Makalipas ang anim na buwan .. " Magandang umaga nanay!, inilagay ko na po ang mga baon ninyo ni tatay sa eco bag, kaya heto na po, mamaya poala ay dadaan ako sa bayan para magbayad doon sa cake na pinagawa ko magdadagdag po ako ng bayad para sila na din po ang mag deliver dito." pagpapa-alam ko sa aking ina, bukas nga idadaos ang aking ika labing walo na kaarawan, gusto ko sana mag-aral sa syudad pagkatapos ng maliit na salo-salong magaganap ang kaso, hindi pa ganun ka ayos ang nanay, oo nga at tuwid na siya magsalita at maglakad, pero hindi pa o baka hindi na maibalik ang tulad sa dati na kaya niya ang mga gawaing bahay, kapag sumusubok si nanay na maghugas ng mga plato na aming pinagkainan ay nabibitawan lang niya ito, hindi na siya makahawak ng mga may bigat na bagay, kusa niya iton

