Mabilis na paalam ni Sachie kina Chonii. Hindi na hinintay pa ni Sachie ang tugon nina Chonji at agad na tinulak ang kinauupuan ko palayo sa pwesto ko kanina.
"Teka, Sachie anak!"Dinig ko pang tawag nong Feral kay Sachie na nakangiwi ngayon.
"Tingnan mo, Kristen! Nagtatampo na nga!—aray!"-Feral.
"Kailan pa kita naging asawa!"-Kristen.
"Fifth Sachie!'
"Fifth!"
"Fifth Sachie Ky!"
Tuluyan na kaming nakalabas ni Sachie sa 3rd stage.
"*"Sachie, kaano-ano mo sina Kristen?"*"Tanong ko ng makatyempo. Saglit naman niya akong binalingan ng tingin.
"Ah, sila? Kapatid-kapatid ko. Parang tayo lang, magkapatid ngunit hindi magkadugo. May gusto kase si Kuya Feral kay Ate Kristen kaya tinatawag ako ni Kuya Feral na anak kapag nasa malapit lang si Ate Kristen."Sabi naman ni Sachie.
Napatango-tango naman ako.
"Pero mabait yong si Ate Kristen kahit mas nagmumukha siyang lalake kesa kay Kuya Feral."Dugtong naman niya.
Hindi ko na napigilan at napangiwi. Nagmumukha nga siyang lalake dahil sa kilos at pananalita niya.
"Kamusta pala ang first day mo?"Nakangiting tanong niya sakin.
Napaisip naman ako. Kamusta nga ba ang first day ko? Pumasok naman sa utak ko ang mga scenario na nangyari ngayong araw.
Napangiwi ako ng maalala ko ang biglaang pagsulpot ni Cristoff.
"*"Ayos naman, masaya tapos sobrang bait pa ni Prof. Tapos alam mo bang napaka-cool ng ability ni Chonji? Yong lalaking kasama ko kanina. He's a animal holder. Sobrang cool, lalo na yong part na binuhat ako ng mga langgam."*"May halong pagkamangha ang huling sinabi ko.
"*"Tapos ang hinhin ni Kina, yong babaeng kasama ko rin kanina. Sobrang bait niya, kahit kakakilala pa lang namin alam ko na agad ang ugali niya."*"Dugtong ko pa.
"*"Then may nakilala pa akong mga jokers, Sachie. Si Cargo, Pilimon, Sipyo at Bogart. Nakakatawa talaga sila as in hahaha. Nagkagulo pa sa loob ng classroom matapos ihampas nina Cargo, Pilimon at Sipyo ang tissue na may sipon nila sa pagmumukha ni Bogart hahaha."*"Natatawa ko pang sabi ngunit napatigil din sa pagtawa at napatikhim.
"Oh? Bakit ka huminto?"Takang tanong sakin ni Sachie na ngayon ay may mawalak na ngiti na sa labi.
Binigyan ko na lamang siya ng pilit ngiti na ikailing-iling niya.
"Masaya sa 3rd stage noh? Ang turingan d'yan ay pamilya, malaya ka rin na gawin ang gusto mo hanggat hindi nakakalabag sa batas ang gagawin mo."Nakangiting malawak na sabi ni Sachie.
Ilang minuto at nakarating kami sa harap ng girls dorm. Pumasok kami sa loob at gaya kaninang umaga ay nagpakita naman ng galang ang mga estudyanteng nadadaanan ni Sachie.
Pumasok kami sa building kung saan nandon ang dorm nina Sachie at dumiretso sa elevator.
Agad kaming nakapasok sa elevator dahil hindi naman gaano kadami ang gumagamit ngayon sa elevator.
"*"Nasan pala sina Terry?"*"Tanong ko habang hinihintay na bumukas ang pinto ng elevator na sinasakyan namin ngayon.
"Nasa boys dorm yata si Terry, tapos baka nasa tindahan ni Becky ngayon si Wendy."Sagot naman nina Sachie.
Saktong bumukas naman ang pinto. Lumabas na kami sa loob ng elevator. Hindi naman gaano kahabang hallway ang tinahak namin at agad na nakarating sa dorm nina Sachie.
Huminto kami sa harap ng pinto at binuksan naman ni Sachie ang pintuan.
"Oh, thank you soo much Sis Doc. Sis Becky gave me this lipstick. Wanna try?"-Wendy.
Bumungad samin si Wendy habang nakaharap sa isang matandang babae. Nakalahad pa ang kamay ni Wendy na may lipstick.
Napahinto sila at nabaling samin. Napasilip pa si Terry na ngayon ay nasa loob ng kusina na may hawak hawak pangsandok.
"Hecia! Sachie!"-Wendy/Terry.
Kumaway samin si Terry habang tumayo naman si Wendy at sinalubong kami ng saglit na yakap.
"Oh, Sis Doc! This is Hecia."Baling naman ni Wendy sa tinatawag niyang Sis Doc.
Sinarado ni Sachie ang pinto at lumapit naman kami sa pwesto ng matandang babae.
"Hi Tita!"Bati naman ni Sachie sa matandang babae.
Maliit na tumango ang matandang babae habang nakangiti ng maliit bago siya bumaling sakin.
Teka,
Doctor Ne! My personal doctor!
Nakaramdam naman ako ng kaba dahil syempre hindi niya alam ang pagbabalatkayo ko bilang normal na estudyante.
Baka may masabi na lamang siya.
"I'm Doctor Ne, Tita ni Sachie."Pakilala naman ni Doctor Ne sa kanyang sarili.
Napatigil ako.
Teka, hindi ba niya ako namumukhaan? Hindi niya ako nakikilala!
What a relief.
Dumako ang tingin niya sa kanang paa ko. Lumapit pa siya sakin at maingat na hinawakan ang kanang paa ko bago niya unti-unting tinanggal ang benda.
"Panandaliang pagtigil ng paglabas ng dugo ang ginawa ko sa sugat niya, Sis Doc."Singit naman ni Terry.
Napatango-tango si Doctor Ne bago niya maingat na hinawakan ang sugat. May pumalibot naman na kulay berde sa may sugat ko.
Umiikot-ikot ito sa kanang paa ko at para naman itong hinihigop ng sugat ko.
Ilang minuto at unti-unti ko namang nararamdaman na nawawala na ang kirot sa may kanang paa ko.
Inalis ni Doctor Ne ang kanyang kamay bago siya bumalik sa pagkakaupo.
Namangha ako ng naging normal na ang kanang paa ko! Nawala na ang sugat ko!
Walang pinagbago pa rin si Doctor Ne. Napakagaling niya pa rin sa paggagamot.
"*"Maraming salamat."*"Pagpapasalamat ko.
"Nga pala Your highness, hindi mo kasama ang Butler mo?"-Doctor Ne.
Ilang minutong katahimikan. Hindi ko alam kung anong itutugon ko. Parang nagloading bigla ang utak ko dahil sa narinig.
Hindi pa rin nawawala ang maliit na ngiti sa labi ni Doctor Ne. Napara bang walang mali sa kanyang sinabi.
Naputol ang katahimikan ng mabitawan ni Terry ang sandok na hawak niya.
"Teka ano? Your highness?"-Sachie.
"What do you mean 'bout that, Sis Doc?"-Wendy.
"Ha."-Terry.
Bago pa may masabing iba si Doctor Ne ay tumayo na ako at sumenyas na tahimik muna. Tumahimik naman sila at hinintay ang sunod kong sasabihin.
"*"I'm from Taurus. Doctor Ne is my personal doctor, tinatawag niya akong 'Your highness' dahil hindi ko alam haha, nakasanayan niya lang I think?"*"Sabi ko at nagpilit ngiti.
Tiningnan ako ni Wendy na may nanunuring mata habang si Terry naman ay nagloloading pa ang utak habang si Sachie naman ay kunot na kunot lang ang noo.
"*"Right, Doctor Ne?"*"Baling ko kay Doctor Ne.
Nilingon niya ako na may mapaglarong ngiti bago siya natawa ng mahina habang naiiling. Tumango siya bilang tugon.
"Oh, is that so? Haha, I t-thought HAHAHA. Impossible."Umiiling na sabi ni Wendy habang tumatawa.
"Personal doctor? Teka, akala ko ba ay personal doctor ka ng Majesty, Tita?"Takang tanong ni Sachie kay Doctor Ne.
Napatikom ako at napatigil agad si Wendy at mas dumagdag pa ang pagiging slow ni Terry.
"Personal doctor nga ako ng Majesty."Nakangiting sabi ni Doctor Ne.
Katahimikan.
Magsasalita na sana sila ng agad akong nagwait sign.
"*"Personal doctor ko siya at personal doctor din siya ng M-majesty."*"Agad kong sabi.
"*"D-diba, Doctor Ne? Haha,"*"Baling ko ulit kay Doctor Ne. Tumango siya bilang sagot.
Bumaling ako kina Wendy na hindi pa rin nagsasalita. Nakatingin lang sila sakin—silang tatlo.
"What!?"-Wendy.
Muntik na akong mapatalon sa gulat sa biglaang pagsigaw ni Wendy. Napailing-iling naman si Sachie at iginilid ang wheelchair.
"Nakakatayo ka na."Nakangiting sabi ni Sachie.
Pinulot ni Terry ang sandok at pumasok sa loob ng kusina.
Ngumiti ako pabalik kay Sachie at magsasalita na sana ng bigla na lamang hawakan ni Wendy ang magkabilang balikat ko at sinimulang yugyugin.
"So may koneksyon ka sa Princess!?"Gulat na may halong pagkamanghang sabi niya.
Hindi agad ako nakasagot dahil sa pagkabigla.
"Gusto ko rin magkaroon ng koneksyon sa Princess, Heciaaaaaa. Hoooow?"Dugtong pa niya habang hindi pa rin tumitigil sa pagyugyug sakin.
Sumingit na si Sachie at pinahinto si Wendy.
"Paano yan sasagot kung yinuyugyug mo."Naiiling na sabi ni Sachie.
Binitawan ako ni Wendy at parang batang tumingin sakin ng 'paano-buksan-candy'.
Ngumiti nalang ako ng pilit at lumunok.
"*"Gawing personal doctor mo rin si Doctor Ne?"*"Patanong kong sagot.
Mabilis na tumingin si Wendy kay Doctor Ne na masayang pinapanuod kami.
"SIS DOOOOOOC!"-Wendy.