So ayun na nga, nagkagulo sa lobby ng office namin that day. Sobrang hiyang-hiya ako na wala na kong mukhang maiharap sa mga co-workers ko. Knowing na sa BPO, chismis all around. Wala pa ko sa wisyo that day, para akong lumulutang na di ko na alam ginagawa ko.
Kinaumagahan pinuntahan ko parents ni Dio sa bahay nila, nung makita ko pa lang muka nila napaiyak na ko.
"Ba't niyo po tinago sa akin? Bakit di niyo sinabing may asawa't anak siya?" at ayun, nag-sorry parents niya sa akin at kinuwento lahat.
Pinalayas si Dio sa bahay nila nung malamang nabuntis niya yung babaeng nakilala niya sa bar, di kasi tanggap ng parents niya. Mula raw noon wala na sila gaanong balita kay Dio. Ilang taon daw lumipas wala siyang paramdam then one day umuwi daw si Dio sa kanila dala-dala mga gamit niya. Naghiwalay raw sila nung kinakasama niya (di pa sila kasal). Humigi ng tawad si Dio sa parents niya at sinabing di na muling babalik sa kinakasama niya dahil sinasaktan siya nun.
After a month, nag-stay na siya dun sa bahay ng parents niya saka niya ko pinakilala. Hindi raw nila masabi sa akin na may anak na si Dio dahil nakikita nilang masaya na kaming dalawa at ayaw na nilang bumalik si Dio sa kinakasama niya. That day rin chinat ako nung kinakasama ni Dio, let's just call her Mia. Nakikipag-meet sa akin and I agree para mapagusapan mga bagay bagay at magkalinawan. Honestly, natatakot ako na baka ulitin niya yung pananâkit pero nevermind na lang, gusto kong malaman yung totoo.
So 5 pm nagkita kami sa isang fastfood. Maayos akong nakipagusap sa kanya pero siya alam kong gigîl na gigîl siya at gusto niya kong kalâdkarin, pero inunahan ko na and I told her na hindi ko alam na merong sariling pamilya si Dio. At ayun, nalaman kong everytime na hindi siya nagte-text or chat sa akin nandun pala siya sa bahay nila Mia. Everytime na day-off niya dun pala siya natutulog na ang akala ko ay nasa bahay siya ng parents niya. So for almost 2 f*ckîng years pinagsabay niya kami! At ang reason? Nalaman ko rin mismo kay Dio. Na kesyo daw sa halos 2 taon na magkarelasyon kami ay wala man lang daw kaming t*****t (alam niyo na yun), kaya daw bumabalik-balik siya kay Mia para dun. Like, WTH?
Sa mga nagsasabing naglihim sa akin yung parents ni Dio? YES, pero tolerate? I don't think so. Dahil nung nakausap ko sila, hindi nila alam na nagkikita na sila ulit ni Mia. Hindi nila alam may connections pa rin sila na nagkikita at dun natutulog madalas si Dio. Nagulat lang din sila na sinugod ako nung babae, dahil ang alam din nila ay wala na nga sila at hiwalay na. In short, pati parents and friends ay niloko ni Dio.
At sa mga nagsasabi rin na di man lang ako nag-background check. Nandun na kasi kami sa part na legal both families. Kilala lahat ng kaibigan at nakaka-bonding ko rin friends niya. Di nila ino-open yung part na merong Mia at anak si Dio everytime na magkakasama kami dahil sinabihan daw sila ni Dio na wag pagusapan pag kasama nila ako dahil 'ALAM KO NAMAN NA DAW YUN'. At nao-offend lang daw ako pag ino-open yung topic na yun kaya nirespeto ng mga kaibigan niya yun kaya never sila nagtanong sa akin about dun at ayun nga, ang galing ng kûpál gumawa ng kwento, di ba? Napakahusay.
Emerie
Tourism
2014