CHAPTER : 33

1061 Words

Dumating na nga ang aking kaarawan at ngayon na ito gaganapin, mas pinili ko ang tahimik na selebrasyon ilang malapit na kapitbahay lang ang inimbitahan ni tatay at mga kasama nila na nagtatrabaho sa aming taniman ng gulay. " Mari nasaan mga kapatid mo?, bakit hindi mo isinama? " Tanong ko sa aking kaibigan pero nginisian lang ako nito . " Luna bes, may inorder ako na litson padating na daw, pang dagdag handa mo at pulutan naten, mag-iinuman tayo bes, papakalasing tayo at gagala sa tabing dagat, baka may maka one night stand din tayo na CEO edi lalo akong yayaman, kasi itatago ko magiging anak namin para kapag magtagpo kami eh magpapabayad ako tapos hihingi pa ako ng kasal, parang sa pinapanood ko na telenobela." May aksyon pa na kwento ng babae at papikit-pikit pa kaya tinawanan ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD