ko. Hehehe. *smirk* Mukhang ngayon ko itutuloy ang pagtrip ko sa kanya, hehehe. Diyan ka lang Britt at pupuntahan kita. "Ahh Indino, sandali lang ha, may pupuntahan lang ako." sabi ko kay Indino, SSG officer din kasi siya eh. "Okay sige, dalian mo ha." "Oo, no problem." Umalis na ako dun at pumasok na sa chapel. Luckily may gunting akong dala para gamitin ko sa pagtrip sa kanya. Hehehe, this is gonna be fun. *smirk* Nakita ko siya sa isa sa mga upuan dito sa chapel, nakaupo. Mukhang concentrated yata siya sa ginagawa niya. Well, humanda ka ngayon Britt. *evil laugh* Pumunta ako sa likod niya at inilagay ang gunting sa leeg niya. "Wag kang kikilos, hold up 'to." Sabi ko habang sinasakal siya kunwari sa leeg niya. Hahaha. Bigla naman siyang kumalas at tumayo. Tapos tinignan niya ako ng masama. "Ano bang problema mo ha! Lagi ka nalang nangungulit sakin! Kung may crush ka sakin at gusto mong pansinin kita just tell me! Hindi yung pati sa simbahan idadala mo yang ugali mo! Wala kang respeto! Just stop, okay!" At umalis na nga siya dun sa simbahan, leaving me dumbfounded. Tama siya, I reached the limit. Masyado na akong makulit at napunta pa ako sa sitwasyon na ito. Isa nga pala siyang Christian. Haaays. Hindi ko alam pero nakaramdam nalang ako ng tubig na tumulo mula sa aking mga mata. Ang sakit kasi eh. Ang sakit ng sinabi niya. Pero tama din naman siya eh. And I think it's time to stop. ---------------------------------------- It's been 1 week since that incident between me and Britt. At 1 week ko na rin siya hindi pinapansin. Eh ano pa bang mapapala ko, magiging mayaman ba akong kung ipapatuloy ko pa ang pangungulit sa kanya? Hindi naman diba. Atsaka, siya na rin ang nagsabi diba na titigilan ko na siya. Haaays. Nandito ako ngayon sa library, nagbabasa. Wala, naisipan ko lang na magbasa ng random books, bakit may pake ba kayo? Hahaha juklang. Habang nagbabasa, nagulat naman ako ng may umupo sa tapat ko. Pero di ko na yun pinansin, busy ako dito sa pagbabasa. Bigla namang may nilagay yung taong kakaupo lang ng note malapit sa librong binabasa ko. Tinignan ko yung nakasulat. 'Sorry' Napatingin naman ako sa taong kaharap ko, at hindi nga ako nagkakamali. Si Britt nga. Tsss, bad trip pa rin kaya ako! Inisnob ko naman siya at umalis na doon sa library. Habang naglalakad, narinig ko ang pagtawag niya sakin. "Teka! Wait lang! Ms. Celebrity!" At hinigit naman niya yung kamay ko kaya napaharap ako sa kanya. "Hindi Celebrity ang pangalan ko, okay?" "I know. It's Shobe. Pero please pansinin mo naman ako." "Eh diba sabi mo di na kita kukulitin. Kaya ito, tinigil ko na." Aalis na sana ako ng bigla kong marinig ang sinabi niyang nagpatigil sakin. "Ehh, nakakamiss kasi eh." Binigyan ko naman siya ng weird look. "Excuse me?" "Okay, I'll formally introduce myself. I'm Brett Flores." Nilahad naman niya ang kamay niya sakin. Is he serious? Well, I guess it's better na makipagfriends sa kanya than fight with him nonsense things. "I'm Shobe Guaza, 16, Philippines!" at kinamayan ko siya. "It's good that you're back." At nagngitian kami sa isa't isa. ------------------------------------------------ It's been 8 months simula nang kami'y magkaibigan. At ang sarap din pala niyang makasama. Mabait, mapagbigay, masipag. At higit sa lahat, maka Diyos. Kaya nga tinuruan niya kami about God's word. At marami akong natutunan sa kanya. At sa 8 buwan nang aming pagsasama, dun ko naramdaman ang totoong kasiyahan. At mas lalo yatang nahulog ang loob ko sa kanya. Hindi pa ako sure, pero I think mahal ko na siya. ------------------------------------------------- Nandito ako ngayon sa grounds with Jesser at Esther. Hinihintay kasi namin si Indino at Britt. Ngayon na kasi ibibigay ang grades samin. Graduation day na kasi namin next week. Tsaka ngayon rin i-aanounce kung sinong kasama sa 'Honors' at sana kasama kaming lima. Atsaka ngayon ko na rin siguro sasabihin kay Britt ang totoo. Para malaman ko rin kung ganun rin ba ang nararamdaman niya sakin. Hoooo, kinakabahan ako. After ng ilang minutes, nakarating na sa Indino. Kaso wala pa si Britt. Tsss ang tagal naman niya. "Ayy oo nga pala Shobe. Nakita ako kanina ng kasambahay ni Britt. Ibinigay niya sakin 'tong letter. Galing daw 'to kay Britt at ibibigay ko raw sayo." Nagtaka naman ako sa sinabi ni Indino. "Bakit? Nasan ba si Britt?" "Mahirap sabihin eh. Basahin mo nalang." Kinuha ko naman ang letter sa kamay niya at binasa ito. ******************* "Dear Shobe, It's been 8 months since we've become friends. Nung una kitang nakasalamuha, nasabi ko sa sarili ko na 'kahit kailan hindi ako magkakagusto sa babaeng katulad niyang makulit.' Pero lahat ng sinabi ko, binawi ko lang when that time came. Remember, sa library. I told myself to settle things between us. Dahil gusto kita makasama. And I'm happy na naging kaibigan kita. At dun ko naramdaman ang sinasabi nilang LOVE. Oo Shobe, mahal kita. And I expect na sana mahal mo rin ako. Kaso di ko na masabi sayo ang totoo kong nararamdaman sayo face to face. Kasi pupunta na akong Canada. At ngayon na ang flight ko. Sorry kung hindi ko agad nasabi sayo ang tungkol dito, ayoko kasing makita kang malungkot. Sana maging masaya ka kahit wala na ako. I love you Shobe. And I hope you can wait. Cause I'll wait for you." -Britt Flores ******************** Bigla naman akong napatayo at medyo lumayo sa kanila. Naramdaman ko kasi na parang iiyak ako. Kainis kasi si Britt eh. Bakit di man lang niya sinabi sakin. Tatanggapin ko na sana kung sinabi niya agad sakin eh. Ayan tuloy di ko nasabi sa kanya na mahal ko rin siya. Bigla namang ako pinuntahan ni Indino at iniharap sa kanya. "Oy Shobe, tama na yan." Bigla naman niyang pinunasan ang mga luha ko at hinug ako as comfort. "B-bakit di man lang niya *sniff* sinabi sakin noon ang totoo. M-mahal niya pala *sniff* ako eh. E-edi sana *sniff* nagstay siya. Huhuhu." At hinimas-himas naman niya ang likod ko. "Shhh. Sige iiyak mo lang yan. Nandito lang ako." -Graduation day- Nandito lang ako sa tabi, mag-isang nagmumuni muni. Wala akong ganang magsaya kasama yung mga kaklase ko. Namimiss ko na kasi si Britt eh. Hay, kelan kaya siya babalik? "Hoy Shobe, ba't nagdadrama ka diyan mag-isa?" tanong sakin ni Esther na kakadating lang kasama sina Indino at Jesser. "Bakit? Kailangan ba by group?" Binatukan naman ako ni Indino. "Ikaw talaga, ang pilosopo mo." Bigla naman akong nagpout. Ang sakit kaya. "Wag kang mag-alala. Tiwala lang at babalik din yun." pagchecheer up sakin ni Esther. "Oo nga. Atsaka kung para din sa future niyo ang pagpunta niya sa Canada, edi sana ikaw rin magsikap ka. Maging masaya ka. Wag mong ipakita sa kanya na malungkot ka. Paano nalang kapag nakabalik na siya at makikita ka niyang malungkot?" sabi ni Jesser. "Eh kasi nakakamiss eh. Atsaka hindi ko siya kasama ngayong graduation. Paano niya malalaman na kasama tayong lima sa honors? Tsaka paano niya makukuha ang deploma niya? Kainis, bakit kasi wala tayong contact sa kanya?" sabi ko sabay pout. Kainis eh. Para yata akong iiyak. "Ano ka ba Shobe, be happy. Tsaka makukuha din naman niya yun eh, wag kang mag-alala. Let's just enjoy our graduation." sabi ni Indino. At bigla nila akong niyakap. Siguro nga dapat ko munang enjoyin ang graduation ko. Kasi makikita rin naman kita sa susunod eh. Nangako ka sakin na hihintayin mo ako at babalik ka. Kaya sana tuparin mo. Maghihintay ako Britt. Maghihintay ako. Pero, kaya ko ngabang maghintay? ---AFTER 10 YEARS--- Britt's POV Hmmmmm..... It's good to be back. I miss Philippines. It's been 10 years na pala. At marami nang nagbago. Kahapon lang ako nakarating, and I'm gonna visit someone, a person na naging espesyal sakin simula pa nang bata ako. Nandito ako ngayon sa church na lagi kong pinupuntahan when I was still in highschool. Bibisitahin ko kasi si Pastor Al. I wonder if he can still remember me. "Good morning po pastor Al." I greeted him pagkapasok ko sa simbahan. "Britt? Ikaw na ba yan." he asked me. Mukhang nagkaroon na ng puting buhok si pastor ah, hahahaha. "Yes pastor." Nagshake hands naman kami at nag hug. Grabe nakakamiss talagang makasama siya. Siya kasi ang unang nagshare ng God's word to me. He is the reason why I became a christian. And I'm happy to say na he's been special to me. At nakakamiss rin pumunta dito. Ang dami kasing nagbago dito sa church eh. Umupo naman kami ni pastor sa isa sa mga upuan dito sa chruch. "So kamusta ang pagstay mo sa Canada?" "Ah okay lang naman." "Hmmm, ganun ba. Balita ko nga isa ka ng doctor. I'm so proud of you Britt." "Thank you po pastor." At ayun, nag-usap lang kami about sa pag-aaral ko sa Canada. "Oh, by the way Britt, may nagpapabigay pala sayo. A letter from your classmate when you were highschool." Nagtaka naman ako kung sino yung tinutukoy niyang classmate ko. Kinuha ko naman yung letter at binuksan ito. Napasmile nalang ako ng mabasa ko na ang letter. Shobe. Oh how I miss her. "Just by looking at your smiles makes me wanna think na isa siya sa rason ba't ka bumalik." "Yes pastor. She is one of the reason why I studied so hard sa Canada. And I've waited 10 years para makita siya ulit. Sana masaya na siya ngayon." "I'm happy to heard that. Naghintay ka para sa love. 1 Corinthians 13:4." Inunahan ko naman siya sa pagsalita. "Love is patient." Tapos napangiti ako. "I've waited 10 years. And I know that she is worth waiting for." Bigla namang tinapik ni pastor ang likod ko. "Sana maging masaya ka. True love is really worth the wait." Pagkatapos ng pag-uusap, nagpaalam na ako kay pastor at umalis na ng simbahan. I think it's time para siya naman ang bibisitahin ko. Oh how I miss her. Her smile, her beautiful face. Her everything. Kamusta na kaya siya. Sana masaya siya sa kalagayan niya ngayon. And I guess, I'll wait no more. ---AFTER 1 MONTH--- Nandito ako ngayon sa loob ng simbahan. Standing near the altar, and waiting for the girl I love na pumunta sa pwesto ko. Grabe, ang ganda talaga niya, especially with that white dress she's wearing. She's smiling, and I can see tears of joy from her eyes. Napangiti nalang ako habang papalapit na siya. Kasama niya sa paglakad ang ama niya. At nang makarating na siya sa pwesto ko, nginitian ko siya. And she also smiled at me. Tapos nilagpasan nila ako at pumunta sa lalaking katabi ko. Walang iba kundi si Indino. Nakipagkamay si Indino sa ama ni Shobe, at ibinigay nito ang kamay ni Shobe kay Indino. At pumunta na nga sila sa altar, magkaholding hands. And they look nice together especially with their white dress and tux. Yep, you read it right. Si Indino ang pinakasalan ni Shobe. Well atleast she waited, pero hindi dahil sakin. Kundi dahil kay Indino. Pero masaya pa rin ako sa kanila. Makita ko lang siyang masaya kasama sa piling ng iba, masaya na rin ako. Ano pa bang magagawa ko? Eh hindi ako ang ibinigay ng Diyos para kay Shobe eh. Siguro meron pang mas better na babaeng hihintayin ko para makuha ang pagmamahal niya. "You may now kiss the bride." And so they kissed. And after that, pumunta na kami sa reception. ---------------------------------------------- Nandito lang ako sa tabi, tinitignan ang couple na masayang sumasayaw. Nakita ko rin sina Jesser at Esther na masayang kumakain sa tabi. And guess what, sila naman ang ikakasal next month. Hindi nga ako makapaniwala na sila ang magkakatuluyan sa huli. I'm happy for them. Haaay, ako kaya, kelan ko kaya makikita ang nilaan ni God para sakin? After ng ilang minutes, throwing of bouquet na. Maraming girls ang nagkumpulan para sumalo sa bouquet. Ako naman, tumayo para puntahan yung groom. Magpapaalam lang, aalis na kasi ako kasi may pupuntahan pa ako. "KYAAAAAAAAAAAAAAA~" Narinig ko naman ang hiyawan ng mga girls. Siguro may nakasalo na ng bouquet. Nagsimula na akong maglakad, pero napatingin muna ako dun sa mga babaeng nagkukumpulan. And there I saw a beautiful girl smiling habang tinitignan yung bouquet na nasalo niya. Bigla naman niya akong tinignan at ngumiti ng malapad. Hindi ko alam pero napako ang nga mata ko sa kanya, at napangiti nalang ako. Well, I guess it's time to wait again. Excited na akong malaman kung anong mangyayari sa love life ko. Well, better wait and put my hope in God. Because true love waits. Fin
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD