bc

Daybed of a Daycare

book_age18+
614
FOLLOW
1.7K
READ
student
comedy
bxg
humorous
lighthearted
genius
campus
small town
coming of age
classmates
like
intro-logo
Blurb

DAY SERIES #5

Sa ginta ng matinding pagpupursige upang makapagtapos ng pag-aaral, hindi inakala ni Jaguar Viendijo na isang araw ay uuwi siyang may batang aalagaan. Hirap na hirap na siya sa buhay dahil puno na ng pagsubok ang dinanas niya sa nakaraan. Anong alam niya sa pag-aalaga ng batang inabandona ng isang misteryosong magulang?

Anak ng mag-asawang kriminal si Jaguar. Ang ama niya ay isang serial killer habang ang ina naman ay pasimuno sa isang investment scam. Sa murang edad, upang makatakas sa awtoridad ay iniwanan siya ng mga magulang. Mag-isa niyang ipinagpatuloy ang buhay nang walang kamuwang-muwang kung saan nagtatago ang mga taong sana’y responsable sa karapatan niyang mabuhay at mag-aral.

Sa labis na pagsubok na naranasan sa buhay, iyon ang naging dahilan kung bakit mas nagpursige siya sa pag-aaral. Nais niyang patunayan na kaya niyang tuparin ang mga pangarap kahit iniwan ng mga mahal sa buhay. Pero matutupad pa kaya niya lahat ng iyon ngayong may nag-abandona ng apat na taong gulang sa harap ng apartment niya? Magagawa pa rin kaya niya nang maayos ang tungkulin bilang isang mag-aaral ngayong may dumagdag na sa listahan ng kaniyang mga problema? Paano niya ito mapagsasabay? Kakayanin kaya niya maging isang binatang magulang? Paano kung dumating ang panahon na kailangan na niya itong bitawan?

**

This is the FIFTH BOOK of the series. Please be advised that this story includes mature theme and is not suitable for very young audiences. You have been warned. Read at your own risk.

chap-preview
Free preview
Chapter 01
DAY SERIES #5 Yumuko ako upang humikab nang palihim. Kailan ba matatapos ang preach? Kanina pa ako inaantok. Humalukipkip ako dahil sa lamig na hatid ng aircon. Walang ibang maririnig kundi ang nakaka-antok na boses ng pastor habang ang iba ay kunwaring nakikinig. Hindi sa nilalahat ko ang mga nagsisimba rito sa church namin. Ang hipokrito naman nila kung sasabihin nilang hindi sila nayayamot gayong lagpas dalawang oras na kaming nakaupo at walang ibang ginagawa kundi ang tumitig sa harap. Inaamin kong hindi matagal ang attention span ko at sigurado akong ganoon din sa iba. “Nakakaantok,” bulong ko sa katabi ko at muling humikab. Dahan-dahan siyang lumingon sa akin at mahinang humagikhik. “Tama ka, pre.” “Anong oras na oh. Mag-a-alas dose na pero hindi pa natatapos.” “Hayaan mo na, baka ginaganahan talaga si Pastor," maingat niyang sagot para walang makarinig. “Tss, palibhasa wala kang ibang gawain,” anas ko. “Tanggap ka kasi nang tanggap ng gawain. Matuto ka namang humindi.” “Ano bang magagawa ko? Maliban sa president ako, eh mukhang ako lang ang inaasahan.” Tumawa siya, nang-aasar. “Kasalanan mo na ‘yon.” “Bwisit naman.” Para akong nabunutan ng malalim na tinik nang tawagin na ang music team upang tumugtog. Mabuti naman at natapos na. Kasali ako sa music team, pwedeng gitarista at pwede rin namang pianista. At dahil kumpleto naman kami ngayon, ako na ang kusang nag-volunteer para gumitara. Habang tumutugtog ng worship song, ang kaninang pagkabagot sa mukha ay pilit ko nang itinago. Sadyang wala lang ako sa mood dahil ang dami-dami ko pang uupuang mga gawain na sisimulan ko pa lang pagkatapos nitong Sunday service. “Jaguar, anak, kumusta? May natutunan ka naman ba?” tanong ni Pastor Ben nang matapos na ang service. Kanya-kanya na ng pack-up ang mga tao samantalang ako ay nagliligpit ng mga musical instruments. Inosente akong ngumiti. “Ah opo pastor. Ang dami po.” Mahina akong napamura sa sarili. Sana lang ay ‘wag niyang tanungin kung ano ang partikular na natandaan ko sa kaniyang preach dahil kung sakali mang itatanong niya iyon, patay. Hindi talaga ako nakinig kanina kaya wala akong maalala kahit salitang duling! “Iyong devotion mo? Kumusta?” Napahinga ako nang maluwag. Buti naman. Kiniskis ko ang magkabila kong palad nang maibaba na ang electric guitar. “Tuloy-tuloy naman po ang devotion ko, pastor.” “O siya, basta sabihin mo kung may kailangan ka ha?” “Salamat po.” Pinagmasdan ko siyang maglakad papalayo sa akin upang lapitan ang ibang nag-aabang sa kaniya. Sa puntong ito ay mapait akong ngumiti. Parang tatay na sa akin si Pastor Ben. Sarili ko na lang kasi ang bumubuhay sa akin mula nang maghiwalay sina Mama at Papa. Kapwa sila nag-asawa nang hindi man lang ako binabalikan, na para bang walang anak na naghihintay sa pagbabalik nila kahit ilang taon na ang nakalilipas. Si Pastor at ang church na ito ang tumutulong sa akin upang makapag-aral ako at maka-usad sa buhay. Sila din ang naglaan ng apartment para sa akin mula nang kunin ng bangko ang natitirang ari-arian upang maipantustos sa mga utang ng magulang. See? Gaano sila kapabayang magulang? Handa nila akong iwanan ng mga problema na sana ay sila ang tumutubos. Ngayon, ako pa itong nagdurusa, ako pa itong naghihirap para lang maiahon ang sarili sa kahirapan. Kailangan kong magpakatatag, maging masipag, maging mabait… maging matalino. Kaya heto, pinipilit kong gumanda ang performance ko sa school para maka-akit ng scholarship pagsapit ng kolehiyo. Nagpapakabait ako para mas marami ang maakit na tumulong, kahit na may baho akong itinatago sa totoong ugali ko. Matagal ko nang tinanggap na ito ang kapalarang sinapit ko sa pamilya ko. Ngunit naisin ko man na ibalik sa ayos ang lahat, wala rin akong magagawa. Naglakad ako palabas ng simbahan nang hindi na pinapansin ang iba. Kanya-kanya naman na kasi sila ng huddle at hindi ko kailangang makisali lalo’t tambak na ang mga uuwiang gawain. Tumunog ang cellphone ko habang nag-aabang ng masasakyan dito sa tabi sa kalsada. Kinuha ko naman iyon saka sinagot. “Hello?” “Si Jaguar ba ito?” mahinahon ang boses sa kabilang linya, boses babae. “Ah opo, ako si Jaguar Viendijo, bakit po?” “Ako si Ms. Lacambra, ang physics teacher mo.” Namilog ang mga mata ko at mas inayos ang pagkakadikit ng cellphone sa tenga. “Ma’am i-ikaw po pala, bakit po kayo napatawag?” “Tanong ko lang sana kung free ka ba mamayang alas tres? Nasira kasi ‘yong pihitan ng doorknob ko. Nabalitaan ko kay Mrs. Talio na magaling ka raw sa pagkukumpuni kaya ikaw ang tinawagan ko. Ayos lang ba? Huwag kang mag-aalala, babayaran naman kita.” Nag-aalangan man dahil marami pang mga gagawin mamaya, ginanahan ako nang malamang babayaran niya ako. Hindi ako nag-alinlangang tumanggi, sinabi kong free ako mamayang alas tres at pupunta ako sa kaniya mamaya nang ganoong oras. Sabihin na nating mukhang pera ako pero roon na ako nabubuhay eh. Hindi pwedeng i-asa na lang nang i-asa kay Pastor ang mga gastusin. Hangga’t kakayanin, kailangan kong rumaket. Hindi kalayuan ang distansya ng church sa inuupahan ko kaya wala pang sampung minuto ay nakauwi na agad ako. Pagkabayad na pagkabayad ko ng pamasahe sa tricycle driver, humarap kaagad ako sa gate upang buksan ito. Ngunit nang idirekta ko mismo ang paningin ko sa pinto ng bahay na inuupahan ko, naningkit na lang ang mga mata ko nang makita ang isang batang lalaki na nakaupo sa unang palapag ng hagdan. Naka-jacket siya at naka-bonnet, inosenteng nakatingin sa akin. “Hoy bata, sino ka?” tanong ko pagkasara ng gate. Ngayong naglalakad na ako palapit sa kaniya, namataan ko kung paano umangat ang matamis na ngiti sa kaniyang labi. “Daddy?” Tumayo siya nang naka-awang ang bibig. Tumaas naman ang kilay ko. Huh? Anong daddy? Pagkarating ko sa tapat niya ay marahan akong umupo upang pantayan ang hanggang hita kong tangkad niya. Kaninong anak kaya ito at bakit iniwan na lang nang basta-basta sa pintuan ng apartment ko? Magsasalita pa sana ako ngunit mabilis siyang tumakbo palapit sa akin at niyapos ako ng munting yakap. Sa puntong ito ay natigalgal ako. Huli na rin halos nang mamayalan kong umiiyak na siya habang yakap-yakap ako. “Daddy, iniwan ako Mommy…” aniya habang nakabaon ang mukha sa aking balikat. “Pasensya na bata ha?” Sabay layo ko sa kaniya mula sa mahigpit niyang pagkakayakap sa akin. Tinitigan ko ang mga mata niya at kita roon ang pananabik na naghahalo sa mumunti niyang mga luha. “Mukhang nagkamali yata ng bahay ang Mommy mo. Hindi ako ang Daddy—” “Pero ang sabi niya ikaw daw si Daddy Jaguar!” Namilog ang mga mata ko. What the f-uck? “Ano bang sinasabi mo? Wala akong anak. Ni hindi pa nga ako nakikipag-s*x— s-hit.” Mabilis kong sinampal ang sarili ko nang matanto kung ano ang binuga ng bibig. Bakit ko nga ba ito sinasabi sa harap ng bata? “s*x? A-ano iyon daddy—” “Shh, wala! Kalimutan mo na. Ano ba ang pangalan ng mommy mo at nang mahanap natin.” “Hindi ko po alam.” “Huh?” “Ang sabi ni Mommy huwag ko raw sabihin sa’yo.” Mapait akong ngumisi at hinawakan siya sa magkabilang balikat. “Ikaw bata ha, huwag na huwag mo akong paglaruan dahil marami akong pinoproblema. Sabihin mo, anong pangalan niya?” Umiling siya. “Isa…” Muli siyang umiling. “Dalawa…” Mariin akong pumikit nang umiyak siya nang pagkalakas-lakas. Bwisit, ang sarap murahin ng nanay nito, nasaan na ba iyon at bakit dito pa iniwan? At isa pa, alam ng bata ang pangalan ko, ibig sabihin kilala rin ako nanay nito. Seryoso, buong buhay ko ay nagpapakatino ako. Wala akong babaeng ikinama. Ni hindi pa nga ako nagkaka-girlfriend, o kahit fling. Wala sa isip ko ang lumandi dahil wala pa akong magandang buhay. Pero ano ito? Bakit iniwan dito ang batang ito at kinikilala akong ama niya? Bugak ba siya? Habang naiirita sa maingay na iyak ng bata, napansin ko na may papel na nakaipit sa ilalim ng pinto. Dahil kuryoso ay marahan akong tumayo at mataman itong nilapitan. Patuloy pa rin sa hagulhol ang bata habang binubuklat ko mula sa pagkakatupi ang papel. Ganoon na lang ang paniningkit ng mga mata ko nang malamang sulat ito… para sa akin. Jaguar, Hindi na ako magpapakilala pa. Patawad kung sa’yo ko maiiwan ang anak ko kahit na wala ka namang pananagutan, pasensya na talaga. Ikaw lang kasi ang kilala kong responsable na magbibigay ng magandang kinabukasan kay Jaslo. Balang araw, babalik ako at babayaran ka sa mga kabutihang ilalaan mo para sa kaniya. Ikaw na muna ang bahala ha? Maraming salamat…

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

read
476.0K
bc

My Son's Father

read
583.3K
bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.8K
bc

Unexpected Romance

read
38.5K
bc

A Night With My Professor

read
497.4K
bc

Wicked Seduction (R-18)

read
337.7K
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
64.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook