Chapter One

1663 Words
TUNOG ng paghawi ng kurtina ang nagpabukas ng mga mata ni Natalie. Nakita niya ang matandang tiyahin na si Marmina, na kanilang katiwala rin sa bahay. May edad na at walang asawa't anak. Nagpungas ang dalaga at nilinga ang maliit na lamesa sa gilid ng kanyang kama kung saan nakapatong ang kanyang twitty bird na alarm clock. Nang makita ang oras ay muli niyang ipinikit ang mga mata. "Tumayo kana riyan, bata ka ala-syete na!" Suway ng tiyahin sa kanya at hinitak ang kumot niya ng tangka siyang magtatalukbong. Nagrereklamong umungol siya at nakipagagawan ng kumot. "Tatayo ka riyan o ipapagising kita sa Ate?" pananakot nito gamit ang kanyang Mama. "Maagang aalis ang Mama, mo kaya sasabay ka sa kanya at ihahatid ka niya ng ekswelahan. Pagkarinig sa sinabi ng tiyahin ay tumigil siya sa pakikipagagawan. Naginat siya at naghahaba ang nguso na umupo. Nakasimangot na tinignan niya ang matanda. "Anong ala-syete ka diyan, tiya?" inabot niya ang alarm clock at pinakita rito ang tamang oras roon. Quarter to six. "Hala, kahit na, tumayo kapa riyan at maligo," hindi papatalo na utos nito. "Mamayang alas-otso pa ang pasok ko, at wala pang sampung minuto ang papunta ng unibersidad, kaya, hayaan niyo pa muna akong matulog," Amot niya at pinakita ang mata na antok-antok pa dahil sa puyat sa nagdaang gabi dahil sa kakaaral. Huminga ang matanda at naramdam niya na papayagan na siya nito kung hindi lamang biglang lumitaw ang kanyang Mama sa labas ng pintuan ng kwarto niya. "Tumayo kana riyan, Natalie, huwag mong pahirapan si Mina, tulungan mo siyang maghanda sa ibaba ng almusal at kung alas-otso pa pala ang pasok mo, ay tumulong ka sa paglilinis ng bahay." maowtoridad na utos nito at nawala rin agad sa pintuan. Bagsak ang balikat na sumulyap siya sa kanyang tiyahin. Maliit na ngumiti ito sa kanya at inabot ang kanyang pisngi para haplusin. "Bawi ka nalang ng tulog mamaya, ha? gagabihin naman ng uwi si Ate mamaya." pangpapalubag loob na ani ni Marmina sa kanya. Tumango si Natalie at napangiti na sa kaalamang gagabihin ang Ina. Doon ay alam niyang makakabawi nga siya ng tulog. Nagayos si Natalie, ng sarili at pagkayari ay bumaba narin siya at gaya ng nais ng ina ay tumulong siya sa paghahanda ng almusal para sa kanilang tatlo. Habang nasa hapagkainan ay panay ang sulyap niya sa gawi ng kanyang Mama, may ibig nga pala siyang ipagpaalam dito at ngayon lamang niya naalala dahil naging busy siya sa pagre-review. "Ano 'yon?" malalim ang tinig na tanong nito ng pansinin ang pagsulyap-sulyap niya. Ibinaba nito ang utensil at ipinatong ang dalawang siko sa ibabaw ng lamesa at makikita ang katigasan at pagiging istrikto sa mukha nito. "May gusto kang sabihin." hula nito. Hindi siya nito inalisan ng tingin. Nanunubok ang tingin. Tumnago siya at lumunok. "M-ma k-kasi---" pinangunahan na ng takot si Natalie, sa uri palang ng tingin na binibigay ng ina sa kanya ay alam na niyang hindi siya na siya nito pagbibigyan kaya minabuti nalang huwag ng ituloy ang balak niyang pagpapaalam na pagsama sa party ng isa niyang classmate na iniimbita siya sa 18th birthday nito sa darating na sabado. "Kung may kinalaman iyan sa birthday ng anak ni Matilda, ay hindi kita pinapayagan." nagtaas siya ng tingin dito. Naramdaman niya bigla ang panunubig ng mga mata sa narinig. Inaasahan na niya ito pero sa hindi malaman na kadahilanan ay nalulungkot siya na sa maraming pagpapaalam niya ay hindi na naman siya pinayagan. "Asikasuhin mo ang pagaaral mo, malapit kanang magtapos at paghandaan mo ang napagkasunduan natin..." ma-owtoridad na sabi nito at tila nawalan ng gana na biglang tinulak paurong ang upuan na gumawa ng ingay na nagpanginig kay Natalie. Tumayo ito at inutusan si Marmina, na isunod nito ang bag nito sa garahe. Sumunod ang nanglalabong mata ni Natalie, sa paglabas ng mga ito sa engrandeng lumang pintuan. Pinunasan niya ang mata at sumunod sa mga ito. Pinatigas niya ang kalooban. Gusto niyang umattend sa birthday ni Patricia, at kukumbinsihin niya ang ina kahit sukdulang magalit pa ito sa kanya. Natalie, stop her mid track when she heard, Marmina's voice. Nagtago siya sa batong dingding. "Hindi ba masyado ka namang matigas at mahigpit kay Natalie, Ate?" nasa boses ni Marmina ang pagaalala. "Mabuti nang mahigpit kaysa maluwag, hindi siya mapapariwara," pabaliwalang sagot ni Aida. "Pero hindi mo ba naisip na ang lahat ng mahigpit ay nakakasakal at hindi mo alam kakaganyan mo sa kanya ay pwedeng humulagpos iyan at nanaising kumawala sa nakakasal mong pagdidisiplina." mariin na pamamaluktot ni Marmina sa katwiran ni Aida. Tumigas ang boses ni Aida, handa ng manigaw sa pakikialam ng kapatid. "Huwag mo ngang kwestyunin ang pagdidisiplina ko, malapit na at papasok na siya ng kombento, at kung ano man ang nais niyang gawin ay hindi rin naman niya magagawa sa loob ng kombento," "Iyon na nga mismo ang sinasabi ko ate, bakit hindi mo hayaan magsaya ang anak mo, habang nasa labas pa siya at gawin ang buhay niya dito bilang kabataan." "Huwag kang makulit, Mina, Hindi mo naiintindihan! Ibigay mo sa kanya ang mga bibliya na bagong dala si Sister Ester." Idiin ni Natalie ang sarili sa dingding sa narinig. Tumulo ang luha na kanina niya pa pigil. Nang makita niya ang paglabas ng mini van ng ina sa gate ay dali-dali siyang pumasok sa loob ng bahay at umakyat sa kanyang silid. Sinarado niya ang seradura niyon para hindi siya pasukin ng kanyang Tiya Mina. Tinakbo niya ang maliit niyang teresa at umupo sa malamig na lapag niyon na galing pa sa pag-ulan kagabi Niyakap niya ang dalawang tuhod at sinubsob ang ulo doon. Nilabas niya ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman niya para sa ina. Iniyak niya iyon at dahil kampante naman siya na walang makakarinig sa kanya dahil pader na ng kapitbahay ang nasa harapan niya ay hinayaan niya ang tunog na lumalabas sa paghikbi niya. "You're crying loudly like as a baby's crying, don't you know that?" Natigilan si Natalie, ng may magsalita sa hindi kalayuan sa kanya. At nang magtaas nga siya ng ulo ay nakita niyang hindi nga kalayuan ang nagsalita dahil nasa mismong barandilya lang ng kanyang teresa naroon prenteng nakaupo ang isang lalaki na nakaputing sando, kulay chocolate na cotton short na may taas-taas na style na buhok at may kulay labanos na balat. Nanglaki ang kanyang mata kahit pa nga may pakiramdam siya na late reaction na iyong kanya. At late narin ang bigla niyang pagtayo at pagdampot ng paso at pag-amba niyon dito sa lalaki. Dahil ang lalaking balak niyang batuhin ay amuse na pinapanood lang ang kilos niya na nakuha pa nga nitong ikuyakoy ang mga binti habang kumakagat sa mansanas na hawak nito. Her mouth agape at the view. And at the same time frighting at the guy who might do something bad. Sino ang lalaking ito?! At paano itong naka punta dito sa teresa ko! "Sino ka?!" sa wakas naisatinig rin niya. "Sumagot ka! Babasagin nitong paso ko yang bungo mong akyat bahay ka!" inihanda niya ang hawak at handa niya talagang ihampas itong paso na kakagawa lamang niya noong nakaraan sa ulo ng lalaking kaharap niya. Subalit ang lalaking pinagbabataan niya ay tila walang pakialam. Nagtaas ito ng isang binti sa barandilya habang nakatanaw sa kabilang bahay na tanaw na tanaw mula dito sa kanyang teresa. Pinagmasdan niya ito ng mabilis at tumingin sa kapit-bakod nila. Doon ba ito galing? Pero paano? Nag-ala spiderman ba ito? Sa isang banda ay narealize ni Natalie ang agwat ng taas ng pader at teresa niya. Halos magkasinglaki iyon kaya hindi malabo kung sasabihin nitong akyat bakod na ito na doon ito nanggaling. Subalit ang lakas naman ng loob nitong gawin ang ginawa sa kabila ng sumisikat na araw. "I enjoyed the view here, mabuti nalang hindi ako nahirapan tawirin ang pader na 'yan mula sa kwarto ko, if ever, I wouldn't have the chance to see a cow crying here," "A-anong sabi mo?" nauutal niyang pagpapaulit dito. Sabay na nagtaas ang kilay nito. "Ang alin? Na baka kang umiyak?" Her brows knot together. "Ano?!" Ngayon lang may nagsalita sa kanya ng ganito kaya hindi siya makapaniwala at wala siyang kakilala rito na balasubas na kagaya nito magsalita. At sa kabilang banda ay gusto niyang ipagtanggol ang sarili. "Ngayon lang ako umiyak ng ganoon..." aniya na dapat ay para sa sarili lang. "Oh, I wonder why? Baka alam mo lang na may nanonood sayo? Masarap umiyak ng malakas but I know something na mas masarap kapag iniiyak..." Hindi niya alam kung anong pumasok sa isipan niya at itanong niya kung ano ang tinutukoy nito. "Ano 'yon?" Tumawa ito na walang tunog. Ang pisngi nito ay lumalim, ang dimple nito ay lumabas, namula ng bahagya ang mga pisngi, lumitaw ang mapuputing ngipin na sa magazine lang niya nakikita, particularly sa artistang si Patrick Garcia, na talagang childhood crush niya. Natangay siya sa ngiting iyon na tila nagpa-imagine pa nga sa kanya sa artista. Hindi niya alam na nakababa na pala ang lalaki mula sa barandilya at nakalapit na sa kanya. Kung hindi niya naparamdam na hinipan nito ang tenga niya at bulungan siya ng kung ano ay hindi siya magigising sa imagination niya. "s*x," "Ha?" napakurap-kurap siya. "Ano daw?" "s*x?" he sexily chuckled. She heard enough. Enough para tuluyan niyang maibato dito ang paso. "Bastos! Lumayas ka isusumbong kita sa Mama ko!" nakaiwas ito at mabilis na nakalipat sa ibabaw ng makipot na pader. "Samahan pa kita?!" nangiinis pa na sigaw nito. And just like that she saw how he crossed the brick fence. Balance and easy. Kumaway pa ito sa kanya ng makarating ito sa kwartong pinasukan nito. "Natalie! Anong nangyayari diyan!?" si Marmina sa labas ng kanyang kwarto. Hindi alam ni Natalie kung sasabihin niya ba ang ginawang panunulay ng lalaking iyon sa bakod papunta sa teresa niya o hindi. Sabihin man niya o hindi ay alam niyang kapahamakan ang dala ng lalaking iyon. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD