Nakarating na nga kami sa mansyon ng mga Gomez, pagpasok pa lang namin sa loob ay nagdadabog na yung babae na Jen ang pangalan ang Sir Ernest naman ay napapailing na lamang, pinaupo kami ng matanda sa sofa at hintayin na lang daw na tawagin kami ng kanilang kusinera. Maya-maya pa ay may bumaba na babae ng hagdanan , ang ganda nito mukhang babae sa mga magazine at naka-ngiti kaagad tinungo niya ang kusina, maya maya lang ay binalikan kami, hindi siguro kami napansin kanina. " Hi ako pala si Savanna, yung matanda na 'yon papa ko at 'yong babae na katabi niya best friend ko si Jen, ang gwapo ng papa ko ano?, binata pa yan at mayaman kaya swerte magiging kasintahan niyan." Sabi ng babae na nakangiti pa sa amin, mukhang mabait ito walang duda na mag ama nga sila, pareho maaliwalas ang kanila

