***
Flashback
Hindi na nasundan pa ang pag dalaw saakin ni kenneth sa bahay dahil mas madalas na ang paglabas namin kapag nakakahanap sya ng bakanteng oras.
Madalas kaming nag kikita sa Olongapo para iwas na din sa mata ng ibang tao, kasi hanggang ngayon ay hindi pa namin naipapaalam kay mommy ang tungkol saamin.
Bukod kasi sa dating app lang kami nagkakilala ay isa pa sa dahilan yung pagiging long distance namin.
Pero sino din ba kasi ang mag aakala na aabot kami ng gantong katagal? Imagine from May to December! Yes! December nga pero hanggang ngayon ay hindi ko pa din sya sinasagot.
But i think this is the season to be jolly! Chaaar! Siguro naman enough na yung time para dalin ang kung ano mang meron kami sa next level.
Habang sakay ng Bus papuntang Gapo nag iisip ako ng paraan kung paano sasabihin sa kanya yung gusto kong sabihin.
I want it to become extra special kasi. So medyo kinakabahan din talaga ako pero sana maging okay ang lahat.
Tinext ko nalang sya na malapit na ako at dali-dali naman syang nagreply.
" Nasaan kana?" Tanong nya saakin.
"Turn around." Sagot ko sa kanya at pag kakitang pagkakita nya saakin ay sinalubong ko sya ng isang magandang ngiti.
Agad naman syang lumapit sabay hawak sa kamay ko papunta sakayan ng jeep.
Kahit pa paulit-ulit lang yung place ng ginagalaan namin as long as were together parang laging bago saamin.
Wala kaming paki kahit paulit-ulit na kami dito ang importante ay masaya kami, mag kasama kami, I think yun naman talaga ang mahalaga.
"Saan mo gusto?" Nakangiti nyang tanong sakin.
"Ikaw! Kahit saan, ikot muna tayo." Masigla kong sagot sa kanya
" Ok, as you wish my queen." Naka ngiti nyang sabi saakin.
Pero dahil mag tatanghalian na din di nag tagal ay nag-aya na akong kumain. Simpleng lunch lang pero nabusog din naman kami. Nagpahinga lang kami sandali atsaka kami nag simula ulit na mag-ikot.
Habang kami ay nag iikot ikot nagulat ako ng tumunog yung phone ko. Yung tawag na galing sa messenger. Hindi ko pala na off ang data. Pagtingin ko sa caller. Patay!
"Si mommy." Kabado kong sabi sa kanya.
"Go answer it, dito muna ako sa swing." Sabay punta nya sa mini playground. May open space kasi dito sa mall na may mga bench at pwede kang mag pahinga at mini play ground for kids.
Napabuntong hininga nalang ako sabay sagot ng tawag ni mommy.
" Hi ma kamusta." Bati ko kay mama sabay upo sa isang bench hindi kalayuan kay kenneth.
" Ok naman, kakatapos ng seminar namin nag patawag kanina si boss eh, teka nasaan ka?" Tanong saakin ni mommy.
" Ma sorry i want to message you sana kanina pero naisip ko na nasa seminar ka kaya di na kita inistorbo. Pero nag paalam naman ako kay tita vette." Paliwanag ko sa kanya.
"Ok? So nasaan ka nga?" Ulit nyang tanong saakin.
"Nasa Gapo Myy gala lang po. Bili na din ng something to wear and gifts for Christmas." Sagot ko sa kanya.
" With whom? Sash? Zellie or Anica?." Tanong nya saakin. By the way Anica is my new found friend sa college.
" No Myy. Sorry but i want to be honest, I'm with someone myy. Sorry talaga kung di ko nasabi. Were dating since september but i met ahm no nakachat ko sya sa isang dating app nung May. Pero my promise di ko pa sinasagot." Mahaba at takot kong paliwanag sa kanya.
" O eh nasaan? Bat hindi mo pakilala saakin?" Tanong saakin ni mommy.
"Po? My?" Kabado ko paring sagot sa kanya.
" Sabi ko gusto kong makausap." Seryosong sabi saakin ni mommy.
Halo-halo ng emosyon at kung ano ano pa ang nararamdaman ko habang papalapit ako kay kenneth upang iabot sa kanya yung phone ko.
Nagtaka pa sya nung pagdating ko sa harap nya ay inabot ko ito sa kanya.
" Gusto ka daw makausap ni Mommy." Kinakabahan kong sabi sa kanya.
Inayos nya muna ang kanyang sarili bago inabot yung phone sa kamay ko.
Naunang mag salita si mommy.
" Hello iho." Bungad na bati ni myy.
" Hello po Ma'am." Tumingin muna sa relo saka nag patuloy sa pakikipag usap kay mommy.
"Good Morning po." Naka ngiti nya pang bati kay mommy. My God! Di ba sya kinakabahan?
" Good Afternoon sa inyo jan. May gusto ba kayong sabihin saakin?" Seryosong tanong ni mommy. Pero hindi ko kinakikitaan ng kaba si kenneth.
" Una po sa lahat Ma'am sorry po kung sa gantong paraan po ninyo nalaman yung saamin ni Aika. Matagal ko na din po kasi sanang balak na sa inyo mismo mag paalam pero i considered din po yung desisyon ni Aika." Sagot nya sa tanong ni mommy.
" Matagal ko na din alam, nag pauna na si Ate nung nagpunta ka sa bahay, hinihintay ko lang talaga na magsabi saakin ni aika." Sabi sa kanya ni mommy.
"Pasensya na po talaga Ma'am." Hinging paumanhin ni kennet
h.
Napabuntong hininga naman si Mommy sa kabilang linya sabay sabing.
" Hayyyy ano pa bang magagawa ko, ayoko namang maging kontrabida sa ikakasaya ni Aika pero sana isa lang ang pakiusap ko sayo iho." Pasukong sabi ni myy.
"Anything po." Naka ngiti pa ring sagot nya kay mommy.
" Sana alagaan mo si Aika, alam kong hindi maiiwasan ang sakitan pero sana hanggat kayang iwasan ay iwasan na. One more thing LDR kayo sana naman ay hindi maging reason yun para masaktan si aika." Madramang pahayag ni mommy sa kanya. At marami pa talaga syang binilin kay kenneth.
" Ayoko pong mangako pero gagawin ko po lahat sa abot ng aking makakaya." Sagot nya sa mahabang bilin ni mommy.
" Aasahan ko yan iho, at isa pa pala Tita nalang, masyado ka naman formal." Natawang sabi ni mommy.
Dun lang ako nabunutan ng tinik ng madinig ko yun. Wooooh! Makakahinga na din ng maluwag.
" Ok po tita." Naka ngiti pa ding sagot ni kenneth.
Hindi ata to napapagod mag ngingiti eh buong duration ng call ni mommy naka ngiti lang to eh.
Matapos ng napakarami pang bilin ni mommy at pa-ingat nya saamin ay hindi na rin nag tagal si mommy at nagpaalam na din saamin.
Pag kababa ng tawag ay nakita kong napa punas ng pawis si kenneth na syang kinatawa ko.
" Woooh! Pinawisan ako don!" Natatawa nyang sabi saakin na syang lalong ikinatawa ko.
" Atleast wala na tayong problema at hindi na natin kailangang itago." Naka ngiti kong sabi sa kanya
Kasabay ng pag kuha nya sa kamay ko ay ang mga salitang " wag kang mag-alala, sisikapin kong hindi biguin si tita." Sabay dala nya ng mga kamay ko sa labi nya upang halikan.
Bigla nanaman akong nakaramdam na parang may nag liliparang paru-paro sa tyan ko.
Bago pa ako tuluyang matangay ng kilig ko ay inaya ko na sya upangbmamili ng mga kailangan ko.
Nakakatuwa din na hindi sya naiinip habang ako ay hanap ng hanap at pili ng pili ng mga kakailanganin ko.
Makatapos kong makabili ng mga bibilin ko ay nag paalam muna sya saakin na gagamit ng comfort room.
Tumango nalang ako at nag sabing mag titingin tingin nalang din muna habang hinihintay ko sya.
Nag tingin-tingin muna akp sa mga kalapit na store at stall habang hinihintay ko sya. Nakita ko pa ang pag linga nya para hanapin ako.
Nakaisip ako ng kalokohan at the same time paraan na din. Hindi muna ako nag pakita lumabas ako sa open space ng mall para tingnan kung malapit na ang sunset.
Maya maya lang din ay tumutunog na yung phone ko na syang nakapag patawa saakin.
"Hello nasaan kana?" May bahid nabtakot sa boses nya.
" Hahaha nandito pa rin." Natatawa kong sagot sa kanya
" Saan nga? Nag-aalala na ko, ang sabi ko wag kang lalayo eh." Sabi pa nya saakin
" Hahaha wag kang mag alala di naman kita iiwan eh, labas ka dito sa may play ground kanina." Natatawa ko pa ring sabi.
Dinadaan ko nalang sa tawa pero ang totoo kinakabahan ako. Nakakakaba din kaya kahit papano.
Nasa malalim akong pag iisip ng biglang may humawak sa balikat ko.
"Pinag-alala mo ako! Alam mo bang natakot ako na baka iniwan mo na ako at umuwi kana?" Takot nyang pahayag.
Nginitian ko lang sya, binaba ko muna sa bench lahat ng pinamili ko. Sabay kuha sa kamay nya at mula doon ay dinala ko sya sa gintang bahagi nito.
Hawak parin ang kamay nya ay deretso ko syang tinignan. At hanggang ngayon ay mahahalata talaga ang takot sa mga mata nya.
" Kenneth." Kinakabahan kong sabi.
" Ako muna." Agaw nya sa sasabihin ko.
Nabigla naman ako sa sinabi nya.
" Aika, alam kong hindi pa sapat ang lahat nang nagawa ko at ang panahon pero sana kahit papaano ay nakita mo kung gaano ko sinikap na alagaan kung anong meron tayo kahit pa nga LDR tayo, alam kong mahirap pero sana samahan mo akong sumubok at i-workout pa to." Mahaba nyang pahayag.
" Tulad ng sinabi ko kay tita, hindi ako mangangako pero sisikapin ko ang lahat Aika." Madamdamin nyang sabi.
Magsasalita sana ako ng nagulat ako sa ginawa nya. Mula sa pag kakatayo nya ay unti-unti syang lumuhod.
"Aika, Will you be my girlfriend?" Naka ngiti nyang tanong saakin.
Isang ngiti ang sumilay saakin sabay sabing. " Yes! Oo!" Nasabayan ng isang masayang tawa ang kaba ko. Sobrang saya sa pakiramdam.
Katulad ko ay di rin matawaran ang sya nya. Pagkatayong pagka tayo nya ay isang mahigpit na yakap ang binigay nya saakin na sinuklian ko din ng isang mahigpit na yakap.
Halos ayaw na naming bumitaw sa isa't-isa, parang ayaw pa naming matapos ang mga kaganapan. Kaya naman ako na ang unang bumitaw medyo napapansin na din kasi kami ng ibang tao.
Padami na kasi ng padami ang pagagawi sa lugar kung nasaan kami.
Ngunit bago pa man sya mag salita o ayain ako na mag-ikot ulit bago umuwi ay dali-dali kong kinuha ang kamay nya sabay sout sa kanya ng binili kong bracelet habang nasa comfort room sya.
Nung una ay nagulat sya at balak pa atang tanggihan pero agad naman syang nakabawi at nag pasalamat sabay sabing. " Bakit kapa nag abala? Hindi mo naman ako kailangan bilhan pa ng ganto." Sabi nya saakin
Ngiti lang ang isinukli ko sa kanya. Maya-maya lang ay hinila nya na ako pabalik kung saan ko nilapag ang mga pinamili namin kanina.
Nagulat pa ako ng yumuko sya, akala ko kasi kung ano nanaman yun pala may inabot lang sya.
Literal na napanganga akobat nanlaki ang mga mata nung iabot nya saakin yung niyuko nya kanina.
"Wow". Nasabi ko nalang.
"Buksan mo". Nakangiti nyang sabi saakin.
"Akin to? Hahaha totoo? Hala bakit? Ang gandaaaaa! Thankyou!" Di makapaniwala kong sabi at sa sobrang saya ay nahalikan ko sya sa labi na syang ikinabigla nya.
Nakatulala pa rin sya ng tignan ko sya. Natawa naman ako sa itsura nya.
"Huy! Natulala kana jan." Takip ko sa kanya na syang nag pabalik sa kanya.
" Nagustuhan mo ba?" Tanong nya saakin matapos ng pagkatulala nya.
" Sobra-sobra, pero bakit kailangang bilhin mo pa to? Ang mahal nito!" Di makapaniwalang sabi ko sa kanya.
" Natatandaan mo nung nakaraang date natin dito, napansin kita na tinitignan yan nung dumaan tayo sa store. After a week binalikan ko yan at nag paresevre na din ako ng size mo. That time kasi limited lang yung stock nila at wala yung size mo. Nakakatawa nga eh kasi hinulaan ko lang din yung sa size mo. Naghanap pa ako ng ka-paa mo sa mga sales lady. Buti pumayag hahahaha." Mahaba nyang paliwanag saakin.
" I'll never forget this Day." Madamdaming sabi nya pa sabay kuha ng phone nya ay lagay sa Calendar at Memo nya ng 'December 23, 2016 she said yes!"
Sa sobrang halo-halong nadarama ko ay wala na akong masabi niyakap ko lang sya ulit at nag pasalamat.
End of flashback
***