Pagkalabas ko ng kwarto ay nakasalubong ko si Axel. " My love saan ka pupunta?." Tanong ng lalaki sa akin sabay akbay, hindi na ako umimik pa dahil mukhang kalmado naman ito ngayon, habang naglalakad kamu ay nadaanan namin si Rida na masama ang tingin sa akin, kaya yumuko na lang ako at hindi na umimik pa, wala akong laban sa baliw sigurado ako doon, kaya kahit nandidiri ako sa kanya kailangan ko siyang pakisamahan at kaibiganin kung kinakailangan. " Halika Rida magpahangin tayo sa hardin, nakakabagot na dito sa loob ," nakangiti na pag-aaya ko dito nakita ko ang mata niya na nagulat at lumamlam pero biglang naging matapang sabay ismid sa akin. Kaya napailing na lang ako. " Axel, sino mas maganda sa amin ni Rida ?." Tanong ko dito gamit ang aking pinaka malambing na tinig sabay yakap s

