Chapter Two

1765 Words
IMINUNGKAHI ni Natalie na pataasan ang pader sa kanyang tiyahin. Pero nagtataka lang naman ang matanda sa kanya. “Katagal-tagal na natin nakatira dito hija, paano pang may magiisip na magakyat bahay sa atin, nakita mo ngang isang malakas na typhoon nalang tatangayin na itong bahay natin sa sobrang kalumaan at hindi na mawagang ipaayos ng Ate, mga sira, puro anay pa nga sa itaas.” Sa dami ng sinabi ni Mina ay hindi na nagawang isingit ng dalaga ang gustong sabihin. Ang isumbong na may nakaakyat na nga sa kanila sa kaliwanagan pa ng sikat ng araw kanina. Maya't maya ay napapatingin ang dalaga sa teresa, bagamat sarado ang pintong kahoy niyon ay hindi siya makampante. Hindi magiging payapa ang isip niya kakaisip hanggat alam niyang nandyan lang sa kabilang bahay ang lalaking iyon na nalaman niyang pamangkin ng may-ari. Hanggang doon lang ang inalam niya dahil ano pa bang pakialam niya kung sino ang taong iyon, unless gawin ulit nito ang trespassing at kailanganin na niya itong isumbong sa barangay. Pabiling-biling si Natalie sa kanyang kama, naroong dadapa siya, titihaya, uupo, tatagilid. Napaihip siya ng hangin sa bibig at binaba ang binabasang romance noble—na pinaheram sa kanya ng kanyang kaklase—sa kanyang kandungan. Tumingin siya sa nakasarado niyang pintuan. Nilock niya iyon kanina dahil baka biglang pumasok ang Mama, niya at makita ang binabasa niya ay talagang malilintikan siya. Napabuntong hininga siya na dinampot ang pocketbook at siniksik iyon sa ilalim ng magkapatong na kutson ng kama niya para hindi makita ng Mama niya. Lumapit siya sa pinto at walang ingay na inalis ang lock niyon. From time to time kasi tsine-check siya ng Mama niya at sa pagkakaalam nga niya ay wala pa ito sa bahay sa mga oras na ito. Naiiling siya na dahan-dahan lumapit sa kama at inabot naman ang kaninang tinutukoy na bible nito. Balak na niyang matulog at binuklat nalang niya sa kalahati ang makapal na libro at pinatong itong patalikod sa kanyang dibdib para kung puntahan man siya ni Aida ay maisip nitong nakatulugan na niya ang pagbabasa niyon. Inabot ni Natalie ang lamp at pinatay iyon. Dumilim sa loob ng silid at sa kaunaunahang pagkakataon mula ng naging silid niya ito ay ngayon lang siya nakaramdam ng pangamba na tila may bigla nalang tatakip sa bibig niya at sasakalin siya. Pinikit niya ang mata at niyakap ang bible sa kanyang dibdib. Nagusal ng dasal. Nang matapos ay pinayapa niya ang isip sa pagisiisip ng kung ano-ano. Nakakatulog na siya ng makarinig siya ng tunog na naglalakad. Tinabingi niya ang ulo sa dereksyon ng pintuan at sinipat ang ilalim, sapat lang ang pagkakadilat niya ng mata para makita niya ang sinag ng ilaw na nanggagaling sa labas. Nakita ang anino na nagdaan at nasisiguro niyang mula iyon sa kanyang Mama, dahil sila lang naman dalawa ang nag kwa-kwarto sa itaas. Inayos niya ang ulo at dineretsyo ang mukha sa kisame. Naging attentive ang pakiramdam at pandinig niya na maging ang sinasabing anay ng Tiyahin ay tila naririnig na niya, ang pag gapang ng butiki sa kisame at kung talagang napra-praning na siya ay pati yata mga nagmamartsang langgam sa sahig at sulok-sulok ay naririnig niya. Narinig niya ang pagtunog ng pindutan ng ilaw sa labas, at kinain ng takot ang puso ni Natalie, ng tila may bumaba sa teresa. Itinalukbong niya ang kumot sa mukha at nagtataka pa nga siya na wala na ang bible sa dibdib niya. Si Aida ang naisip niyang pumasok ng kanyang kwarto at nagalis niyon. Kagat ang labi ng mariin na pinilit makatulog ni Natalie, lalo ng marinig ang pag meow ng pusa mula sa teresa. “I hate you, Cat!” Hanggang, panaginip ay hindi pinatahimik si Natalie, ng takot na binigay sa kanya ng lalaking iyon. At maging ang lalaking iyon panga ay nakita niya sa kanyang panaginip. Kaya heto nangangalumata siya pagkagising. Bastos at balasubas ang lalaking iyon at sa kaalaman na nagawa nitong tulayin ang pader ng umaga paano pa kaya sa gabi pa na mas walang makakakita. Ang mas nagbibigay ng takot sa kanya ay baka may gawin itong hindi maganda sa kanya O sa kanila. Hindi nila kilala ang taong ‘yon. Lalo na sa datingan palang nito ay mukhang hindi na gagawa ng maganda. “HIJA, hindi kaba nakatulog ng maayos?” punang tanong ni Mina. Tamad na umiling si Natalie. “May problema ba?” nagaalalang tanong pa nito. Nandito sila sa kusina at nagaayos ng umagahan. “Wala naman po, may iniisip lang po ako,” dapat ay magsumbong na siya, pero hindi naman magawa. Dahil naging tipid ang mga pagsagot ni Natalie. Mina, thinks it has to do with her sister manipulativeness, so she ask Natalie directly. “Naku, hindi po Tiya, naiintindihan ko naman po si Mama. Saka alam ko na naman po na bata pa lang ako iyon na plano nila sakin ni Papa ang maging madre...” maliit ang ngiti na aniya. “Hindi rin, dahil kung buhay ang Papa mo, ang gusto mo iintindihin nun, gagalangin ng Papa mo kung ano talaga ang gusto mong maging at alam ng Papa mong hindi ang pagmamadre 'yon.” bumuntong hininga ito at sinimulan na ang pagsasangag siya naman ay naghiwa ng sibuyas para sa scrambled egg. Malungkot na ngumiti si Natalie, sa pagkaalala sa kanyang Papa. Ten pa lang siya ng masawi ang Papa niya sa isang karambola ng sasakyan sa expressway habang papauwi galing pangasinan mula sa isang missionary camp. Ang mga magulang niya ay mga alagad ng diyos. Ang Papa niya ang nagbalak mag pare habang ang Mama naman niya sa magmamadre, but just like some ironic lovestory, their lovestory begun in church. Sinuway ang mga magulang para sa pagmamahalan at siya ang nagiisang bunga. Sobrang, nasaktan ang Mama niya sa nangyari sa kanyang Papa. She honoring her Father and theirs vows to God. Kaya ng sabihin sa kanya ng Mama, niya na magmamadre siya ay pumayag siya at nalalapit na iyon. “Nga pala a-attend ka sa birthday ni Patricia, ah.” Napalingon si Natalie sa tiyahin at tila nabibingi kahit malinaw niyang narinig ang sinabi nito. “Ho?” “Ang sabi ko—” pinutol niya ang tiyahin. “Opo, narinig ko pero hindi po pumayag si Mama, diba?” “May missionary siya sabado at linggo na ang kanyang balik, kaya ako ng bahala sayo, okay ba ‘yon?” Bigla niyang nayakap ang tiyahin sa sobrang tuwa. Labis ang pasasalamat niya rito. Hindi siya pala open lalo na sa nararamdaman niya at malaking bagay sa kanya na may isang tao pala na nakakaramdam ng nararamdaman niya. “Ano kaba ayaw kong nakikita kang malungkot at ilang buwan nalang ay mawawala kana rito sa bahay, gusto kong nakikita kang may ngiti sa labi.” pinisil ng tiyahin ang pisngi niya na iiyak pa nga ito pero dagli nito iyon inalis. Pinaalam niya ang lihim niyang pagpunta sa birthday ni Patricia sa huli at nagtataka pa nga ito at makakarating siya. Ngiti lang ang naging tugon niya dito. “Okay, I'm looking forward to see you there,” Patricia, earnestly smile at her. “Anyway, any floral dress will do, okay?” bilin nito sa theme na gusto nito para sa mga bisita nito. Ngumiti siya at marahang tumango. SABADO, sinugurado ni Mina, na talagang makakaattend ang pamangkin sa birthday ni Patricia. Alas-kuwatro ang call-time. Sa bakuran ng bahay nila Patricia, ang handaan. Maganda at maayos ang pagkakadekorasyon. Nineteen na si Natalie at hindi niya naranasan ang ganitong handaan. Silang tatlo lang kasi ang nag celebrate sa bahay. Kulang sa paniniwala ang Mama niya na mahalaga ang ganitong birthday party sa buhay ng isang babae. Kaya gustong-gusto niyang umattend para naman makita kung paano hine-held ang isang eighteenth birthday at masaya siya na makita si Patricia na masaya. Hindi niya ito kaibigan, pero sabi nito para dito kaibigan siya. Okay, ang daloy ng birthday. Subalit may isang panauhin si Patricia na hindi niya inaasahan na makikita doon. “Hi, Bennett! Mabuti nakapunta ka!” magiliw na sinalubong ng debutant ang lalaki na para bang magkakilala talaga ang dalawa. Bennett, pala ang pangalan niya... The guy is none other than “the trespasser” Lumapit sila ng Bennett na ito sa lamesa kung saan sila nakaupo at kung saan rin siya nakalamesa. Nagkunwari siyang hindi ito kilala. Which is hindi naman talaga. Tangka ito na uupo sa upuan mismo na katabi niya ng pigilan niya ito. “Diyan nakaupo si Patricia, sa kabila ka nalang po,” Parang napapahiyang tumingin ito sa mga kasama nila lamesa bukod kay Patricia, na kukuha ng pagkain ng Bennett na ito. “Natalie, okay lang, diyan mo na siya paupuin!” tila paangil pa na sabi ng isang kaklase nila habang may kakaibang tingin na binibigay sa lalaki. “Nice name, ah, it's suit you.” maya-maya ay mahinang usal ng lalaki na nagpalingon sa kanya dito. Ako ba yung binubulungan niya? O, nagsasalita siya magisa? Wala naman sa kanya ang tingin nito kaya binaliwala nalang niya ang narinig. Nagkwentuhan ang mga tao sa lamesa kasama si Bennett, bukod kay Natalie na hindi nakikisali sa mga usapan ng mga ito na hindi siya nakakarelate, kaya pinagkakasya nalang niya ang sarili sa paginom ng juice at pa nga nangangati na siyang magpaalam ay hindi niya magawang makasingit sa kwentuhan ng mga ito. She's clearly out of the place. And it's also nearly six pm. Baka inaabangan na siya ng tiya Mina niya. “Patricia?” pagtawag niya sa pangalan nito. Subalit tinaas lang nito ang palad. “Kailangan ko ng umuwi...” Doon lang ito tumingin sa kanya. “Pwede bang mamaya na? Mahaba pa ang gabi.” nakalabi ito. “Pero 6pm na, baka makagalitan ako ng Mama, ko...” “6pm pa lang, Natalie, Hindi kana bata no!” umikot ang mata nito. Nagtawanan ang mga kasama nila sa lamesa. Nakarinig siya ng panunulsol sa sinabi ni Patricia pero biglang tumayo si Bennett at pumagitna sa pangaano sa kanya ng mga kaklase. Nagtaas siya ng mata dito dahil sa tangkad nito. “She has a curfew, and you girls have to respect that.” Nagpaalam siya kay Patricia, pero tila nagmamaldita ang babae sa kanya at isang “Whatever” ang natanggap niya. Tumalikod na siya pagkayari niyang ngumiti lang. Nasa labas na siya ng humabol sa kanya ang trespasser niya. “Sabay na tayo.” Napapatanga pa siya rito ng biglang sumulpot ang kanyang Mama, sakay ng Van nito. “Anong kalandian ito, Natalie?!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD