Chapter 02

1187 Words
Umaaliw-iw ang mga alon nang marating ko ang duyan na gawa sa rattan. Nakaharap ito sa kulay asul na dagat kung saan walang ibang mapapansin kundi ang mapayapa nitong larawan. Hindi ako madalas tumambay dito ngunit dahil sa nangyari kahapon, nagkaroon na lang ako ng lakas ng loob upang tumungo rito.   Umupo ako nang walang imik saka tumitig sa kawalan. Para akong namanhid. Para akong inagawan ng lakas. Buong akala ko ay makakabangon ako ngayong araw nang hindi na iniinda ang bigat. Siguro, kailangan ko pang paglaanan ng panahon ang sarili ko. Magiging magaling din ako. Magiging gaya rin ako ni Lola.   Bumuntonghininga ako at marahang dinukot sa bulsa ng aking shorts ang agimat. Yumuko ako upang pakatitigan ang lace nito hanggang sa pumukol ang atensyon ko sa mismong pendant. Kulay kayumanggi ito at tatsulok. May matang nakapagitna at may letrang A sa bawat sulok. Ang sabi noon ni Lola, matagal na raw ito naimbento at napagpasahan na ng iba’t ibang henerasyon. Wala raw kaso kung anong kasarian ng mismong magmamana basta’t willing daw at makikitaan ng potensyal.   Sa kaso ko, ang alam ko noong una ay determinado ako. Pursigido akong ipagpatuloy ito dahil naroon ang pagnanais kong tumulong sa pamamagitan ng himala— sa paraang hindi kayang ilarawan ng siyensa. Naroon na ang alab ng determinasyon dahil hindi lang isang tao ang maaaring makinabang dito, marami. Ngunit kalakip ng responsiblidad nito ang tapang, lakas ng loob, at tibay. Kalakip nito ang mga katangiang wala pa ako dahil hindi ko pa hinahasa.   “Samira? God! Nandyan ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap!”   Mabilis kong itinago sa aking bulsa ang agimat. Umayos ako ng upo sa swing saka pilit na ngumiti. Si Alania iyon, ang matalik kong kaibigan. Ang kaisa-isahan kong kaibigan na hindi sumusuporta sa pinasok ko.   Salubong ang kaniyang kilay nang pumuwesto sa harapan ko. Harang na harang na niya ang dagat na kanina’y tinititigan ko.   “Oh, Alania…” bulong ko sabay pasada sa kaniya. Pormado siya sa suot na ill-fitted trouser at floral top. Walang araw yatang `di ako hahanga dahil maganda talaga ang taste niya sa fashion. Dagdagan pa ng mamula-mula niyang labi’t pisngi na halatang pinahiran ng kolorete. “May lakad ka?”   “Huh? Nakalimutan mo?”   Napaisip ako roon. Saglit akong pumikit upang balikan lahat ng naging usapan namin hanggang sa mapagtanto ko na lang kung ano iyon.   “S-sorry…” bulong ko nang nauutal.   “Anong sorry? Magbihis ka na!”   Umiling ako. “Wala ako sa mood.”   “Ano? Sigurado ka? Last week pa tayo excited sa araw na `to, Sam! Paano na?”   “Hindi ko kasi inasahan na ngayong linggo pala aalis si Lola. Mukhang may pupunta pa mamaya para magpatawas kaya—”   “What the heck?” Namilog ang mga mata niya. “Huwag mo sabihing…”   Suminghap ako. “Oo, tinanggap ko.”   Halos malaglag ang panga niya sa narinig. Napatakip din siya ng bibig saka napaatras nang dalawang beses. Umiwas na lamang ako ng tingin dahil inasahan ko na noon ang reaksyong ito. She doesn’t want me to be a sorceress because of her personal reasons.   “Tinanggap mo? As in?” Lalong kumunot ang kaniyang noo. “Anong pumasok sa isip mo?”   “I needed to do this, Al. Walang ibang magpapatuloy nito dahil tumanggi lahat ng pinsan ko—”   “But you had a choice! Kung hindi mo gugustuhin, hindi rin sa’yo `yon ipamamana. Alam mo ba kung gaano `yan kadelikado? For Pete’s sake!”   Napalunok-lunok ako. “Oo, ginusto ko. Ginusto ko dahil hindi lang para sa’kin ito.”   “Ah alam ko na `yan. Para na naman ba sa mga taong mangangailangan ng tulong na `di magamot-gamot ng doktor? Para ba mabuhay ang mga patay at patayin ang `di karapat-dapat mabuhay?”   Sa pagkakataong ito, lumapit na siya sa akin at yumuko upang pantayan ang pagkakaupo ko sa duyan. Saka niya hinagilap ang kanang kamay ko na prente lang nakapatong sa aking hita. Bagaman sinisigaw-sigawan na niya ako, batid kong concern lang siya bilang kaibigan ko. Everybody knows how dangerous this thing would be. Talking to hideous demons, begging for powers, and praying through evil rituals… bihira na lang ang yayakap dito.   Mula sa naiinis niyang ekspresyon kanina, unti-unti na itong humupa hanggang sa mapalitan ng maamong tingin sa akin. She now looks so worried. Her eyes resembled like those of pleading cats my grandmother murdered just for the black potion.   Bumulong siya, “Pinag-isipan mo ba nang mabuti ito?”   Matagal akong tumitig sa kaniya nang walang kasagot-sagot. Inisip ko kung talaga nga bang pinag-isipan ko ang desisyon ko noon. Ngunit ano’t ano pa man, sigaw-sigawan man niya ako at pagsabihan, nakapagpasya na ako. Hindi na mahalaga kung anong proseso ang dinaanan ko noon dahil nangyayari na ang resulta.   Tumango ako nang hindi sigurado.   “Pinag-isipan ko…”   “God. Hindi ako makapaniwala… paano `yan? Paano ang love life mo?” sumbat niya.   “Problema pa ba `yon gayong makagagawa naman ako ng gayuma? Al? Hindi pa man ako hasa upang gumawa no’n pero matututunan ko rin at magagamit.”   “Ah, so, pipiliin mong mandaya?”   “I mean—”   Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko nang bitawan niya ang kamay ko. Muli siyang tumayo mula sa pagkakayuko.   “So mandadaya ka? Ganoon ba? Naririnig mo ba ang sarili mo, ha? Samira?”   “Al…”   “Hindi mo naman sa akin dinahilan `yan nang tanungin ko sa’yo kung bakit mo tatanggapin iyon. At lalong hindi pumasok sa isip ko na magagawa mo `yang bagay na `yan para lang makuha mo ang gusto mo. Lilinawin kong `di ako galit dahil kaibigan pa rin ang turing ko sa’yo pero please, huwag kang gagamit ng gayuma. Lolokohin mo lang ang sarili mo.”   Doon ako natauhan. Literal na akong `di makaimik habang nakatitig sa kaniya. Kung hindi ako gagamit ng gayuma, wala na akong pag-asa pang magustuhan ng taong gusto ko. Iyon na nga lang ang inaasahan ko. Sino ba naman kasi akong mahirap lang para mapansin ng isang Trio Trivino?   “Please, Sam, dumaan ka sa tama. Unfair na `yon kay Trio…” pagmamakaawa niya.   “Sa tingin mo magugustuhan niya ako? Ang pangit-pangit ko, Al. Ang pangit-pangit ko.”   “Bakit mo ba sinasabi `yan? Para sa’kin, maganda ka.”   “Maganda?” Patuya akong tumawa. “Huwag mo nga akong binobola.”   “Tss, pinangungunahan mo kasi agad kahit na hindi pa kayo nag-uusap. Kaya nga inaanyayahan na kitang pumunta roon sa rancho nila, `di ba? Alamin muna natin kung anong tingin niya sa’yo para magkaalaman na.”   Yumuko ako’t nag-isip-isip. Sasama na nga ba talaga ako para maipakilala kay Trio? Kukunin ko na ba ang pagkakataong ito para wakasan na ang matagal kong tinatanong? Dahil kung sakali man, ito ang kauna-unahang beses na makakausap ko siya. Ang kauna-unahan sa loob ng dalawang taong lihim na pagtingin sa kaniya!   Nang matanto ko ang aking pasya, unti-unti akong tumingala sa kaibigan kong naghihintay. Napatango-tango na lamang siya sa isinagot ko.   “Sige, mag-aayos muna ako,” kinakabahan kong wika.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD