Munich, Germany
Kingsley Secret Service Agency Building
"Congratulations agents.! You did well on this mission, you make me proud as always agents.!" Malaki ang ngiting bati sa kanila ng Director ng kanilang agency na si Manolo Kingsley.
Pagkatapos kasi ng mission nila ay ipinaubaya na nila ang bata sa kanilang agency at dumiretso na sa kanilang hideout na nasa basement lang ng kanilang building.
Ganyan naman lagi ang ginagawa nila, pag tapos na nilang gawin ang ipinapagawa sa kanila ay ang agency na ang bahalang kuma'usap sa kanilang client. Hindi sila ang humaharap sa mga ito at kapag naman may bagong mission ay ang director rin ang nakikipag'usap at ibinibigay lang sa kanila ang buong detalye ng mission at kung ano ang dapat nilang gawin. At advantage yun para kay Adriane.
"Syempre kami pa ba.?" Taas noong sambit ni Kean na ikina'iling ng mga kasama nya dahil lumalabas na naman ang pagiging maloko nito.
"Magtigil ka nga dyan.! Ang yabang talaga nito." Suway sa kanya ni Chelsea. Sa kanilang anim ang dalawang ito ang palaging nagbabangayan kaya nasanay na rin ang kanilang mga kasama sa pagiging aso't-pusa ng mga ito.
"Heto na naman po sila.!" Naiiling na bulong ni Rafael.
"Babe naman, nagsasabi lang naman ako ng totoo eh. Galit kana naman dyan." Pacute na sabi ni Kean. Masama syang tiningnan ni Chelsea dahil sa narinig na naman nitong B word mula sa lalaki.
"That's enough agent Phoenix and agent Tiger.!" Suway sa kanila ng kanilang director dahilan para tumahimik ang dalawa. "Anyway, gaya nga ng ipinangako ko sa inyo ay magkakaroon kayo ng dalawang linggong bakasyon. Pakunswelo ko na rin sa magandang resulta ng mission nyo ngayon." Pagpapatuloy nito kaya naghiyawan ang grupo except kay Adriane na seryoso lang ang expression ng mukha.
"Thanks god.! Makakapag beauty rest na din ako sa wakas." Maarteng sabi ni Amelia bago lumapit kay Adriane. "Ano hon sama ka sa akin.? Para na rin makapagpahinga ka." Malambing nitong tanong habang nakakapit sa braso ng huli.
"No thanks." Maikling sagot ng dalaga at tipid na ngumiti kay Amelia na ikinanguso nito samantalang nakatingin lang sa kanila ang kanilang mga kasama.
Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng mga ito ang relasyon ng dalawa noon. They are f*ck buddies to be exact, pero alam ng mga kasamahan nila na higit pa doon ang nararamdaman ni Amelia lalo na ng tahasan nitong inamin kay Adriane na mahal nya ito simula pa noong rookie days nila. Hindi man aminin ng huli ay ramdam naman nilang may puwang ang babae sa puso nito.
Ang problema nga lang hindi pumapasok sa isang relasyon ang isang Adriane Ford kaya masakit man para kay Amelia ay ginawa pa rin nito ang tama, yun ay ang itigil na kung ano man ang ginagawa nila. Ramdam kasi nya na mas lalo lang syang nahuhulog sa dalaga sa bawat araw na nagdaan at alam nyang sya lang ang masasaktan sa huli kapag ipinagpatuloy pa nila ang relasyong iyon.
Well, it happened three years ago at masaya na sya ngayon sa dalawang taon na nyang boyfriend na si Cedrick Wilson na isang kilalang businessman sa Paris. Nakilala nya ito nung humingi sya ng isang buwang leave of absence to mend her broken heart. Hindi din naman nya inaasahan na mahuhulog sya rito pero matapos ang apat na buwang pangliligaw ng lalaki ay sinagot na agad nya ito lalo pa't kitang-kita nya ang determinasyon at pagmamahal nito para sa kanya.
Alam din naman nito ang tungkol sa kanilang dalawa ni Adriane and he's ok with it, nakilala na rin ito ng mga kaibigan nila at ng huli at magaan ang loob ng dalaga rito lalo pat kitang-kita nya na mahal nga nito si Amelia.
May panghihinayang man sa parte nya dahil hindi naman talaga mahirap mahalin si Amelia pero masaya parin ito sa naging takbo ng lovelife nito, masaya syang nakahanap ito ng taong handa syang ipaglaban at mamahalin sya ng totoo.
Wala rin namang ilangang nagaganap sa pagitan nilang dalawa ng kaibigan, katunayan ay sakanya lagi nagtatanong ang boyfriend nito tungkol sa safety ni Amelia lalo na nong malaman nito ang tungkol sa trabaho nila. Malambing lang talaga na babae si Amelia kaya kung hindi ka sanay na makita silang ganon ay mapagkakamalan mo talagang may relasyon ang dalawa.
"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig na ba this.?!" Pabirong sabi ni Kean na ikinakunot ng noo ni Adriane at ikinahagikhik naman ni Amelia.
"Aww sorry Ad but I'm in love with my boyfriend." Sakay nito sa pagbibiro ni Kean. Tumaas tuloy ang kilay ni Adriane sa sinabi ng huli.
"Hindi rin ako pumapatol sa taong may karelasyon." Walang ganang sagot nito pero tinawanan lang sya ni Amelia at ng mga kasama nya.
Alam naman nilang wala na talagang ganap sa dalawa pero minsan hindi nila maiwasang hindi tuksuhin ang kanilang superior lalo nat natutuwa sila sa reaksyon nito. Hindi naman ito bitter pero mahina lang talaga maka'pick up ng joke, kumbaga may pagka'slow ito pagdating sa ganoong usapan. Katulad na lamang ngayon.
"Oh sya tama na 'yan, baka pagbabarilin na kayo nitong si Agent Viper kapag hindi pa kayo tumigil." Singit ng kanilang director na natatawa rin dahil sa reaksyon ng kanyang pamangkin.
"Amelia ok ka lang.?" Biglang tanong ni Chelsea nang makita ang huli na nakahawak sa sentido at namumutla pa. Pati tuloy ang mga kasama nila ay nakatingin na dito.
"Yeah, medyo masakit lang ang ulo ko at nahihilo ako." Sagot nito habang nakahawak parin sa braso ni Adriane.
"Agent Phoenix samahan mo si Agent Athena sa medical team natin para matingnan, Agent Viper pumunta ka sa office ng co-director natin dahil may sasabihin sya sayo and the rest of you, you may go now." Sabi ni Director Kingsley kaya agad na nagsipag'alisan ang mga ito.
Pagdating ni Adriane sa labas ng office ng co-director nila ay kumatok muna ito ng tatlong beses bago pumasok, pagdating nya sa loob ay isang matipunong lalaki ang nadatnan nya na nakatayo paharap sa glass wall habang may binabasa na files.
"May sasabihin daw po kayo sa akin Sir.?" Tanong nya pero tinawanan lang sya nito nang makaharap na ito sa direksyon nya.
"Don't be too formal Hope, ako lang ito..ang kuya mo." Nakangiting sabi ng lalaki na ikinabuntong hininga nya.
"I told you to stop calling me that nickname." Poker face nyang sagot rito.
"Silly, it is not just your nickname. It's your second name." Her brother defended.
"Whatever."
"Ang sungit naman ng kapatid ko, wala man lang bang yakap dyan.?" Biro nito kaya napailing na lamang sya at niyakap ang kuya Alchris nya.
"Bat mo nga pala ako pinatawag.?" Tanong nya ulit sa kapatid bago umupo sa couch na naroon.
"Gusto ko lang naman kumustuhin ang nag-iisa kong kapatid at ang katatapos lang nyang mission."
Adriane raises her natural thick eyebrows at him before answering him using her bored tone.
"Well as you can see, buhay pa naman ako. Saka alam kong alam mo na kung ano ang resulta ng mission namin, so spill the beans now brother."
"Ok ok. Relax ka lang bunso, actually pinapunta talaga kita dito para ipaalam sayo na may mission na agad kayo pagkatapos ng little vacation nyo."
"Anong klaseng mission.?"
"Saka ko na sasabihin kapag tapos na ang bakasyon nyo." Malumanay na sagot nito na ikinakunot ng noo ni Adriane. Usually kasi sinasabi agad ng kapatid kung anong klaseng mission ang gagawin nila pero ngayon ay parang napapansin nya ang pag-aalinlangan sa mata nito.
"Sabihin mo na Chris, alam mong hindi kita titigilan kapag hindi mo pa sinabi sa akin ngayon. Ba't hindi ito nabanggit ni Tito kanina.?" Seryoso nyang tanong sa kanyang kuya.
"Dahil sinabi ko sakanya na ako na lang ang magsabi sayo at huwag munang ipaalam sa grupo mo dahil baka magbago pa ang isip mo." Sagot nito na ipinagtaka nya.
"What do you mean.?"
"Bago ko sabihin sayo ang lahat, may itatanong muna ako sayo."
"Ok what is it.?"
"Handa kana bang umuwi sa Pilipinas.?" Natigilan sya sandali sa tanong nito.
"Ano namang kinalaman nito sa susunod naming mission Chris.?"
May hint na syang sa Pilipinas ang susunod na lokasyon ng kanilang mission pero hindi nya alam kung bakit kinakabahan ang kanyang kapatid base sa nababasa nyang reaksyon nito ngayon.
"Naisip ko lang kasi na baka hindi mo pa kaya, o di kaya'y ayaw mo nang umuwi sa Pilipinas matapos ang nangyari sa...sa mga magulang natin." Nagdadalawang isip pang sabi nito.
"I know you Chris at alam kong hindi lang iyan ang concern mo, so tell me what's the real deal.?" Diretsa nyang tanong rito. Ang pinaka ayaw nya sa lahat ay iyong pinapa'ikot ang usapan.
Napabuntong hininga muna ang kapatid bago nagsalita.
"Ang totoo kasi nyan nakipag'usap ang Philippine government kay Tito Manolo. Humingi sila ng tulong sa ating agency kung pwede tayong magpadala ng pinakamagaling na agents doon at yun nga, ang grupo nyo ang napili para ipadala sa Pilipinas to go under cover sa isang kilalang University doon. Maraming studyante ang nadadakip at namamatay dahil sa sobrang pag'gamit ng droga. The interesting part is, halos lahat ng studyanteng nakukuhaan ng droga ay galing sa paaralang iyon at ang pinakamalala ay pati ang human trafficking na'uso rin doon. Ang kadalasan na nare'rescue na mga babae na ipinagbebenta sa black market ay mga studyante mula din sa University na iyon." Paliwanag nito sa kababatang kapatid na hindi parin kumbinsido ngayon.
"Ano pa.? Sabihin mo na lahat saka bat sa atin pa sila humingi ng tulong.? Ano pang silbi ng gobyerno nila.? Tss"
"Ang totoo kasi nyan nakakailang padala na sila ng mga agents doon para mag under cover sa University na iyon kaya lang...."
"Kaya lang ano.?"
"Kaya lang hindi na nakakabalik ng buhay ang mga ito. Ang patay na lang na katawan ng agents ang kanilang nakikita two weeks after silang e'deploy."
"Ano.?" Taas kilay nitong tanong sa kapatid.
"Tama ka ng narinig. At ang huling tatlong agent na ipinadala nila sa University na iyon ay pinatay rin."
"Baka naman tatanga-tanga ang mga iyon kaya natunugan na isa silang agent." She rudely said.
"You're wrong, lahat ng ipinadala nila doon ay mariing nag'iingat sa kanilang mga kilos pero mukhang kahit saan sila magpunta ay natutunugan sila ng mga ito. Pero bago namatay ang huling tatlong agent na ipinadala nila ay kinompirma ng mga ito na talak ang bentahan ng droga sa loob mismo ng paaralan. Ang problema wala silang ideya kung sino ang leader ng mga ito, kung studyante rin lang ba sa University na iyon o outsider na malayang nakakapasok sa loob."
"Wala ba silang nahuli kahit isa man lang na studyante na myembro ng sindikatong 'yan.?"
"May nahuli silang dalawang studyante na naaktuhan na nagbebenta ng droga pero wala daw silang nakuhang impormasyon sa mga iyon. At ito talaga ang isa sa mga dahilan kung bakit ko naisipan na baka magbago pa ang isip mo sa misyong ito." Nag'aalinlangang sabi nito bago ibinigay sakanya ang files na kanina lang ay binabasa nito.
Nagtataka man sa inasta ng kapatid ay tinanggap nya agad ang folder na may naglalaman ng impormasyon tungkol sa mission nila kung sakali.
"Ano ba kasi ang laman nit...." Hindi na nya natuloy ang sasabihin ng makita nya ang files.
Para ata syang nabingi at ang malakas na t***k na lamang ng kanyang puso ang naririnig nya, hindi dahil sa kaba o takot kundi dahil sa galit na nararamdaman nya. Nanginginig ang kanyang kamay at gusto nyang pumatay ng tao ngayon.
"Adriane." Natatarantang tawag sakanya ng kanyang kapatid nang makitang napalitan ng kakaibang emosyon ang mga mata nito. Hindi pa rin ito natitinag at nakatitig lamang sa files.
Ito ang dahilan kung bakit ayaw nyang ipahawak sa kapatid ang kasong ito dahil alam nyang babalik sa isipan nito ang masamang kahapon na pilit nilang iniiwasan. Nababahala syang baka ito pa ang maging dahilan na hindi nya magawa ng maayos ang trabaho.
"Hope.!" Tawag nitong muli sa kapatid kaya medyo natauhan ito. Pumikit muna ito saglit at malalim na bumuntong hininga.
"Pa...pasensya na." Hingi nito ng paumanhin sa kapatid na may pagaalalang tumingin sa kanya.
"Anyway, ang mga napatay na mga agents ay nilagyan ng ganyang marka sa kanilang dibdib at yung mga nahuling students ay.... mayroon nyan." Tukoy nito sa maliit na spider tattoo ng dalawang studyante na nakalagay sa kamay ng mga ito.
Kapareho ng tattoo ng mga taong pumatay sa kanilang mga magulang. Same tatoo, same spot kung saan nakalagay.
"Ang sabi ni Tito Manolo noon, marahil isang grupo ng sindikato ang pumatay sa mga magulang natin... at ngayon myembro rin ng sindikato ang mga studyanteng ito na nagkataon na kaparehong-kapareho ng tatoo ng mga kriminal na iyon. Hindi lang ito coincidence hindi ba Chris.?" Seryosong tanong ng dalaga sa kapatid.
"Iyan din ang iniisip ko bunso. Pero wala pa tayong katibayan na ang mga taong pumatay sa mga magulang natin at ang sindikatong kinabibilangan ng mga studyanteng iyan ay iisa."
"Then ako mismo ang magpapatunay non kapag nagsimula na ang misyong ito." Malamig na sabi ni Adriane at naglakad na papunta sa pintuan pero agad din napatigil sa paghawak ng doorknob nang magsalita ang kapatid.
"Huwag mo sanang hayaan na tuluyan ng lamunin ng galit ang puso mo Hope." Nag-aalalang sabi nito gamit ang nickname at second name nya na kahit kailan ay ayaw na nyang marinig.
Hindi na nya sinagot at nilingon ang kapatid, bagkus ay tuluyan na syang lumabas ng silid na iyon na may mabigat na aura kaya kahit isa sa mga kasamahan nya ay walang nagtangkang kumausap o bumati sakanya ng makasalubong sya ng mga ito sa hallway. Hindi na rin sya nakapagpaalam sa kanyang mga ka'grupo at nagmamadali nang umalis sa kanilang building papunta sa kanyang bahay.
Pagdating nya doon ay dumiretso sya sa basement at agad na pinagsusuntok ang punching bag, doon nya inilabas ang galit at pagkamuhi na nararamdaman nya kanina sa loob ng office ng kanyang kapatid.
Nang magsawa sya sa kanyang ginagawa ay pabagsak itong humiga sa sahig na basa ng pawis kaya agad nyang hinubad ang suot na t-shirt. Pero agad ding napahawak sa may bandang dibdib nya kung saan naroon ang peklat na parang kinalmot ng mabangis na hayop. Hindi naman iyon kalakihan pero sapat na para ipaalala sakanya na tama ang naging desisyon nya ng mga panahong iyon dahil hindi sya magiging isang magaling na agent ngayon kung patuloy lang syang aasa sa kanyang Tito.
Flashback
11 years ago
"Anong sabi mo.?!" Pasigaw na tanong sakanya ng kanyang Tito Manolo matapos ang training nila.
"Gusto kong magtrabaho sa Kingsley Secret Service. Gusto kong maging isang agent." Walang pag'aalinlangan nyang sabi rito.
"Naririnig mo ba iyang sinasabi mo Adriane Hope.?! Masyadong delikado ang trabaho ng isang agent at ayokong masaktan ka. Masyado ka pang bata para don, you're only twelve years old for pete's sake.! Saka hindi pa ba sapat na tinupad ko ang hiling mo na turuan ka ng mga nalalaman ko.?" Litanya ng matanda na ipinagsawalang bahala nya.
Nang lumipas kasi ang isang taon simula nong mamatay ang kanilang mga magulang ay hiniling ni Adriane sa kanyang Tiyo na turuan syang makipaglaban at kung paano gumamit ng baril. Isang high class U.S marine ang kanyang tiyo at napilitan lang itong bumitaw sa trabaho nang mamatay ang kapatid nito dahil sya na rin ang nag'aalaga sa kanyang mga pamangkin.
Nung sabihin sakanya ni Adriane na gusto nitong magpaturo kung paano lumaban sa masasamang tao ay walang pagdadalawang isip nya itong tinuruan. Lahat ng nalalaman nya ay itinuro nya dito at hindi nya maiwasang mamangha lalo pa't madali lang itong matuto, kung tutuusin pwede na itong maging isang assassin dahil sa taglay na galing at bilis nitong kumilos. Sa dalawang taon nyang pagtuturo dito ay ngayon lang nya narinig mula rito na gusto nitong magtrabaho sa agency na binuo ng kanyang kapatid.
"Gusto kong magtrabaho doon." Pag'uulit ni Adriane.
"Bigyan mo ako ng magandang rason para pagbigyan kita sa hinihiling mo."
"Gusto kong...gusto kong ako mismo ang mag'imbestiga sa pagkamatay ng mga magulang ko." Malamig nitong sabi na hindi na ikinabigla ni Manolo.
Tatlong taon na ang lumipas at simula nang mamatay ang mga magulang nito ay kasabay din ng pagkamatay ng sigla sa mata ng kanyang pamangkin. Nawala na ang bibo at palangiting bata na nakilala nya noon lalo pa't comatose parin hanggang ngayon ang kapatid nito na binaril rin ng mga lalaking pumasok sa kanilang bahay.
Hindi na rin ito ngumingiti at hindi na rin nakikipag'usap sa ibang tao maliban lang sa kanilang mag'asawa at sa anak nyang si Chelsea pero tipid lang kung magsalita.
"Sige pagbibigyan kita, sa isang kondisyon."
"Ano iyon.?"
"Kailangan mong gamitin ang kakayahan at ang mga nalalaman mo para mabuhay at manatiling ligtas."
"Ano ang ibig mong sabihin.?" Nagtatakang tanong ni Adriane.
"Malalaman mo rin." Sabi lang nito bago iwan ang batang si Adriane na nagtataka.
"Seriously.?! Ito ang naisip mo.?!" Naiinis na sigaw ni Adriane habang nakaharap sa malawak na karagatan.
Hindi nya inaasahan na ito ang gagawin ng kanyang Tito, ang iwan sya mag'isa sa isang isla na hindi naman nya alam kung saan.
"Shit.!" Sigaw nya at padabog na dinampot ang kanyang bag na naglalaman ng kanyang damit.
Hindi nya alam kung ano ang nakain ng tiyuhin kung bakit sya nito iniwan sa isang isla na wala man lang pagkain na dala, pati baril wala rin sya. Ang tanging nadala lang nya bukod sa iilang damit ay ang twin dagger na ibinigay nito sakanya bago sya pinatulog. At ito nga pag'gising nya ay nasa isang isla na sya na kung hindi sya nagkakamali ay maraming mababangis na hayop ang naninirahan rito.
_______