"Axel, hindi ako ang babae para sayo sabi mo nga magkababata tayo diba?, bakit mo naman sa akin ito ginagawa?, nasaan na ang lalaki na hinangaan ko ng napakahabang panahon yung parating nakangiti at palakaibigan. " Sabi ko sa lalaki habang umiiyak na din, hawak niya ang aking kamay na nahumahaplos sa kanyang muka, nakapikit ang lalaki habang humihikbi, nasasaktan ako para sa kanya, na umabot pa siya sa ganito . " Luna, mahal na mahal kita bata pa lang tayo sayo na nakatutok ang atensyon ko, ikaw lang ang tanging babae na nakikita ng mga mata ko, sa tuwing malungkot ako at nag-iisa isipin ko lang ang maganda mong mukha ay kaagad na gumagaan ang pakiramdam ko ang ngite mo na nakaka-alis ng sakit dahil sa pag-iwan sa akin ng magulang ko ng sabay, ang boses mo na parang musika sa aking pand

