Story By GreenyRyan
author-avatar

GreenyRyan

ABOUTquote
My Stories: A. FONTAVIENDE DUOLOGY 1. Not Simon, Not My Ex-Boyfriend (Completed) 2. Not Frances, Not My Last Girlfriend (Completed) B. DAY SERIES 1. Daydreams of a Doctor (Completed) 2. Daybreak of a Damsel (Completed) 3. Daylight of a Dungeon (Completed) 4. Daymare of a Danger (Completed) 5. Daybed of a Daycare (Completed) 6. Dayglow of a Demon (Completed) 7. Dayflower of a Darkness (Completed) 8. Dayfly of a Dauntless (Completed) 9. Days of Defendants (Completed) 10. Days of Descendants (Completed) C. SAN MIGUEL TRILOGY 1. Take Me Home, Archangel (On-Going) 2. Bring Her Back, Mayumo (On-Going) 3. Don't Die, San Miguel (On-Going) D. THE NIGHTLESS SERIES 1. The Voiceless Nightingale (Soon) 2. The Starless Nightfall (Soon) 3. The Endless Nightmare (Soon) E. Collaboration: 1. The Last Billionaire - Hidden Desire Series #8 (Soon)
bc
Lies in Illicit Affair
Updated at Aug 10, 2022, 21:01
If she could only travel back in time, Ember Garcia, a second year Broadcasting student, would have tried her best to avoid the path that led her to a miserable and grief-stricken three-year relationship with Cord Elizondo. Wala siyang ibang hiniling kundi matapos ang kalbaryo dulot ng mga trauma na ipinararanas nito sa kaniya. Palala nang palala, pahirap nang pahirap, patagal nang patagal. Mas lumalim pa ang sugat mula nang mangibang bansa si Cord upang magtrabaho sa New Zealand. At ang akala niyang pag-asa sa muling panunumbalik ng dati nilang relasyon ay unti-unting natupok. Umasa siyang magbabago na si Cord at hindi na uulitin ang mga naging pagkakamali nito. Ngunit hindi yata siya pinahihintulutan ng tadhana upang maging masaya– kahit saglit, kahit minsan, kahit panandalian. But not until Echo Avalos came, the man who brought what she thought she deserves, the man she didn’t expect to be the king of her heart. Gustuhin man niyang makipaghiwalay kay Cord upang maging malaya sila, maraming hadlang at aberya na hindi pumapabor sa kanila. How far will they go in this illicit affair kung ang mga pagkakamali ng boyfriend niya ay nagagawa na rin niya? Ano ang kaya niyang isakripisyo upang mapanatili ang lalaking tumumbas sa mga pagkukulang ng kasintahan niya? Will she ever sustain her happiness in those clandestine meetings and secret stares? Or will Echo stay ever and evermore?
like
bc
Take Me Home, Archangel
Updated at Feb 28, 2022, 01:52
SAN MIGUEL SERIES 1 Masalimuot na buhay sa Maynila ang sumalubong kay Angelique mula nang makipagtanan siya sa kasintahang si Marko. Hindi niya inakala na hahantong sila sa pagnanakaw para lang makaligtas sa isang araw. Ngunit nang makita sila ng pulis, nahuli mismo si Marko habang siya ay nakatakas. Wala siyang muwang na ang pagtakas na iyon ang magdadala sa kaniya sa San Miguel, Bulacan— sa lugar kung saan nakatira ang nag-iisang Arch Valentino Ramirez. Kung may tangi man siyang hangarin sa pagtagpo ng kanilang landas, iyon ay bumangon mula sa bagsik ng nakaraan. Pero paano siya magpapatuloy kung mas magulong kabanata pa pala ang papasukan niya? Tunay ngang masalimuot ang buhay na tinakasan niya sa Maynila… ngunit mas masalimuot pa pala sa San Miguel na nilipatan niya.
like
bc
Don’t Die, San Miguel
Updated at Feb 23, 2022, 14:32
SAN MIGUEL SERIES 3 Wala na yatang mas hihigit pa sa pagmamahal ng isang Calliope Ignacio. Nanlalamig na kaniya si Miguel ngunit patuloy pa ring kumakapit. Hindi siya nawawalan ng pag-asa. Mariin pa rin ang paniniwala niyang matutupad lahat ng kanilang mga pangako sa isa’t isa. Samantala, pursigido na sana si Miguel upang sabihin ang matagal niyang hindi masabi-sabi. Gagawin na niya kung ano ang sa tingin niya’y tama ngunit hindi nangyari. Naudlot ang lahat nang mabangga ng ten-wheeler truck ang kaniyang sinasakyan. Traumatic brain injury ang dahilan kung bakit dineklara siyang comatose. Ngayon, sa gitna ng paghihintay ni Calliope sa muling pagbabalik ng kaniyang kasintahan, bumalik naman sa buhay niya si Raz— ang kababata niya’t lihim na hinahanggan na hindi na niya nakausap mula nang naglaho, apat na taon na ang nakararaan. Wala siyang alam na dito palang nagsisimula ang kwentong matagal na niyang nais wakasan.
like
bc
Days of Descendants
Updated at Jan 31, 2022, 01:32
DAY SERIES 10 Itim na mahika ang dahilan kung bakit sa edad na dise otso ay buhay pa rin si Samira. Dalawang beses na siyang nahulog sa bingit ng kamatayan ngunit sa dahilang hindi maipaliwanag ng siyensya, tumitibok pa rin sa mundo ang inakala’y mahina niyang puso. Ito ang nagtulak sa kaniya upang tanggapin ang alok ng lola na maging isang sorceress— ang responsibilidad na pinagpasa-pasahan mula sa iba’t ibang henerasyon. Ang hindi niya alam, ito rin pala ang magiging daan upang mapagtagpo ng tadhana ang kaniyang landas sa buhay ng isang Trio Trivino— ang lalaking halos dalawang taon niya ring lihim na kinahuhumalingan… ang lalaking may malalim palang sikreto na tanging siya lang ang makakaalam.
like
bc
Not Simon, Not My Ex Boyfriend
Updated at Jan 21, 2022, 23:42
FONTAVIENDE SERIES #1 Hanggang saan ka dadalhin ng pagmamahal na ipinagbabawal? Bata pa lang, mataas na ang pangarap ng mga magulang ni Nic Laurente. Inaasahan siya nitong maging top 1 at panatilihin ang magandang reputasyon na sinimulan ng kanilang angkan. Dahil dito ay kinailangan niyang maging topnotcher at patunayan sa lahat na walang mas nakaaangat sa dala-dala niyang apelyido. Ngunit hindi ganito ang nangyari nang tumuntong siya sa high school. Nasira ang lahat nang maging kaklase niya si Simon Capistrano at inagaw ang trono niya bilang numero uno sa class ranking. Nagpatuloy ito mula Grade 7 hanggang sa sumapit na ang Grade 11, dahilan kung bakit unti-unti nang nawawalan ng tiwala ang magulang ni Nic sa kaniya. Nais niyang ibalik sa dati ang tingin ng pamilya at ganoon na rin ng angkan na nanlumo sa kung ano na lamang ang kaniyang napapatunayan. Kaya hindi na siya nag-alinlangan pang sagutin si Simon at gawin itong kasintahan dahil sa paraang ito ay maisasagawa niya ang masamang plano— ang gamitin si Simon at pabagsakin nang sa gayon ay maangking muli ang pinakaaasam na award bilang batch valedictorian. Ngayong kanya na si Simon, magagawa kaya niyang hatakin ito pababa at siya naman ang manguna? Ngunit paano kung mabitag siya sa patibong ng kanyang chemistry teacher na si Sir Kiel Fontaviende? Hahamakin kaya niya ang pag-ibig para sa karangalan o hahayaang magpaanod sa pagmamahal na ipinagbabawal?
like
bc
Dayflower of a Darkness
Updated at Jan 21, 2022, 23:19
DAY SERIES #7 Matagal nang pinagsisisihan ni Daffodil Gumabon ang kaniyang buhay. Kung mabibigyan nga lang siya ng pagkakataon upang bumalik sa nakaraan, pipiliin niyang pigilin ang kanyang kapanganakan. Nagmula siya sa pamilyang magulo, sa pamilya kung saan ay siya ang dahilan ng bawat pagtatalo. Mariin niyang isinisisi ang sarili kung bakit nagdudusa ang kaniyang ina, kung bakit nahihirapan ang kaniyang ama, at kung bakit nawasak ang kanilang pamilya. Hindi niya maitatanggi na produkto lamang siya ng isang malaking magkakamali at siyang naging dahilan upang maitali sa pilit na kasal ang mga magulang. Kaya nang maglayas ang kaniyang ama, doon niya napagdesisyunang magpahatid sa isla Agunaya upang tapusin ang buhay. Pursigido na upang tapusin ang walang katapusang luha. Ngunit kabaliktaran ang nangyari nang matagpuan niya roon ang lalaking sumalba sa kaniya— si Carlo Sevino. Kasal… pamilya… anak— mga bagay na itinuturing na regalo ng karamihan ngunit sumpa sa mga kabanatang pinagdaanan ni Daffodil. Ngayong nakahanap na siya ng katapat, may pag-asa na kayang lumiwanag ang dilim na idinulot ng nakaraan? Bagong buhay kaya ang naghihintay sa kaniya ngayong hiwalay na siya sa pamilya? Paano kung isang sikreto pala ang muli na namang wawasak sa kaniya? ** This is the SEVENTH BOOK of the series. Please be advised that this story includes mature theme and is not suitable for very young audiences. You have been warned. Read at your own risk.
like
bc
Daylight of a Dungeon
Updated at Jan 20, 2022, 23:55
DAY SERIES #3 Mataas ang lipad ng pangarap ni Diana Laroque para sa kaniyang pamilya at para na rin sa kalagayan ng Isla Agunaya kung saan niya lumaki at nagka-isip. Ngunit nawalang parang bula ang lahat nang maulila siyang lubos. Dahil sa hindi inaasahang pagkakataon, nawasak ng isang malawak na sunog ang buong isla ng Agunaya, ang kanilang tahanan, ang mga ari-arian, at ang pinakamasaklap… ang mga natitirang mahal niya sa buhay. Hindi niya alam kung paano magsisimula at kung paano siya makakausad. Halos isumpa na niya ang mundo dahil wala na siyang malapitan. Hanggang sa dumating si Arlet Deano Gumabon— isang sikat na modelo sa isang kilalang modeling agency na noo’y isang mangingisda ng Isla Agunaya. Hindi niya inaasahan na sa paglipas ng walong taon ay muli silang magkikita. Hindi kailanman sumagi sa isip niya na sa pamamahay nito sa Manila sila maninirahan nang magkasama, sa bahay kung saan nakatira rin ang fiancee nitong si Dahlia Romualdez. Sa paglikas mula sa nawasak na isla, isang masalimuot na kapalaran pala ang naghihintay sa kaniya sa Maynila. Kakayanin kaya niyang bumangon sa unos ng kahapon? Paano kung aksidente niyang mabasag ang plano ng magkarelasyon? ** Day Series #1: Daydreams of a Doctor Day Series #2: Daybreak of a Damsel Day Series #3: Daylight of a Dungeon This is the third book of the series. Please read Daydreams of a Doctor and Daybreak of a Damsel for better reading and appreciation. Those are highly recommended.
like
bc
Daybreak of a Damsel
Updated at Jan 20, 2022, 23:37
DAY SERIES #2 Matagal nang hinihintay ni Mimossa Cascayno ang kaniyang debut sapagkat alam niyang ito ang magiging susi upang lumuwag ang trato sa kaniya ng mga magulang. Gustong gusto na niyang kumalas sa mahigpit na pagpapalaki sa kaniya kaya’t walang katumbas ang sayang namutawi nang sumapit ang ika-labingwalo niyang kaarawan. Lalo pang namayani ang tuwa niya nang makasayaw niya sa araw na iyon si Jaguar Viendijo. Sa tinagal-tagal kasi ng pagnanais niya na makausap ang all-time crush, iyon pala ang magiging daan upang mas makilala nila ang isa’t isa. Marami ang nangyari noong araw na iyon hanggang sa matagpuan niya ang lalaking sumira sa magandang daloy ng espesyal niyang araw, si Karlito Laroque. Inis na inis siya sa aksidente nilang pagkikita dahil sa kasupladuhang ipinakita nito. Animo’y naging abo ang labis na tuwa dahil hindi niya matanggap na sinungitan siya nang araw na iyon. Ang hindi niya alam, doon na pala magsisimula ang totoo nilang istorya. Dahil sa dinami-dami ng mga lalaki na maaaring makuha ng ama upang maging personal driver ng dalaga, si Karlito pa ang ibinigay ng tadhana. ** Day Series #1: Daydreams of a Doctor Day Series #2: Daybreak of a Damsel This is the second book of the series. Please read Daydreams of a Doctor first for better reading and appreciation. Those are highly recommended.
like
bc
Daydreams of a Doctor
Updated at Jan 20, 2022, 23:22
DAY SERIES #1 Sa loob ng maraming taon, saksi na si Ada sa paghihikahos ng Isla Agunaya. Salat ang kanilang isla sa tulong-medikal at minsan lamang sa isang taon ang pagdating ng doctor. Kinakailangan pa nilang lumipat sa Isla Capgahan dahil naroon ang hospital na mas kumpleto sa aspetong medikal. Kaya naman ay sumiklab sa kaniya ang nagbabagang galit; ang galit sa gobyerno at ang galit sa mga doktor. Ngunit iba ang nangyari nang dumating sa kanilang isla ang gwapong doctor na hindi niya inasahang bibihag sa kaniyang puso — si Doc Galileo Orson. Sa angkin nitong kagwapuhan, ngayon lang siya humanga nang ganito. Pilit niyang itinatanggi sa sarili na hindi niya iyon gusto at wala siyang balak na magustuhan ito. Sino ba namang papatol sa tulad niyang dise-otso anyos at hindi man lang nakatuntong ng senior high? Sa dami ng suliraning kinahaharap ng kanilang isla, ang tangi lang niyang magawa ay tumulong sa magulang upang mairaos ang araw-araw na buhay. Akala niya’y natugunan na ang suliranin ng Isla Agunaya. Akala niya, magiging matiwasay na ang buhay ng bawat residente at hindi na kailangang mangamba. Akala niya, hindi na sila mamomroblema sa aspetong medikal. Hanggang isang araw, isang masakit na reyalidad ang nadiskubre sa kaniya ng Doktor. ** This is the first book of the series. Please be advised that this story includes a mature theme that is not suitable for very young audiences. You have been warned. Read at your own risk.
like
bc
Bring Her Back, Mayumo
Updated at Dec 29, 2021, 06:50
SAN MIGUEL SERIES 2 Lubid. Blade. Kutsilyo. December 31. Taong 2018. Ito ang mga tumatak kay Jarek Evalde nang madiskbre niya kung ano ang laman ng binili niyang cellphone; ang cellphone na nakaw lang pala mula sa nagbenta sa kaniya. September 29 ang kasalukuyang petsa at may tatlong buwan pa siya upang maibalik ito. Kung totoo ang hinala niyang magpapakamatay sa papalapit na Disyembre ang may-ari, mapipigilan kaya niya?
like
bc
The Last Billionaire (Hidden Desire Series #8)
Updated at Dec 20, 2021, 00:22
Aubriella ‘Riel’ Constantino believes that she was born to be a journalist. She aspires to reveal the truth even at the cost of her own life. But when Basil Cussler came into the picture, that’s when her visions began crumbling. For in the midst of her journey to unveil Basil's hidden desire, this man will fearlessly claim that he’s the last billionaire.
like
bc
Days of Defendants
Updated at Oct 30, 2021, 23:30
DAY SERIES #9 Madilim at kahindik-hindik na trahedya ang sinapit ni Saiah Cruz nang dakpin siya ng mga pirata sa gitna ng masaya niyang bakasyon sa isang dalampasigan sa Palawan. Hindi niya lubos-akalain na totoo pala ang mga habilin sa kaniya ng magulang bago siya magpaalam na tumungo rito kasama ang kaibigan. Musmos pa lang ay nakaririnig na siya ng mga nakatatakot na kwento ukol sa mga pirata. Hindi niya ito kailanman pinaniwalaan hanggang sa makita na lang ang sariling nakasakay sa katakot-takot na imahe ng pirate ship. Mula sa barko ng mga pilipinong pirata na humuli sa kaniya, makalipas ang isang araw ay inilipat siya sa isang mexican pirate ship kung saan may naghihintay sa kaniya. Inasahan niya na gagawin siyang bayaran kagaya ng pananakot na sinambit ng mga pilipinong pirata. Ngunit hindi, iba ang nangyari. Sa halip na maging isang prostitute ay ginawa siyang katulong o personal assistant ni Rael Viendijo, ang mayaman at mexicanong kapitan. Inakala niyang dito na matatapos ang kaniyang kabanata; na hindi na siya pababalikin nang buhay sa kaniyang pamilya sa Maynila dahil inalipin siya sa gitna ng malawak na karagatan dala ang kapiranggot na sinag ng pag-asa. Ang hindi niya alam, ito na pala ang simula ng kwentong-pag-ibig na `di inaasahang uusbong sa barko ng mga pirata. Ang kwentong magbubuklod sa isang alipin, isang kapitan, at isang bihag na iba-iba ang pinagmulan ngunit iisa lamang ang pinanghahawakan— ang magtanggol sa kani-kanilang depinisyon ng masalimuot na pagmamahal.
like
bc
Dayfly of a Dauntless
Updated at Sep 29, 2021, 21:43
DAY SERIES #8 Matagal nang tinanggap ni Raphia Alcaras na hinding hindi na mabubuo ang kaniyang pamilya. Sampung taong gulang pa lang siya nang maghiwalay na ang mga magulang. Pinili niyang manatili sa kaniyang ina sa Maynila dahil mas nakumbinsi siya nito sa isang napakabigat na dahilan— na abusadong politiko ang kaniyang ama at nangunguna sa corruption na nagaganap sa Isla Capgahan. Dahil dito, hindi niya kailanman pinangarap na mapasabak sa mundo ng pulitika. Hinding hindi siya susunod sa yapak ng alkalde niyang ama dahil batid niya ang tinatago nitong dumi at matagal nang tinatago sa taumbayan. Ngunit paano nabago ng isang sakristan ang matagal niyang pinanghahawakan? Paano siya bumitaw at sumunod na lang sa kagustuhan ng ama upang kumandidato at lumaban? Dahil nang makilala niya ang nag-iisang Jaslo Viendijo, hindi na niya itinuloy ang paglisan sa Isla at hindi na bumalik ng Maynila. Pinili niyang manatili nang hindi alam na isang masalimuot na buhay-pag-ibig pala ang nag-aabang sa kaniya.
like
bc
Dayglow of a Demon
Updated at Jun 30, 2021, 06:14
DAY SERIES #6 Sa lipunang mapanghusga at mapangmata, kampon ng impyerno ang tingin sa mga gaya ni Yuriko “Yuri” Fabular. Ilang beses na niyang itinanong sa langit kung bakit siya ipinanganak nang hindi naaayon ang kasarian sa kasulatan. At ang masakit, ito ang katotohanang hindi matanggap-tanggap ng sariling pamilya. Lumaki si Yuri sa angkan ng mga Fabular na kilalang mga barumbado at pinagmumulan ng mga lalaking tunay. Bata pa lang noon ay tinuruan na siyang maglaro ng basketball at mga gawaing halos mga lalaki lang ang nakagagawa. Inggit na inggit siya sa Kuya dahil wala itong kahirap-hirap samantalang siya ay hindi man lang madapuan ng interes. Iba ang kaniyang nakahiligan. Iba ang isinigaw ng kaniyang puso at ng kung ano ang nais niyang patunayan. Hanggang sa dumating sa buhay niya ang basketball player na si Kahlil at ang marikit na laking probinsya, si Diana. Si Kahlil na matagal na niyang gusto at si Diana na naging matalik niyang kaibigan. Mala-BL movie kaya ang kwentong nag-aabang sa kaniya? Kung identidad niya ang itinuring na kasalanan at sariling pamilya ang paulit-ult niyang kalaban, paano niya tatapusin ang hirap ng pinagdadaanan? At sa marubdob niyang digmaan sa pagitan ng mundo, pag-ibig, sekswalidad, at dignidad, paano niya maipapanalo ang laban? ** This is the SIXTH BOOK of the series. Please be advised that this story includes mature theme and is not suitable for very young audiences. You have been warned. Read at your own risk.
like
bc
Daymare of a Danger
Updated at May 31, 2021, 03:58
DAY SERIES #4 Nang ideklara ng ama ni Trivo Trivino na ipakakasal siya kay Steisha Manuzon, gumawa kaagad siya ng paraan upang hindi ito matuloy. Ipinangako kasi niya sa sarili na hindi siya magpapakasal kung hindi naman si Adalyn Laroque ang dadalhin niya sa altar. Kahit matagal nang ikinasal si Adalyn sa isang doktor, hindi pa rin natutupok ang pag-asa niyang maghintay. Kaya upang tuparin ang naisip na plano, hinanap niya ang isang babaeng tutulong sa kaniya at sasang-ayon sa lahat ng kaniyang ipagagawa. Iyon ay walang iba kundi ang ex-bestfriend ni Adalyn at ang matagal nang nagmamahal sa kaniya—si Carrie Dalisay. Abot-langit ang sayang namutawi kay Carrie nang alukin siya ni Trivo upang maging isang fake fiancee. Sa tinagal-tagal kasi ng pagtitiis niya upang mapansin ni Trivo, batid niyang ito na ang pagkakataong pinakahihintay. Hindi na niya kailangang maghabol. Hindi na niya kailangan magpapansin. Hindi na niya kailangang bumuntot para lang makita ang kaniyang halaga. Ngunit hindi niya inakala na may kuya pala si Trivo, isang bagay na saka lang niya nalaman nang manirahan na sila nang magkasama sa mansion ng mga Trivino. Hindi niya inakala na kabaliktaran nito ang pag-uugali ng lalaking matagal na niyang gusto. Kung patay na patay siya sa isang Trivo Trivino, inis na inis naman siya sa isang Trino Trivino. Ngayong napasakamay na ni Carrie ang matagal nang inaasam, magagampanan kaya niya ang tungkulin bilang isang fake fiancee? Matutupad kaya nila ni Trivo ang plano kahit alam niyang sa huli, siya ang uuwing luhaan? Paano kung bigla na lang siyang umatras sa gitna ng laban? Paano kung peligro pala ang hatid ng isa sa magkapatid? Magpapabulag pa rin ba siya at pipiliing sumugal o lalaban para sa delikado at bangungot na pagmamahal?
like
bc
Daybed of a Daycare
Updated at Apr 30, 2021, 00:07
DAY SERIES #5 Sa ginta ng matinding pagpupursige upang makapagtapos ng pag-aaral, hindi inakala ni Jaguar Viendijo na isang araw ay uuwi siyang may batang aalagaan. Hirap na hirap na siya sa buhay dahil puno na ng pagsubok ang dinanas niya sa nakaraan. Anong alam niya sa pag-aalaga ng batang inabandona ng isang misteryosong magulang? Anak ng mag-asawang kriminal si Jaguar. Ang ama niya ay isang serial killer habang ang ina naman ay pasimuno sa isang investment scam. Sa murang edad, upang makatakas sa awtoridad ay iniwanan siya ng mga magulang. Mag-isa niyang ipinagpatuloy ang buhay nang walang kamuwang-muwang kung saan nagtatago ang mga taong sana’y responsable sa karapatan niyang mabuhay at mag-aral. Sa labis na pagsubok na naranasan sa buhay, iyon ang naging dahilan kung bakit mas nagpursige siya sa pag-aaral. Nais niyang patunayan na kaya niyang tuparin ang mga pangarap kahit iniwan ng mga mahal sa buhay. Pero matutupad pa kaya niya lahat ng iyon ngayong may nag-abandona ng apat na taong gulang sa harap ng apartment niya? Magagawa pa rin kaya niya nang maayos ang tungkulin bilang isang mag-aaral ngayong may dumagdag na sa listahan ng kaniyang mga problema? Paano niya ito mapagsasabay? Kakayanin kaya niya maging isang binatang magulang? Paano kung dumating ang panahon na kailangan na niya itong bitawan? ** This is the FIFTH BOOK of the series. Please be advised that this story includes mature theme and is not suitable for very young audiences. You have been warned. Read at your own risk.
like
bc
Not Frances, Not My Last Girlfriend
Updated at Nov 19, 2020, 02:53
FONTAVIENDE SERIES #2 Hanggang saan mo ipaglalaban ang iyong pangarap? Nais ni Frances Jane Abella na maging doctor ngunit taliwas ito sa nais ng abogado niyang mga magulang. Kailangan niyang sumunod sa yapak ng propesyong tinahak ng mga Abella at ituloy ang trabahong sinimulan ng angkan. Hindi iyon ang nangyari dahil hindi natinag ng pamimilit ang pangarap niyang maging ganap na doktor. Kaya’t nang tumuntong sa kolehiyo, hindi kursong pre-law ang kaniyang kinuha. Ang pag-take niya ng BS Biology ang naging mitsa ng kaniyang mga problema. Sa puntong iyon, hindi nagdalawang-isip ang kaniyang mga magulang na palayasin siya’t hayaang pag-aralin ang sarili, na hindi naging madali dahil kinailangan niyang magtrabaho upang mabuhay. Kinailangan niyang kumayod upang makamit ang dahilan kung bakit niya ito pinagdadaanan. Ngunit sa gitna ng laban niya para sa pangarap, wala siyang kamuwang-muwang na isang masaklap na trahedya pala ang naghihintay sa kaniya. Ngayong dehado na siya buhay, kakapit pa rin kaya siya sa ambisyon o magdedesisyong sumuko dahil sa hagupit ng kahapon?
like
bc
The Fake Teacher
Updated at Jul 18, 2020, 04:00
WARNING: I wrote this story way back when I was 15, hence I would expect your frustrations as you read the novel. However, please understand that those mistakes/errors you'll encounter have served as my stepping stones since I considered myself as an aspiring writer. Thank you! ** BLURB: She's a fake teacher and will teach in just three months in a school that is full of bad boys.
like