VIII

1040 Words
*** Binasa ko ulit yung message nya nang paulit ulit ulit ulit. Hanggang sa matauhan ako na totoo nga! Nagchat nga sya. Pero hindi ko alam yung irereply ko. Srsly? Naalala nya pa yon? Its been what year na kaya ngayon. Then I decided na mag reply na din. "Langya akala ko nakalimutan mo na yon, seryoso ba yan?" Reply ko sa kanya Agad agad naman sya nag reply sabay sabing... " No. Di ba sabi ko maniningil ako kapag di na ako busy? Hahahaha." Ay lintek to ah. Think aika anong sasabhin mo? "Hahaha, seryoso talaga? Nasa may yellow cab ako sa may Morayta pauwi na sana ng biglang lumakas yung ulan". Reply ko sa kanya "Uy sakto! Wait mo ako jan patapos na klase ko. Hahahaha." Reply nya kaagad. Habang naghihintay ako napaisip napang ako. Tutuloy ko ba to? Alam kong sa gagawin kong ito may mga tao akong masasaktan. Pero naiisip ko din na paano naman ako? Eto na yun eh, nandito na to. Ipag kakait ko paba sa sarili ko na maging masaya? Hayyyy bahala na. Ok self ganto nalang pag tumila yung ulan uuwi kana at sabihin mo nalang na emergency. Pero kapag hindi malamang tuloy alangan namang mag pakabasa ka sa ulan? Ngunit habang tumatagal yung pag hihintay ko eh nanamadya ata yung panahon? Imbis na tumigil eh lalo pang bumuhos. Ano pabang aasahan ko eh rainy season ngayon. Tuloy-tuloy yung pag mumuni-muni ko hanggang sa may tumawag saakin. " Aikaaaaa! Hahaha." Masayang bati nya saakin. "Uy! Miguel! Kamusta?" Masaya kong ganti. " Ikaw ang kamusta!? Naks! FEU! yayamanin manila girl na!" Pabiro nyang tukso saakin. "Siraulo ka talaga hahaha." Natatawa ko nalang na sabi sa kanya Sa sobrang lakas ng ulan eh hindi na kami lumayo pa. Medyo nabasa na din kami dala ng na angihan kami. " Ok lang ba sayo na mag Mcdo nalang tayo?" Biglang tanong ni Miguel. " Hahaha bat ako yung tinatanong mo? Ako kahit saan, ikaw ba?" Balik na tanong ko sa kanya. "Tara na nga, pasok na tayo baka lalo pa tayo mabasa." Sabi nya at bigla ba naman akong hinatak papasok ng mcdo. Nagulat ako, sa sobrang gulat ko eh napahinto pa ako. Napahinto din sya. "Bakit?" Nagtatakang tanong nya saakin. "Ah eh wala." Kinakabahang sagot ko. Kalma heart! Kalma! "Tara na ng makahanap tayo ng pwesto at makapag punas ka, tignan mo oh nabasa ka din pala." Pag tingin ko sa may bandang dibdib ko basa nga! Langya naman oh! Bat di ko to napansin? Sabay abot naman nya ng tshirt nya. " Oh eto PE shirt ko yan ipang palit mo muna baka mamaya sipunin ka. Tas eto yung towel mag punas ka muna." Nag aalala nyang sabi. Nanginginig yung kamay ko habang kinukuha yung tshirt nya. Di ko alam kung para saan pero halo halo na. Wooooh! Wag ka namang ganyan baka mafall na ako ng tuluyan sayo jusko please lang. Pag kaabot ko ay dali-dali akong nag punta ng comfort room. Pabalik na ako ng pwesto namin na mapansin ko na wala na sya. Pero nandito pa bag nya. Luh? Saan nag punta yon? Wala pamg sampong minuto ay nakita ko na syang paakyat hawak yung tray ng pag kain namin. Kasunod yung isang crew. "Hala bat nag order ka agad? Magkano lahat?" Sabi ko sa kanya Agad naman syang tumawa sabay sabing "Ang tagal mo eh, so itook the liberty to order for us. Kain na tayo?" Sagot nya saakin. "Eh sorry may nauna pa sakin eh, so magkano nga?" Ulit ko sa kanya. " Kumain ka ng kumain di ka mabubusog sa kakatanong." Bale wala nyang sabi sa akin Napa nganga nalang ako sa mga kaganapan. Pero medyo napalji ata yung nga nga ko. Nagulat nalang kasi ako nung sinubuan nya ako ng fries. " Oh baka pasukan ng langaw, sabihin mo kung gusto mong mag pasubo hindi yung basta basta ka nalang naka nganga dyan." Tawang tawa nyang sabi sakin habang namumula pa. Gusto long mapa mura at that moment! Pwede bang sumigaw? Halo galo na yung nararamdaman ko. Sobrang pula ko na din dahil sa kilig at pag ka pahiya. Nag makabawi ako a nahampas ko nalang sya. "Aray naman! Kayo talagang mga babae!" Madrama nyang sabi saakin. " Lakas mo kasi mang bubwisit eh!" Reklamo ko sa kanya. Natawa nalang sya. Habang kumakain eh kung ano anong random stuffs ang napag usapan namin Merong part na nag balik tanaw kami nung highschool shinare nya din sakin yung life nya dito as college student. So far masasabi kong maganda takbo ng buhay nya ngayon and im so happy for him. Nang makatapos kaming kumain ay tinanong ko ulit sya. "Hoy magkano nga to?" "Kulit mo naman, sagot ko yan." Naka ngiti nyang sagot saakin. "Hala? Diba dapat ako yung manlilibre?" Sagot ko sa kanya "Hahaha hayaan mo na, some other time, there's always a next time." Makahulugan nyang sabi. "Hatid na kita, saan Dorm mo?" Tanong nya saakin. "Ay dun pa, pa isetann na sa may Purple Clover". Sagot ko agad sa kanya. " O tara may payong ako. Sakto sa may recto station nalang ako sasakay para mas malapit lalakarin." Sabi nya saakin. Napaka tamad talaga eh! Pero sabagay may point sya. Medyo malayo nadin kasi kung babalik pa sya ng legarda nasa gitna na din kasi kami eh. Pag naiisip ko yung araw-araw nyang byahe ako yung napapagod eh. Imagine bbyahe sya ngayon mula recto pa santolan? Tas pag babang anonas na ilang oras ibyahe sasakay pa sya ng FX pa Marikina naman? Nakakapagod din ah!? Habang palapit kami ng dorm eh di ko maiwasan ang malungkot. Pag dating sa lobby ng dorm binalik ko sa kanya yung towel na nasa bag ko. Nakalimutan ko palang ibigay sa kanya kanina. " Thank you ah, ingat ka pag uwi mo, chat mo ko pag nakauwi kana." "Ow sure, no problem, walang anuman! Salamat din." Naka ngiti nyang sabi. Kumaway pa sya habang naglalakad. Hinintay ko syang makalayo sa paningin ko bago ako pumasok ng dorm. Hayssss kung pwede lang sanang umamin. Kaso naiisip ko baka hindi rin mutual eh. Ayokong mag assume kasi may pag ka sweet talaga sya sa mga kaclose nya. Hay ewan bahala na. Kailangan ko lang ata tong ipahinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD