" Pero kuya, wala pa po akong asawa, ni hindi pa nga ako nagkakaroon ng kasintahan, tapos misis na kaagad. " Reklamo ko na napapanguso pa dahil sa yamot, ang lalaki hindi naman nag sorry at hindi na din umimik pa, tumango-tango lang ito. Nakasimangot ako na naglakad papasok sa loob, nakita ko na inaayos na nila ang mga aparato kay nanay, wala pa rin kasi itong malay, isang gabi at pangalawang araw na ngayon. Lumapit ako kay tatay at yumakap dito.
" Magiging maayos din ang lahat anak magtiwala tayo sa Panginoon. " Wika ni tatay sa akin sabay halik sa aking noo, at dala ang panalangin ko sa aking isipan na sana ay mag dilang anghel ang aking ama. Naupo na ako sa bakante na upuan sa gilid, maganda ang kwarto ang laki nito ay halos buong bahay na namin, naka aircon, may sofa sa gilid nq pwedeng higaan at lamesa na may dalawang upuan na pwede rin kapag kakain na, may sarili itong banyo na ikinatuwa ko, hindi ko na kailangan makipila sa labas.
" Tatay, napaka gara naman po ng silid na ito. Hindi kaya ay mahal ito?, saan tayo kukuha ng ipangbabayad kung sakali?. " Tanong ko kay papa dahil qlam ko naman na wala na kaming ipon, naka labas din ang pera namin dahil sa bago pa lang ang pananim sa bukid, malayo pa ang anihan.
" Huwag mo ng pagurin pa ang utak mo kaka-isip anak, ang gawin mo ay mag-aral ng mabuti dahil sa susunod na araw ay pasukan na ninyo. Ako na ang bahala sa iyong inay, makiki-usap na lang ako sa ating kapitbahay na humalili sa akin dito kapag may aasikasuhin, babayaran ko na lamang ng produkto sa bukid. " Tumango tango ako dito kahit nag-aalala pa ako, wala din naman akong magagawa sa sitwasyon kung hindi manaood, at magdasal, sigurado magagalit si nanay kapag nagising siya na mababa ang aking marka.
Napatingin ako sa pinto ng may kumatok, kaya naglakad ako at pinag-buksan ito.
" Food delivery po ma'am para kay Mrs. Dela Torre. " Nayayamot na tiningnan ko ito, kanina pa sila huh! Naiinsulto na ako, mukha na ba akong may asawa?, magsasalita pa sana ako ng lumapit si tatay at tinapik ako sa balikat.
" Pasuyo na lang iho, paki lagay na lamang doon sa lamesa sa dulo. Salamat. " pagkasabi 'non ni tatay ay nahihiwagaan ako na naupo na lamang dahil nagugutom na ako.
" Huwag mo ako tingnan ng ganyan anak, nagugutom na din ako. Kung tingin nila sa'yo ay mayaman abay swerte lagi tayo makakalibre, ayaw mo pa?. " Natawa na lamang ako kay tatay pero hindi ako kumbinsido sa sinasabi nito. Kilala ko ang aking mga magulang, hindi ito mga buraot na sanay sa libre o kahit mang lamang ng tao. May tinatago si tatay, pero hindi ko matukoy kung ano.
Pagkatapos namin kumain ay niligpit ko na ang lamesa at diretso sa basurahan ang kalat. Nag ring ang aking cellphone sa bag kaya't binuksan ko ito at sinagot ang tawag, ang kaibigan ko pala na si Mari.
" Hello best, okay sige magpapaalam na ako kay tatay. Bakit naman napa aga Sige! Salamat. " Binalita sa akin ng aking kaibigan na napaaga ang aming balik pasukan dahil marami ngayon ang nag enrol na estudyante.
" Tatay, tunawag po si Mari, pasukan na daw po bukas. " Sabi ko sa aking ama na tinanguan na lang nito ay sinabi na umuwi na ako at mag ayos ng mga gamit ko, dinukot ni tatay ang kanyang bulsa dahil may tumawag dito, nakakapagtaka na lumayo pa ito sa akin bago makipag usap. Dati naman ay ako pa nga ang sumasagot sa mga tawag dito at ang kanyang cellphone na di keypad ay kakalat-kalat lang sa bahay, ngayon ay nasa bulsa na niya ito.
" Tatay, aalis na po ako. Baka gabihin pa ako sa daan. " Paalam ko sa aking ama dahil hapon na.
" Sige anak, mag-ingat ka Luna mahal na mahal ka ki tatay, naintindihan mo ba?, pasensya na anak. " Nakatitig si tatay sa akin at parang naluluha pa.
" Tatay papasok lang po ako ng paaralan bakit pakiramdam ko pupunta ako ng ibang bansa?, at para saan naman po ang paghingi ninyo ng tawad?, eh wala naman po ako matandaan na nagkulang kayo ni nanay sa akin. " Mahaba kong sabi sa aking ama na tinanguan na lang nito., hinalikan ko siya. Sa noo at lumapit dun ako kay nanay at hinalikan siya sa kamay at binulungan ko ito.
" Gising na po kayo nanay, kung hindi po ay magpapabuntis ako kaagad. " Pagbibiro ko dito at napapa hagikhik pa ako sa aking naisip.
Naglakad na ako palabas at pumara ng tricycle, mag i special na lang ako tapos jeep, para makauwi ako kaagad gusto kong matulog. Mabilis ako naka-uwi kaya't pagpasok ko sa bahay ay naupo ako, sinimulan ko na ang pag ligpit ng mga damit na dadalhin ko at gamit sa paaralan, nang matapos ko na lahat ay nahiga ako sa aking kama, excited na ako makita si Axel.
Kinikilig ako maisip ko pa lang ang aking crush, ang gwapo nito lalo kapag ngumingiti at lumalabas ang dalawang dimple bulod sa pantay nitong mga ipin. Maraming balita na babaero daw ito, pero wala naman napatunayan na naging kasintahan nito at niloko. Nahihiya ako kapag himihinto ito sa aking harapan at kikindat sabay hawak sa baba ko. Pero para naman akong naiihi sa kaisipang pinaglalaanan niya ako ng atensyon.
Tumayo na ako at naligo, pagkatapos ay naglagay ako ng cream sa mukha, pulbos at liptint, nag-suot ako ng crop top na blouse at skinny jeans, puti na rubber shoes nanalamin ako at ng masiguro ko na ayos na ang aking itsura ay sinaklay ko na ang aking bag pack at isa pang bag ba hawak ko na naglalaman ng ilang piraso ng damit.
" Luna, bes! , nandyan ka ba sa loob?, sabay na tayo umalis. " Dinig ko sa labas na sigaw ng aking kaibigan na si Mari, kaya nilabas ko na ito at kinandado ang pintuan ng bahay.
" Kanino mo iniwan ang mga kapatid mo bes?. " Tanong ko dito, may mga kamag-anak naman ito na matitino na pinakiusapan nito na magtingin sa dalawang bata, hindi naman ito mga alagaan dahil marunong naman na magsaing ng kanin ang sumunod sa kanya na si Jiro nasa ika anim na baitang ng elementarya.
" Kay auntie Salve, siya lang naman bes yung totoo na may malasakit sa amin, alam mo naman na kagagaling lang ni Nene sa ospital,kailangan niya ng mag babatay may natira pa naman akong pera na iniwan sa kanila, kung hindi ko ipagpapatuloy ang aking pag-aaral, lalong hindi kami makakaahon sa buhay na ito. " Tinanguan ko ito at humawak sa braso, sinimulan na namin maglakad patungo sa sakayan. Nakaka-awa ang aking kaibigan dahil mag-isa niyang dinadala ang lahat ng problema.