Chapter 13

2098 Words
Maliit akong tumango, "*"Kitakits"*"Sabi ko pabalik. Saglit na kumaway sakin si Sachie bago siya nagsimulang tumakbo papalayo. Pinaghahabol naman siya ng mga estudyanteng tumawag sakanya kanina. Dahil sa dami ng naghahabol sa kanya ay unti-unti na siyang natatabunan sa paningin ko. Hanggang sa labas ay hinahabol pa rin siya. Hindi ko alam kung bakit. Nabaling ang atensyon ko ng bigla na lamang umalingawngaw sa buong paligid ang tunog na parang bell. Tatlong beses itong umalingawngaw sa buong paligid at pansin ko naman ang pagkunti ng mga estudyanteng nagkakalat. Napansin ko rin ang sunod sunod na pagpasok ng mga estudyanteng nasa labas. May iba namang pumapasok sa classroom na nasa harapan ko—napapatingin pa nga sila sakin. Nilalagpasan lang nila ako hanggang sa makapasok sila sa loob. Iniling ko ang ulo ko at hinawakan ang dalawang gulong ng wheelchair na inuupuan ko at sinimulang igulong gulong. Hindi pa man ako nakakalapit sa hagdan ng mapatigil ako at huminto. Paano ako makakaakyat kung nakaupo ako sa wheelchair ni Wendy? Kung tatayo nalang kaya ako at ita-try kong buhatin ang wheelchair paakyat? Pero, paniguradong matutumba naman ako. Dahil sa pagkawala ng kapangyarihan ko ay nabawasan ng kalahati ang strength ko. Kung noo'y pwede ko pang mabuhat ang mga mabibigat na kung ano, mapa-dalawang paa pa yan o isa, pero ngayon ay pakiramdam ko'y imposible na. "Kailangan mo ng tulong?" Nabalik ako sa realidad ng may nagsalita na lamang ng kung sino. Nanggagaling iyon sa likuran ko. Lilingon na sana ako sa likod ng may chubby na lamang na lalaki ang tumayo sa harapan ko. May hawak hawak pa siyang tsokolate sa magkabilang kamay niya habang nakangiti sakin. Napangiwi ako sa aking isipan ng mapansin ko ang tsokolateng nakapalibot sa may bibig niya. "*"Ayos lang ba?"*"Tugon ko sa sinabi niya kanina. Nakangiti naman siyang tumango. Magkasabay na kinain niya ang mga tsokolateng hawak niya habang tahimik ko lang siyang pinapanuod na inuubos ang tsokolate niya. Hindi naman nagtagal ay naubos niya rin ito. Lumapit siya sa malapit na trashbin at itinapon niya ito bago siya naglakad muli papalapit sakin. May binulong-bulong naman siyang kung ano-ano at nagulat na lamang ako ng bigla na lamang gumalaw ang kinauupuan ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Nilibot ko ang paningin ko at hinanap kung ano ang dahilan ng biglaang paggalaw ng kinauupuan ko ngunit wala akong makita. Nagsimula na itong lumapit sa may hagdanan kaya napahawak ako ng mahigpit sa wheelchair ko. Gusto kong magsalita ng 'teka' ngunit huli na dahil ilang agwat nalang ako sa hagdan. Napapikit ako. Nakapikit ng mariin at mahigpit ang hawak na hinintay ko ang sunod na mangyayari. Hindi ko alam ang nangyayari! Gumagalaw pa rin ang kinauupuan ko at hinintay ang pagbagsak ko sa lupa. Alam kong mahuhulog ako sa lupa kasama ang inuupuan ko. Hindi naman siguro masakit ang pagkakabagsak ko—sana naman. Napalunok ako ng dalawang beses. "Ayos ka lang?" Kumunot ang noo ko ng marinig ko ulit ang boses ng lalaki kanina at sakto namang huminto sa kakagalaw ang inuupuan ko. Napakunot noo pa ako lalo na ng mapansing kong hindi pa ako bumabagsak at nararamdaman ko pa ang upuan sa pwetan ko. Dahan-dahan kong idinilat ang dalawang mata ko at dumako naman ang paningin ko sa lalaki kanina. Nagtataka niya akong pinapanuod habang kumakain na ngayon ng hawak hawak niyang chips. Teka, kailan pa siya may hawak na chips? Lumunok muli ako, "*"Anong nangyari? Anong nangyayari?"*"Takang-taka kong tanong. Ilang sigundo ay nawala naman ang pagtataka sa mukha niya at tinuro ang sahig. Kunot noo kong sinilip ang baba at halos manlaki ang mga mata ko dahil sa nakita. Napakadaming mga langgam ang nakalinya. Ang iba ay nakalinyang umaalis na habang ang iba naman ay—. Naging bilog naman ang bibig ko dahil sa nasaksihan. Kahit napakaliit nila ay nakikita ko pa kung paanong parang sumaludo ang ibang langgam sa deriksyon ko at sa deriksyon ng lalaking nasa gilid ko. "Animal holder ako." Bakas pa rin ang pagkabiglang umayos ako ng pagkakaupo at lumingon sa kanya na ngayon ay may ngiti ulit sa labi. Naging normal naman ang reaksyon ko ngayon ng marinig ko ang sinabi niya. Anima holder? Uh, kaya pala. "*"So, tinawag mo ang mga langgam upang dalhin ako sa pwestong ito?"*"Patanong kong sabi at nakangiti naman siyang tumango. Nakaramdam ako ng sobrang pagkamangha dahil sa nalaman! "Pasok na tayo?"Pagyayaya niya sakin at mas lumapit pa sakin bago siya pumwesto sa likuran ko. Nakaamoy naman ako ng amoy chips bago nagsimulang umandar ang kinauupuan ko. Lumapit naman kami sa dalawang pinto. Hininto niya ang wheelchair sa harap neto. Kumatok muna siya ng tatlong beses bago niya hinawakan ang dalawang doorknob at dahan-dahan naman niyang binuksan ang pinto. Mahina niyang tinulak ang dalawang pinto at muling pumwesto sa likod ko. Nang tuluyan ng bumukas ang pinto ay bumungad sakin ang sobrang daming estudyanteng nakaupo. Sobrang dami talaga. Ang mga mata nila ay nakatingin ngayon sa deriksyon namin at nahinto naman sa pagsasalita ang prof na nasa harap. Nakaistorbo ba ako? "*"Um, hi?"*"Nasabi ko na lamang ngunit walang tugon akong natanggap. Tanging ang tahimik na paligid lang ang tumugon sakin at ang hanging napapadaan. "*"Magandang umaga?"*"Dugtong ko pa sa sinabi ko. Gumalaw naman ang prof at mas humarap pa sa deriksyon namin. Ngumiti naman siya at bumati pabalik. "Madami tayong newbies ngayon ah."Nakangiti niyang sabi bago niya kami senenyasan na pumasok. Newbies? Ibig sabihin may iba pang newbie na kagaya ko? Tinulak naman nong lalaki ang wheelchair papasok. Nang makapasok kami ay hininto niya ito at lumapit sa dalawang pinto bago niya ito maingat na sinarado. "I'm your prof, Prof Rina."Malumanay na pakilala ni Prof Rina sakin. Prof Rina? Yong pinag-uusapan kanina nina Terry sa may elevator. Napangiti naman ako ng malawak, "*"Hecia po, Hecia Ruses."*"Pakilala ko naman sa sarili ko. Napansin ko pang maliit na napaawang ang mga kaklase ko habang nakatingin sakin. "Kinagagalak ka naming makilala, Hecia anak."Nakangiting tugon ni Prof Rina sakin. Natigilan naman ako dahil sa huling sinabi niya. Nakaramdam naman ako ng kaunting pangungulila sa mga magulang ko pero pinatili ko pa rin ang ngiti sa aking labi. Bumaling siya sa mga kaklase ko. "May bakanteng upuan pa ba riyan?"Nakangiting tanong niya sa kanila. Sabay sabay naman nilang tinuturo ang mga bakanteng upuan. May iba pa ngang tumayo at binuhat ang bakanteng upuan upang makita namin. "Prof, tabi kami." "May vacant dito titsir." "Madami Prof." Dinig kong mga sabi nila. Ngumiti ako bilang tugon pabalik sa ibang mga kaklase kong kumakaway sakin habang nakangiti. "Miss Heciaaa!" Hinanap ko ang tumawag sakin at dumako naman ito sa lalaking nakatayo na panay kaway sakin na kahit anumang oras ay para ng magiging bulate ang dalawang kamay niya. Naging ngiwing ngiti ang kaninang malawak na ngiti ko at kahit nagtataka man ay kumaway ako pabalik ng bigla na lamang siyang napahawak sa kanyang dibdib at bigla na lamang bumagsak sa kinatatayuan niya na ikagulat ko. Napatingin naman ang iba sa deriksyon niya. Ang iba ay napapailing, ang iba naman ay napapabuntong hininga habang ang iba naman ay nagsitawa. Hindi ba nila tutulungan? "Boooogart~." "Bogart~." "B-bogaaart~." May tatlo namang lalaking nagsitayuan habang binabanggit ang salitang 'bogart'. Ang mga tono ng boses nila ay parang may namatayan silang pinakamamahal nila sa buhay. Magkakaakbay ang tatlong lalaking umiiyak ng peke habang lumalapit sa lalaking bumagsak. Pinalibutan nilang tatlo ito at humagulhul na lamang sila kahit walang luhang lumalabas sa mata nila. Kumuha ng tissue yong isang kasama nila at inabot sa dalawa niyang kasama na tinanggap naman ng dalawa. Sabay sabay na lamang silang nagsibahing. Napangiwi ako ng tuluyan. Sinimulan na nilang buklatin ang tissue na hawak nila habang parang nandidiri naman ang mga malapit sa kanila. "Kadiri niyo mga ulsl." "Tigil na nga kayo." "Yoccs." "Mmm, yummy." Napangiwi ako lalo ng sabay sabay na hinampas nila ang tissue sa pagmumukha ng lalaking pinapalibutan nila at nagtatawanan na nagsitayuan bago mabilis na tumakbo sa iba't ibang deriksyon. Napaupo naman ang lalaking hinampasan nila ng tissue at sunod sunod na mura na lamang ang lumabas sa bibig niya. Pinupunasan ang mukhang tumayo ito at sinimulang habulin ang tatlo. Nagsimula namang magsitayuan ang mga estudyanteng nasa malapit niya dahil umaakto na siyang ipupunas na niya ang kamay niya sa kanila. Dahil don ay nagsimula na silang magkagulo. "Tsngsns mo Bogart!" "Mamatay ka na!" Napatakip ako sa bibig upang pigilan ang tawang gustong lumabas sa bibig ko ngunit hindi ko ito napigilan at napatawa ng tuluyan. P-para silang tumatakbo para sa buhay nila HAHAHAHHAHA. Nakakamatay ba ang nasa kamay ng tinatawag nilang Bogart? HAHAHAHHAHA. Tumatawa pa rin ako habang pinapanuod sila ng sabay naman na umakyat ang tatlong lalaki na dahilan kaya tumatakbo ngayon si Bogart. Nakita ko naman si Bogart na tumatakbo papalapit sa kanila habang nagmumura. Tumakbo papalapit sakin ang tatlo habang may tumutulo pang sipon sa ilong ng isang kasama nilang lalaki na may sombrerong pula. Huminto sila sa likod ko at saktong nasa 'di kalayuan na si Bogart. Napatigil ako sa pagtawa at napalunok na lamang ng mapansin ang sipon na nasa kamay ni Bogart. "Patago chubby boy." "Thank you for the shield." "Hulog ka ng baboy." Dinig kong sabi ng tatlong lalaking nagtatago na sa likuran namin. Napahinto naman sa aktong paglapit si Bogart ng mapadako siya sakin. Maliit na ngumiti ako sa kanya ng bigla na lamang siyang tumalikod na ikakunot noo ko. "Yiee Bogart," "Uwu," "Uy si Bogart magiging Yogurt na," Isa iyon sa mga naririnig ko sa mga kaklase ko. Mas kumunot ang noo ko. Malakas namang tumikhim si Prof na ikabaling ng atensyon ko kay Prof. Tumahimik naman ang buong paligid. "Magandang bati ba ang pagkakagulo niyo, sa mga bago niyong kapatid ngayon mga anak?"Malamunay na tanong ni Prof habang nakangiti pa rin. Sabay sabay naman na umiling ang iba habang ang iba naman ay tumango. "Ayusin niyo na ang mga upuan at bumalik na sa kinauupuan niyo kanina."Malumanay na sabi ni Prof. Nagsisunod naman ang iba. Nakita ko pa ang ibang nagtutulakan. "Bogart, Pilimon, Sipyo at Cargo. Magsibalik na kayo sa upuan niyo."Nakangiting baling naman ni Prof kay Bogart at sa tatlong nagtatago sa likod namin. Maliit akong napailing ng sabay sabay na nagsalute ang tatlo bago nagsimulang maglakad pabalik sa pwesto nila kanina ng hindi lumalapit kay Bogart na ngayon ay gusto ng habulin ulit ang tatlo na panay turo naman sa deriksyon ko habang nakangising aso na nakatingin kay Bogart. Bumaling naman si Prof saming dalawa, "Chonji anak, maaari mo bang bigyan ng bakanteng upuan ang iyong bagong kapatid?"Nakangiting sabi ni Prof. Napansin ko naman agad na sa lalaking kasama ko na siya nakatingin. Nakangiting tumango si Chonji, "Okie Prof." Sinimulan niya ulit akong itulak. May binulong-bulong naman siya kasunod non ang paglayo niya ng kunti sakin. Nabigla ako ngunit agad kong sinilip ang baba. Ganon nalang ang pagkamanghang naramdaman ko ng makakita ulit ako ng napakadaming langgam na dahilan ng paggalaw ng wheelchair ko. "Hala, dami." "Ang saya siguro niyan, pasali." "Taba, pagalawin mo rin upuan namin." Umayos ako ng pagkakaupo at mabilis na humawak ng mahigpit upang hindi ako mahulog habang nagsisimula namang bumababa sa hagdan ang kinauupuan kong wheelchair. Nang nasa baba na ako ay nagsimula namang magsi-linya ang mga langgam at sabay na nagsi-alisan. Kumakain pa rin na lumapit sakin ang nagngangalang Chonji at tinulak niya muli ang kinauupuan ko. Hinayaan ko na lamang si Chonji na dalhin niya ako sa kung saan. Habang tinatahak namin ang daan na nasa harapan namin ay nakaramdam naman ako ng pagkailang dahil sa mga tingin ng mga kaklase ko sakin. Sinusundan nila ako ng tingin at may tumuturo-turo pa sa vacant seat na nasa tabi nila. "Taba, dito." "Uy tabi kami." "Damot." Huminto kami sa pinakalikod na upuan, madaming vacant seat sa likod at nabibilang lang ang nakaupo. Lumapit kami sa babaeng tahimik lang sa gilid—right side. "Kina, pwede ba siya rito umupo?"Nakangiting tanong ni Chonji sa nagngangalang Kina. Nilagay naman nong Kina ang ilang buhok niyang nakatakip sa mukha niya sa may likod ng tenga niya bago niya inangat ang ulo niya ngunit nakayuko pa rin siya ng kunti. "P-pwede."Sabi naman nong Kina. Tinulak ni Chonji paatras ang upuan na nasa kanan ni Kina bago niya pinwesto ang wheelchair sa tabi ni Kina. Nakangiti namang umupo si Chonji sa kaliwa ni Kina. Napadako ako sa nagngangalang Kina. Maliit ang ngiting tinanguan niya ako kaya tumango ako pabalik. "Okay so—,"-Prof Rina
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD