Nasa byahe na nga kami patungo sa Syudad ipinikit ko ang aking mata para maka-idpil kahit paano, walo hanggang dose oras daw ang byahe depende kung mabagal ang nagmamaneho at kung marami kaming hinto-hinto. Naramdaman ko ang pag yakap ni Mari sa a,i g bewang at pagsandal niya ng aking ulo sa kanyang balikat, mas naging maayos at komportable ako. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari dahil mukhang mahaba ang naging idlip ko lang sana, nagising na lang ako dahil kumain daw muna kai sa isang kainan dahil alas dos na ng hapon at mag banyo kasi ilang oras na lang daw ay makakarating na kami sa syudad. Inalalayan ako ni Mari na bumaba at nagtungo na kami sa loob ng kainan, chopsuey ang napili ko na kainin, hindi ko gusto ang mga karne sa ngayon, hindi ko ba alam kung anong nangyari sa aki, kahi

