MANIKA

338 Words
Hi. Gusto ko lang mag-share ng nangyare sa amin ng LIP (live-in partner) ko. Pasensya na rin kung di ako ganun kagaling magkwento, reader lang kasi talaga ko rito. Mga 3 weeks pa lang nung nanganak ako nun, isang gabi mahimbing na natutulog si LIP ko tapos after ko mapatulog yung baby namin nilapag ko rin agad siya. Tapos nag-cellphone muna ko scroll scroll kasi di pa naman ako inaantok. Mga 1 am nun habang seryoso ako kaka-cellphone, may narinig akong tumawa, boses babae siya. Edi napalingon ako sa bintana which is yung bintana nasa ulunan lang namin, inisip ko baka may tao pero wala naman tsaka imposible naman. Hinayaan ko na lang, scroll ulit ako tapos maya-maya, meron na naman tumawa. Boses babae talaga. Nilingon ko yung LIP ko, tulog naman siya ng mahimbing tapos hinayaan ko na naman ulit, tapos nawala na. Ilang minuto sumigaw yung LIP ko habang tulog pero yung sigaw niya may halong tunog ng babae pero di ko agad siya ginising. Tinitigan ko lang muna siya kung sisigaw pa ba siya o ano pero habang tinititigan ko siya, napansin ko na nanginginig siya na parang nilalamig, dun ko na siya ginising. Nung ginising ko siya tinanong ko agad sabi ko, "Ano nangyare sayo, beb?" tapos tumingin lang siya sa akin tapos tumitig sa kisame tapos natulog ulit, kaya hinayaan ko na lang. Kinabukasan, mga hapon na naalala niya yun. Tinanong niya ako kung bakit ko siya ginising nung madaling araw, tapos ayon kinuwento ko sa kanya na una may naririnig akong tumawa na babae tapos bigla siyang sumigaw. Tapos sabi niya nananaginip daw siya nun na may hinahabol siyang manika kasi raw tinatawanan siya, tawa daw na parang d3m0ny0 tapos hinahabol niya kasi gusto niya s4ks4kîn. Habang kinukwento niya yun sa akin di ko alam sasabihin ko tapos sabi niya pa kaya daw natulog siya ulit kasi raw gusto niya makita ulit yung manika kasi pagpapatuloy niya habulin yun. Ang creepy lang kasi first time nangyare sa amin nun. Palang 20** *Confidential
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD