Hello! 4 years na kami ng fiancé ko. Sa November magpapakasal na kami. Before ko maging bf si Ry (my fiancé), mayroon akong long-term boyfriend, si Ion (my ex). 8 years kami ng ex ko, actually muntik na rin kaming magpakasal noon pero ayaw niya pa kasi marami pa siyang baggages sa buhay niya at ayaw niya akong madamay sa mga problema niya. Gusto niyang i-solve yung mga yun on his own kahit na nag-offer akong magpakasal kami para matulungan ko siya.
Sa loob ng 8 years, siya yung naging sandigan ko sa lahat ng bagay. Halos lahat ng achievements at downfall ko andun siya para samahan ako. Pero wala, e nagbago ako. Nakulangan ako sa pagmamahal na binibigay niya. Hanggang sa nakilala ko sa NearGroup si Ry, at first, sinabi ko lahat ng problema ko sa kanya, sinabi ko na napapagod na ako maghintay sa bf ko na tapusin lahat ng baggages niya para ang focus kami naman.
Noong una, pinipilit ako ni Ry na ayusin yung sa amin ni Ion pero wala, e naging marupok ako that time. Hanggang sa di ko nalang namalayan na na-fall na ako kay Ry. Na kinikilig na ako tuwing magka-chat kami. Until one day, tuluyan ko nang tinuldukan yung meron samin ng long-term bf ko through chat. Hindi ko rin kasi siya kayang harapin that time baka maging marupok na naman ako kapag nakita ko siya.
After that breakup, hindi niya ako hinabol or di niya pinagpilitan yung sarili niya sa Akin. Hanggang sa after 2 months naging kami ni Ry officially. May isang message lang na naaalala ko na sinend sakin ng ex ko,
"Kapag iniwan ka ng bf mo, wag kang mahihiyang lumapit sa akin kasi naghihintay lang ako bumalik ka."
I know ang sama ko sa part ng ex ko kasi iniwan ko siya at his worst. Wala man lang akong binigay na closure sa kanya. Tuwing tinitingnan ko yung sss niya until now wala pa rin siyang gf. At mukang broken hearted pa rin siya. I know wala na akong pakielam doon pero kasi aside sa pagiging ex ko, isa siya sa tinuturing kong bestfriend dahil siya ang pinaka nakakakilala sa akin.
Ngayong malapit na ako ikasal, parang gusto ko siya kitain. Gusto kong magkaroon kami ng maayos na closure para sa part ko, wala akong regrets sa buhay at sa kanya naman, para makapag-move forward na rin siya ng mas maayos.
Sa tingin niyo po ba kailangan ko pa ba gawin tong naiisip ko? O wag na kasi matagal naman na yun at baka mas masaktan ko lang siya?
MK
2015
Educ