bc

Not Simon, Not My Ex Boyfriend

book_age18+
1.2K
FOLLOW
3.0K
READ
dark
love-triangle
age gap
drama
twisted
sweet
campus
cheating
virgin
teacher
like
intro-logo
Blurb

FONTAVIENDE SERIES #1

Hanggang saan ka dadalhin ng pagmamahal na ipinagbabawal?

Bata pa lang, mataas na ang pangarap ng mga magulang ni Nic Laurente. Inaasahan siya nitong maging top 1 at panatilihin ang magandang reputasyon na sinimulan ng kanilang angkan. Dahil dito ay kinailangan niyang maging topnotcher at patunayan sa lahat na walang mas nakaaangat sa dala-dala niyang apelyido.

Ngunit hindi ganito ang nangyari nang tumuntong siya sa high school. Nasira ang lahat nang maging kaklase niya si Simon Capistrano at inagaw ang trono niya bilang numero uno sa class ranking. Nagpatuloy ito mula Grade 7 hanggang sa sumapit na ang Grade 11, dahilan kung bakit unti-unti nang nawawalan ng tiwala ang magulang ni Nic sa kaniya.

Nais niyang ibalik sa dati ang tingin ng pamilya at ganoon na rin ng angkan na nanlumo sa kung ano na lamang ang kaniyang napapatunayan. Kaya hindi na siya nag-alinlangan pang sagutin si Simon at gawin itong kasintahan dahil sa paraang ito ay maisasagawa niya ang masamang plano— ang gamitin si Simon at pabagsakin nang sa gayon ay maangking muli ang pinakaaasam na award bilang batch valedictorian.

Ngayong kanya na si Simon, magagawa kaya niyang hatakin ito pababa at siya naman ang manguna? Ngunit paano kung mabitag siya sa patibong ng kanyang chemistry teacher na si Sir Kiel Fontaviende? Hahamakin kaya niya ang pag-ibig para sa karangalan o hahayaang magpaanod sa pagmamahal na ipinagbabawal?

chap-preview
Free preview
Chapter 01
Behind all those smiles and sweet moments we share is a painful reality that no one even knows. Sinagot ko siya dahil matalino siya. Naging akin siya dahil talented siya. Naging boyfriend ko siya dahil sikat siya. Masama, oo. Pero iyon ang mga dahilan. Boyfriend ko siya dahil ginagamit ko siya. Maglilimang buwan na kami. At sa tagal ng panahong iyon, unang beses kong magtagal sa isang lalaki na hindi ko naman sineseryoso. He loves me. But I can't deny that his IQ is the reason why I am still engaged to be with him, no matter what the reason is. Siya ang gumagawa ng assignments ko. Siya ang tumatapos sa manuscript ng research ko. Siya ang gumagawa ng paraan para mai-conduct sa iba't ibang institutions ang mga experiments ko. Siya rin minsan ang nagpo-provide ng baon ko. Ideal boyfriend si Simon. At inaamin kong marami rin ang naiinggit sa akin dahil sa akin siya napunta. But who I am to judge them? Ewan ko ba, nasa kanya na halos lahat pero hindi ko parin siya magawang mahalin. Akala ko noong una ay matututunan ko rin habang kami, pero bakit ganoon? Parang ang daming kulang. Ang daming kulang kaya hanggang ngayon, nananatili pa rin akong nagpapanggap sa kanya. "Finished," Simon uttered beside me. Itinago ko ang cellphone ko at humarap sa kanya nang may ngiti sa labi. "Just tell me kung may assignments ka pang hindi nasasagutan ha?" Ngumuso ako at hinigit ang kaliwang braso niya. Hinimas ko ito at marahang hinaplos. "Okay lang ba? Masyado kang busy ngayong sem hindi ba? May review ka pa para sa science fair next week," nag-aalala kong wika ngunit ang isip ko ay puno ng pagkamuhi. Sa science fair na sana ako 'yong lumalaban. I admit it, I am too competitive. Nakakainis ngunit kailangan ko maging competitive. I should be the one claiming his victories. The fame that he's been gathering, it should be mine! We were classmates since we were in Grade 7 and now that we are in Grade 12, leche, siya pa rin 'yong topnotcher and I am behind. Top 2 isn't enough for my parents. They keep on telling me to stand out amidst the dominance of the only Simon. Sa pressure na natatanggap ko kila Papa at Mama, napipilitan akong mag-aral hanggang sa tuluyan ko nang abusuhin ang sarili ko. But it never worked. That led me to this situation I am facing right now. Ginagamit ko si Simon, hindi upang maging sikat, kundi hilahin siya pababa at ako naman ang manguna. "No problem. Basta ikaw hon," sagot niya at ako naman ang hinila niya upang gawaran ng yakap. But I almost jumped in terror when someone knocked the table. I forgot. Nasa library nga pala kami. Bawal ang PDA. Simon chuckled but I found it irritating. I don't know why, naiinis ako kapag nalalapit sa kanya pero wala akong magagawa dahil siya na lang ang alas ko para makapasa ako ngayong school year with flying colors. He lent me back my notebook kung saan ay sinagutan niya ang assignments ko, then I stood. Nagpaalam ako sa kanya na pupunta na ako ng room since first subject na ng afternoon session. Inalok niya na sasamahan ako pero tumanggi ako. No way, I have something to work on. At dapat wala siya roon. Sandali ko lang narating ang room namin. Wala si Simon, nasa training, ito sana ang pagkakataon ko upang mag- stand out sa klase ngunit may kailangan akong gawin. Wala pa namang teacher but since may pupuntahan nga ako, pinaabot ko na lang kay Lara ang notebook ko. "Saan ka pupunta? Magka-cutting ka?" Lara asked. Lara is my childhood bestfriend. One that I have been trusting for so long. But she never knows my secrets. And I will never ever dare spill even she's my friend. Umirap ako at itinaas ang dalawang braso sa ere. "Look, marami pang gagawin sa English Club, okay?" "Pero wala ka namang excuse letter na ipinapakita. Our secretary would mark you absent dahil wala kang pruweba na ine-excuse ka para sa upcoming activities ng club mo." "Basta. Edi absent kung absent. Basta 'pag tinanong kung nasaan ako, sabihin mo may club activity kamo. Then ayan ang notebook, pakiabot nalang, andyan na lahat ng mga need ipasa ngayon. Bye!" Nagmartsa na ako palabas at ngumingiting tinahak ang hallway. Huminto ako sumandali para tingnan ang text messages sa phone ko. But then, nang matanaw ko sa hindi kalayuan si Simon bitbit ang mga folders na naglalaman ng reviewers, bigla akong nataranta. Dito siya dadaan sa kinatatayuan ko pero may kausap naman siyang teacher kaya hindi pa niya ako nakikita. Shit! I need to hide! Pasimple akong yumuko at nagmamadaling naglakad sa kung saan man ako dalhin ng paa ko. Basta palayo kay Simon. Hindi lang niya ako makita! Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating na ako sa tahimik na corridor kung saan malapit na ang gate. Huminto na ako dahil naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone sa loob ng bag ko. Siguro ito na yung ime-meet ko ngayon sa Milktea Network, nakilala ko lang sa tinder kagabi. Babe: Where are you? I'm on the way. Mabilis akong nagtipa ng mensahe. Ako: On the way na rin. Wait for me there babe. Ngumisi ako. It's weird that I only met him in tinder. I don't know even his name. Ngayon pa lang kami magkakakilala nang lubusan. But then, nararamdaman kong magugustuhan ko na ang lalaking ito. I swear. When someone called me behind, para bang tumigil sa pag ikot ang mundo ko. f**k. Paano niya ako natagpuan dito? I immediately hid my phone and faced him with face plastered by poker, as if I hid nothing. Bwisit, bakit siya nandito? "Hon? Where are you going?" he asked with curiousity. Hindi na nya hawak ang reviewers niya. May nakasukbit na rin na bag sa likod niya. Uuwi na ba siya? Kailangan kong gumawa ng paraan para malusutan ito. Alam niyang walang gawain sa English Club lalo't siya ang president nito kaya hindi pwede. Napahimas ako sa sentido ko at pumikit-pikit nang mariin. Need kong maging maarte ngayon. Kailangan kong mapaniwala siya. How the heck he hindered my date with a man that I would meet? "Uh hon, masakit kasi ang ulo ko," nahihirapan kong sabi. Upang mas kapanipaniwala ay binibigatan ko ang aking hininga. The next thing I knew, he folded the distance between us and caressed my forehead. "May lagnat ka ba? Kakayanin mo pa bang pumasok? Dalhin na kaya kita sa clinic---" "No no," I insisted. Bumuntong hininga ako at tumingala sa kanya. "Kaya ko pa naman, sinusumpong lang ako dala ng dalaw ko. 'Wag mo na ako alalahanin." "But hon. Talagang mag-aalala ako. You know, kaya kong ipagpaliban itong mga gagawin ko masamahan lang kita sa clinic o di kaya ay sa hospital---" "Simon! You're OA!" Hindi ko na napigilan. Napasigaw ako. Ayoko ng ganyan. Ang clingy! Kung hindi lang matalino ito, matagal ko nang hiniwalayan 'to, s**t. Natigilan siya. His eyes seemed filled by sorrow and fright at the same time. Well, nakakainis lang. Biruin mo? Kaninang umaga pa excited ang tumbong ko dahil sa meet up na magaganap na sana mamaya. But now? Paano ito? Maka-cancel? What the hell? "O-Oh. I'm sorry hon. I was just worried," aniya at mag-aambang yayakapin ako. But I refused. Umiwas ako at umatras ng dalawang hakbang. "Fine. Saan ang punta mo?" tanong ko habang nakahalukipkip. Things might be difficult for me to meet that certain man waiting out there. Kaya sa mga oras na ito, wala akong ibang iniisip kundi ang gumawa ng paraan para makalabas ng school na ito. Papayagan kaya ako ng guard sakaling sabihin ko na hindi maganda ang pakiramdam ko? Nevertheless, hahanapan ako ng permiso sa current teacher ko kaya malabong payagan ako. Sana kanina ko pa inisip ito, ang tanga talaga. "Papunta ako ngayon ng convenient store na pinagtatrabauhan ko, katapat lang ng Milktea Network. Kukuha lang ng sahod. May consent naman ng teacher ko 'yung pagpunta ko roon kaya papayagan naman ako ng guard na lumabas ngayon." Nanlaki ang mata ko ngunit agad ko ring pinigilan. s**t! Katapat lang mismo ng lugar na pagkikitaan namin ng fling ko! What the hell? "Uh. Kung ganon, sige punta ka na. Sorry for raising my voice, I never meant to offend you," plastic kong sinabi. Asa siya. Kung alam lang niya ang disappointment na namumutawi sa akin ngayon, then herald! Bwisit. "Siguro babalik na ako ng room ngayon." "Are you sure?" Tumango ako. "Kakayanin ko pa, saka malapit na rin naman ang uwian. Titiisin ko muna." Kaya sa huli, napagdesisyunan kong pumasok na sa room. But how lucky I am, nagkataon na absent rin pala sa Sir Kiel, ang Gen Chem teacher namin. Nang umupo ako sa pwesto ko ay agad akong nilapitan ni Lara. Inabot niya sa akin ang notebook na pinabilin ko kanina. "Oh akala ko ba urgent ang pag-alis mo ngayon?" Kinuha ko ang notebook. "Wala. Saka wala naman palang ganap," pagsisinungaling ko. And right there, iniba ko na ang usapan. Baka mabisto ako eh, mahirap na. Actually, pinapakiramdaman ko rin ang phone ko kasi baka nag text na ang lalaking naghihintay siguro roon. Maya maya'y hindi na ako mapakali, habang dumadaldal si Lara ay palihim kong sinilip ang phone ko sa loob ng bag at tiningnan ang messages. Hindi ako nagkakamali. Nagtext nga siya. Babe: Hey! Babe: Where are you? Babe: It's almost one and a half hour, too late. Babe: Won't you see me? Babe: You should mark your words. Napapikit ako nang mariin. Kasalanan ito ni Simon eh. Kaya naman ay hindi ko napigilang mag reply. Ako: Sorry for that. May nangyari lang. Nasa klase pa kasi ako. Pwedeng mamayang gabi na lang? Nagulat ako nang wala pang kalahating minuto ay nag-reply na siya. Babe: Nasa klase ka? 'Di ba wala kayong teacher ngayon? Sa puntong iyon ay nagulat ako. Paano niya nalaman? Ako: Paano mo nasabi? Babe: I know everything about you. Kumabog ang dibdib ko sa kaba. s**t. Paano niya malalaman ang lahat ng sakin kung kagabi pa lang kami nagka chat sa tinder? I didn't even drop my name. Just my number. Lahat ng pinagusapan namin kagabi ay tungkol lang sa paghahanap ng fling. No more. No less. That's all so how the hell he knew everything about me? Ako: Nagbibiro ka lang yata. How can you prove? Hindi ko na napigilang sumigaw nang mabasa ko ang sumunod niyang mensahe. Babe: I saw Simon who just entered in a convenient store. I wonder if he was the reason why you never came. Are you worried you might get caught by your boyfriend? This sucks. He really knows me. Pero sino siya? Paano niya ako nakilala? Babe: Your profile picture. That's how I knew you, Laurente.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
276.4K
bc

Stubborn Love

read
98.9K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.7K
bc

Unexpected Romance

read
38.5K
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
416.0K
bc

The ex-girlfriend

read
138.9K
bc

OSCAR

read
227.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook