Chapter 30

2116 Words

Dinaan ni Tonying ang reaksyon sa tawa. Si Delfin ay umiwas ng tingin at lumingon sa kung saan-saan. Hindi man sadyang ipinapakita, sigurado ang malalim na pagkadismaya. Sino ba naman kasing hindi magugulat kung sa pagbalik nila ay sira na ang pinagtulungan nilang mabuo? Saka ko lang namalayan na wala na si Kario sa tabi ng dalawa. Tahimik lamang itong tumungo sa puno at may kung anong pinulot doon. Pasimpleng ngumiti si Delfin nang masulyapan ang mga mata ko. Kunwari ay wala lang sa’kin ang lahat ngunit sa loob-loob ay nasasaktan ako. Nagpaalam na ako sa kanila upang tumungo sa pagpipitasan. Kapwa pa sila nag-alok na sumama sa’kin upang tulungan ako ngunit agad na `kong tumanggi. Sa tingin ko, kani-kanina lang sila nakarating dito sa isla. Mas mabuti na kung magsama-sama muna silang tat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD