bc

Days of Descendants

book_age18+
246
FOLLOW
1K
READ
curse
powerful
tragedy
heavy
serious
campus
small town
witchcraft
seductive
like
intro-logo
Blurb

DAY SERIES 10

Itim na mahika ang dahilan kung bakit sa edad na dise otso ay buhay pa rin si Samira. Dalawang beses na siyang nahulog sa bingit ng kamatayan ngunit sa dahilang hindi maipaliwanag ng siyensya, tumitibok pa rin sa mundo ang inakala’y mahina niyang puso.

Ito ang nagtulak sa kaniya upang tanggapin ang alok ng lola na maging isang sorceress— ang responsibilidad na pinagpasa-pasahan mula sa iba’t ibang henerasyon.

Ang hindi niya alam, ito rin pala ang magiging daan upang mapagtagpo ng tadhana ang kaniyang landas sa buhay ng isang Trio Trivino— ang lalaking halos dalawang taon niya ring lihim na kinahuhumalingan… ang lalaking may malalim palang sikreto na tanging siya lang ang makakaalam.

chap-preview
Free preview
Chapter 01
CHAPTER 01 Pugot na ulo ng kambing… dugo ng pusa. Dumi ng itim na aso… masangsang na lupa. Humahangos ako habang inaalala ang mga sangkap sa paggawa ng karumal-dumal na sumpa. Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko dahil buhay ng mga masasamang tao ang kailangan kong patayin dito. “Kulang ito. A-alam kong k-kulang ito…” nanginginig kong bulong habang hawak-hawak itong agimat na ibinigay sa akin ni Lola. Huwag ko raw kalimutang ikulong `to sa palad ko sa tuwing magsasagawa ng ritual at orasyon. Marami siyang pinaalala sa akin kahapon tungkol sa mga gagawin ko, lalong lalo na kapag may pupunta sa akin upang humingi ng tulong. Ngunit bakit ganito? Bakit nahihirapan akong umalala? “Samira! Ano na? Bakit ang tagal-tagal? Kanina pa kami naghihintay dito ah?” iritadong bulyaw sa akin ni Mang Nestor sa labas. Lalo akong nataranta dahil hindi ko pa rin maalala ang kahuli-hulihang sangkap upang masimulan ko nang gawin ang death potion. Paano ko ba naman kasi ito magagawa nang maayos kung panay ang sigaw niya at ng mga kasama niya sa akin? Patuloy kong hinahagilap ang sagot sa mga tanong ko habang nakaharap sa malapad na hapag; sa hapag kung saan nakalatag lahat ng mga kakailanganin ko dahil ito ang mga binilin ni Lola bago siya umalis. Bakit kasi kung kailan wala siya ay saka magsusulputan itong mga taong ito? Tamang sabihin na kilala ang pamilya namin sa gayuma, sumpa, pagtatawas, at panggagamot pero anong alam ko rito? Baguhan pa lang ako! Isang baguhan na ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon upang lapitan. Isang baguhan na wala pa ring muwang kahit ilang buwan na akong tinuturuan at ginagabayan. Buwisit. “Ayun! Naalala ko na!” eksaherada kong sigaw nang matanto ang aking hinahanap. Mabilis akong kumilos at pinulot ang isang bote ng langis na gawa sa chili pepper. Ito raw ang `di puwedeng mawala dahil ito ang magbibigay ng bisa sa pagiging brutal ng potion. Pero hindi pa roon natatapos ang lahat lalo’t kailangan ko pa itong dasalan at basbasan. Pagpulot ko sa langis ng chili pepper, tumalikod ako saka humarap sa malaking kawa kung saan kumukulo ang na-i-halo kong ulo ng kambing at dugo ng pusa. Halos masuka ako sa sangsang nito dahil nahalo ko na rin kanina ang dumi ng aso at buhanging hinalukay mula sa nabubulok na basurahan. Isa ito sa mga bagay na pinakaiiwas-iwasan ko noong nanonood pa lang ako sa mga ginagawa noon ni Lola. Bukod sa hindi ko nasisikmura ang baho, halos `di ko matingnan kung paano lumuwa ang mga mata ng kambing na babad sa malansang dugo. Pinigil ko ang aking paghinga saka ibinuhos ang langis. Nang mailagay ay hinablot ko na ang nakasabit na sandok at halos pikit-matang naghalo. Kahapon mismo ang araw kung kailan idineklara na ako bilang isang manggagaway. Isang sorceress na lalapitan kapag `di na matugunan ng agham ang problema ng mga tao sa buhay. Wala sa isip ko ang pasukin ito noong una. Dumating pa nga ang pagkakataong halos binabangungot na ako dahil sa mga nasasaksihan. I’ve seen a lot from the hands of my grandmother and I even saw how she brought back the dead to evergreen life. Nagawa na rin niyang palutangin ang batang sinasapian umano ng demonyo, isang pangyayari na kahit guro ko noon sa elementarya ay hindi maipaliwanag. I used to hate black magic because the way it killed people was brutal and unforgivable. But not anymore when I got into an accident and lola saved me when doctors cannot. Hindi ko man nasaksihan ang lahat noong nalunod ako at inatake sa puso, malaking palaisipan sa mga doktor na sumuri sa akin kung sa paanong paraan daw ako nabuhay at gumaling. Not even one of them could explain how my heart turned into a healthy one. Ipinanganak kasi akong mahina ang puso ngunit nang dahil daw sa ritual na matagal ding pinag-aralan ni Lola, naging normal na ako at nabuhay pa nang matagal. That miracle happened way back when I was sixteen. Sa dalawang taong lumipas, natanto kong dapat ko nang maniwala sa kapangyarihang ipinapasa ng aking mga ninuno patungo sa iba pang henerasyon. At hindi ito maaaring maputol. Iyon siguro ang dahilan kung bakit kinailangan ko pang makasaksi ng himala sa sarili upang magpatuloy at maniwala sa itim na mahika. Now that I get it, I should reign with this magic no matter what. Not only for myself but for the sake of future generations. “Nasaan na? Anak ng teteng naman. Hindi naman ganyan katagal gumawa si Manang Shahir, hindi ba? Bilisan mo dahil malapit na kaming sunduin ng pirata!” Mas lumakas na ang atungal ni Mang Nestor. Mas nataranta ako kaya nilakasan ko na ang apoy. “Opo! Malapit na matapos!” sagot ko na kinailangan ko ring isigaw. Hindi ko naman masisisi dahil lagpas isang oras na silang nakatunganga’t naghihintay. Paano ba naman kasi, nahirapan pa akong humuli ng kambing kanina. Wala rin akong alalay upang mapugot nang walang hirap ang ulo nito. Maliban pa roon, hindi rin naging madali ang paghahanap ko sa dumi ng aso. Kung may nakahanda man sa mga sangkap na pinakukuluan ko ngayon, iyon ay dugo lang ng pusa. Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari dahil sa halip na mas bumilis pa ang pagkaluto ng black potion, umapaw lang ito sa kawa at natapon. Literal na namatay ang apoy sa pagkabasa ng baga at kahoy. Muntik na akong mapaso kaya napalayo ako nang isang hakbang. Buwisit na buhay `to. Bakit kamalasan itong bubungad sa unang araw ko? I should be good at this since I am the only heiress of the greatest sorceress in Isla Agunaya. I should exemplify nothing but excellence because I believe greatness runs in the blood. Ngunit anong nangyayari? Bakit pumapalya na kaagad ako? Naglahong parang bula ang determinasyon ko nang tumaob sa pagiging imbalanced ang kawa, dahilan kung bakit natapon lahat ng aking sinimulan. Napasinghap pa ako nang gumulong sa kalan ang ulo ng kambing hanggang sa mahulog ito patungo sa aking paanan. Para akong sinukluban ng langit at lupa sa sobrang panghihinayang. Pinaghirapan ko ito nang sobra ngunit mapupunta lang pala para sa wala? Anong kapalpakan ito? Emosyonal akong napabitaw sa agimat na kanina ko pa hindi mabitaw-bitawan. Saka ako napaluhod sa harap ng pugot na ulo ng hayop at hindi na napigilang lumuha nang lumuha. Dahil maliban sa kapalpakang nararanasan ko ngayon, tila ba naipamukha rin sa akin ang kahahantungan nito. Hindi na ako magugulat kung bakit mawawalan sila ng tiwala sa isang baguhang katulad ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.7K
bc

His Obsession

read
73.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
95.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.6K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook