Inaantok pa pero bumangon na ako dahil papasok nanaman sa paaralan, minsan tinatamad na ako maging mabuti na mag-aaral parang ang sarap minsan matulog na lang, kung sana ay ipinanganak ako na may gintong kutsara edi sana hindi ko kailangan na magpakahirap ng ganito. Pero masaya naman ako, lalo at gising na si nanay, mamaya ay didiretso na ako sa hospital pagka-uwian. Magpapaalam na rin tuloy ako kay tatay na maliligo kami ni Mari sa dagat sigurado naman na papayag ito dahil minsan lang naman ako magpaalam, sila nga ni nanay ang nagsasabi sa akin na mamasyal naman kasama ang mga kaklase, ako lang ang ayaw dahil bukod sa gastos lang eh aksaya lang ito sa oras, mas gugustuhin ko pa magbasa ng mga libro ng may mapala ako. Pagkatapos ko mag-ayos ng aking sarili ay lumabas na ako ng dorm at na

