" Bes, kamusta na pala si aling Laura?, ano na ang balita?, ang dami ko kasing raket kaya hindi ako maka dalawa, pagdating sa bahay grabe na yung pagod ko, hanggang ngayon nga masakit likod ko, naglabada ako sa bayan. " Tanong ni Mari na may pag-aalala sa mukha.
" Ganun pa rin bes, nakahiga lang hindi pa gumisgising, namimis ko na nga si nanay eh. Kaya nagmadali ako kanina sa bahay na umalis kahit inaantok pa ako, ang lungkot ng bahay. " Sagot ko sa mahinang boses, baka kasi umiyak ito, dahil ganito din sinabi niya noong panahong namatay ang kanyang magulang.
" Magtiwala ka bes, si nanay mo malaki ang potensyal na gumaling, ang mga magulang ko kasi dati bes, natabunan ng lupa kaya malabo na mabuhay pa sila. Isa pa nasa magandang ospital na ang nanay mo, mas kompleto 'don at matututukan pa siya, pero bes, saan naman kayo nakakuha ng pera?. " Tanong sa akin ng babae, na nabaon ako sa malalim na pag-iisip.
" Sa matandang Don bes, kay Don Sebastian Dela Torre. " Pinagkatitigan ako nito ng mabuti at tila may inaarok sa kanyang isipan.
" Ang bilyonaryong matanda ba 'yon bes yung nagmamay-ari ng halos lahat ng ating nakikita dito at sa bayan?. " Eksaherada na tanong ng aking kaibigan na tinanguan ko na lang.
" Walang magagawa bes, wala naman kaming pwede na lapitan. Ginawa ni tatay na kolateral ang bahay namin at ang taniman namin bes, malapit na kami mawalan ng kabuhayan, hindi ko alam kung saan kami pupulutin, sana matapos na ito bes at gumaling na si nanay. "
" Makakaraos din kayo bes, may awa ang Panginoon. " Tinanguan ko ito at sumandal sa kanyang balikat, napaka tatag talaga ng babae na ito. Malayo sa personalidad ko. Kung ako tahimik at iwas sa tao, ito naman ay pala kaibigan at palaban, kapag may narinig itong hindi maganda ay hihinto ito at makikipag away, hindi ito kayang api-apihin, kaya nga kahit anong chismis sa kanya ng mga kapitbahay, kapag dumaan na si Mari ay nag-aalisan ang mga ito. Nawala ang iniisip ko ng huminto ang jeep na aming sinakyan.
Nandito na pala kami sa tapat ng boarding house, malapit lang ito sa SDDT University kung saan kami nag-aaral ni Mari, mura ang mga pweding tuluyan na upahan ng mga estudyante, kumpara sa loob na pang mayayaman talaga, ang mga tumutuloy doon ay mga nakatira sa katabing bayan namin mas napili nila na dito mag-aral dahil maganda at naiiba ang aming paaralan, sabi nga nila parang nasa university ng korean drama. Binati namin ni Mari ang land lady at pumasok na kami sa loob, apat ang tumutuloy sa isang kwarto dito, may pang dalawahan na kama at de aircon naman ito, may sarili din kaming de kandado na aparador kaya sigurado na ligtas ang mga gamit namin. Libre ang pagkain namin dito dalawang beses sa isang araw, pwede din naman na magluto, magbabayad lang ng 50 pesos para sa gas, maaari naman manghiram ng mga gamit na pang kusina, basta ba lilinisan lang pagkatapos gamitin, ang banyo naman ay hindi problema, dahil bawat silid ay may sarili na, meron din sa labas na isang banyo na pang kalahatan. Apat na palapag ito na paupahan may security guard sa labas na bente kwatro oras na nag babantay, marami din cctv kaya sigurado na walang magtatangka na gumawa ng masama.
" Bes, gutom na ako ano may pagkain ka ba diyan na dala?, bukas pa ang simula ng klase kaya bukas pa ang libre na pagkaen. " Wika ni Mari na napapangiwi pa. Mukhang gutom nga talga ang isang ito.
" May loaf bread ako dito at dala na peanut butter, meron ding cup noodles, ano ba gusto mo?. " Tanong ko dito hanang kumikinang ang mga mata nito, nakakatawa kala mo bata.
" The best ka talaga, kaya nga bes eh!, may dalang grocery sana all. " Pang aasar at pang uuto nito sa akin. Kaya natatawa na lang ako, madalas iting walang pera dahil nga masninuuna pa ang mga kapatid keysa sa kanyang sarili.
" Ikaw na magluto, ikaw na nga libre eh, bukas na lang natin ng umaga 'yong cup noodles, magluto ka na lang sa labas, limang piso lang naman bayad niyan 'don. " Sabi ko sa kaibigan na agad naman nitong sinunod. Para na kaming magkapatid kung mag turingan ni Mari may sekreto ito sa akin, pero iginagalang ko 'yon dahil personal na hihintayin ko na lang siya na magkwento.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay tapos na si Mari magluto , kumain na kami at nagpahinga. Naupo ako at nanalangin.
" Maraming salamat po Panginoon sa maghapon, sana po patnubayan mo kami kinabukasan at gisingin mo na si nanay. " Tiningnan ko ang aking cellphone, tinext ko si tatay na andito na ako sa boarding house, pagkatapos ay nag set ako ng alarm at nilagay na ito sa uluhan ko, sana bukas maging mas magaan ang buhay, ang hirap ng may alalahanin.
Kriiiiiinnnnnnggggggg krrrriiiiiiiiiiinnnnnggg
Nagising ako sa tunog ng alarm ko, naka full volume siguro ako, lahat talaga kami napa upo kahit inaantok pa, buti pare-pareho kami ng oras, alas otso ng umaga ang pasok hanggang alas tres ng hapon. Nagmadali na nga ako na mag ayos ng aking sarili, pagkatapos ko maligo at nagbihis, naglagay ng cream sa mukha, pulbos lip tint okay na! Nakasuot ako ng uniform na kulay itim na maikling palda ng may above the knee kulay itim ito at long sleeve blouse parang korean ang uniform namin, wala naman problema dahil bukod sa mahangin ang klima dito sa isla, ay centralized ang aircon sa paaralan.
" Luna!, ano tutunganga ka na lang ba diyan o aalis na tayo?, aba! Maglalakad pa tayo, bilisan mo.! " Napatakip ako ng tenga dahil para itong si nanay sa umaga.
" Bes, katapat lng natin ang school ano bang kinaka ngarag mo dyan?. "
" Para makita na natin si Axel mo, gaga! Para maging happy ka na ulit. " Sa ideya ng kaibigan kong babae parang nanginang ang mata ko, makikita ko na ulit ang aking crush.
Naglakad na nga kami patungo sa paaralan pagkapasok pa lang sa loob ng gate ay iba na ang simoy ng hangin, mabango. Palibhasa puno dito ng mga halaman at punong kahoy na namumunga. Magkalat din dito ang Palawan cherry blossom . Habang naglalakad may ilang mga estudyante ang bumabati sa amin.Natahimik kami at napahinto dahil biglang tumunog ang speaker.
" Good morning dear students, inaanyayahan ang lahat na pumunta sa ating amphi theater para sa ilang balita at pagpapakilala sa may-ari ng ating paaralan na Mr. Dave Dela Torre, inaasahan ang lahat na dumalo at makiisa! Salamat. "
Malamang ang terror na professor ang nagsalita, kamukha siya ni Miss Minchin sa palabas na Princess Sarah, matandang dalaga na laging naka ismid sa mga estudyante na babae, pero sa mga lalaki malapit masyado at nakikipag biruan pa. Maharot ito sa maikling sabi.
Nakarating na kami ni Mari sa amphi theater naghanap kami ng pwede maupuan, nang nakahanap kami ay tahimik kami na naupo at tinutok ang tingin sa unahan, pero wala pa dito ang pangunahing bisita. Tatayo pa sana ako dahil nakaka inip ng biglang magtilian ang mga estudyante na babae. Pagtingin ko sa unahan ay paakyat na ng stage ang isang lalaki na napaka gwapo, siguro ito ang may-ari, kaya naupo na ako ulit at ang aking katabi nag titili na din tulad ng iba at hinahampas pa ako sa braso!
" Bes, sige sayong sayo na si Axel, pero sa akin na ang isang ito! Ang gwapo nya bes, parang kaya niya akong ibalibag sa kama at bali-baliktarin tapos sasabihin ko, ugh i want more honey, pump me harder. "
Natawa ako sa sinabi ni Mari baliw baliw talaga ang babae na ito eh, akala mo nakatikim na ng tete kung makapag salita, kaya na chichismis na pokpok eh.
" Bunganga mo Maria!, kaya ka nachichismis eh, bakit nakatikim ka na ba ng lalaki?. " Sukat na sa tanong ko ay bigla itong natahimik at naupo, kaya pinagkatitigan ko ito.
" Kapag handa ka ng mag kwento sa akin magsabi ka lang makikinig ako. " Sabi ko kay Mari pero sa unahan ako nakatingin. Habang nagsasalita ang may-ari ng paaralan ay napapakunot ako ng noo, parang familiar, hindi ko lang alam kung saan ko siya nakita.
" Anong itsura mo yan bes?, parang ang lalim ng iniisip mo?, teka lang bakit parang saiyo nakatingin ang CEO bes?. " Tinitigan ko ng masama ang aking kaibigan dahil nang aasar nanaman ito, bakit naman ako nito titingnan, nawala ang atensyon ko sa unahan ng biglang may magsalita sa harapan ko, si Axel pala hindi ko naman ito nakita kanina bago kami maupo.
" Hi Luna, namiss kita sandwich at drinks for you, si mommy gumawa nyan kaya sure na masarap. " Wika ng lalaki na ikinagulat ko. Inagaw ni Mari ang pagkain at inilagay sa kanyang bag.
" Ako muna titikim baka may gayuma, maihanay mo pa sa mga babaeng kinalembang mo sa cr si Luna. " Walang preno na nagsasalita nito na ikina-iling ko.
" Joke lang ang seryoso ninyo! Manliligaw ka na ba kay Luna?. " Sabi ng taklesa ko na kaibigan, nakakahiya talaga ito minsan kasama ang sarap itanggi na kakilala mo 'to minsan.
Magsasalita na sana si Axel ng nagsasalita si Ms. Minchin na maaring manahimik na at maupo. Tapos na pala magsalita ang hunk CEO, hinagilap ko ito ng tingin, ngunit parang nag aapoy ang mga mata nito ng magtama ang aming paningin, bigla akong napayuko sa hindi ko malaman na dahilan, pakiramdam ko ay isa akong bata na nahuling may ginawang kalokohan sa magulang.
Lumingon ako kay Mari at inaya na itong umalis, sabi ko kay samahan ako sa banyo.
" Bes, paano kapag nanligaw sayo si Axel sasagotin mo ba?. " Sa tanong ni Mari napaisip ako ng malalim habang naglalakad kami, ni hindi ko nga namalayan na naka upo na pala kami sa simentadong upuan dito sa gilid daan patungo sa banyo ng mga babae.
" Alam mo naman best na babaero ang isang 'yon baka masira lang ang buhay mo, Oo nga at sinasabi niya na kapag ikaw ang naging kasintahan niya at magtitinoo na daw siya, pero wala naman tayo kasiguraduhan, kaya kung manligaw man sa'yo kilalanin mo muna, matalino ka naman diba?. " Tumango dahil sang-ayon naman ako sa sinabi ng aking kaibigan. Mahirap makipaglaro, pero kapag nakikita ko kasi si Axel parang may mga paru-paru sa aking tiyan. Gustong gusto ko siya simula bata pa lang ako.
Napabuntong hininga na lamang ako at tumingin sa paligod, bakit pakiramdam ko ay may nakamasid sa akin. " Bes, bakit pakiramdam ko may nakatingin sa kin?. " Tanong ko sa aking kaibigan, ngunit tinitigan ako nito ng seryoso.
" Bes, baka gutom ka lang, kainin na natin itong sandwich mukhang masarap at pang mayaman, tatlo naman ito, kaya binigyan kita ng isa. " Sabi nito na may malaking ngiti sa mukha. Basta talaga pagkain, mapang lamang ang isang ito. Hindi naman tumataba. Halos magkasing katawan lamang kami nito, ako ay may sukat na dalawangpo't dalawa ang bewang, siya naman ay dalawangpo't apat kung ako ay naiwan sa lumang talampakan ang taas, siya naman ay limang talampakan at anim, para siyang ate ko pero mas matured ako mag-isip ayin din naman sa kanya. Madalas kasi padalos dalos siya ng desisyon at laging sagot ay bahala na.
" Bes, mukhang masarap yung CEO no?, ang tangkad ang ang puti siguro puti den beklog 'non bes, ano sa palagay mo?, o baka mamula mula. " Napahawak na lang ako sa aking mukha, nakakahiya ang isang 'to masyadong mahalay mag-isip, ako nga ganggang yakap lang ang gusto at hanggang leeg lang ang pinag nasahan, kinumpara ko pa sa sanggol.
" Joke lang, sorry na virgin ka pa kasi. "
Tinitigan ko ito at pinaningkitan ko ito ng mga mata.
" Maria Ysabel, hindi ko na mahihintay na makwento ka, ngayon pa lang umamin ka na kung ayaw mo, salamat na lang sa lahat. " Seryosong mukha ang pinakita ko dito, naiinis na ako sa lagi nitong pahapyaw.