Mayumi's POV
"Kumain kana lang d'yan nakapagluto na rin naman ako. Huwag kang magkakalat, okay? Mahirap mag linis."
Mariing bilin ko kay Charles.
Aalis muna ako para mamili ng mga school supplies. Sapat na 'yong ipon ko ngayon para makabalik sa school. Aaminin kong malaki ang naitulong ni Charles sa akin financially.
Halos hindi ko makatulog kagabi sa sobrang saya na makakapag-aral na ako ulit.
"Where are you going?"
Tanong ni Charles.
"Sa mall."
"Ah, so you do go to malls."
Ano bang tingin sa akin ng lalake na 'to? Pulubi?
Hindi na ako sumagot dahil nasasanay na rin ako sa ugali niya. Lalo na sa kayabangan niya.
"Alis na ako."
Muli kong pagpapaalam at lumabas na.
Swerte yata ako ngayong araw dahil may taxi kaagad na nakaparada pagkalabas ko.
"Kuya, babyahe po kayo?"
Tanong ko sa driver dahil nakabukas naman ang bintana ng sasakyan.
"Saan ka?"
"SM po."
"Sige, tara. Ayos lang bang painitin ko muna yung makina?"
"Opo."
Pumasok ako sa loob ng kotse.
Pagkaupo ko ay isinuot ko yung luma kong earphones at sandaling ipinikita ng mga mata ko. Nakakaramdam ako ng kaunting antok dahil nga hindi ako nakatulog ng maayos kagabi.
Bago kami umalis ay naramdaman kong may isa pang sumakay pagkatapos nun ay nagbyahe na kami.
With my eyes closed, I hummed the song I was listening to inside the taxi.
Ang sarap ng pakiramdam ko.
Dumagdag pa 'yong masarap na simoy ng hangin na damang-damang ko dahil nakabukas ang bintana.
Nang maramdaman kong huminto na 'yong sasakyan ay iminulat ko na 'yong mga mata ko.
Dumukot ako ng pambayad sa bag ko a iniabot 'yon s driver.
Pababa na ako nang bigla akong mapatili sa gulat nang makita ko si Charles sa tabi ko na ikinagulat niya rin.
Pati yung driver ay napasigaw din.
"What is your problem?"
Masungit niyang tanong.
"Pasensya na po."
Nahihiyang sabi ko sa driver at tumango lang ito.
"Tara na."
Charles said nang makababa kami.
"Anong tara na?"
"Let's go."
"Hindi 'yan ang ibig kong sabihin."
"Eh ano?"
Gwapo nga medyo tanga naman.
"Anong ginagawa mo rito? Baka may makakita nanaman sa atin at kung ano nanaman ang isipin nila."
"They won't think about anything. You're my manager, remember?"
Oo nga pala.
"Pero ano nga kasing gagawin mo rito? Bakit ka sumunod?"
"I'm bored. Stop asking too many questions."
Isa lang naman 'yong tanong ko. Sadyang hindii niya lang sinasagot kaya nauulit ko.
"Be nice. I'm your manager."
Pagngisi ko sa kaniya.
Inirapan niya lang ako.
Nagsuot siya ng mask at naunang pumasok sa loob ng mall.
Ang tangkad niya pala. Bago ko lang napansin.
Tumatakbong sumunod ako sa kaniya. Kailangan ko siyang bantayan dahil kapag may hindi magandang nangyare ay malalagot ako kay Ms. Rianne.
Bago ko lang pala nalaman na magkapatid sila ni Ms. Riane. Sinabi sa akin ni Jolo.
Kaagad akong nalula nang makapasok ako ng mall.
Hindi ko na maalala 'yong huling beses na nakapasok ako rito. Siguro magdadalawang taon na ang nakakalipas.
Ang daming pinagbago at mas lalo itong lumaki mula sa huling pagkakaalala ko.
Pumasok si Charles sa National Bookstore kaya sumunod naman ako.
Kumuha siya ng isang pulang basket at kumuha rin ako. Ginagaya ko lang kung ano ang ginagawa niya.
Wala a isang minuto ay kung ano-ano na kaagad ang pinaglalagay ni Charles sa basket niya.
Dumampot ako ng isnag notebook at halos malula ako sa price.
Isang notebook lang ay tatlong daan na.
Lagpas sampong notebook na 'yong mabibili ko sa perang 'yon.
Naglakad ako pabalik malapit sa entrance at ibinalik 'yong pulang basket.
Sa iba nalang ako bibili. Sasamahan ko nalang si Charles.
"Where's yours?"
Tanong niya nang lumapit ako sa kaniya.
"Ikaw nalang muna 'yong bumili."
Sagot ko.
"Bakit hindi ka nalang sumabay."
"Hindi ko kayang bilhin 'yong mga nandito."
Nahihiya kong sagot.
Isang malalim na buntong hininga ang ginawa niya at muling umukot-ikot.
Sunod lang ako ng sunod sa kaniya hanggang sa matapos siya.
Pumila siya sa cashier at nagbayad.
"Ako na."
"No. Let's put it sa baggage counter."
"Ah, sige."
Buhat-buhat ni Charles ang dalawang napakalaking paper bag ng national bookstore.
Naglakad kami papunta sa baggage counter pagkatapos ay iniabot niya sa akin 'yong number.
"Huwag mong wawalain 'yan."
Tumango ako at muli nanaman siyang naglakad.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Ang plano ko kasi ay umuwi kaagad pagkatapos mamili pero wala namang akong napamili.
Pumasok kami sa department store at dumiretso kami sa mga topperwares and tumblers.
May nakita akong pink na tumbler bottle na may takip na hugis tainga ng pusa.
Nasa taas 'yon nakapatong kaya tumingkayad ako para maabot ko.
Nangangalay na ang paa ko pero hindi ko pa rin maabot nang maalala kong may kasama nga pala akong matangkad.
Lumingon ako pakanan para tawagin si Charles.
"Charles paabot..."
"Gusto mo ba 'to..."
Parehong nanlaki ang mga mata namin kasabay ang mabilis kong pag-atras nang aksidenteng magkatapat ang mukha namin at magdikit ang mga labi namin.
Sa pag-atras ko ay nawalan ako ng balanse mula sa pagkagulat pero mabilis ang kamay ni Charles kaya mabilis niyang naipulupot ang isang kamay niya sa bewang ko dahilan para muli kaming magkalapit.
"What..."
"Sorry."
Kaagad kong sagot.
Charles looked confused habang ako naman ay para bang kinakabahan.
"May gusto ka bang kunin?"
Tanong niya na parang walang nangyare.
"Huh? Ah, oo."
Sagot ko.
"Nasaan?"
Nahihiyang tinuro ko 'yong sinusubukan kong abutin kanina.
Kinuha niya 'yon at tinanong ako kung tama ba 'yong nakuha niya.
Tumango lang ako.
"Ibabalik ko lang 'to."
Charles said.
Kaagad akong napatakip ng mukha nang makalayo siya.
Napahawak pa ako sa labi ko habang inaalala 'yong nangyare.
Dapat ko bang isipin na aksidente ko siyang nahalikan kung nakasuot naman siya ng face mask nang mangyare 'yon?
Hindi 'di ba?
Pero ramdam na ramdam ko ang labi niya sa labi ko.
How can he be so chill about it?
Muntik ko nang makalimutang artista nga pala siya. Siguro ay dahil 'yon dun.
Nang makabalik siya ay may dala na siyang paper bag.
Malamang ay binili niya 'yong tinuro ko kanina.
"Magkano daw?"
"Hindi ko alam."
Sagot niya at nauna nanamang maglakad paalis.
"May bibilhin ka pa? Ano pang kailangan mo?"
Tanong niya.
"Wala."
"Okay. Let's go. I called Jolo to pick us up."
Tumango lang ako.
Binalikan muna namin 'yong iniwan namin kanina sa baggage counter pagkatapos ay lumabas na kami.
Si Charles pa rin ang nagbuhat ng lahat.
Charles may be mean, but he seems to be caring.
Kaagad kaming sinalubong ni Jolo sa paglabas namin ng mall. Kinuha niya mula sa kamay ni Charles lahat ng mga pinamili namin pagkatapos ay pinagbuksan kami ng pinto.
"Coffee for you, Charles, and is strawberry alright, Yumi?"
Jolo asked.
"Oh, thank you."
Jolo smiled as he gave me a large cup of strawberry milk tea.
Napakaswerte pala talaga ni Charles sa buhay. Kahit na hindi niya sabihin o hingin ay nakukuha niya 'yong mga bagay na kailangan ko pang pagtrabahuan ng isang buong araw.
"Marami po yata kayong pinamili."
"Wala akong nabili. Kay Charles 'yon lahat. Saka nalang 'yong sakin."
May malapit na sari-sari store samin na nagbebenta ng school supplies. Hahanapin ko nalang din 'yong mga luma kong notebooks. Paniguradong may mga natitira pang pahina 'yon.
"Those are not for me."
"Huh?"
Tanong ko pero hindi siya sumagot.