CHAPTER 3 :

1132 Words
Lumipas nga ang magdamag na nandito kami ni tatay sa ospital, may nag deliver sa amin ng pagkain na galing sa kilalang kainan dito sa bayan. " Excuse me, sino po dito si Luna Santos?, food delivery po!. " " Ako po kuya, pero wala naman po akong order. " Sabi ko sa lalaki, pero makulit ito at sinabi na kapag binalik ko ang pagkain mawawalan siya ng trabaho, tiningnan ko si tatay at tinanguan naman ako nito, ibig sabihin ay ayos lang dito na kunin ko. Kaya't umalis ang lalaki na may malaking ngiti sa labi at sobra ang pasasalamat, ng lingunin kong muli si tatay nasa malalim na itong pag-iisip at naka kuyom na ang kanyang kamao. " Tay, kain na po tayo. " Paanyaya ko dito na kumain, hindi ko maintindihan ano ang nangyayari sa aking ama, pero wala naman akong lakas ng loob na magtanong, napakarami na nitong isipin para dumagdag pa ako, ang kailangan namin sa ngayon ay mag damayan dahil matinding pagsubok ang dumagok sa aming buhay. Sumapit na nga ang umaga! Nakapila ako ngayon sa labas ng banyo ng ospital, ganito pag pang publiko ng ako na ay pumasok ako at sinimulan ng maligo, kailangan mabilis ang kilos, kung sa sariling bahay ay pwede ka mag hilod ng katawan, dito hindi! Dahil magagalit ang mga susunod sayo na gagamit. Naglalakad na ako ng may makabangga ako na lalaki, ang bango niya kaya hindi ko mapigilan na singhotin ang amoy nito, buti na lang nakatalikod kung hindi at makikita ako nito, nakakahiya!, nangingiti ako at napapa-iling na lang. Pagdating ko sa silid na kinahihigaan ni nanay, nag gagayak na si tatay para sa paglipat ni nanay sa mas malaking ospital. " Bilisan mo na anak ang kilos mo dahil nakakahiya sa naghihintay sa labas, nandoon na ang sasakyan natin para sa paglipat kay nanay mo. " Pagkasabi 'non ni tatay ay inilagay ko na sa likod ko ang aking bag pack na naglalaman ng ilang pares ng aking damit at hygiene kit. Sakto naman na pagpasok ng mga stuff ng ospital at doktor na naka toka para sa aking ina. Nasa isang sasakyan si Inay kasama si tatay, sa isang sasakyan naman ako dahil masikip na 'don sa isa. Kanina ko pa naamoy ang pamilyar na pabango, napapikit ako ng langhapin ko ito, tiningnan ko ang lalaki na nasa unahan, mukha siyang doktor, pero pamilyar ang kanyang likod. ang puti ng kanyang batok parang sa sanggol kay sarap halik-halikan, natawa ko sa naisip ko kailan pa ako nag pantasya sa lalaki ng ganito?, eh hanggang titig lang naman kami ni Mari, ang aking kaibigan, lalo kapag nakikita namin si Axel ang crush ko, ng tingnan kung muli ang kanyang batok napadapo ang paningin ko sa kanyang tenga, pero bakit namumula?, hindi ko maiwasan na paningkitan ito ng mata habang tinititigan dahil nangyayari din ito sa akin kapag kinikilig ako o nahihiya. Napailing ako at itinuon na lamang ang paningin sa bintana ng sasakyan. Namimis ko na si nanay, ang sakit para sa akin na makita siyang nakahiga lamang, ganon pala, kapag nasanay ka sa pangaral, gabay at bunganga ng iyong ina araw-araw hahanapin na ito ng iyong sistema. Naalala ko pa ayaw ni mama na tirik na ang haring araw, tapos naka hilata pa ako sa higaan, ayon dito lalagpasan na ako ng grasya dahil nakapikit pa ang aking mga mata, nang tanungin ko siya kung sino si grasya, eh pinagkukorot niya ang singit ko ng pinong pino kaya napa talon talaga ako galing sa higaan, habang si nanay hawak na ang tiyan kakatawa. .Iba parin ang alaga ng isang ina, iba pa rin magmahal ang isang ina 'yon ang nasa isip ko ngayon. Oo nga at kasama ko si tatay, pero hindi ko naman siya matanong ang mga ilang bagay dahil mahihiya ako, hindi katulad ni nanay lahat ng naisip ko pwede ko itanong sa kanya, hindi na kailangan pang pag isipan at hanapan ng magandang salita. Naalala ko pa noong unang araw ng aking buwanang dalaw, bilang isang dalagita hindi ko talaga masabi kay tatay, si nanay noon ay nasa bayan at namimili ng sangkap na ilalagay sa kanyang mga karne na ipo-proseso. Natulog ako ng tanghali at sa paggising ko may bahid na ng dugo ang aking hinihigaan, napag-aralan naman na namin sa paaralan ang tungkol dito, pero dahil sa bata pa nga, hindi ko alam ang gagawin. Nang makarating si nanay sinabi ko sa kanya na nireregla na ako, at itinuro niya sa akin ang mga dapat gawin, tulad ng binilhan niya ako ng sabon na perla, ito ang gamit ko sa paglalaba ng aking panty na may dugo, hindi ko na kailangan pang gumamit ng bleach para walang matira na marka sa aking panloob. Napangiti na lamang ako sa aking naalala, sana ay bumuti na kaagad ang pakiramdam ng aking ina. Pakiramdam ko bawat araw ay may kulang sa buhay ko. Parang may bara sa aking lalamunan dahil sa namumuong takot sa aking isipan, natatakot ako na mawala ang aking ina. Siya ang gabay ko sa aking daraanan, mahirap mabuhay sa madilim na mundo, nakikita ko 'yon sa uri ng buhay ni Mari ang hirap niya araw-araw para buhayin lamang ang kanyang dalawang nakababata na kapatid, lahat ng uri ng trabaho ay kinaya niya para lng may makain sila. Kaya't kahit ano man ang sabihin ng ibang tao tungkol dito, wala akong pakealam, dahil unang una wala silang alam! Magiging kaibigan ko si Mari hanggang sa huling hininga ko, si nanay nga hindi inutos sa akin na iwasan ko ang babae, sino ba sila para sabihin ang dapat kung gawin?, mga walang ginawa kung hindi hanapan ng maling gawa sa paningin nila ang kapwa. Bumalik ako sa kasalukuyang sitwasyon namin ng himinto ang sasakyan, napatingin ako sa paligid, marahil ito na nga ang ospital, nakakalula ito sa sobrang laki at taas, mapuno ang paligid at may ilang upuan kung saan naka-upo ang iilan na pasyente at nagpapahangin. Magtatanong sana ako sa lalaking nasa unahan ngunit mabilis ito a bumaba ng sasakyan, hindi ko makita ang kabuohang mukha nito dahil nag suot na siya ng face mask. Kaya bumaba na din ako at tinungo ang sinakyan nila papa, binaba na ang stretcher bed na hinihigaan ni mama, pakiramdam ko VIP kami dahil sa may mga nag-aabang pa na mga doktor sa bandang pintuan, at may ilang lalaki na naka itim, pero bakit may mga armado na lalaki?, parang pang first lady lang ang drama namin, siguro ay may darating na mahalagang tao sakto lang na nauna kami. " Mrs. Dela Torre, dito po ang daan. " Sabi ng isang lalaki sa akin, napakunot ang aking noo sa kanyang sinabi, anong misis?, eh 17 pa lamang ako, never been kiss never been touch.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD