Chapter 1
Pang-ilang hikab ko na ito habang tinitingnan ang ilang mga litrato ng mga Royal Prince sa iba't ibang mundo. Ilang araw na akong nababagot sa paghahanap ng magiging mapapangasawa ko.
Madami namang almost perfect, may iba pa ngang perfect sa mga binibigay sakin ni Butler Pil na litrato at mga impormasyon, ngunit hindi ko pa rin nakikita yong worth sa kanila.
Bilang isang prinsesa ng kilalang mundo ay dapat talagang hindi ko pagsisisihan ang mga desisyon na ginagawa ko. Dapat ko munang isipin ng mabuti at isulat ang mga posibilidad na mangyayari sa kinabukasan, bago ko piliin ang tamang desisyon.
"Your highness?"
Nakangusong lumingon ako kay Butler Pil na kakapasok lang. Inabot ko sa kanya ang mga litratong binigay niya sakin kanina.
Tinanggap naman niya ito agad, "Wala ka pa rin pong napipili, Your highness?"Pormal naman na tanong niya sakin.
Tumango ako at napalumbaba na lamang sa mesa ko.
"Paano na po iyan, Your highness? Kailangan mong makahanap agad ng mapapangasawa para maipasa na sa'yo ang trono bilang reyna ng Tauruses."Paalala niya ulit sakin. Pang-ilang beses na niyang sinasabi sa akin na kailangan kong makahanap agad ng mapapangasawa as soon as possible.
Kung bakit ba kase ginawa pa ang batas na bawal ang maging Reyna o 'di kaya ay maging Hari kung hindi pa ito ikinakasal sa taong makakasama niya habang buhay.
Inikot-ilkot ko ang ballpen na hawak hawak ko. Sinusubukan kong mag-isip kung paano ko malalampasan ang pagsubok na ito. Paano nga ba?
May bigla na lamang sunod sunod na kumatok ngunit ang tingin ko pa rin ay sa ballpen na iniikot-ikot ko sa kamay ko.
Asawa? Nakakabagot naman siguro na papakasalan ko na lamang ang taong 'di ko naman mahal.
Ayaw ko ngang maging kagaya ng ibang Reyna sa ibang mundo na upang mailipat lang sa kanila ang trono ng pagiging Reyna ay pinakasalan na nila agad ang mga perpektong Royals—.
"Your highness."
Inaantok ang mga matang inangat ko ang paningin ko ng marinig ko ang boses ni Beyonce—ang kanang kamay ko. Nakita ko pa siyang umirap kay Butler Pil.
Ayan nanaman ang mga sama ng loob nila sa isa't isa.
Kaya ako nagdadalawang isip na maghanap ng mapapangasawa dahil baka magiging kagaya lang ako kay Beyonce.
Ilang taon niyang naging asawa si Butler Pil tapos sa huli ay maghihiwalay lang pala sila. Naaalala ko pa nong eleven years old ako, ang ingay ingay talaga nila sa opisina ko.
Puro away, away, away. Buti nakuha ko pang magconcentrate non—at buti nalang pinapalayas agad sila ni Miss Lori.
Ni-rest ko ang ulo ko sa table ng makita ko ang mga makakapal na mga papel na dala dala niya. Nakangiti niya itong nilapag sa harap ko bago tumayo ng tuwid.
"Cheer up, Your highness. May mga trabaho ka pang gagawin."Nakangiti niyang sabi. Sumimangot lang ako at lumingon na lamang sa ibang deriksyon.
Ilang sigundo at narinig ko ang mahinang tawa ni Beyonce na para bang nasisiyahan siya sa pag-iiba iba ng reaksyon ko.
"Lady Beyonce. Pagod na pagod sa paghahanap ng mapapangasawa ang highness kaya't bigyan na muna natin siya ng space upang makapag-isip isip."Dinig ko namang sabi ni Butler Pil. Napatango-tango naman ako sa aking isipan.
Mas mabuti pa nga.
"Really? Wait, hindi ba't parang hindi na tama sa seventeen years old princess ang pahanapin agad siya ng mapapangasawa? Wala pa nga siya sa legal age."Dinig ko namang tugon ni Beyonce. Napatango-tango ulit ako sa aking isipan.
Tama, tama.
"Ngunit yon na ang napag-usapan ng mga nakakataas. Hindi raw pwedeng hayaan ang mundong walang Reyna."Dinig ko namang sabi ni Butler Pil.
Mahina akong napabuntong hininga.
"Hindi ba pwedeng maghintay muna sila hanggang sa ready na ang Prinsesa? Naha-handle naman ng Prinsesa ang mundong Tauruses ng tama ah."Dinig kong tugon ulit ni Beyonce.
Muli akong napatango-tango sa aking isipan, sang-ayon ako sayo.
Umayos ako ng pagkakaupo at tumikhim kaya naman agad kong nakuha ang mga atensyon nila. Maliit silang yumuko sa harap ko.
Kinuha ko ang unang makapal na folder. Binuksan ko ito at una ko namang nabasa ay ang pangalan ng nag-iisa at sikat na Academia ng Tauruses.
Kumunot ang noo ko. Ito ang kauna-unahang may report ang Academia. Sa ilang taon kong pamamahala ay wala namang ni-isang problema akong nabasa tungkol sa Academia.
Dahil maayos itong naha-handle agad ng headmistress—Miss Lori. Marespeto at well-behaved din ang mga students.
"*"May nangyari sa Academia?"*"Tanong ko at sinimulang basahin ang mga nakasulat ngunit dahil tamad ako ay lumingon ako kay Beyonce at hinintay ang sasabihin niya.
Nagpaalam naman siya sakin na kung pwede ay hiramin niya muna sakin ang folder kaya naman ibinigay ko ito sa kanya at pinanuod siyang may binabasa.
"Ayon sa Headmistress ng Academia ay may nagngangalang Cristoff Sizzar ang palaging nanggugulo sa loob ng Academia—two years ago itong nag-enroll sa Academia kasama ang kapatid niyang si Zyon Sizzar at ang pinsan na si Terry Sizzar. Ang estudyanteng si Cristoff Sizzar ay araw araw na may nasisirang mga buildings, may nasugatan ng mga students at kamuntikan na rin daw niyang nasunog ang buong training area."Pagsisimula ni Beyonce.
Mas kumunot pa ang noo ko dahil sa narinig. Ibubuka na sana ni Beyonce ang kanyang bibig ng unahan ko na siya sa pagsasalita.
"*"Kamuntikang nasunog? Anong ability niya?"*"Agad kong tanong.
Sinarado naman niya muna ang folder at may kinuhang isang folder sa table ko bago niya ito binuklat.
"A fire holder?"Patanong na sabi ni Beyonce. Nagkatinginan kaming tatlo—Butler Pil, Beyonce at ako.
"*"May fire holder? Hindi ba siya taga-ibang mundo?"*"Tanong ko ulit. Binuklat niya ulit ang folder at may parang hinahanap bago siya tumingin sakin at umiling.
Dalawang tao lang ang alam kong nagtataglay ng apoy.
Winala ko na lamang muna ang mga nasa isip ko at sinabing ipagpatuloy ang pagbabasa niya ng report ng Academia.
Pinagpatuloy niya ulit ang naudlot na pagbabasa. Hindi naman ito umabot ng ilang oras at agad na naintindihan ang report.
Pinalabas ko muna sila at tinitigan ang litrato ng estudyanteng si Cristoff Sizzar.
Halata sa mukha niya ang pagiging takaw g**o. So, two years siyang nag-enroll sa Academia? May taglay na katalinuhan at pagiging magaling sa pagkontrol ng ability at may kakayahan din sa pakikipaglaban—gayon din ang kapatid niya.
Two years? Imposible naman yatang may mga taong may ganito ng kakayahan kahit kakapasok palang nila sa Academia, maliban na lamang kung may nagsanay na sa kanila.
Kumunot pa ang noo ko ng mabasa ko ang ability ng kapatid ng estudyanteng Cristoff Sizzar.
Magkaiba sila ng ability? May mga magkakapatid pa palang magkakaiba ng ability.
Hinanap ko ang lugar kung saan sila galing at kung saan sila lumaki ngunit ang nakalagay lamang dito ay 'unknown'.
Wala? Binuklat ko pa nang binuklat ngunit hindi ko mahanap-hanap ang lugar kung saan sila nanggaling at lumaki.
Nakabuntong hiningang sinarado ko at nilapag sa table bago sumandal sa kinauupuan ko. Ang kampante ko pa naman na hindi na ako kailangan ng Academia since nandon naman si Miss Lori pero ba't—.
-
"Ano!?"
Mabilis akong napatakip sa tenga ng magkasabay na sumigaw si Butler Pil at Beyonce. Kung makareact parang wala ng bukas ah.
"B-bababa ka sa k-kastila? M-mag-eenroll ka sa Academia bilang n-normal na estudyante!?"Utal utal na pag-uulit ni Beyonce sa sinabi ko. Gulat na gulat pa rin ang mga mukha nila na parang 'di talaga sila makapaniwala sa sinabi ko.
Binaba ko ang kamay ko sabay nagdekwatro at nagcross arms bago nakataas noong tumango.
"P-pero 'di na ba magbabago isip mo, Your highness?"-Butler Pil.
"T-tama! May mga trabaho ka pang dapat asikasuhin, Your highness."-Beyonce.
"Baka bigla ka na lamang atakehin ng mga Evils, Your highness."-Butler Pil.
"T-tama ulit! Hindi namin masisigurado ang iyong kaligtasan kung bababa ka sa kastila bilang isang normal na estudyante, Your highness."-Beyonce.
Ngumiti lang ako sa kanila sabay baling kay Butler Pil, "*"Butler Pil. Hindi na magbabago ang isip ko, tsaka paano ko maaasikaso ang report ng Academia kung in the first place hindi ako pwedeng bumaba sa kastila hanggat Prinsesa pa lamang ako. Ayon sa batas, hindi pwedeng makita ng kahit nasinumang mamamayan ang mukha ng magiging Reyna, maliban na lamang sa mga kasalukuyang naninilbihan sakin kagaya niyo."*"Sabi ko bago bumaling kay Beyonce.
"*"Babalik ako sa kastila kada gabi at aasikasuhin ang mga trabahong naiwan ko, Beyonce."*"Sabi ko sa kanya.
"U-uh, Your highness. Pwede namang ako—ang kanang kamay mo ang bumaba sa kastila."Yumuko siya matapos niyang sabihin iyon, "Walang pagdadalawang isip na gagawin ko ang anumang utos na iyong sasabihin. Ipinapangako kong—."
Itinaas ko ang kanang kamay ko na ikahinto naman niya sa pagsasalita. Senenyasan kong iangat niya ang ulo niya kaya agad naman niyang inangat ang ulo niya.
"*"Huwag kayong mag-alala, kaya ko ang sarili ko."*"Nakangiti kong sabi.
"*"Hindi ako magiging karapatdapat na Reyna ng kilalang mundo—Tauruses kung hindi ko man lang kayang alagaan at ilayo sa kapahamakan ang sarili ko."*"Dugtong ko pa.
Mas bumakas pa lalo sa mga mukha nilang dalawa ang pag-aalala.
"Ngunit, Your highness. Hindi mo pa nababawi ang iyong kapangyarihan."