Lumayo ako ng kunti sa kanya at saglit na kumaway bago nagsimulang maglakad palayo.
Hindi ko siya gets.
"W-wait miss!"
Nagulat na lamang ako ng biglang hawakan ng kung sino ang kamay ko at hinila.
Ito ang dalawang beses na may nahawakan akong ibang kamay. Yong una is ayos lang dahil kailangan ko rin naman ng help pero ngayon ay nakakagulat talaga. Hindi sa nag-o-over react ako pero hindi lang talaga ako sanay na bigla na lamang akong hahawakan at hihilahin bigla.
Gulat kong tiningnan ang taong iyon na mukha namang napansin ang reaksyon ko. Humingi siya ng tawad at binitawan ang kamay ko.
"S-sorry, I'm Raint Deng. Bigla ka kaseng kumaway sakin kaya akala ko ay kailangan mo ng tulong ko."Wika niya.
Nabalik naman ako sa realidad at unti unti namang nawala ang gulat sa mukha ko at napalitan ng kunot noo, "*"Tulong?"*"Patanong kong sabi.
Tumango naman siya, "Oo, pero kung nagkamali lang ako ng akala ay willing pa rin kitang tulungan. Ngayon lang kase kita nakita kaya alam ko na kaagad na newbie ka."
"Gusto mo ipasyal kita sa buong Academia? May mga magagandang spot na sure akong mag-eenjoy ka."Dugtong niya pa habang naka-thumbs up na parang sure na sure na talaga siya.
Napadako ako sa ngiti niya. Hindi ako makatanggi sa mga ngiti ng aking mga nasasakupan. Tumango na lamang ako at bigla naman niya ulit hinawakan ang kamay ko at hinila bigla.
Nabigla ulit ako ngunit hinayaan ko na lang siya.
Huminto kami sa napakaganda at napakalaking fountains. Nakita ko ang nagngangalang Raint na ngayon ay nakalahad ang kamay sa tubig ng fountain.
Senenyasan niya akong gayahin siya kaya naman nilipat ko muna sa kabilang kamay ko ang papel na hawak ko at lumapit sa kanya. Nilahad ko ang kanang kamay ko at bumukas naman sa mukha ko ang pagkagulat.
Sa oras na dumampi sa palad ko ang tubig ng fountain ay nakaramdam agad ako ng pagkarelax. Napakarelaxing ng tubig kesa sa tubig sa kastila na kulang nalang ay maging yelo.
"Nakakarelax, hindi ba?"
Nabaling ako kay Raint ng magsalita siya. Nakangiti siya ngayon habang nakatingin sakin.
Inalis niya ang kamay niya sa tubig at pinunasan niya muna ang kamay niya bago nilahad ito sakin.
"Ako na hahawak sa dala mo para mas ma-enjoy mo pa ang water fountain."Sabi niya.
Umiling ako, "*"Ayos lang—."*"
Maingat na kinuha niya ang papel at ang susi sa kamay ko. Senenyasan niya akong mag-enjoy bago siya umupo sa malapit na upuan.
Hindi na lamang ako nagsalita pa at bumaling sa fountain na nasa harapan ko bago nilahad ang dalawang palad ko.
Napangiti ako ng mas dumoble pa ang nararamdaman kong relaxation. Pumikit ako at mas lalong dinamdam pa ang tubig.
Nakaka-enjoy nga. Tamang desisyon ang bumaba sa kastila.
Ganito pala ang pakiramdam kapag nasa labas, nakakaramdam agad ako ng ganitong kasiyahan.
"Hey Raint!"
Nadilat ko ang mata ko ng marinig ko ang pangalan ni Raint sa kung saan. Napadako ako sa napakasexy at napakagandang babae na may hawak hawak na cone habang may kasa-kasama naman siyang dalawang lalaki na may dala dalang shopping bags.
Sa unang tingin ko palang sa babae ay halatang mahilig siya sa fashion.
Hindi pa man ako nakakalingon kay Raint ng may humila na lamang sakin patakbo. Nakisabay na lamang ako sa pagtakbo at hinayaan ang nanghila na dalhin ako sa kung saan.
Huminto kami sa likod ng malaking puno. Hindi gaano karami ang mga students na nandirito.
Napalingon ako kay Raint na hindi pa rin binibitawan ang kamay ko. Ramdam ko pa nga ang pawis ng palad niya habang sinisilip niya ang kung sino.
"Tapos na pala siya?"Dinig kong mahinang bulong niya.
Binitawan niya ang kamay ko at parang nakahingang maluwag na napaupo sa gilid ko at napasandal sa puno.
"*"Ayos ka lang ba?"*"Tanong ko.
Tumango naman siya at tumayo bago niya inabot sakin ang papel at susi kaya naman kinuha ko ito at pinanuod ko nalang siya na may kunot sa noo at bakas sa mukha ang pagtataka.
Ang weird niya talaga.
"Soo sorry, emergency lang e."Paghihingi niya ng tawad sakin. Umiling ako at ngumiti.
"*"Ayos lang."*"Nakangiti kong sabi.
Sumilip ulit siya.
"*"Kaibigan mo?"*"Tanong ko—pagtutukoy ko sa babaeng tumawag sa kanya kanina.
Maliit siyang napangiwi, "Kind of?"Patanong na sagot niya. Napatango-tango nalang ako.
"Sachie! Hey Sachie! SACHIE!"Sigaw ni Raint sa kung saan. Sumilip na rin ako at nakita ang pamilyar na babae na kakalingon lang sa deriksyon namin.
"WHAT!?"Pasigaw niyang tugon kay Raint.
Nalipat ang tingin niya sakin at bigla na lamang binigyan ng masamang tingin si Raint bago naglakad sa deriksyon namin. Nang makalapit ay piningot agad niya ang tenga ni Raint.
Tama, siya yong babaeng pumingot sa tenga ni Cristoff.
"Nambibiktima ka nanaman ng mga bagong student, hayop ka."Nanggigigil netong sabi kay Raint at mas piningot pa lalo ang tenga niya, "At diba sinabi ko sayo na magpahinga ka muna sa kwarto mo kung ayaw mong makatikim ng batok."Pagkatapos pagsabihan nong Sachie si Raint ay binigyan niya ito ng malakas na hampas sa likod.
Napangiwi na rin ako ng marinig ko ang sunod sunod na ubo ni Raint. Bumaling sakin yong Sachie kaya naman ngumiti ako ngunit pakiramdam ko ay ngiwi ang naipakita ko.
"Sorry 'bout that, again. I'm Sachie Ky, ayos ka lang ba? May ginawa ba ang siraulong 'to sayo?"Nag-aalalang tanong niya at bigla na lamang hinawakan ang magkabilang kamay ko na parang may chinecheck bago niya sinuri ang mukha, paa at ang buong katawan ko.
Nakaramdam naman ako ng pagka-ilang. Pagkatapos niyang gawin iyon ay mahina niyang tinapik-tapik ang kaliwang balikat ko sabay akbay sakin.
"Mukha ka namang maayos. Hatid na kita sa dorm mo okay?"Sabi niya at nagsimulang maglakad ngunit dahil nakaakbay siya sakin ay nadala naman ako sa kanya, kaya naman sumabay na lamang ako sa paglalakad.
Sinilip ko si Raint na umuubo pa rin habang nakahawak sa puno bago ako lumingon kay Sachie.
"*"Iiwan ba natin siyang gan'yan?"*"Tanong ko sa kanya.
"Sino?"Tanong naman niya sakin pabalik. Kaya naman tinuro ko si Raint. Hindi na nag-abala panglumingon si Sachie sa deriksyon ko at sa deriksyon na tinuro ko. Senenyasan niya lang akong 'magiging-maayos-lang-yon'.
"Kahit naman paulit-ulit ko yang dalhin sa kwarto niya ay magmamatigas pa rin naman yan."Simpleng aniya.
Kinunutan ko siya, "*"Bakit?"*"Tanong ko.
"Kakabalik lang kase namin kaya gumagala agad yan sa buong Academia at mambibiktima ng mga newbie kagaya mo, pero kadalasan talaga ay ang mga students na nandito. Minsan lang kase magkaroon ng newbies."Sagot naman niya. Mas kumunot pa ang noo ko at nakaramdam naman ng kahit kunting kaba.
"*"Mambibiktima? Pero mukha naman siyang mabait para maging kriminal."*"Komento ko naman sa sagot niya. Mukha kaya siyang mabait kahit ang weird weird niya. At kung ganoong kriminal siya, bakit walang mga reports tungkol sa kanya?
Nilingon ako ni Sachie na may nagtatangkang mukha at bigla nalang huminto sa paglalakad na ikahinto ko na rin. Ilang sigundo kaming nagkatitigan bago umalingawngaw sa buong paligid ang malakas na tawa niya.
Napapatingin pa nga ang mga estudyanteng napapadaan sa deriksyon namin.
Ha? Bakit siya tumatawa?
"*"May nakakatawa ba sa sinabi ko?"*"Takang tanong ko sa kanya. Umiling naman siya ngunit tumatawa pa rin. Ilang minuto at tumigil na siya sa pagtawa.
"Ibig kong sabihin sa 'mambibiktima' ay nanghaharot o nanglalandi ng mga students. Halos kase mga babaeng student dito ay may gusto sa kanya—maliban samin syempre. Ewan ko ba kung anong nakita nila sa kanya basta ito lang ang tatandaan mo, huwag na huwag kang masyadong maging close kay Raint. Paasa yon."Sabi naman niya sakin na may halong paalala.
Napatango-tango naman ako. Ah, ganon pala si Raint. 'di ko napansin agad ah.
"Anong number ng dorm mo?"Tanong niya sakin at muling nagsimula sa paglalakad. Malaki ang hakbang na pinantayan ko kaagad siya at tiningnan siya na may pagtataka.
"*"Number?"*"Sabi ko. Tumango naman siya ng dalawang beses at bigla na lamang kinuha ang susing hawak ko. Tiningnan niya ang nakaukit sa susi.
"045?"Banggit niya sa numero. Nakita ko pa kung paano unti-unting kumunot ang noo niya bago niya ito inabot sakin kaya naman kinuha ko ito at pinanuod siyang parang may inaalala bago niya ako tingnan na may awa sa mga mata.
"*"Bakit?"*"Tanong ko. Bumuntong hininga siya at tumingin sa harap.
"Sa pagkakaalam ko ay ang Dorm 045 ay wala niisang student ang tumira ulit don—wala rin namang gustong tumira roon."Sabi niya.
Maliit na napatagilid ako ng ulo, "*"Bakit?"*"Tanong ko ulit.
Lumingon naman siya sakin, "You'll see."
"By the way gusto mong kumain ng ice cream?"Tanong niya sakin at tinuro ang ice cream sa 'di kalayuan. May tarpaulin sa gilid na may litrato ng pamilyar na cone na may bilog na nakapatong.
Ah, oo! Yon yong cone na nakita kong hawak hawak nong babaeng tumawag kay Raint.
Kinunutan ko si Sachie.
"*"Ice cream?"*"Patanong na banggit ko sa salitang 'ice cream'.
Bumakas pa ang pagtataka sa mukha niya, "Hindi mo alam ang ice cream?"Naguguluhang tanong niya.
Maliit akong napangiwi at dahan dahang tumango—kase naman puro gulay and my favourite êcrásō lang ang kinakain ko sa kastila. To the point na wala na akong alam sa mga pagkain sa labas ng kastila.
Naging bilog naman ang bibig niya at ganon din ang dalawang mata niya na parang 'di talaga siya makapaniwalang hindi ko alam ang 'ice cream' na sinasabi niya.
"*"Uh, sorry?"*"Nasabi ko na lamang. Pakiramdam ko kase may kasalanan ako dahil 'di ko alam ang 'ice cream'.
Nawala naman ang reaksyong pinapakita niya sakin kanina at mahinang natawa, "No, it's fine. Hindi lang ako makapaniwala na may tao pa palang 'di alam ang 'ice cream'. Kilala kase sa buong mundo ang 'ice cream'."Sabi niya.
Nagsimula ulit kaming maglakad papalapit sa tinuro niya kanina.
"*"Talaga? Siguro masarap ang ice cream."*"Sabi ko naman.
Nakangiti naman siyang nagthumbs up sakin, "Sooobrang sarap niyan!"Nakangiting matamis na sabi niya.
Nahahalata sa mukha niya na totoo talaga ang sinasabi niya. Huminto kami sa harap ng ice cream at may matandang lalaki namang nakatayo habang nag-aabot ng ice cream sa mga estudyanteng nandito rin.
"Yow Manong ice cream! Pabili po dalawang tigsa-sampung ice cream."Bungad ni Sachie sa matandang lalaki.
Napalingon naman sa deriksyon ni Sachie ang matandang lalaki.
"Oh, Sachie hija? Balita ko kakarating niyo lang kagabi."Dinig ko namang sabi ng matandang lalaki.
Nakita ko namang tumango si Sachie, "Oo, Manong. Pagod na pagod nga ako tapos aandar pa pagiging matigasin ng dalawang siraulo."Sabi naman pabalik ni Sachie. Halata sa boses niya na malapit na siyang mawalan ng pasensya sa dalawang siraulong tinutukoy niya.
Natawa naman ng mahina ang matandang lalaki, "Naku, ikain mo nalang yan ng ice cream—pampalamig ng ulo."Nakangiting sabi ng matandang lalaki.
"Tama ka Manong. Isang mango flavor nga po."Sabi ni Sachie bago siya bumaling sakin, "Anong gusto mong flavor?"Tanong niya sakin. Kumunot ulit ang noo ko at para naman siyang may naalala.
Tinuro niya ang tarpaulin na nasa gilid. May nakalagay na Mango flavor, cookies and cream flavor, strawberry flavor, Dark chocolate flavor, Vanilla flavor and ube flavor.
Napahawak ako sa nguso ko at napa-isip.
Mango flavor ang pinili ni Sachie at paniguradong masarap iyon kaso may puno kami ng mangga sa kastila kaya alam ko na ang lasa ng mangga.
Kung cookies and cream naman ay well, favourite snack ko rin 'to nong bata pa ako. Hindi yong whole ice cream, yong kulay itim na nakahalo sa puting ice cream.
Cookies and cream na sana ang sasabihin ko ng mapadako ako sa strawberry flavor. Masarap ang strawberry, natikman ko na 'yon. Pati na ang dark chocolate dahil minsan na akong binigyan ng chocolate ni Beyonce—.
Pero paano naman yong cookies and cream?
Kung ube nalang kaya, kapareho ng kulay nong pumalibot sakin bago naging ganito ang itsura ko.
Teka, Vanilla? Vanilla? Masarap ba yan? Siguro? Kase 'diba kilala sa buong mundo ang ice cream kaya paniguradong masarap lahat ng flavours na nandito.
"*"Lahat ng flavor."*"