Chapter 02

1519 Words
“Ikaw lang ang mag-isang nakatira rito, daddy?”   Para akong tinanggalan ng kaluluwa habang nakaupo at nakatitig sa bata. Kung titingnan nang mabuti ang kaniyang mga mata, para itong mga bituing kumikinang. Hindi masukat-sukat ang tuwa niya kahit ngiti pa lang at tingin ang aking pinagbabasehan. Sa nakikita ko kasi, sabik na sabik talaga siyang kumilala ng ama.   Pero utang na loob, wala akong anak! Bakit kailangang sa akin ito ipaubaya gayong walang wala rin ako? Baliw yata talaga ang nanay nito.   Mula sa sofa, hinampas ko sa sahig ang unan dahil sa inis. Natigilan sa pagmumuni-muni ang bata at parang tutang inagawan ng buto.   Bwisit na buhay.   “Bakit daddy? May problema ka?”   Kinilabutan ako nang marinig muli ang tawag niya sa akin. What the heck? Sa edad kong dise-nuwebe, sinong mag-aakala na may kumikilala ng ama sa akin? Wala hiya talaga ang nanay nito kung sino man siya! Grade 12 student pa lang ako at walang kakayahang bumuhay ng semilyang hindi naman galing sa akin!   Saglit akong pumikit at huminga nang malalim. Kalma, Jaguar, alam kong kakayanin mo ‘to. Babalik din ang nanay nito hindi man ngayon, baka kinabukasan.   Pagkadilat ay marahan kong tinapik ang gilid ko. Senyales iyon sa bata na lumapit siya at umupo sa tabi ko kaya agad naman niyang sinunod.   “Anong pangalan mo? Iyong buong pangalan ha? Kasama ang apelyido.”   Ngumiti siya. “Ako po si Jaslo, daddy.”   “Anong last name?”   Ngumuso siya at pinaglaruan ang daliri. “Wala raw po akong ganoon dahil hindi naman kayo kasal ni Mommy.”   What the—   Kalma Jaguar, utang na loob!   “Ano na lang ang buong pangalan ng mommy mo?”   Mula sa pagkakanguso, napalitan iyon ng malupit na simangot. Napa-awang ang bibig ko sa mga sumunod niyang sinabi.   “Anong klase po kayong asawa kay Mommy, kung ganoon? Matapos po ninyong buntisin ay kinalimutan na pati pangalan?”   Kung pwede lang talaga manapak ng bata ay baka kanina ko pa nagawa. Ngunit napag-isip-isip ko na sa kabila nito, kailangan kong umunawa sa sitwasyon. Maaaring lumaki ang batang ito ng walang kinikilalang tatay. Maaaring nasasabik upang may matawag na daddy. Naturuan ito ng sariling nanay kaya hindi siya ang dapat sisihin. Hay.   “Sige, kung ayaw mong sagutin. Bahala ka.”   Tumayo ako at naglakad patungong kusina. Iniwan ko siya sa sala nang mag-isa samantalang ako rito ay nagpasyang magluto ng tanghalian. Akma ko pa lang sanang susuotin ang apron nang bigla kong marinig ang iyak niya. Malakas iyon at nasisiguro kong maririnig ito hanggang kalsada!   “Hoy! Tumahimik ka nga!” sigaw ko pagkasilip sa sala. Nakasalampak na siya ngayon sa sahig habang hawak-hawak ang hinubad na bonnet. Ganito na ba talaga ako kamalas sa buhay? Pinutakti na nga ako ng mga magulang ko, mas ginulo pa ng ina ng batang ito ang buhay ko! Dyahe talaga.   Lalong lumakas ang iyak kaya nilapag ko na lang sa mesa ang apron. Napilitan akong maglakad pabalik sa kaniya saka siya binuhat nang walang pakundangan. Sa puntong ito ay humina ang abot-langit na ingay ng kaniyang iyak. Pumwesto kami sa tapat ng bintana para naman mahanginan siya kahit papano.   “Bading ka ba? Napakaiyakin mo naman,” wika ko habang niyuyugyog siya sa pagkarga. Nakatingin siya sa labas samantalang ako ay nakatitig sa kaniya. Nang magtama ang aming mga mata ay namataan ko ang naiinis niyang tingin.   “May okay na ang maging bading kaysa maging duwag kagaya mo daddy!”   “Wow ha? Bakit? Dugo’t laman mo ba ako para matawag na daddy— aish!” Napilitan akong hindi ituloy ang linya nang sumigaw na naman siya na parang biik. Diyos ko! Saang lupalop ko ba matatagpuan ang pusang ina nito?   “Shh tahan na, bibilhan kita mamaya ng kendi—”   “Ayaw ko ng kendi! Ang cheap!”   “Anong gusto mo kung ayaw mo no’n?”   “Gusto ko tobleron.”   “Pusang gala. Pang-isang linggong baon ko na ang presyo no’n ah!”   “Basta! Huwah!”   Napapikit na lang ako at ngumiwi, sabay hiling na sana… sana matapos na ang lintik na kalbaryong ito.     **     Alas tres nang makatulog nang tuluyan ang bata. Hindi na ako nakapagluto, ni hindi rin nakakain. Sa tuwing lalayo kasi ako ay lalakas ang kaniyang iyak. Kaysa naman ihagis ko na lang ito sa labas. Kung mapuruhan siya, edi ako pa ang nakulong.   Saktong pagkalapag ko sa kaniya sa kama ay siya namang pagtunog ng cellphone ko sa bulsa. Dali-dali akong lumabas at mabilis na sinagot ang tawag ni Ms. Lacambra.   “Hello Ma’am,” medyo mahina kong bungad dahil natatakot na baka magising ko ang bata. Pumwesto ako sa pintuang nasa sala saka umupo sa hagdan.   “Hello Jaguar? Papunta ka na ba?”   “Uh, papunta pa lang po, Ma’am. Siya nga po pala, may mga gamit na po ba diyan?”   “Oo, meron naman kaya huwag ka na magdala.”   “Okay po. Darating na po ako in ten minutes.”   Dati ko nang napuntahan ang bahay ni Ms. Lacambra kaya hindi na problema sa akin kung saan ang direksyon ng pupuntahan ko. Dali-dali akong bumalik ng kwarto at nagbihis ng pang-itaas. Sakto na itong white shirt. Hindi naman party ang pupuntahan ko.   Bente pesos lang ang dala kong pera para pamasahe. Ano kayang pwede kong bilhin mamaya sakaling abutan nga ako ng bayad ni Ms. Lacambra? Kung hindi pa talaga babalik ang nanay ng batang natutulog sa kwarto ko ngayon, ibig sabihin ay kailangan kong bumili ng iilang mga gamit para sa kaniya.   Napamura ako nang mahina. Sa halip na school works na lang ang poproblemahin ko, dumagdag pa talaga ang bwisit na ‘to.   “Dito lang po, manong,” wika ko nang marating na ang mismong tapat ng bahay ni Ms. Lacambra. Pagkabayad at pagkababa ay napansin ko kaagad na bumukas ang pinto ng bahay at niluwa nito ang physics teacher ko na halos labas na ang kaluluwa sa ikli ng suot.   Pagka-alis ng tricycle ay saka ko hinintay na pagbuksan ako ng gate. Sunod-sunod akong napalunok dahil hindi usual para sa akin ang makita siyang ganiyan ang pananamit.   “Magandang hapon ma’am.”   “Ay ano ba? Huwag mo na akong tawaging ma’am sa oras na wala tayo sa loob ng school. You can call me Ayumi.”   Natawa ako nang mahina. “Hindi po kasi ako sanay ma’am…”   “Sige ka, magtatampo ako niyan.” Ngumuso siya sabay kapit sa aking braso. S-hit. What’s wrong with her? Hindi naman siya ganito kapag nasa school kami.   Hinayaan ko siyang nakakapit sa braso ko habang naglalakad kami papasok ng bahay. Kunwari ay wala itong malisya sa’kin ngunit sa kaloob-looban ko, may kakaiba na akong nararamdaman. Mukhang kailangan kong bilisan sa pagkukumpuni dahil baka may hindi pa kanais-nais na mangyari!   “Yung mga gamit po?” tanong ko nang makapasok na kami. Saka pa lang ako nakahinga nang maluwag nang bumitaw na siya sa akin at kunin sa ibabaw ng stool ang kit. Pagka-abot nito ay saka niya ako iginiya paakyat sa kaniyang kwarto. Dinala niya ako mismo sa pinto ng bathroom at ipinakita na sira na talaga mismo ang doorknob nito.   Tahimik akong nagsimula sa paggawa. Hinayaan ko siyang pagmasdan ako habang nakatalikod sa kaniya. Ayaw ko maging green minded pero bakit iba ang sinisigaw ng kutob ko? Hays, kakanood ko ‘to ng porn eh.   “Tapos na?”   Napalunok ako nang maibalik ko na sa kit ang screw driver. Huli na nang mamalayan kong nakatayo na pala siya sa gilid ko at pinupunasan ang tumatagaktak kong pawis.   “Uh opo, na-ayos ko na.”   “Mukhang init na init ka ha?”   Hindi ko iyon pinansin. Sa halip ay muli ko pang sinubukan ang doorknob upang masiguro na naayos ko na nga talaga ito.   Biglang namilog ang mga mata ko nang maramdaman kong  dinikit niya ang hinaharap niya sa akin. Sa gulat ay kusa ko siyang natulak.   “Ano ‘yan Ma’am— what the f*ck!”   Hayop, bakit panty niya ang pinampupunas sa pawis ko? Nababaliw na ba siya?   “Jaguar…”   “Ma’am, hindi po maganda ‘yan. Tantanan mo ako sa ganiyan.”   “Hindi mo ba gusto?"   “Wala po akong pakialam! Hindi mo ba naisip na pwede kang matanggalan ng lisensya sa ginagawa mo?”   Natigalgal siya. Sa pagkakataong ito ay hindi na siya nakapagsalita.   “Akin na po ang bayad mo. Marami pa akong kailangang gawin,” mas kalmado kong sambit nang hinahawi ang pawis habang siya ay nakatulala, tila hindi malaman kung ano ang gagawin.   Napabuntong hininga na lang ako. Wala eh, kailangan ko talaga ng bayad dahil may bata pa akong uuwian. Kailangan ko pa siyang bilhan ng gamit dahil mukhang wala ng balak na bumalik ang totoo niyang magulang. Aasa na lang akong matatapos ito kahit na mukha pang malabo… kahit na mahirap pang lutasin ang bwisit na sitwasyong ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD