Nasa kwarto ako at sinusuklayan naman ni Beyonce ang buhok ko.
"Napakaputi at napakakinis ng iyong balat, Your highness. Dagdagan mo pa ng iyong angking kagandahan. Paniguradong mapagkakamalan ka kaagad na Royal."Dinig kong sabi ni Beyonce habang sinusuklayan pa rin ang buhok ko.
Proud akong napangiti.
"I know right."Proud na sabi ko. Dinig ko naman ang mahinang buntong hininga ni Beyonce.
"Pwede ba kitang matulungan sa pagbabalatkayo, Your highness?"Patanong niyang pagpapaalam sakin. Agad naman akong nagthumbs up.
"*"Saktong sakto, balak kong humingi ng tulong sayo sa pagbabalatkayo."*"
Huminto siya sa pagsusuklay sa buhok ko at tumayo sa harap ko. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago siya nagcast ng spell at may pumalibot naman sa akin na kulay violet.
Hindi pa man nag-iilang minuto ay unti unti ng umiiba ang kulay ng balat ko. Ito'y nagiging normal na, na balat—kagayang kagaya na sa balat ng aking mga nasasakupan.
Habang ang buhok ko naman ay nagiging hanggang balikat. Tumingin ako sa salamin at tiningnan ang mukha ko.
Wala namang nag-iba, tanging ang kulay lang ng balat ng mukha ko ang nag-iba kaya kahit kunti nama'y nababagohan ako sa itsura at mukha ko ngayon.
Para na akong normal na estudyante kapag suot suot ko ang uniform ng Academia. Napangiti ako sa aking naisip. 'Normal na estudyante'. Ibig sabihin, sa oras na pagtapak ko sa lupang inaapakan ng aking mga sinasakupan ay isa na akong normal.
Hindi isang Prinsesa na magiging Reyna, kundi isang normal na tao—normal lang.
May biglang kumatok kasunod non ang pagbukas ng pintuan. Napalingon naman ako roon maliban kay Beyonce na inaayos pa ang itsura ko.
Bumungad sakin si Butler Pil na may dala dalang envelope. Nagbow siya bilang paggalang at naglakad papalapit sakin.
Inabot niya sakin ang envelope kaya naman tinanggap ko ito at kinunutan siya.
Binuksan ko at tiningnan kung ano ang laman at nakita ko naman ang isang papel. Nilabas ko ang papel sa envelope at tiningnan kung anong mga nakasulat.
'Hecia Ruses'.
Ang bagong pangalan ko.
—Eight years ago.
"Hecia! Tama, Hecia!"Sabi naman bigla ni Beyonce habang nakataas pa ang hintuturo ng kanang kamay niya. Nilingon siya ni Butler Pil ng pagtataka.
"Bakit Hecia?"Tanong naman sa kanya ni Butler Pil.
Nasa garden kami ngayon ng kastila at pinag-uusapan namin ang magiging pangalan ng anak ni Beyonce—kung sakaling magkaroon sila ng anak.
"Kase gusto kong magkatunog ang pangalan ng anak natin at ang pangalan ng Highness."Sagot naman ni Beyonce.
Agad ko namang nagets ang ibig niyang sabihin. Napangiti ako dahil sa narinig, ganon din si Butler Pil.
—End.
"*"Hecia?"*"Patanong kong banggit sa unang pangalan ko. Ngumiti naman si Beyonce at tumango bilang tugon sakin.
Kahit nagtataka ay hindi na lamang ako nagtanong pa kung bakit. Baka mag-away ulit si Butler Pil at Beyonce.
Pinasok ko sa loob ng envelope ang bagong status ko at nagpasalamat kay Beyonce dahil sa pagtulong sakin sa pagbabalatkayo bago kay Butler Pil na nag-asikaso sa new identity ko.
Ngayon ako bababa ng kastila. Excited ako syempre.
May inabot sakin si Butler Pil na isang normal na bato. Tinanggap ko ito at tiningnan ulit siya ng may kunot sa noo.
"Dadalhin ka niyan sa garden ng kastila at sa loob ng opisina ng headmistress, Your highness."-Butler Pil.
Mas kumunot pa ang noo ko, "*"Opisina ng headmistress?"*"Takang tanong ko, "*"Bakit sa opisina ni Miss Lori?"*"Nakangiwing sabi ko pa.
"Ang opisina ng headmistress ang safe sa buong academia para sumulpot, Your highness."Sagot naman ni Butler Pil sa tanong ko.
Tinitigan ko ang bato at bumakas naman sa mukha ko ang pagkamangha, "*"Nakagawa ka kaagad ng ganito sa napakaliit na oras?"*"Manghang sabi ko.
Napahawak naman siya sa batok niya at proud ang mukhang tumingin-tingin sa ibang deriksyon. Binatukan siya ni Beyonce bago tumingin sakin na nakangiti.
"Syempre may ambag din ako niyan, Your highness. Ako mismo ang nagbalatkayo niyan bilang bato upang 'di masyadong halata."Proud na singit ni Beyonce. Nabaling naman ang tingin ko sa kanya.
"*"Talagaaa?"*"Manghang sabi ko.
"Yaaah, Your highness!"Proud na tugon niya sakin.
"*"So, paano 'to gamitin?"*"Tanong ko. Nilingon naman ni Butler Pil si Beyonce na ngayon ay nakatingin sa batong hawak ko.
"Sabihin mo lang ang salitang 'vrectos si' at dadalhin ka niyan sa opisina at kapag sinabi mo naman ulit ang spell ay dadalhin ka sa garden ng Kastila, Your highness."Sabi sakin ni Beyonce.
"*"Vrec—ano?"*"Tanong ko ulit.
"Vrectos si, Your highness."-Beyonce.
"*"Vrectos si—."*"Hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin ng bigla na lamang akong higupin. Ang sunod na lamang na nangyari ay para akong umiikot-ikot. Pakiramdam ko nga pati bituka ko umiikot na rin.
Hindi ko na rin mapigilan ang mapasigaw dahil sa gulat.
"*"AHHHHH!"*"
"HAAAAHHHHH!"
Pero mas nagulat pa ako sa sigaw ng kung sino, "*"AHHHHHH!"*"Malakas kong sigaw habang gulat na nakatingin sa taong sumabay sa pagsigaw ko.
Napasigaw na rin siya pero mas malakas talaga ang sigaw niya kesa sakin.
Huminto ako at lumunok muna, "*"Miss Lori?"*"Gulat ngunit patanong kong sabi.
Napahinto naman siya at kinunutan ako bago niya tinitigan ang mukha ko at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
"Wait—what? Is that you, Princess?"Hindi makapaniwalang sabi niya.
Ngumiti ako at tumango sabay pormal na umupo sa sofa, "*"It's nice to see you again, Miss Lori."*"
Matagal-taga na ring 'di kami nagkikita since pinagbabawal na makita ang mukha ko ng mga aking nasasakupan habang kilala pa nila ako bilang Prinsesa na magiging Reyna pa.
Nawala ang pagkakunot noo niya at may nilapag sa harap ko na isang papel at ipinatong niya naman sa papel ang isang susi.
Kinuha ko ito at binasa ang nakasulat sa papel. Mga schedules ko ito at schedules ng Academia. Lahat ay nakasulat na rito—impormasyon, rules and etc.
Sa likod naman ng papel ay mapa—mapa ng buong Academia.
Tiningnan ko ang susi at may nakaukit naman na numero sa susi.
Nilapag ko ang envelope na hawak ko at kinuha naman ni Miss Lori at binuksan. Hindi pa man nag-iilang minuto ay napatango-tango na siya at sinarado ang envelope.
"So, totoo talaga ang sinabi sakin ni Butler Pil na mag-eenroll ka bilang normal na estudyante rito sa Academia. But since, it's none of my business. So, do whatever you like dito sa loob ng Academia but be careful."Sabi niya. Ngumiti ako sa kanya bilang tugon at tumango.
Tumayo ako, "*"Thank you, Miss Lori—."*"
"It's Headmistress. Stop calling me Miss Lori if gusto mong umakto bilang normal na student."Pagpuputol niya sakin.
Maliit akong napangiwi at tumango ulit, "*"Yes, Headmistress."*"Nakangiwing sabi ko.
Tumayo siya at naglakad papalapit sakin bago siya huminto sa harap ko. Bigla na lamang niya akong niyakap. Saglit lang na yakap dahil kumalas siya agad at siya na mismo ang nagtulak sakin palabas.
Nang nakatapak na ako sa labas ay agad niyang sinarado ang pinto ng office niya. Ilang sigundo at nabalik naman ako sa realidad dahil sa iba't ibang sigaw na naririnig ko sa 'di kalayuan.
Hindi ko masyadong makita kung anong nangyayari dahil sa dami ng mga estudyanteng nagkakalat. Naglakad ako papalapit para makita kung anong nangyayari.
"I said get out of my way!"Nagulat ako sa malakas na sigaw. Nakarinig na ako ng pagbagsak, pagkabasag and etc.
"Siya nanaman?"
"Dinig ko kakabalik lang nila galing sa mission kagabi."
Kumunot ang noo ko sa narinig. Sumiksik ako nang sumiksik. Kamuntikan pa akong madapa sa kinatatayuan ko sa biglaang pagtakbo ng mga estudyanteng nakapalibot sakin sa ibat-ibang deriksyon.
May tumakbo sa kanan at ang iba ay sa kaliwa, may sa likod ko pa.
Umayos ako ng pagkakatayo. Sa wakas ay makikita ko na rin ang nangyayari, pag-angat ko ng tingin ay halos layasan na ako ng kaluluwa ko dahil sa nakita.
Galit na galit na lalaki. Ang lahat ng katawan niya ay may benda habang tumatakbo siya sa deriksyon ko na may nag-aapoy na kamao.
Hindi ko na alam kung paano ang huminga. Hindi ko nga mapikit ang talukap ko dahil sa mabilis na pangyayari.
Nagulat ako at napaupo sa biglaang pagsulpot ng yelo sa harap ko kasunod non ang malakas na c***k ng yelo at isang malakas na batok.
Naglaho ang yelo habang ang kaninang galit na galit na lalaki ay nakaluhod na sa harap ko habang may nakahawak naman sa ulo niya at pinipigilan ang nakaluhod na lalaki sa pagtayo.
"Didn't I tell you, Cristoff—."Naputol ang sasabihin nong lalaking may mga benda rin.
"Aalis ako sa ayaw at sa gusto mo!"
May lumapit na isang babae at binigyan ng malakas na batok ang lalaking nakaluhod.
"Ang tigas tigas talaga ng ulo mo."Nanggigil na sabi neto sabay pingot niya ng tenga ng lalaki, "Sinabi na ng headmistress na ibibigay niya ulit ang mission na iyon kapag maayos na ulit tayo. Bingi ka ba?"Dugtong pa ng babae at mas piningot pa lalo ang tenga.
Napahawak ako sa may dibdib ko ng hindi pa rin himihinto sa pagtibok ng mabilis ang puso ko. Hindi ko man lang mabuka ang bibig ko.
I'm sure, sure akong sa sementeryo ang abot ko kapag tumama sakin ang apoy niya kanina. At yong mga mata niya, nag-aapoy sa galit. Ramdam na ramdam ko ang intensyon niya ng mga oras na iyon—ang pumatay.
"Are you okay?"
Napadako ang tingin ko sa kamay na nakalahad ngayon sa harap ko. Pag-angat ko ng tingin ay bumungad sakin ang mukha ng babaeng pamilyar sakin.
Oo! Tama. Siya si Terry, Terry Sizzar. Ang nakaluhod naman sa harap ko ay si Cristoff Sizzar at ang lalaking nakahawak naman sa ulo niya ay ang kapatid niyang si Zyon Sizzar.
Nahinto ang tingin ko sa babaeng nakapingot sa tenga niya. Pero sino naman siya?
Iniling ko ang ulo ko at tinanggap ang kamay na nakalahad sa harap ko.
"*"Yeah, ayos lang ako."*"Sagot ko sa tanong niya. Napangiti naman siya sa narinig.
"Sorry 'bout that."Singit naman ng babaeng pumingot kay Cristoff. Nakaturo ang thumb niya sa deriksyon nina Zyon na ngayon ay nakasakay sa yelo at paalis na.
Nakatayo si Zyon ng tuwid sa yelo habang parang nagsusurfing. Hila hila niya si Cristoff na nakahiga sa yelo habang hawak niya ang likod ng damit neto.
Napangiwi naman ako dahil sa nakita bago bumaling sa dalawang babae na nasa harapan ko.
"*"No, it's fine haha."*"Sabi ko.
"Oh, siya. Alis na muna kami. Ingats!"Paalam nong Terry sakin at sabay naman silang dalawa na kumaway bago naglakad paalis.
Napatingin ako sa kamay ko at ginaya ang kaway nila. Napangiti ako.
Wala e, ang liit lang talaga ng kaligayahan ko—.
"Yes miss? How may I help you?"Napatigil ako sa pagkaway at napalingon sa lalaking lumapit bigla sakin. Inayos-ayos pa niya ang buhok niyang parang pineapple sabay ngiti sakin ng matamis.
Una kong napansin sa kanya ay ang benda niya sa ulo at sa palad niya.
"Haha, alam kong gwapo ako pero huwag mo namang pahalatain miss."Sabi niya at nagmanly laugh sabay mabilis na kinindatan ang mga babaeng students na kinikilig naman sa 'di kalayuan.
U-uh. A-ang w-weird niya.