***
Mabilis na lumipas ang mga araw hindi ko man na mamalayang naka isang taon na pala din ako dito sa Manila.
At sa loob ng isang taon na yon to be honest is ang worst lang. Akala ko kumportable na ako pero hindi pa pala. I dont know pero one day kasi nagising nalang ako na ayoko na. I want to go back to bataan na. Theres no place like Bataan talaga. Chaaar! Hahaha.
Wala na din kaming communication ni miguel simula that day ng umuwi sya.
So bago ako mag second year eh nag pasya akong mag transfer na ng school. At first disappointed si mommy pero naintindihan nya din naman ako.
Wala pa akong pinag sasabihan kahit isa sa mga kaibigan ko. Balak ko din kasi sila i-surprise mula kasi nung nag manila ako eh inaamin kong nawalan na ako ng oras for them.
A week after kong makauwi binalikan ko yung school ko nung highschool, may college din kasi sila. Then i found myself na kumukuha ng kursong BSBA.
Natatawa nalang din ako sa mga kaganapan sa buhay ko. Mag babarkada nga kami! Hahaha. Si jane at zellie lang ata yung nasa tamang daan saamin.
Habang nag eenroll ako ay naisipan ko nalang biglang mag chat sa GC namin.
" Kain tayo sa labas. Nasa tdel lang ako"
Sabi ko sa gc namin. Agad naman silang nag confirm. At napag kasunduang sa KFC nalang mag kikita kita.
Hindi ko alam na kanina pa pala sila nandoon kaya pag pasok ko talaga namang napagka-iingay.
Habang kumakain kami eh sinabi ko na din sa kanila na dito na ako mag aaral. Sabay pakita ng sched ko.
Sabay sabay silang nanlaki ang mata at impit na napa tili. Ramdam ko na masaya sila para saakin.
"Oy wag nyo kakalimutan next week saamin tayo ah." Sabi ko sa kanila.
"Bakit may hanuuuu?" Makulit na tanong ni jane.
"Ayan ganyanan na!" Tampo kong sabi
"Hahahaha! Bungol birthday nyan!" Natatawang sabi ni sash kay jane.
"Ay ganun?" Sagot ni jane sabay tawa ng nakakaloko.
Hay. Pano ba ko nagkaroon ng gantong mga kaibigan? Hahaha kidding aside masaya ako kasi naging part sila ng buhay ko.
"So kamusta ang aming future educators?" Tanong ko kay jihye at sash.
"Educator lang." Sagot naman ni jihye
"Ha? Bakit?" Nagtataka kong tanong.
"Tanong mo yan oh!" Nguso ni jihye kay sash
"Hmmmm?" Baling ko naman kay sash.
"Ah ehhhh ahhhh. Hahaha tagal na di ka kasi ma-reach eh kaya di mo alam hahaha." Napakamot na sagot ni sash.
"Oh eh anong balak mo ngayon? Aba maawa ka kila tita, si tito nagpapakahirap sa saudi eh." Sermon ko sa kanya
"Ihhhh eto naman pinagalitan pa ako, nakapag enroll na din ako, for real na din to hahaha. Hi kayo sa Customs nyong friend." Natatawang sabi ni sash.
" Diba yun yung buwaya? Penge kaming chocolate, pabango tsaka LV Bag ha?" Natatawang sabi ni jane
" Hahaha potek ka talaga!" Sabi ko naman sa kanya.
"Ibig sabihin schoolmate tayo?" Tanong saakin ni zellie
Lahat naman kami ay nalukot ang mukha sa tanong nya. Sabay pitik ni jihye sa hangin.
" Hello! Zellie to earth! Hahahaha." Natatawang biro ni jihye sa kanya
Hay tong mga to kahit kailan! Eto yung namiss ko sa kanila eh. Gantong kaibigan at pakiramdam na hindi kayang ibigay ng Manila. Im homeeeeee. Napapangiti nalang ako.
***
4 days before my birthday. Nagulat ako sa kung sino yung nagreply sa tweet ko. Eto kasi yung tweet ko.
" Lapit na pala Birthday ko, baka naman"
Tapos eto yung sabi nung nagreply.
@PPMiguel
"Baka naman mag imbita kapa"
Ay potek! Biglang lumakas nanaman yung kaba ng dibdib ko. Dali dali ko syang chinat syempre!
"Huy! Asan ka? Mag hahanda ako kahit konti kung makakauwi ka dumaan ka sa bahay." Imbita ko sa kanya.
Agad agad din naman syang nag reply.
"Hahaha salamat! Dito ako ngayon sa Marikina eh". Sagot saakin ni Miguel.
Nag ok nalang ako at nag imbita pa ng mga dating kaklase na napalapit saakin. Masaya akong nag confirm sila na pupunta sila.
Kasalukuyan kaming kumakain ng pananghalian nila tita ng biglang tumunog yung celphone ko.
Pagtingin ko sa screen si sash pala. Parang alam ko na to. Tinapos ko muna yung kinakain ko bago ko sinagot. Hindi titigil to eh.
"Yes hello?" Bungad ko sa kanya
"Ahmmm sisy?" Pauna nyang sabi
Alam ko na talaga to. Kaya bago pa man sya magsalita ulit eh inunahan kona.
" Hay na ko! Oo nasabihan ko na din si Paco mo. Oo daw pupunta daw. Hahaha ok na?" Natatawa ko nalang na sabi sa kanya.
" The best ka talaga sisy! Alabyuuuu! Hahaha" pabirong sabi nya.
" Ihhhh! Kadiri!" Pabiro kong sagot sa kanya.
Di nag tagal eh binaba nya na din yung tawag. Napa buntong hininga nalang talaga ako dun. Ang lakas talaga ng tama non. Pinanindigan na ako talaga yung gagawing tulay daw nila. Natawa nalang din ako.
----