Into You-3

2958 Words
(Continuation of flashback) "Fuck.!" Nasambit na lamang nya bago naglakad papasok sa masukal na gubat ng isla habang nakasukbit sa magkabila nyang binti ang dalawang dagger na magagamit nya sa pagkuha ng makakain nya rito sa isla. 'Siguro naman ay may makakain ako rito kahit papaano.' She thought. Habang naglalakad at palinga-linga ang batang si Adriane ay ramdam nyang kanina pa may nagmamasid sakanya mula sa may makapal na talahib sa likuran nya kaya agad nyang kinuha ang twin dagger sa kanyang binti at hinawakan ito ng mahigpit. Nang lumingon sya sa kanyang likuran ay agad nanlaki ang bilugan nyang mga mata dahil sa kanyang nakikita. Isang malaking lobo ang nasa harapan nya ngayon na nakalabas na ang mga pangil at handa na syang lapain. Kinakabahan man sa nakikita ay pilit nyang pinatatag ang sarili dahil kung matatakot sya ngayon siguradong ito na ang katapusan nya. Nagulantang sya ng bigla syang dambahin ng lobo, buti na lang mabilis syang nakahakbang pa'atras pero ramdam nya ang hapdi sa kanyang balat. Kunot noo nyang tiningnan ang kanyang dibdib na may kalmot na pala at napunit pa ang kanyang damit sa bandang iyon. Mukhang mas lalong naging agresibo ang lobo ng makita ang dugong dumadaloy sa nasugatang parte ng katawan nya. Kaya nang susugurin sana sya nito ulit ay mabilis syang pumailalim rito at sinaksak ang tyan nito. Hindi na rin nya binigyan ng pagkakataon ang lobo at mabilis syang sumakay sa likuran nito at sinaksak ulit ang twin dagger sa magkabilang leeg nito na ikinasigaw ng lobo. Idiniin nya pa ito lalo para masigurong mapapatay na nya ito at hindi nga sya nagkamali ng kalkulasyon dahil bumagsak na ang patay na katawan nito sa lupa. Pagkatapos non ay agad nyang ginamot ang sugat gamit ang ligaw na halaman na alam nyang ginagamit rin sa paggamot ng sugat. Noong nagte'training kasi sya ay tinuruan din sya ng kanyang Tito kung anong mga halaman ang pwedeng gamitin para sa sugat kung sakaling nasa gubat sya at walang makakatulong sa kanya. "Kailangan mong gamitin ang kakayahan at ang mga nalalaman mo para mabuhay at manatiling ligtas." Iyan ang eksaktong sinabi ng kanyang Tito bago sya dinala sa islang ito. Mukhang naiintindihan na nya ngayon ang ibig sabihin nito kaya kailangan nyang mabuhay, papatunayan nya rito na karapat-dapat syang maging isang agent. End of flashback Iyon ang unang pagsubok na nalampasan nya. Pero syempre nagsisimula pa lang ang pagsubok nya. Nandoon yung hinabol sya ng isang pack ng mga lobo at maswerte syang naka'akyat agad sa mataas na puno dahil kung hindi, baka sya ang naging hapunan ng mga ito. Nong makita nya na hindi sya kayang abutin ng mga ito ay naisipan nyang doon na gumawa ng maliit na bahay tutal malalaki at malalapad naman ang mga sanga ng punong naakyatan nya, para na rin maging ligtas sya sa gabi mula sa mga mababangis na hayop. Wala syang naging problema sa pagkain dahil kahit papaano ay may mga puno naman ng prutas ang nakukuhanan nya. Nakaka'kain rin sya ng karne dahil sa baboy ramo at usa na nabibitag nya. Marunong rin syang gumawa ng apoy gamit ang mga bato o di kaya'y kahoy na pinagkikiskis nya kaya hindi sya gaanong nahirapan. Sa tubig naman na iniinom nya ay nung una sa mga kawayan sya kumukuha pero ng malibot na nya ang halos buong isla noong unang dalawang linggo nya doon ay may nakita syang talon na may malinaw at malinis na tubig na pwede nyang inumin. Pero muntikan na syang mamatay nang kinagat sya ng isang makamandag na ahas. Ginamot naman nya ito gamit ang mga halaman na pwedeng ipang'gamot pero sadyang malakas ang kamandag ng ahas na tumuklaw sakanya kaya nagkaroon sya ng matinding lagnat at pananakit ng katawan. Akala nya mamamatay na sya ng mga oras na iyon pero para ata syang isang masamang damo dahil pagkatapos ng tatlong araw na matinding lagnat ay unti-unti namang umayos ang pakiramdam nya. Nang ika'apat na buwan na nya doon sa isla ay noon lang nya nalaman na may mga pirata palang nagagawi sa islang yun. Kaya tuwing gabi bago sya matulog ay agad nyang pinapatay ang apoy at nilalagyan ng buhangin para hindi mahalata ng mga ito na may ibang tao sa isla. Kapag nalaman ng mga ito na nandoon sya siguradong mapapahamak sya lalo pa't marami-rami din ang mga ito at may dalang mga baril. Sa ika-pitong buwan ay tuluyan na nyang nalibot ang buong isla at ang pasikot-sikot nito. Hindi ito malawak gaya ng inaasahan nya pero kung hindi mo alam ang tamang daan ay siguradong mawawala ka o kung su'swertehin ka naman ay ang mga mababangis na hayop ang bubungad sayo. Maraming mababangis na hayop ang nakatira sa isla, kaya doble ingat ang ginagawa nya lalo pat nagiging madalas na rin ang pagpunta ng mga pirata doon. Sa ika'labing isang buwan nya ay muntikan na syang mapansin ng mga pirata na nagpapahinga doon. Naiwan nya kasi ang patay na katawan ng lobo na umataki na naman sa kanya. Pinaghahanap sya ng mga ito kaya agad syang nagtago sa taas ng isang puno na may malalagong dahon. Hindi sya kumilos at pati ata ang paghinga nya ay tumigil ng may limang kalalakihan ang nakatayo sa baba ng punong pinagkukublihan nya. Nang walang makita ay umalis din naman agad ang mga ito sa isla. Sa ilang buwan nyang pananatili sa isla ay gamay na nya ang kilos ng mga ito. Alam na rin nya kung paano paamuhin ang ibang mga hayop. Sa totoo lang nagugustuhan na nya ang pananatili doon. Araw-araw din syang nagte'training. Kapag pumapatay sya ng usa o baboy ramo ay hindi nya ginagamit ang bitag bagkus ay pinag'aaralan nya ang kilos ng mga ito bago sya umatake gamit ang partner nya, ang twin dagger. Nakikipaghabulan rin sya sa mga lobo at kahit gaano pa kabilis ang mga ito ay nagagawa pa rin nyang makatakas sa mga ito. Masasabi nyang mas lalong lumakas ang kanyang mga senses at mas lalong bumilis ang kanyang kilos dahil sa mga lobong pinagpra'practisan nya. One year and one month and two weeks, iyan ang bilang nya bago sya binalikan ng kanyang Tito. Mas lalong namangha si Manolo ng makita ang ayos ng pamangkin, mas maayos ang tindig nito kumpara sa huli nilang pagkikita at mas lumakas ang aura nito. Masasabi nyang marami itong natutunan sa loob ng isla at kung buhay lang ang kanyang kapatid malamang mapapatay sya nito dahil sa ginawa nya sa anak nito. Pero ang totoo talagang rason kung bakit nya naisipan ang bagay na ito ay dahil sa gusto nyang maranasan ni Adriane ang realidad. Na hindi lang sapat na magaling ka sa training, dapat magaling ka rin sa actual na pakikipaglaban. May tiwala naman sya sa kanyang pamangkin na kaya nitong lampasan ang lahat ng ito at hindi nga sya nagkamali dahil naging maganda ang kinalabasan nito. Pagka'uwi nila sa bahay nang araw na iyon ay ang masiglang si Alchris at Chelsea ang sumalubong sa kanila. Nagulat man si Adriane ay mas nangingibabaw ang saya nya ng malamang gising na pala ang kapatid. Ang sabi ng Tito nya ay nagising ito ng makauwi sya galing sa paghatid sakanya sa islang iyon at sya daw at ang mga magulang nila ang agad hinanap ng kapatid pagmulat ng mata. Nang maayos na ang kalagayan nito ay ipinaliwanag ni Manolo lahat ng nangyari tungkol sa pamilya nila. Naghe'hysterical pa ito nong una pero kumalma naman agad at agad nitong hinanap si Adriane kaya sinabi na agad ni Manolo kung nasaan ang kapatid. Nag'aalala man ay may tiwala syang kayang lagpasan ng kanyang kapatid ang pagsubok na ibinagay ng Tito Manolo nila. At gaya nga ng naging kasunduan ni Adriane at ng Tito nya ay pinayagan sya nitong pumasok sa K.S.S Agency pagka'uwi nya galing sa islang iyon. Pero bago sya maging isang ganap na agent ay nag'training ito sa kanilang agency na madali na lang para sa kanya. Doon din nya nakilala ang kanyang mga ka'grupo maliban lang kay Chelsea dahil ito ang pinsan nya at nakakasabay nyang mag ensayo noon sa basement ng bahay ng Tito nya. Pati ito ay muntikan ng hindi payagan ng kanyang Tito sa gusto pero ipinagpilitan ni Chelsea na gusto nya ring maging isang agent at gusto nyang makasama ang kanyang matalik na kaibigan at pinsan na si Adriane kaya wala na ring nagawa ang kanyang Tiyo. Hindi man aminin ni Adriane ay masaya syang malaman na gusto syang makasama ng pinsan sa ganoong kadelikadong trabaho. Katulad ni Adriane ay nagpaturo din si Alchris sa kanilang Tito Manolo kung paano makipaglaban. Hindi nya hahayaang mag'isa lang ang kapatid na hahanap sa mga walanghiyang tao na pumatay sa kanilang mga magulang. "Hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman kung sino ang mga taong pumatay sa inyo. Nararamdaman kong ito na ang hinihintay kong pagkakataon." Bulong ni Adriane habang walang emosyong nakatitig sa ceiling. ___ After two weeks "Good morning agents.! Mukhang nasarapan ata kayo sa bakasyon nyo ah." Pagbibiro ni Alchris sa mga ka'grupo ng kapatid. "Kaya nga Sir. Nakapagpahinga ako ng maayos." Sagot ni Mike habang nakasandal sa upuan. "Well, that's good.! Dahil may new mission na naman kayong gagawin, and this time you go under cover sa isang kilalang University sa Pilipinas." Sabi ni Alchris at ipinaliwanag rin nya sa mga ito ang tungkol sa kanilang mission. "Wow, it must be a big syndicate." Komento ni Rafael na sinang'ayunan ng ibang mga kasama maliban kay Adriane na parang may malalim na iniisip. "Big or not wala akong paki'alam. We must take them down whatever it takes." Seryoso ngunit malamig na sabi ng dalaga kaya lahat sila ay napalingon sa kanya. Nagulat ang mga ito ng makita ang aura ng kanilang superior, para itong isang killer na naghihintay ng kanyang mabibiktima. Ngayon lang nila ito nakitang ganito, alam naman nilang seryoso talaga itong tao pero may kakaiba sa kinikilos nito ngayon kaya hindi rin nila maiwasang 'di matakot. Samantalang nag'aalala naman sina Alchris at si Chelsea sa dalaga. Alam nilang dalawa kung gaano ito ka'importante kay Adriane. Importante din naman ito kay Alchris lalo pa't posibleng dito nila makuha ang impormasyong matagal na nilang inaasam sa nakalipas na labing-dalawang taon. Pero hindi nya hahayaang balutin ng galit ang puso ng kanyang bunsong kapatid dahil baka ito pa ang ikapapahamak nito. "Pero kailangan nyo munang makakuha ng ebidensya agent Viper." Pormal na sabi ni Alchris pero ang totoo nyan ay pina'aalalahan nya lang ang kapatid. "Yes Sir." Malamig na sagot ni Adriane ng makuha kung ano ang ibig sabihin ng kanyang kuya. "Anyway, dahil nga you're going to go under cover ay sa mga pamilya nyo na muna sa Pilipinas kayo mananatili para na rin maiwasan ang pagdududa. Mabuti na yun dahil kung pa'imbestigahan man kayo ng kalaban ay wala silang makukuhang kahina-hinalang impormasyon. Though kailangan nyo pa ring mag'ingat lalo na sa mga kilos nyo lalo pa't walang ideya ang mga pamilya nyo na isa kayong agent." Mahinahong paliwanag ni Alchris. Ang totoo kasi nyan ay ang pagkaka'alam ng mga magulang nila ay mga scholars sila sa isang paaralan sa Paris. Nong recruitment days kasi nila ay ipinalabas ng K.S.S na bibigyan nila ng scholarship ang mga anak ng mga ito at sa ibang bansa mag'aaral. Dahil na rin sa kagustuhan ng mga ito na mapabuti ang kinabukasan ng mga anak ay pumayag ang mga ito kahit na may kaya naman ang kanya-kanyang pamilya ng mga ka'grupo ni Adriane, at sa murang edad na katorse ay napalayo na ang mga ito sa mga magulang. Pagdating sa Germany ay sa isang prestihiyosong Unibersidad sila nag'aaral, ang Kingsley University na pag'aari din ng mga magulang nina Adriane. Doon nga nina Mike, Kean at Rafael nakilala si Anne at ang magpinsang Adriane at Chelsea. Tinotoo naman ng K.S.S ang pinangako nito sa kanilang pamilya pero tuwing hapon hanggang gabi ay nag'eensayo sila para maging isang ganap na agent kaya doble ang pagsusumikap nila. Pagkatapos ng ilang taon ay naka'graduate na nga ang mga ito sa kursong gusto nila, bonus na yung pagiging magaling nilang agent. Pero ganun pa man ay hindi alam ng mga magulang ng mga ito na nakatapos na sila sa kanilang pag'aaral, ang alam lang ng mga ito ay patuloy pa nilang kinakamit ang kanilang pangarap. Madalang lang din silang umuuwi sa kanilang pamilya sa Pilipinas, isang beses lang sa isang taon pero kung may mission silang ginagawa ay halos tatlong taon nilang hindi nakikita ang pamilya. Pagkatapos kasi ng mission nila ay lay low muna sila. Para na rin iwas sa pagdududa ay ginawan ng paraan ng K.S.S na ipalabas na magkakaiba sila ng paaralang pinapasukan sa Germany, at dahil na rin sa malawak na koneksyon ng kanilang agency at ng Kingsley University ay napapayag ng mga ito ang ibang University sa Germany na gawan sila ng record sa kanilang paaralan. Kaya kung may mag'imbestiga man sa kanila ay siguradong hindi nito iisipin na magkakilala silang anim. "Paano kung magtanong ang mga magulang namin kung ba't kami lumipat ng paaralan.?" Tanong ni Kean. "Well kayo na ang bahalang magdahilan. Kaya nga may drama class tayo sa agency para sa ganitong pagkakataon. At ito ang tamang oras para dyan." Nakangising sambit ni Alchris kaya napatango na lamang ang mga ito. "So kailan kami magsisimula Sir.?" Seryosong tanong ni Rafael. "The day after tomorrow, kaya bukas na bukas din ay lilipad na kayo pauwing Pilipinas dahil bukas na magsisimula ang enrollment nila for second semester. Nakahanda na ang mga papeles na ipiprisinta nyo doon sa registrar office nila kapag nag'enroll kayo, at gusto kong itinuring nyo ang isat-isa na estranghero. Ang fake na files nyo sa ibang school ang gagamitin nyo." Paliwanag ni Alchris. "Um, I think hindi ako makakasama sa misyong ito." Alanganing sabi ni Amelia na kanina pa tahimik sa tabi. "What is your reason Miss Jenkins.?" Kunot noong tanong ni Alchris. Pati ang ibang nilang kasama sa loob ng silid ay nagtataka ring tumingin sakanya maliban kay Chelsea. "Ano kasi.... alam kong hindi ako papayagan ni Cedrick. Saka isa pa, tingin ko hindi rin ito ang tamang oras para sumama sa mission na ito. I'm sorry guys." Apologetic na sabi ni Amelia na lalong ikinakunot noo ng mga kasama nya. Sa pagkaka'alam kasi nila hindi ito umaatras sa misyon nila. "Spill the beans." Malamig na sabi ni Adriane. "Actually I'm..I'm one month and two weeks pregnant." Diretsang sagot ni Amelia kaya gulat ang lahat na tumingin sa kanya. "Congratulation then." Malamig ngunit nakangiting sabi ni Adriane. A true and genuine smile kaya mas lalong napatulala ang lahat kasama na si Amelia. Ngayon lang kasi nilang nakita na ngumiti ng totoo ang kanilang superior dahil madalas kasi itong naka'poker face o di kaya'y tipid ngumiti hindi tulad ngayon na nawawala ang bilugan nitong mata. "Tha...thanks Ad. Pasensya na talaga kung hindi ako makakasama. Ayokong malagay sa panganib ang magiging anak ko, sana maintindihan mo." Paghingi ng tawad ni Amelia. "It's ok A, naiintindihan ko. Saka mabuti na rin ang desisyon mo para hindi ka ma'stressed at para maging healthy ang baby mo." Sincere na sabi ng dalaga kaya napatulala na naman ang mga kasama nya habang si Alchris at Chelsea ay nakangiti lang sa tabi. "Oo nga naman, basta kami ang magiging ninong at ninang nyan huh." Masayang sabi ni Kean ng makabawi sa pagkatulala. "Sira.! Oo naman, kung ok lang sa superior natin." Tukoy nito kay Adriane kaya napatingin sa kanya ang tatlong lalaking ka'grupo nya. "At bakit naman hindi.?" Kunot noong tanong nito kaya mas lalong lumaki ang ngiti ni Kean, Mike at Rafael. "Magiging magkumpare na tayo.!" Sigaw ni Kean dahilan para magtawanan ang mga kasama nya maliban lang kay Adriane na naka'poker face na naman....as usual. "Oh sya tama na iyan.! Since hindi na makakasama si Agent Athena ay kukuha na lang ako ng isang agent na magaling sa technology na papalit sakanya." Sabi ni Alchris. "No. Hindi ko kailangan ng lampa sa grupo ko. Kuntento na ako sa mga myembro ko at naniniwala akong kayang gawin ni Chelsea mag'isa ang trabaho nya." Malamig na tutol ni Adriane na hindi nagustuhan ni Alchris pero ikinatuwa ng kanyang mga ka'grupo dahil malaki pala ang tiwala nito sa kanila. Well she's not an expressive person, kaya talagang magugulat ka sa mga salitang lalabas sa kanyang bibig. "I know magaling at well trained ang mga kasama mo Agent Viper. Pero kailangan pa rin ni Agent Phoenix ng makakatuwang sa technology." Giit ni Alchris at mariing tumitig sa kapatid. "Uh, nakuha ko ang gustong mangyari ni Sir Alchris, kaya sana pagbigyan mo na sya Ad." Paki'usap ni Amelia sa dalaga. "Tsk, fine." Pagsuko nito. "Good. You may go now agents para makapag'impake na kayo ng mga gamit nyo. Maiwan muna dito si Agent Viper at Agent Phoenix." Sabi ni Alchris kaya isa-isa nang lumabas ang mga ito. Nang masarado ang pintuan ay seryosong tumingin si Alchris sa dalawa na naka'upo lang sa couch at naghihintay ng sasabihin nya. "So about sa uuwian nyo sa Pilipinas, actually meron na. Hindi mahirap sa side ni Chelsea dahil nandon ang kapatid ng Mom nya. Sayo naman bunso, actually kanina ko lang ito naisip at sana ay hindi ka magalit." Nag'aalinlangang sabi ni Alchris. "Ano ba yun.?" "Magpapanggap kang kapatid ni Miguel Cabrera pagdating nyo sa Pilipinas at sa iisang bahay lang kayo titira. Sya rin ang magiging katuwang ni Chelsea." Mabilis na paliwanag ni Alchris.  Alam nya kasing ayaw na ayaw ng kapatid na may makasamang iba sa iisang bubong  na hindi malapit sa kanya o hindi nya pa masyadong kilala. Well, she's kinda an introvert person. She loves her privacy. "Ano.?!" Kunot noong sigaw ni Adriane dahil sa sinabi ng kanyang kuya. ______
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD