Into You-1

2173 Words
Present Day.. Afghanistan, 6:18 pm *Bang.! bang.! bang.! bang.!* Sunod-sunod na putok ng baril ang iyong maririnig sa lugar na iyon. Kahit ang mga daga ay takot lumabas sa kanilang lungga dahil sa takot na madamay sa barilan ng mga taong hindi takot mamatay. "Fuck.! Ang dami naman ng mga kumag na ito.!" Naiinis na sigaw ng isang lalaki habang naglalagay ng bala sa kanyang baril. "Relax Mike. Hahaha. Ang saya nga nito eh.!" Sigaw naman ng kasama nyang lalaki habang iwinawasiwas ang kanyang baril sa kalaban na para bang naglalaro lamang. "Baliw kana talaga Kean.! Umayos ka nga.! Kapag ikaw nabaril at napatay hindi talaga ako iiyak sa libing mong hayop ka." Saway ng isang babae doon sa lalaking nagpa'ulan ng bala sa kanilang kalaban. "Oh c'mon Chelsea my love. Huwag kang KJ. Hahaha." Pagbibiro ni Kean sa kasama nyang babae na ikina'ikot lamang ng mata nito. "Putcha.! Wala pa ba ang back up natin.?!" Sigaw naman ng isa pang lalaki sa kanyang kasama habang nakikipagpalitan ito ng putok sa kalaban. "Relax Raf. Parating na sila." Mahinahong sagot ng kanyang kausap at marahang tiningnan ang batang babae sa kanyang tabi na tahimik lang na yumuko habang umiiyak. Nakatakip ang dalawang palad nito sa magkabilang tainga dahil sa ingay ng tunog ng baril. Bahagya pa itong nanginig nang hawakan nya ito sa ulo habang humihikbi. Hindi nya tuloy maiwasang maawa sa bata dahil sa murang edad ay naranasan na nito ang ganitong sitwasyon. Sigurado syang tatatak ang pangyayaring ito sa munti nitong isipan. Katulad na lamang ng nangyari sakanya noong bata pa sya. "Hey baby. It's ok. Everything is going to be fine. You're safe with us." Pang'aalo nya rito. Tumingin naman ito sakanya na may takot sa mga mata. Napatulala pa sya dito ng makita ang expression ng mukha ng bata. "Ang mukhang 'yan. Ang mga tinging 'yan. Katulad na katulad ng sa akin. Noong mangyari ang trahedyang iyon." She thought. "Are you my protector.?" Mahinang tanong nito sakanya habang nakatakip parin ang dalawang palad nito sa kanyang tainga. Pero hindi na katulad kanina na umiiyak ito. Ito ang rason kung bakit nandito sila sa ganitong sitwasyon. Sinagip kasi nila ang batang ito mula sa kamay ng mga kidnappers. Anak ito ng isang kilalang business tycoon sa America. Kinidnap ito ng mga grupo ng kalalakihan paglabas nito ng paaralan three days ago. Pinatay ang limang bodyguard nito at ang yaya na kasama. The kidnappers demanded a ransom of 50 million dollars kapalit ng buhay ng batang ito. Pero hindi kayang ibigay ng mga magulang ng bata ang ganoong kalaking halaga kaya't nakipag'tulongan ito sa agency nila. Plinano nila itong mabuti sa loob ng dalawang araw at ang kanilang grupo ang napili para sa misyong ito. Napag'kasunduan din nila na sila ang gagawa ng exchange item para walang madamay na inosente. Ok na sana ang lahat kung hindi lamang nakatunog ang mga ito na isa pala silang agent at peke ang perang ibinigay nila. Mabuti na lang naibigay na sakanila ang bata bago pa nagka'alaman. Kaya ngayon ay nakikipagbarilan na sila sa mga ito pero hindi nila inaasahan na ganito pala kadami ang mga ito at parang hindi nauubusan ng bala. "Yes I am, and I will do everything to protect you." Sagot nya sa bata habang nakangiti. Gumanti rin naman ito sakanya ng ngiti at mukhang hindi na ito gaanong natakot. "Adriane kailangan na nating maka'alis dito.! Bago pa tayo mapunta sa impyerno.!" Sigaw ni Mike sa babaeng nakikipag'usap sa bata habang mahinahon lang na nakikipag'barilan sa mga kidnappers. Natawa ang iba nilang kasama sa sinabi ni Mike. Napatingin naman ang babae sa kanyang relo at kahit na natatakpan ang kalahating mukha nito ng face mask ay halatang nakangisi ito. "Ok, prepare yourselves agents.! We will going to escape this hell place.!" Sigaw nito na ikina'ngisi rin ng mga kasama nya. And as if on cue, ay bigla na lang may lumitaw sa kanilang likuran na anim na battle drone at nagpa'ulan ng bala sa kanilang kalaban. Ito na rin ang signal nila para tumakas. Nauna ng tumakbo si Adriane  habang karga-karga ang bata. Ang mga kasama naman nya ay nasa likuran nya at nakasunod lang sakanya. Hindi pa sila nakakalayo sa kuta ng kalaban nang may humarang na sasakyan sa harapan nila. Biglang bumukas ang bintana nito sa driver seat at bumungad sa kanila ang nakangising mukha ng isang magandang babae. "Zup bitches.! Sumakay na kayo bago pa tayo mahabol ng kalaban.!" Sigaw nito. Naiiling na lang sila at agad ng pumasok sa loob ng sasakyan. "Ang galing ng grand entrance mo Anne." Natatawang sabi ni Chelsea nang maka'alis na sila sa lugar na iyon. "At matagal mo ding pinakawalan ang mga baby mo." Sarkastikong sabi ni Mike. Ang tinutukoy nito ay ang mga drone kanina, iyon din ang sinasabi ni Rafael na backup nila. "Relax Mike.! Hahaha. I'm just on time you know." Natatawang sagot ni Amelia dito. Siya kasi ang naka'assign sa technology and gadgets sa kanilang grupo. Well actually, dalawa pala sila ni Chelsea. Pero minsan sa field ito nagtatrabaho kagaya na lamang ngayon, unlike kay Amelia na tutok talaga sa technology though alam naman nya kung paano gumalaw sa close combat. "Yeah yeah. Kahit na muntik na kaming mamatay doon." Poker face na sagot ni Mike na ikina'iling naman ng mga kasama nila. Viper ang tawag sa grupo nila na hango sa codename ng kanilang leader at dahil na rin sa kadahilanang para silang mga makamandag na ahas. Tahimik at malinis kumilos, depende sa sitwasyon. Kapag ikaw ang target nila ay talagang wala kanang kawala sa nakakalason nilang kamandag. Ang grupo nila ay binubuo ng anim na myembro. Si Mike Adler o kilala sa codename na Agent Sniper. Magaling itong umasinta ng kalaban. Mapa'araw man o gabi, malayo man o malapit. Lalo na't pasok ito sa top ten na magagaling na sniper sa kanilang agency. Si Kean Adams o Agent Tiger. Wala itong kinatatakutan at para itong isang tigre na nilalapa ang sino mang makita na kalaban sa kanyang daraanan. Pero witty din itong tao. Kahit na nasa mahirap silang sitwasyon ay nagagawa pa nitong magbiro. Si Rafael Hayes naman o Agent Nightcrawler ay kilala sa pagiging mainitin ang ulo, pero maaasahan sa mga mission. Magaling din itong umasinta ng kalaban at expert ito sa paggamit ng ibat-ibang klase ng combat knife. Si Chelsea West o Agent Phoenix. Kilala ito bilang Human Technology ng grupo. Ito rin ang gumagawa ng mga gadgets na ginagamit nila sa kanilang mission. Magaling din itong makipaglaban sa close combat. Si Amelia Jenkins o Agent Athena ay katulad rin ni Chelsea. Sa technology din ito na'assign at minsan ito ang P.I nila kapag pumupunta sila sa isang crime scene. Pero hindi ito masyadong na'e'expose sa field but one thing is for sure. She can make you fly by giving you a hard punch in your face. Of course alam nya kung paano makipaglaban dahil hindi lang naman technology ang pinagtutuunan nya ng atensyon noong nagte'training pa sila para maging isang ganap na agent. Lastly, ay si Adriane Ford o mas kilalang Agent Viper. Ito ang superior nila at kilala ito sa pagiging strikto. Magaling itong gumamit ng ibat-ibang klase ng baril at katulad ni Rafael, magaling rin itong gumamit ng ibat'ibang klase ng combat knife. Isa rin itong sniper at kahit kailan hindi pa ito pumalpak. Lahat ng katangian ng isang magaling at mabuting leader ay nasa kanya na. Kinatatakutan din ito sa kanilang agency dahil sa malamig na pakikitungo nito sa kanyang mga kasamahan kahit na sa kanyang mga ka'grupo. Pero sanay na naman ang mga ito sa ugali nya dahil ito na ang kasa-kasama nila simula pa noong rookie days nilang anim. Ito rin ang pinaka'batang agent na humawak ng grupo. Pumasok sya sa kanilang agency sa edad na katorse para maging isang agent. Sa edad na labing-pito ay alam na nya kung paano mamuno at sya rin ang pumili sa kanyang mga ka'grupo. Pinili nya ang mga ito dahil magagaling ang mga ito at may nakikita syang potential sa bawat isa sa kanyang myembro. Bukod sa kanyang kuya Alchris, ang kanyang Tito Manolo na nag-iisang kapatid ng kanyang ama at ang anak nito na si Chelsea lang ang pinagkakatiwalaan nya. Ang kapatid nya at ang Tito Manolo nya ang nagpapatakbo ng  Kingsley Secret Service simula ng mangyari ang trahedyang iyon. Ang mismong pamilya rin nila ang nagmamay'ari sa agency na pinagtatrabahuan nila. Walang nakaka'alam ni isa sa kanilang agency na sya at ang kuya Alchris nya ang anak ng yumaong may'ari ng agency na pinagta'trabahuan nila. Hindi pa kasi sila naipapakilala ng kanyang ama noong nabubuhay pa ito at second name lang nila ang laging ginagamit ng kanyang mga magulang dati. Adriane Hope ang buo nyang pangalan samantala ang kuya nya ay Alchris James. Pati ang kanilang mga kasambahay noon ay ang second name din nila ang tinatawag sa kanila. Ang alam ng lahat sa agency at sa mga kakilala ng mga magulang nila ay matagal na silang patay kasama ang kanilang mga magulang noong nasunog ang bahay nila when she was ten years old. Hindi alam ng mga ito na nakaligtas sila mula doon and they wanted to keep it that way, ang isipin ng mga ito na patay na sila. As much as possible, ayaw nilang may maka'alam sa identity nila kahit na ang kanyang mga ka'grupo. Maliban lang sa pinsan nyang si Chelsea na alam ang buo nyang pagkatao. Hindi nya ginagamit ang surname nyang Kingsley  ganoon din ang kanyang kapatid at ang pinsan nyang si Chelsea. Wala din syang itinuturing na kaibigan dahil para sakanya wala ng mapagkakatiwalaang tao ngayon. Marami rin ang naiinggit sa kanilang samahan, ika nga ng iba solid ang kanilang team. Limang taon na ang lumipas simula nang mabuo nya ang grupong Viper pero hanggang ngayon ay matibay pa rin ang kanilang grupo. Para naman kina Mike, kahit na hindi sila itinuturing na kaibigan ni Adriane ay masaya naman silang nakilala nila ang kanilang superior at mananatili ang loyalty nila dito kahit na anong mangyari. Sa kanilang anim, si Adriane at si Rafael lang ang mas matured mag'isip. Sila ring dalawa ang mas bata though isang taon lang naman ang agwat nila sa kanilang mga kasama. Kahit na halos magkapare-pareho sila ng edad ng kanyang mga ka'grupo ay mga isip bata parin ang mga ito minsan. Hindi na nahiya sa dalawampu't-tatlong taon nilang edad at mga naturingan pang Class S agent. Meanwhile Present Day.. Manila, Philippines 10:26 pm "Reed.! Reed.! Reed.!" Sigaw ng mga taong nakapalibot sa babaeng may hawak na baso na puno ng alak, samantalang bagsak na sa mesa ang kalaban nitong lalaki. "Woah.! Weak.!" Sigaw ng babae at pabagsak na nilapag ang hawak na baso. Nagtatawanan naman ang mga kaibigan nito na kanina pa nakatingin sa ginawa ng pilya nilang kaibigan. "You already drunk best. Umuwi na tayo.!" Pasigaw na sabi ng kaibigan nya dahil sa maingay na tugtog ng bar na pinuntahan nila. "Drunk.? Me.? Oh c'mon Giana. Don't be such a kill joy.!" Balik nyang sigaw sa kaibigan at pasuray-suray itong pumunta sa gitna ng dance floor at sumayaw na parang wala ng bukas. "Hi babe, wanna dance.?" Tanong sakanya ng lalaking hindi naman nya kilala. Ngumisi muna sya dito bago sumayaw in a seductive way. Sinadya rin nyang ilapit rito ang kanyang katawan habang gumigiling na ikina'ungol naman ng lalaking nasa harapan nya na lalo lang nyang ikina'ngisi. "Oh gosh.! Heto na naman sya." Napatampal na lamang sa noo ang isa nyang kaibigan habang nakatingin sa direksyon nya at sa ginagawa nyang pang'aakit sa lalaking kasayaw nya. "Sheena kailangan na natin syang iuwi. Baka pagalitan na naman tayo ni Tito Raymond." Natatarantang sabi ni Giana sa kanyang kaibigan. "Hayaan nyo na ang bruhang 'yan. Tutal iyan naman ang gusto nya." Balewalang sabi ng isa pa nilang kaibigan. "Seriously Kiara.? Wala kana ba talagang ibang sasabihin na maganda.?" Naiinis na sabi ng isa pang babae. "Lorraine tama na iyan. Pagpasensyahan mo na itong pinsan ko. Alam mo namang bitter lang ito minsan." Natatawang saad ni Sheena para hindi na magbangayan ang dalawa. "Hays.! Ako na nga ang pupunta doon." Sabi ng isa at mabilis na tumayo para puntahan ang kanilang kaibigan na hinahawakan na ngayon sa bewang nong lalaking kasayaw nito. "Go Shan.! Hatakin mo na sya.!" Pangche'cheer sakanya ng kanilang mga kaibigan na ikina'ikot ng mata nito. "Scarlett we have to go.!" Sigaw nya sa kanyang kaibigan pagkalapit nya sa pwesto nito. "Oh Shanara my friend.! C'mon, samahan mo akong sumayaw dito.!" Balik nitong sigaw kaya wala na syang nagawa kundi hatakin ang lasing na nyang kaibigan palayo sa manyak na lalaking kasayaw nito. "Hey.! Ano ba.? Gusto ko pang sumayaw eh." Pagmamaktol nito ng makalapit na sila sa pwesto ng iba pa nilang kasama. "Tama na iyan frenny. Aalis na tayo." Mahinahong sabi ni Giana bago nya hatakin palabas ng bar ang walang kalaban-laban na kaibigan. Kasunod lang nila ang iba pa nilang kaibigan na naiiling na lamang dahil sa nangyari. _________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD