True Love Waits
Mai's POV
"Mai! May naghahanap sayo sa labas."
Nagtaka naman ako sa sinabi ng kaklase ko.
"Huh? Sino raw?"
"Ewan, basta taga section A daw siya."
Lumabas naman ako ng room. At dun ko nakita ang isang lalaking Grade 10 rin na kagaya ko.
"Ikaw ba si Mai?" tanong nung lalaki sakin.
"Ah oo. Teka sino ka ba?"
"Ako si Arc."
"Ah ganun ba, ano bang kailangan mo sakin?"
"Basta sumama ka na lang sakin."
At hinila naman niya ako papuntang hagdan. Tapos sinilip namin ang nasa baba. At dun ko nakita si Clifford na may kasamang babae. Teka, anong pinag-uusapan nila't magkahawak pa ang kamay nila.
"Babe, natatakot ako. Baka malaman ni Mai ang relasyon natin." Nagtaka naman ako sa sinabi nung babae kay Clifford. Ba't kasama yung pangalan ko? Atsaka ba't babe ang tawag niya kay Clifford? Eh ako ang girlfriend niya eh.
"Wag kang mag-alala babe, sasabihin ko din sa kanya ang totoo. Kumukuha lang ako ng tiyempo." sabi ni Cliff sabay halik niya sa noo ng babaeng kasama niya. At umalis na sila sa pwesto nila.
Napatakip nalang ako sa bibig ko sa nakita ko.
S-sila na?! At niloloko lang pala ako ni Cliff!
Kainis, feeling ko iiyak na ako. Ang sakit.
"Diba si Clifford ay boyfriend mo. Tapos yung babaeng kasama niya, ay ang babaeng nililigawan ko. Ngayon alam mo na ang katotohanan."
Napaiyak nalang ako sa nalaman ko.
"K-kelan mo pa nalaman 'to?"
"Kahapon lang. Tss, kaya pala sinabi niya sakin na may mahal na siyang iba. At si Clifford pala yun."
"B-bakit? B-bakit di man lang niya sinabi sakin? M-masakit eh. A-kala ko ako lang. Alam mo ba yun ha?"
"Oo Mai, masakit makita ang mahal mo na may kapiling na iba. Pero siguro nangyari 'to kasi hindi tayo yung nilaan ni God para sa kanila. Tsaka hintay lang, may dadating din para sayo."
"Pero kailan? Ang hirap maghintay Arc."
"Sa tamang panahon Mai."
Pinunasan naman niya ang luha ko.
"Tahan na. Halika, kain tayo. Libre ko."
Nagulat naman ako at napatingin sa kanya.
"Kakain tayo? Libre mo?"
"Oo nga. Hahaha basta pala pagkain nagiging active ka."
Hahaha ako pa ba. Comfort zone ko kaya ang pagkain.
Bumaba na kami at umalis na ng school. Nagbell na kasi, hudyat na pwede nang umuwi.
Pumunta kami sa Hello Kitty cafe at kumain. Aba syempre siya nagbayad. Siya kaya nag-aya.
Habang kumakain, bigla nalang nagflashback yung mga panahon na masaya pa kaming magkasama ni Clifford. Aish, kaya pala minsan tuwing magkasama kami, tinitignan niya lagi yung babaeng pinalit niya sakin. Kasi sila na pala. Aish, kainis.
"Oy Mai, dahan-dahan lang sa pag-inom ng shake."
Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Eh naalala ko kasi si Cliff eh, tsaka yung babaeng kasama niya. Nagtataka nga ako eh. Kung bakit di ka sinagot nung babaeng yun. Eh halos nasayo na nga ang lahat eh. Pogi, mabait, mapagmahal, tapos mapagbigay pa."
"Ako rin nga eh. Nagtataka rin ako ba't pinalitan ka pa ni Cllifford. Eh almost perfect ka na nga eh."
"Well, siguro hindi lang talaga tayo yung taong hinahanap nila. At mas komportable sila sa piling ng iba."
Pagkatapos ng pag-uusap, umalis na kami at hinatid naman niya ako sa bahay.
"Salamat Arc ha. Medyo gumaan na yung loob ko ngayon."
"Walang ano man yun. Sige pasok kana."
"Sige, salamat sa paghatid sakin."
At umalis na nga siya.
Haaay, sana nga maka move on na ako kay Cliff. Alam kong masakit pa rin, pero kailangan na siyang kalimutan. Sana maging maayos na ang lahat bukas.
---------------------------------------
Nandito ako ngayon sa hallway, mag-isang nagmumuni-muni. Iniisip ko pa rin yung ginawa sakin ni Clifford. Hindi ko pa nga siya nakikita ngayong araw na 'to eh.
Nasaan kaya siya? Tatanungin ko kasi siya tungkol dun sa babaeng kasama niya. Gusto ko galing mismo sa bibig niya ang katotohanan na maririnig ko.
"Mai? Okay ka lang ba?"
Napatingin naman ako kay Arc na tumabi sakin.
Nag-nod nalang ako as response. Wala ako sa mood ngayon. Kainis, masakit pa rin.
Pero mas masakit 'tong nakita ko ngayon. Si Clifford at yung babae, magkasamang naglalakad sa hallway. At di man lang ako pinansin ni Cliff.
Eh pano! Busy kasi sa NEW GIRLFRIEND niya.
Nang makalagpas na sila, dun na tumulo ang luha ko.
"Mai, okay lang yan."
Tapos tinapik niya yung balikat ko. Eh ang sakit kaya. Parang binaliwala lang niya ako.
Nagulat naman ako ng biglang bumalik si Cliff sa pwesto namin.
"Pre, ano ginawa mo kay Mai?" tanong ni Clifford kay Arc. Seriously?! Hindi ko na napigilan ang galit ko kaya sinigawan ko siya.
"At talagang siya pa talaga ang tinanong mo?! Eh ikaw kaya tanungin ko Cliff, anong ginawa mo sakin ha?! Ba't mo ako pinagpalit sa babaeng yun."
Bigla naman niyang hinilamos yung kamay niya sa mukha niya.
"My God, she's just a friend Mai! Sinamahan ko lang siyang pumunta sa library."
"Friend? O baka naman girlfriend? Wag ka ng magkaila pa Cliff. Alam ko na ang lahat. Alam ko na na niloloko mo lang ako. Kaya let's just stop this! Wag na tayong mag manhid-manhidan dito. Masakit na kasi eh. Kaya please... Ayoko na! Let's end this relationship!"
Nagkaroon ng kunting katahimikan hanggang sa nagsalita ulit si Clifford.
"Yan lang naman ang hinihintay ko eh. Yung ikaw ang unang bumitaw, para di ka na gaanong masaktan. I'm sorry Mai. Sige, alis na ako."
At umalis na nga siya leaving me crying dun sa hallway. Buti nalang talaga at nandyan si Arc kaya cinomfort niya ako.
"Okay lang yan Mai."
-------------------------------
The next day...
Nandito ako ngayon sa room, nagbabasa ng libro. Wala pa kasi ang teacher namin nang biglang nagtanong ang isa kong kaklase sakin.
"Mai, break na raw kayo ni Clifford?"
Aish, sino ba nagkalat?! Kainis, mga chismosa. -_-
"Oo." malungkot kong sagot at napaiyak na naman ako ulit.
----------------------------------
Time na, kaya bumaba na ako. Nang makarating na ako sa ground floor, nakita ko si Arc na nakatayo. Parang may inaabangan.
"Oh Arc. Sinong hinihintay mo?"
Nagulat yata siya sa presensiya ko.
"Ahh ikaw pala Mai. Actually ikaw yung hinihintay ko. Yayayain sana kitang kumain."
Hmm, ano kayang iniisip nito't niyaya pa ako. Pero sige na nga. Pagkain ang pinag-uusapan dito eh. Hahaha.
"Ah sige. Tara."
At lumabas na kami ng school at pumuntang Jollibee para kumain. Tapos ayun, kunting kwentuhan, tawanan. Tapos umuwi na rin kami. At dahil gentleman siya, hinatid niya uli ako sa bahay namin.
"Bye Arc." at pumasok na ako sa bahay.
--------------------------------------
Habang nagbabasa ng novel, bigla akong nakarecieve ng text message from an unknown number.
Hmmm, sino kaya 'to?
Unknown: Hello :)
Hmmm, mareplyan nga.
Ako: Hi, sino 'to?
Siya: Ako 'to si Arc :)
Ako: Oy ikaw pala, hehe. Saan mo nakuha ang # ko?
Siya: Sa friend mo.
Ako: Ah ganun ba.
Siya: May gagawin ka ba bukas?
Ako: Wala naman. Bakit?
Siya: Sabado kasi bukas eh kaya may Bible study kami. Yayayain sana kitang sumama samin.
Ako: Ah sige sure, anong oras ba?
Siya: 2pm, susunduin nalang kita diyan bukas
Ako: Ah ok sige.
Siya: Sige tulog na ako. Good night. :)
Ako: Good night din :)
Pagkatapos ng convo namin, natulog na ako.
Excited na ako para bukas.
----------------------------
Nandito na kami ngayon ni Arc sa labas ng chapel na kung saan kami mag ba-Bible study.
"Tara Mai, pasok na tayo." pagyaya sakin ni Arc kaya pumasok na kami.
At dun ko nakita ang mga teenagers na nakaupo. Binati naman nila ako nang nakangiti. Mukhang mababait din naman sila.
Bigla namang tumayo ang isang lalaki at pumunta sa gitna. Mukhang siya yata ang leader dito.
"Good afternoon everyone."
At nagresponse naman kami sa kanya.
Bago nagstart ay nagpray muna kami. Then bigla naman niya akong napansin.
"Oh, hello ija. Bago ka lang ba dito?"
Nagnod naman ako as answer. Then pinakilala naman ako ni Arc sa kanila.
"Nice to meet you Mai. Now let's start. So our lesson for today is love. In verse 1 John 4:8, 'Whoever does not love, does not know God. Because God is love.' So for me, wala tayo dito kung wala ang pagmamahal ni God para satin. Kaya we should love Him too because He gave his only begotten son to save us. Ganyan tayo kamahal ni God. Romans 5:8, 'God shows His love towards us, in that, while we were yet sinners, Christ died for us.'"
Grabe ang ganda pala dito, marami akong natututunang bago tungkol sa panginoong Diyos na gumawa satin.
Bigla din niya tinacle ang relationship love ng dalawang tao.
"Just put your hope in God at makikita mo rin ang right girl or boy para sa inyo in the right time. Psalm 37:4, 'Delight yourself also in the Lord; and He shall give you the desire of your heart.' Hindi niyo kailangang magmadali. Makuntinto ka muna sa pagiging single. Dahil pag naghintay ka, mas masaya ang magiging buhay mo pag nag-asawa ka na. Wag magpadala sa nararamdaman mo. Ibigay mo muna ang pagmamahal mo sa Diyos."
Bigla naman akong napa-isip sa sinabi niya. Tama nga siya, nagkaboyfriend ako ng maaga eh, kaya maaga rin akong nasaktan. Buti naman at natauhan na ako. True love really waits.
"Love is patient, love is kind, love does not envy, love does not boast, love is not proud, love is not rude, love is not self seeking, love is not provoked, love thinks no evil, love rejoices in the truth, love bear all things, love believe all things, love hopes all things, love endures all things, love never fails."
Pagkatapos ng closing remarks, nagclosing prayer na kami. Tapos umalis na. Habang naglalakad kami ni Arc palabas, hindi pa rin mawawala ang mga tinuro ng leader samin kanina.
"Alam mo Arc, ngayon ko lang narealize na kailangan nating maghintay for love. Dahil ang love, makakahintay yan. Siguro kailangan muna nating unahin ang pag-aaral para walang sagabal." sabi ko sabay tingin sa kanya.
"Oo nga. Kasi baka ang taong karelasyon natin ngayon eh infatuation lang pala ang tingin niyo sa isa't isa. Oh diba sayang lang. If God sees that you need a mate, He will provide the right one at the right time." tapos tumingin siya sakin at ngumiti. Kaya nginitian ko rin siya.
---------------------------------------
It's been 8 months at mas lalong naging masaya ang pagkakaibigan namin ni Arc. Kahit magkaiba ang section namin, nandiyan pa rin siya para sakin. At sa walong taon na yun, nawala na ang feelings ko kay Clifford. At sa walong taon din na yun, nakaramdam ako ng ibang saya. Yung saya na yun ay sobra pa sa nadarama ko nung naging kami ni Cliff.
Hindi ako sigurado sa nararamdaman ko. Kung infatuation lang ba 'to, o mahal ko na talaga siya. Basta maghihintay ako para sa kanya.
Nandito kami ngayon sa grounds, tambay tambay. Gusto lang naming ispent ang araw namin sa isa't isa. Dahil 1 week nalang at magmomoving up na kami.
"Mai, 1 week nalang, moving up na natin. Saan ka mag-aaral next school year?"
"Hmmm, siguro dito pa rin. Ikaw?"
Nakita ko namang nalungkot siya kaya bigla ko siyang siniko.
"Hoy, wag ka ngang madrama."
Tapos nagtawanan kami. Pero bigla din naman siyang naging seryoso.
"Pagkatapos ng moving up, aalis na kaming magpamilya."
Binigyan ko naman siya ng nagtatakang tingin.
"Ha? Anong ibig mong sabihin?"
Bigla naman siyang bumuntong hininga at hinawakan ang mga kamay ko.
"Pupunta kaming Canada. Dun ko ipapatuloy ang pag-aaral ko."
Bigla naman akong nadismaya sa sinabi niya.
Aalis siya? Di ko na siya makikita?
Napayuko nalang ako sa sinabi niya dahil sa lungkot.
"Kaya nga sasabihin ko na sa iyo ang tunay kong nararamdaman."
Napatingin ako ulit sa kanya.
Teka? Tunay niyang nararamdaman? Anong ibig niyang sabihin?
"Alam mo kasi Mai, sa 8 months na pagsasama natin, nakaramdam ako ng ibang saya. Yung sayang sayo ko lang nararamdaman. Yung napapangiti nalang ako kapag nakikita kita. At ang ngiting yun, sayo ko lang napapakita. Hindi ko alam Mai, hindi ako sigurado sa nararamdaman ko. Siguro nga mahal na kita."
Bigla naman akong naging speechless sa sinabi niya. M-mahal niya.... Ako?
"Mai? Okay kalang?"
"Ahh, sorry, nabigla lang kasi ako. Hooo~ alam mo kasi..."
Sasabihin ko na 'to.
"...mahal rin kita. Pareho tayo ng nadarama. Napapasaya at napapangiti mo ako Arc. Pero, aalis kana."
Bigla naman akong nalungkot.
"Mai, only distance and time can tell us that we really love each other. Kaya kakayanin ko ang lahat para sayo. Mag-aaral ako ng mabuti sa Canada para sayo. At maghihintay ako para sayo. Basta hintayin mo rin ako."
Napangiti naman ako.
"Oo Arc, hihintayin kita. At hindi ako mapapagod kakahintay sayo. Mahal kita Arc."
"Mahal din kita Mai."
And we hugged each other.
----------------------------------
The next day after ng moving up, pumunta ako sa bahay nila. Pero I'm too late. Kanina pa sila umalis. Haaay, di man lang ako naka-goodbye sa kanya.
Hindi man lang siya nagtext o nagtawag na umalis na sila.
Hindi ko na rin siya macontact. Kahit sa sss hindi na siya nagpaparamdam. Naman eh, namiss na kita Arc.
Haaay, pero maghihintay ako sayo Arc. Basta wag mo lang akong paasahin. True love waits naman diba. Maghihintay ako.
------------------------------------------
After 10 years
Arc's POV
Nandito ako ngayon sa playground na tinatambayan namin noon ni Mai. Nakauwi na kasi ako dito sa Pinas eh, kahapon pa. At sa paglapag ng eroplano, siya agad ang una kong hinanap. Kaso nung pumunta ako sa bahay nila, iba na yung nakatira. At hindi raw nila alam kung saan na nakatira ngayon ang dating nagmamay-ari ng bahay.
Haaay. Kung bakit kasi nasira pa yung simcard ko, ayan tuloy, di ko siya nakakausap o natetext. Di ko kasi kabisado cp # niya eh. Hindi ko rin siya mahanap sa sss dahil nahack ang account ko. I tried to find her after 2 months gamit ang iba kong account kaso ibang name na daw ang ginamit niya kaya di ko nahanap. Tsaka busy kasi ako lagi noon sa America kaya wala akong time para diyan.
Kaya nandito ako ngayon sa bench ng playground na 'to, hinihintay siya. Baka kasi makita ko siya dito.
Kung alam lang niya na lagi ko siyang pinagpepray. Na sana mahanap ko siya. Dahil gusto kong ipagmalaki sa kanya na nakayanan kong hintayin siya for 10 years. At ready na ako ngayon.
Habang nagmumuni, may bigla namang tumama na maliit na bola sa paanan ko. Kaya kinuha ko ito.
"Kuya! Boya ko yan!"
Napatingin ako sa batang lalaki na tumakbo papunta sakin. Ang cute naman. Binigay ko naman sa kanya ang bola at tinap ang ulo niya.
"Hi baby boy. Anong name mo?"
"Marc!"
Napatingin naman ako sa babaeng sumigaw at pumunta dito.
Teka....
"Nandito ka lang pala Marc." sabi ng babae sabay hawak kay Marc.
"Mai?"
Napatingin naman siya sakin at halatang gulat na gulat siya.
"Arc?"
Sa wakas nakita ko na rin siya. Grabe, I missed her so much. Mas lalo siyang gumanda ngayon.
"Mama, kilala mo siya?" tanong nung batang lalaki sa kanya.
Nagtaka naman ako sa sinabi niya.
Mama?
"Ahh, oo Marc. Friend ko siya nung highschool."
Teka, wag mong sabihing...
Napatayo naman ako at tinignan siya sa mata.
"M-mai. A-anak mo ba siya?"
Napayuko naman siya at nagnod.
H-hindi. B-bakit? Bakit di niya ako hinintay?
"Sorry Arc, naunahan kita. Ang tagal ko kasing naghintay. At hindi ako sigurado kung hinihintay mo pa rin ba ako. Wala na kasi tayong contact sa isa't isa. Kaya ayun, sumuko na 'ko. Nakakapagod kasing maghintay eh. I'm sorry."
Parang gumuho ang mundo ko dahil sa mga sinabi niya.
For 10 years na paghihintay ko, nasayang lang yun. Sumuko kasi siya bigla. Ang sakit isipin na ikaw nagpakahirap kakahintay sa kanya, tapos siya naman gumive up na.
"Akala ko ba Mai mahal mo 'ko. Edi sana hinintay mo ako. True love waits diba."
Binigyan niya ako ng isang malungkot na ngiti.
"Oo mahal kita. Naghintay ako. Kaso napagod ako eh. Kaya nilaan ko nalang sa iba."
Bigla akong napayuko. Kainis, para yata akong iiyak.
"Hindi na ba talaga pwede?"
"It's too late Arc."
At napaupo nalang ako sa bench.
"Marc!"
Napatingin naman ako sa isa pang babae na pumunta sa pwesto namin at kinuha si Marc.
"Mamaya ka na muna makipaglaro kay tita Mai-mai mo ha. May kausap kasi siya eh. Tara, samahan mo muna si mommy kumain."
At umalis na silang dalawa.
Teka? Ano yun?
Napatingin naman ako kay Mai at binigyan siya ng confused look.
Nakita ko naman na para siyang matatawa. Kaya nagpeace sign siya.
"Hehe sorry."
Sinamaan ko naman siya ng tingin. Kasi naman eh, nakakatakot yung ginawa niya. Natatakot ako sa posibilidad na wala na talaga. Pero in the end joke lang pala yun?! Aish.
"Ikaw talaga." tapos tumayo ako at binatukan siya.
Bigla naman siyang napahawak sa ulo niya at nagpout.
"Aray naman. Sorry na kasi. Pamangkin ko lang yun."
"Ikaw kasi eh. Eh bakit mama tawag nun sayo?"
"Hahaha bulol kasi. Mai-mai dapat yun. Wala naman talaga akong anak eh. Sorry na."
Bigla naman akong napangiti at niyakap siya ng mahigpit.
"Akala ko kasi di na ako. Akala ko sumuko ka na talaga."
Hinagod naman niya ang likod ko.
"Ano ka ba, hindi mangyayari yun. Ikaw lang ang lalaking hihintayin ko. Sa 10 years na paghihintay ko, dun ko nalaman na ikaw lang talaga ang mamahalin ko."
Bigla naman kaming naghiwalay ng yakap at binigyan siya ng doubt look.
"Talaga? Ako lang?"
Hinawakan naman niya ang mukha ko at tinignan ako ng deretso sa mata.
"Ikaw lang Arc. Kung alam mo lang kung ilang lalaki ang nireject ko. Kasi alam ko na manghihinayang ako kapag di ikaw ang pipiliin ko. You are worth waiting for Arc."
"Ikaw rin. I will treasure you, because you are God's princess. I love you Mai."
Nagsmile siya at hinug ako.
"I love you too Arc."
And so our waiting has come to an end. True love is really worth the wait. Hinintay ko siya, hinintay niya ako. Kaya ito kami ngayon, masaya. Hindi kasi kami nagmadali. We trusted God and put our hope on Him. Kaya binigay niya ito at the right time. I'm happy for this wonderful blessing. At hindi ko sasayangin ang regalong ito. Kaya guys, always remember, no matter how long it takes, true love is worth the wait. :)
THE END!