Charles POV
Lumabas ako ng bahay para maghanap ng makakainan. Maaga pa kaya hindi ako naiinitan kahit na nakabalot ang mukha ko. Gusto ko ring maglakad ng kaunti since I'm new in this area.
The place is peaceful, unlike where I live.
I think her name is Yumi. Yung may ari ng bahay na tinutuluyan ko ngayon. She prepared breakfast, but I don't particularly appreciate eating with someone else.
I have been eating alone for years.
Hindi ko sigurado kung gaano na ako katagal naglalakad pero paniguradong kanina pa dahil nagsimula nang tumunog ang tiyan ko.
I decided to stop at a random small restaurant.
Pumasok ako sa loob at umupo. Kaagad akon nilapitan ng isang babae at inibautan ng menu.
"Good morning po. Here's our menu."
"Thanks."
I started browsing their menu.
Siguro gutom na gutom lang ako pero parang lahat ay gusto kong bilhin at kunin.
"Isang N4."
"Unli rice, Sir?"
"No."
Pag-iling ko.
"No worries po. Take out po ba?"
"Yes,"
I answered.
The lady repeated the order for me and then left.
I looked outside while waiting for the food. Since hindi pa gaanong madami yung customers ay mabilis ko ring nakuha yung order ko.
Lumabas ako kaagad at naglakad pabalik sa bahay.
Siguro naman wala na yung bababeng yun doon. I know it's her house but I live there now at sa pagkakaalam ko ay bihira lang din yun mapirmi sa bahay sa dami niyang ginagawa sa buhay.
Kahit papaano ay nakinig naman ako nung binabasa ni Jolo yung background ni Yumi sa akin.
Kung iisipin mo ay parang hindi nga patas ang mundo. Yumi is a lot bussier than I am yet I earn more. It's not that I am flexing. I just know it is not fair.
Napatingala ako sa langit nang maramdaman kong may pumatak na tubig sa kamay ko.
I put my hands out to check if it is really raining at kapag minamalas ka nga naman ay biglang bumagsak ang napakalakas na ulan.
I started running. I also decided to take off my mask. Wala namang tao at hindi na rin ako makahinga ng maayos dahil pinapasok na ng tubig yung loob.
Sandali akong napahinto nang makita ko si Yumi na tumatakbo rin sa daan. Napakunot ang noo ko habang pingaamasdan siya dahil para bang mayroon siyang hinahanap.
"Hoy!"
Masama ang tingin at nakaturo niyang sigaw nang makita niya ako.
Kaagad akong tumalikod at nagsimulang tumakbo ulit.
Mukhang ako yata ang hinahanap niya.
"Hoy! Tumigil ka nga."
Muli niyang sigaw.
"Asa ka?"
Sagot ko sa kaniya.
Sumilong ako sa gilid ng isang tindahan.
"Kapag ikaw talaga naabutan ko. Antayin mo ako diyan ah."
Nasa kabilang gilid siya ng kalsada.
Ayaw ko na ring tumakbo pa dahil mas lalo nang lumalakas yung ulan kaya inantay ko nalang siyang makatawid.
When the light turned green, Yumi started walking toward me.
I was watching her when a car suddenly hit her without even stopping after what happened.
Nabitawan ko ang dala kong pagkain sa gulat.
Kusa na ring gumalaw ang paa ko palapit sa kaniya pero muli ring napahinto nang may marinig akong isang malakas na sigaw.
"Mayumi!"
A guy shouted.
I looked at his direction.
The guy was running as fast as possible to Yumi.
Sakto namang may taxi na napadaan na kaagad silang inihinto at isinakay.
Ang bilis lang ng pangyayari na parang sampong segundo lang.
Sa sampong segundo rin na yun ay nakatayo lang ako sa ulan. I'm even catching my breath as it feels like I am drowning from the raindrops.
Nang mahimasmasan ako ay pumara ako ng sasakyan.
"Saan po, Sir?"
"Follow that car, quickly."
"Okay, po."
Kaagad na pinaandar ng lalake ang sasakyan.
Hindi ako mapakali at ramdam ko rin ang lamig mula sa pagkabasa ko sa ulan. Mabuti nalang at pinatay ng driver yung aircon.
"Sir"
"Yes?"
"Hindi po ba kayo yung artista?"
"Yeah."
"Naku baka pwede naman pong magpapirma para sa anak ko. Idol po kayo ng anak ko."
"Do you have a pen?"
I don't want to do it, but I don't want to be rude.
"Meron po."
Inabutan niya ako ng isang pentel pen habang nagmamaneho pa rin.
"What about a paper?"
Tanong ko.
"Wala po eh. Sa likod ko nalang po."
"Are you sure?"
Tanong ko at nakangiting tumango siya kaya pumirma nalang ako.
"There."
Masyadong matinta yung marker at manipis ang tela ng damit niya. Paniguradong kapag hinubad niya yun ay may maiiwan ding marka sa balat niya.
"Maraming salamat po. Siguradong matutuwa ang anak ko."
"Hmm."
Tumango lang ako dahil hindi pa rin ako mapakali.
Mabuti nalang din ay may sombrero yung driver sa sasakyan kaya hiningi ko na yun para makatakpan ang mukha ko kahit papaano.
Nang makarating kami sa hospital ay nagbayad ako at nagmamadaling lumabas.
Sinusundan ko sila Mayumi hanggang sa ipasok siya sa emergency room kung saan hindi kami pwede kaya naiwan kami sa labas.
"Who are you?"
Tanong nung lalakeng nagdala kay Yumi sa hospital nang makita niya ako.
"Huh?"
"Are you following us?"
"Only her. I have no business with you."
"Who are you, huh?"
Muli niyang tanong sa akin.
Alam ko kaagad na magkabigan sila as they both doesnt know who I am.
"I'm Charles, and Yumi is my manager. We live together."
Sagot ko at halatang wala siyang alam dahil kita ang pagkagulat sa mukha niya.
"Bullshit."
"I don't need you to believe me."
"Yeah, I don't. I'm calling the security."
"What?"
"What if you are a stalker?"
"Seriously? What would I gain from following someone hit by a car."
"I don't know. Lots of weird people nowadays. How can I make sure you are not one of them?"
"Bullshit.
"Leave, or I am calling the cops."
Pagbabanta niya.
He dialed a number on his phone to threaten me even more.
Napangisi nalang ako at naglakad paalis.
I cannot deal with that. Lalo lang akong malalagot at maiipit sa panibagong gulo.
Sa paglabas ko ng hospital ay tumawag ako kay Jolo to let him know.
Obviously, I cannot deal with her in this situation either.
We need to cancel the contract.