Nasa loob na kami ngayon ng isang restaurant, lahat ng mata naka tingin sa amin ni Don Sebastian, alam ko naman kung ano ang iniisip nila, kung hindi ako sugar baby, gold digger, sa totoo lang wala naman akong pakealam sa iniisip ng ibang tao, hindi ako mapagpatol ma tao kaya naka ngiti ako habang naglalakad para mas maasar sila, habang ang Don ay seryoso ang mukha, may anim pa na body guard ang nakapalibot sa amin habang naglalakad. Ginaya ako ng isang babae papunta sa lamesa na nakalaan para sa amin. " Anong order mo Luna?, " tanong ng Don sa akin kaya sinuyod ko ng tingin ang listahan pero ang dami naman pagpipilian. " Ikaw na lang po mag order sa akin grandpa, hindi ko alam alin ang masarap. dito., " sabi ko sa matanda na tinanguan lang niya. Dumating na ang order namin na damo dam

