***
4 years after...
At last! Nakaraos din sa College!
Hindi rin biro yung pinag daanan ko in the past 4years. Halos dumadating na din sa biglaan nalang akong mag be-break down, sobrang nakakangarag din maging treasurer ng Student Council.
Madalang nalang kung magkita kaming mag babarkada. Kung malabas man kami panay nalang inom namin at gabi pa. Wala eh hindi mag tugma sa sched eh.
Laking pasalamat ko din at nag focus na talaga sa pag-aaral si Sash. Dahil nako! Kung hindi malamang ginugulo pa rin ako non hanggang ngayon tungkol kay bebeloves nya. Ay sorry mali pala. "Ex-crush nya na pala yon."
Wag ko daw ipaparinig sa bebe nya ngayon yung tungkol kay Paco kasi napaka seloso daw non. Oo tama kayo ng basa. Sa tagal ng kamalasan nya sa pag-ibig ay nakahanap din si Sash ng lalaking tanggap sya.
Masaya ako for her. Pero di ko parin maiwasang mag-alala, kasi wala namang kasiguraduhan sa mundo eh. People come and go, may mga nananatili pero mas maraming umaalis.
Danas na ko yan eh. Bakit akala nyo ba in the past 4 years eh wala akong naka relasyon ni-isa man lang?
Meron naman syempre! 2 years ago, I think mga bandang May yon. Sa una masaya ganon naman talaga lagi eh. Pero di kalaunan ay nagbago din.
*****
*Flashback*
Hmmmm? Matry nga tong Dating App na to. Baka sakaling madivert yung atensyon ko at makatagpo ng medyo or pwede na.
" Hmmmm? Pwede! Ok next, ay mukhang manyak! Next pa." Paulit-ulit kong ginagawa hanggang sa may makakuha ng atensyon ko.
"Ay pwede! Hmmmm? Kenneth Briones? I-accept mo sana." Nag scroll at nag hanap pa rin ako ng iba pang pwedeng kamatch.
May mga nakikipag match naman kaso di ko type eh. Hanggang sa inabot na ako ng hapon kakahanap dito sa dating app na to.
Jusko natawa nalang din ako sa sarili ko kung bakit pinapatulan ko itong mga gantong klase ng Apps.
2days had passed nagulat nalang ako ng may nag notif sakin dun sa app na yon. At nung binuksan ko yung notification eh nagulat ako na nag message din pala sya.
"Kenneth send you a message"
Gulat at curiousity ang naramdaman ko. Dali-dali kong binuksan yung app to check his message.
" Hi were matched!" May winked pa na emoticons. Medyo napreskuhan ako sa kanya. Pero no harm done naman eh so nireplyan ko na din.
"No were bagay." Pabiro kong sagot sa kanya
" Hahahaha! Nakuha mo ako dyan!" Natatawa nyang reply.
"Oh really? Akin kana?" Pabiro ko ulit na sagot sa kanya.
" Hahaha silly! You know what? Ang gaan mong kausap." Sabi nya saakin
" You too." Maiksi kong sagot sa kanya.
" If you dont mind, cant i your sss acccount or your number? Gusto pa sana kasi kitang makilala, madalang kasi ako dito." Tanong nya saakin.
"Sure, no problem, search mo nalang yung Aika Roxas same dp dito." Sabi ko naman sa kanya
" Thanks! Btw i got to go may tatapusin pa kasi ako." Paalam nya sakin.
Nag paalam na din ako. Maya-maya lang ay may nag padala na saakin ng friend request and I know its him.
Bilis nya ha! Bago ko inaccept ay inistalk ko muna syempre! Dun ko nalaman na taga San Narciso Zambales sya. Sa dating app kasi Zambales lang ang nakalagay
Napag alaman ko din na engineering yung tine-take up nya na course. At ay! Matangkad!
Kinabukasan noon ay nag umpisa na kaming magkausap. Nung una isang beses isang araw lang pero kalaunan ay napapadalas na.
Halos ilang buwang kaming ganon, naging kumportable na din kami sa isa't- isa. Landian na ding maituturing. Atleast kahit papaano naman ay sumasaya ako.
September na pero magkausap pa rin kami madalas. Nakakatuwa kasi kadalasan sa mga nagkaka kilala lang sa dating app eh wala pang isang buwan nagkakalimutan na.
Di kalaunan ay nagkaaminan kami ng feelings sa isa't-isa. Nandyan na din yung pag sasabi namin ng iloveyou sa bawat isa.
"Alam mo nahihiya ako." Bigla nyang sabi saakin. Tumawag kasi sya para daw mas makapag usap kami ng maayos.
"Ha? Bakit naman?" Taka kong tanong sa kanya.
"Eh kasi ganto yung sitwasyon natin. Kahit na ba pareho tayo ng nararamdaman hindi sapat yon, alam ko kailangan mo din ng assurance." Sagot nya saakin.
" Bakit nga ba hindi mo ako timatanong kung pwede tayo?" Nagtataka kong tanong sa kanya.
" Kasi ayoko pa eh, wait dont get me wrong, ayoko pa kasi hindi gantong way yung gusto ko. Gusto ko sanang personal na pumunta sa inyo para ligawan ka, yun ay kung papayagan mo ako." Mahaba nyang paliwanag.
Sumang-ayon nalang ako sa kanya, may punto din naman talaga sya doon.
Saktong wala si ate nung nag punta sya sa bahay. Kaming dalawa lang ni tita. Nung una hirap pa akong suhulan si tita vette para lang wag muna ichika kay mama. Pero eventually napapayag ko din sya hahahaha.
Agad akong lumabas ng bahay para salubungin sya sa gate.
Bulaklak at teddy bear sa mag kabilang kamay.
" Hi." Nahihiya nyang sabi sabay yuko.
"Halika pasok ka, nga pala nandito si tita." Agad kaming pumasok para makaiwas sa mga mata sa labas.
Napangiti nalang ako ng inabot nya yung kamay ni tita sabay mano.
"Good Afternoon po." Naka ngiti nyang bati dito.
Sinuklian din naman sya ni tita ng bati at ngiti na maya maya lang din ay nag paalam para ipag handa daw kami ng makakain.
"Pasensya kana sa bahay namin." Nahihiya kong sabi sa kanya
"Ano kaba? Wala namang mali sa bahay nyon, tsaka ikaw yung ipinunta ko dito." Nakangiti nyang sagot saakin.
Masaya lang kaming nag kukwentuhan. Ngunit ng mag sisilim na ay nagpaalam na din sya.
Naintindihan ko naman na malayo pa ang uuwian nya kaya naman tumango na din ako.
Dalawang beses pang naulit ang pag bisita saakin ni kenneth. Ang hirap kasi talaga ng schedule nya, pasalamat ko na din na kahit papano ay naisisingit nya ako doon.
Working student kasi sya. Estudyante sa umaga, crew naman sa gabi. Nakakatuwa kasi nakikita ko kung paano sya mag sumikap sa buhay.
Linggo ng umaga habang ako ay nag aalmusal. Biglang nag ring yung phone ko.
Si kenneth tumatawag.
"Hello, Good Morning!" Masaya nyan bungad na nakapag pangiti saakin.
" Oh Good Morning, di ka busy?" Tanong ko sa kanya
" Laging gagawa ng oras para sayo." Banat nya saakin. Di ko maiwasang di kiligin sa sinabi nya.
" Tanong ko sana kung pwede ka ngayon?" Tanong nya saakin
"Ha? Oo pwede naman, bakit?" Taka kong tanong sa kanya.
" Ayain sana kita dito sa gapo? Igagala kita." Alangan nyang sagot saakin.
Nung una marami pa akong tinanong pero di kalaunan ay pumayag na din ako. At para hindi na sya mahirapan ay nag prisinta na ako, na ako nalang ang pupunta don. Malaki din kasi ang mauubos kung susunduin nya pa ako sa bataan tapos papunta ulit ng olongapo.
Pagkababang pag kababa ko ng bus ay sinalubong agad ang ng nakangiting kenneth.
Nilakad nalang namin papuntang SM Olongapo. Napag kasunduan kasi naming manuod ng sine at kumain after.
Medyo nauuna pa akong maglakad kaya nagulat nalang ako ng sumabay sya saakin sabay hawak ng kamay ko.
Bigla ko syang nilingon, binigyan nya lang ako mg isang matamis na ngiti. Aaminin kong kinikilig ako sa mga ganong bagay. Madali lang naman kasi akong pasayahin.
Pag kapasok na pagka-pasok namin ng mall agad naming tinungo ang Cinema para makabili ng ticket at makapag pa reserve na din ng upuan.
Habang namimili sya ay nagtungo naman ako sa bilihan ng mga pagkain. Inunahan ko na sya, sa totoo lang ayaw ko kasi na sya lang yung pagagastusin.
Iba na panahon ngayon, hindi porket ako yung babae ay hahayaan kong gastusan ako. Alam ko din naman kasing nag iipon sya. Maliit na bagay lang to para makatulong sa kanya kahit paano.
Habang pabalik ako sa kanya nakita ko syang lumilinga-linga. Natawa naman ako, hinahanap ata ako. Hindi naman kasi ako nag paalam at alam ko kasing hindi sya papayag pag nag paalam pa ako.
"Tara na?" Naka ngiti kong aya sa kanya.
"Bakit ikaw ang bumili?" Naka nguso nyang tanong sakin.
Binigyan ko lang sya ng isang tingin na nagsasabing. "Ngayon lang". Napabuntong hininga nalang sya. Ako na yung humawak sa kamay nya papasok ng sinehan, pwede na daw pala kasing pumasok.
Natuwa ako kasi parehong Justice League yung gusto naming panuorin na palabas.
Inalalayan nya ako mula sa paghahanap ng upuan hanggang sa maka upo kami. Hindi na ako nagulat ng hawakan nya ang kamay ko.
Habang hindi pa nag uumpisa ang palabas ay patuloy lang kami sa aming pag-uusap. Natigil lang kami ng mag umpisa na.
Sa gilid ng aking mga mata ay palihim ko syang tinitignan. May mga pag kakataon na nahuhuli ko syang naka tingin saakin.
Nasa kalagitnaan na ang palabas ng bigla nya akong tinawag.
"Aika, ah." Malambing nyang tawag sakin sabay tapat sa bibig ko ng binili kong popcorn.
Nabigla man ay agad ko namang isinubo na agad namang nag pangiti sa kanya.
"Aika." Ulit nyang tawag saakin.
"Bakit?" Taka kong tanong sa kanya
"May naiwan na cheese sa gilid ng labi mo." Sabi nya saakin habang naka tingin sa mga labi ko.
Tatanggalin ko na sana ng hinawakan nya ang kamay ko na syang ikinabigla ko.
"Ako na." Mas ikinagulat ko ang sumunod nyang ginawa. Hinawakan nya ako sa baba sabay halik sa gilid ng labi ko. Matagal din.
Nabato ako sa aking kinauupuan, walang gustong gumalaw saamin. Ni-kumurap wala.
Kundi pa dahil sa matandang umubo sa likod namin sabay sabing "hmmm, ang mga kabataan nga naman ngayon." Ay hindi pa kami matatauhan.
Agad-agad syang humingi saakin ng sorry.
"Hahaha hayaan mo na, napagalitan pa tayo ni lolo." Sabay iwas ng tingin sa kanya.
Nawala lang ang ilangan sa pagitan namin ng bumukas na ang ilaw at muli ay hinawakan nya ang aking kamay habang palabas ng sinehan.
Papasok na sana kami ng Mang Inasal para sana kumain pero napahinto kami ng may mag salita sa aming likuran.
"Hoy ano yan!"
"Kaya pala ayaw sumama saatin."
"Binata na si neth!"
Sari-saring tukso saamin ng mga nasa likuran namin doon ko rin napag alaman na mga barkada nya pala yon.
Ok naman, pinakilala nya ako at masaya silang kasama. Nakita ko naman na may respeto sila saakin kaya siguro mga naka vibes ko din.
Masaya ang naging date namin ni kenneth kahit pa biglaang sumama saamin ang mga barkada nya ay sobrang nag enjoy pa din ako.