bc

Dayflower of a Darkness

book_age18+
538
FOLLOW
1.8K
READ
dark
age gap
drama
tragedy
twisted
bxg
heavy
small town
virgin
wild
like
intro-logo
Blurb

DAY SERIES #7

Matagal nang pinagsisisihan ni Daffodil Gumabon ang kaniyang buhay. Kung mabibigyan nga lang siya ng pagkakataon upang bumalik sa nakaraan, pipiliin niyang pigilin ang kanyang kapanganakan.

Nagmula siya sa pamilyang magulo, sa pamilya kung saan ay siya ang dahilan ng bawat pagtatalo. Mariin niyang isinisisi ang sarili kung bakit nagdudusa ang kaniyang ina, kung bakit nahihirapan ang kaniyang ama, at kung bakit nawasak ang kanilang pamilya. Hindi niya maitatanggi na produkto lamang siya ng isang malaking magkakamali at siyang naging dahilan upang maitali sa pilit na kasal ang mga magulang.

Kaya nang maglayas ang kaniyang ama, doon niya napagdesisyunang magpahatid sa isla Agunaya upang tapusin ang buhay. Pursigido na upang tapusin ang walang katapusang luha. Ngunit kabaliktaran ang nangyari nang matagpuan niya roon ang lalaking sumalba sa kaniya— si Carlo Sevino.

Kasal… pamilya… anak— mga bagay na itinuturing na regalo ng karamihan ngunit sumpa sa mga kabanatang pinagdaanan ni Daffodil. Ngayong nakahanap na siya ng katapat, may pag-asa na kayang lumiwanag ang dilim na idinulot ng nakaraan? Bagong buhay kaya ang naghihintay sa kaniya ngayong hiwalay na siya sa pamilya? Paano kung isang sikreto pala ang muli na namang wawasak sa kaniya?

**

This is the SEVENTH BOOK of the series. Please be advised that this story includes mature theme and is not suitable for very young audiences. You have been warned. Read at your own risk.

chap-preview
Free preview
Chapter 01
DAY SERIES #7 Have you ever wished to go back in time and kill someone who destroyed your life? Dahil kung bibigyan man ako ng pagkakataon upang bumalik sa nakaraan, papatay ako. Umiiyak si Mommy. Kung ikukumpara ko siya sa isang kalikasan, para siyang mabigat na ulap na hindi mapigil-pigil sa pagluha. Pulang pula na ang mga mata niya. Iyong make-up niyang malugod na pinaghandaan kanina ay walang kahirap-hirap na nasira. I can’t help but watch her cry from afar. Natatakot akong lumapit dahil baka sa akin pa niya ibaling ang kaniyang galit. “A-arlet…” utal-utal niyang usal sa pangalan ng Daddy. Marahan siyang tumayo mula sa pagkakasadlak sa sahig saka tumungo sa tukador. Mula sa pagkakasabit, kinuha niya ang malaking frame ng wedding picture nila ni Daddy at marahang niyakap. Hinagkan niya ito na para bang yakap niya rin si Daddy saka dinampian ng halik nang paulit-ulit. Gusto ko siyang lapitan at yakapin upang maramdaman niyang hindi siya nag-iisa. Pero paano ko iyon magagagawa kung wala naman siyang ibang nakikita kundi ang lalaking nang-iwan sa amin? Sa pamilyang ito, may dalawang pagkakamaling pinagsisihan si Daddy. Una, ang presensya ko. Kung itinuturing ng ibang mga magulang na blessing sa kanila ang pagkakaroon ng anak, sa kaniya ay hindi. Sa paningin niya ay isa akong sumpa na habangbuhay niyang titingnan bilang isang kamalasan. Kahit hindi niya sabihin sa akin nang direkta, batid kong ayaw niya akong makita. Siguro’y dahil marami siyang naaalala. Siguro ay dahil ako ang dahilan kung bakit araw-araw siyang nagdurusa. Hindi ko naman sana hiniling mailuwal sa mundong ito pero bakit parang kasalanan ko pang naipanganak? Pangalawa, ang kasal. Sabi nila, ito raw ang pinakamahalagang parte sa buhay ng magkarelasyon dahil naroon na ang basbas at pag-iisa. Ito ang simbolo ng katatagan, ang simbolo ng pag-iwan sa nakaraang hindi pa pinagbuklod, ito raw ang simbolo ng inaasam na walang hanggan—ang simbolo ng tinatawag na habangbuhay. Pero para kay Daddy? Nagmistula pa itong posas na sumakal sa buhay niya. Ang kasal nila ni Mommy ang nagsilbi pang tulay upang maranasan ang impyerno. Alam ko dahil ilang beses na niyang binasag ang frame ng wedding picture nila ni Mommy. Alam ko dahil nakita ko na noon kung paano niya tinapon ang suot niyang singsing. Walang akong pag-asang nakita sa mga mata niya. At kung mayroon man, baka hanggang panaginip na lang. Anak… kasal… pamilya… mga bagay na sana’y maituturing na regalo. Ngunit sa mga kabanatang pinagdaanan ko? Hindi grasya, kundi sumpa. “Gago ka!” sigaw niya sabay hampas ng larawang kanina pa niya niyayakap. Mariin kong kinagat ang aking labi upang pigilan ang paghagulhol. Sa lakas ng pagkakahampas ni Mommy sa frame, wasak-wasak ang mga babasaging tanging pumoprotekta sa kalidad ng litrato nito. Ilang beses na itong binasag ni Daddy noon. Ilang beses na rin itong niligtas ni Mommy. Ngunit ngayon? Ngayong ubos na ang pasensya niya, ang sakit makitang kahit siya ay sumuko na. I’ve seen her as strong and loving wife ngunit bakit hindi iyon nakita ni Daddy? Ano pa ba ang kulang? “Pinaglaban kita… minahal kita… tiniis kita… pinatawad kita… pero anong ginawa mo ha? Anong ginawa mo!” Lalong lumakas ang agos ng luha ko nang makitang hindi pa nakuntento si Mommy. Pinulot niya iyong mismong litrato at walang habas na pinunit. Parang dryaryo lang ito na ipanggagatong sa bawat tunog na nilikha. Parang ako ang sinisira at hindi tinatantanan ng pagwasak. Maraming beses ko na siyang nakitang nagtitiis habang pilit na binubuhay ang relasyong matagal nang patay. Hindi ko na rin yata mabilang kung ilang I love you na ang sinambit niya para lang hindi kami iwan ni Daddy. There were times that she kissed him but he intentionally wiped his lips, animo’y pinandidirihan ang labi ng babaeng pinakasalan. At this age, all I’ve seen is hatred. Kung sa ibang tao ay tunay ang pag-ibig, sa akin ay huwad. This family has told me a folkore and dynasties of wickedness. That no matter how I tried to seek for reasons to believe, I am nothing but a curse. How ironic that my mother’s name is inspired to a flower, dahilan kung bakit doon din ibinatay ang pangalang inilaan nila sa akin. Sa gandang taglay ng totoong Daffodil, kabaliktaran naman nito kung ano ang kahulugan ng buhay na dinadanas ko. Kung kaya ko lang palitan ang pangalan ko, siguro mas pipiliin kong pangalanan ako ng ‘Dilim’. Anong liwanag ba kasi ang nasaksihan ni Daddy? He’s been searching for his daylight because Mom and I were his darkness. Tumalikod ako nang pahirin na ang luha. Tuloy-tuloy akong pumasok sa kwarto ko sabay lock ng pinto. Hinalughog ko ang mga gamit ko at hinanap lahat ng mga stolen pictures kung saan nakangiti si Daddy. Nang matagpuan ito sa ilalim na parte ng cabinet, isa-isa ko itong pinunit nang pinipigil ang impit na pag-iyak. Kung kailan dalaga na ako, bakit saka pa niya kami iiwan? Kung kailan mulat na ako, bakit saka pa lang siya lumisan? He should’ve killed me! Kung ako at ang pamilyang ito ang sumpa niya, sana pinatay na lang niya kami! Tama ang kaibigan kong si Kiana, sana pumayag na lang pala akong sumama sa suicide island. Sana sumama na lang pala ako para magpakamatay. Sana hindi ko na pala tiniis mabuhay gayong dilim lang naman ang dala ko sa buhay ng dalawang taong hindi naman nagmahalan. Sana pala sumama na ako! Maluha-luha akong tumayo nang mapunit na lahat ng litrato ni Daddy. Mabilis kong pinulot ang cellphone ko sa dulo ng kama saka hinagilap nang nangininig ang numero ni Pael. Suminghot ako at huminga nang malalim. Pinilit kong ngumiti habang nakaharap sa bukas na bintana. “Hello?” “Pael, ako ito, si Daffodil.” “Oh! What’s up my lovely flower?” tila lasing niyang tanong. Maingay ang kaniyang background at base sa aking naririnig, para siyang nasa night party. “Payag din ako. Ihatid mo ako sa islang iyon.” “Woah! Sure?” Tumango ako kahit na hindi naman niya nakikita. Siya ang tinawagan ko dahil siya raw itong tagahatid sa mga nais pumunta sa patay na isla. Ipinakilala siya sa akin ng kaibigan kong si Kiana na kamakailan lang ay nabalitaan ng walang buhay— dahil nag-suicide. “Oo, sure.” “Okay, tatawagan kita mamaya. Kakausapin ko lang ang kliyente ko rito. Ako nang bahala sa lubid, magdala ka lang ng pera.” Pagkababa ng tawag, marahan kong hinakbang ang mga paa ko patungo sa bintana kung saan lagi akong nananalangin. Kaso parang naglalaho lang ang lahat sa hangin dahil hindi naman ako dinidinig. Sa lalong pagtagal at paglala ng sitwasyon sa pamamahay na ito, mas nahihirapan lang akong maniwala. May langit ba? May nakaririnig ba talaga? May nakasasaksi ba? Dahil kung oo… bakit nagdurusa pa rin ako? “Daffodil!” Halos mapatalon ako sa lakas ng kalampag sa pintuan. Dama ko ang galit sa pagkakasigaw ni Mommy. Sa anumang sandali, tila ako na ang pagbabalingan niya. Matagal ko na itong inaasahan dahil ilang beses na rin nila akong pinag-aawayan. “S-sandali p-po,” natataranta kong sagot. Mabilis kong tinago ang cellphone sa dresser. Sinubukan ko ring itago sa ilalim ng kama itong mga punit na piraso ng larawan ni Daddy. “Bilisan mo!” Mas lalong lumakas ang kalabog niya sa pinto kaya kahit hindi pa pulido ang kwarto, tumungo na ako roon at buong tapang na pinihit ang seradura. Sa pagbukas at pagbungad ng wasak niyang imahe sa akin, isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Sa bigat ng pwersang inilaan niya upang iparanas ang pisikal na sakit na unang beses kong maranasan mula sa kaniya, napaigtad ako at napaupo. “Malas ka!” sigaw niya sabay hila sa buhok ko. “Mamatay kang malas ka!”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
598.6K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
216.5K
bc

Love Donor

read
86.9K
bc

Broken Angel

read
3.9K
bc

His Cheating Heart

read
41.4K
bc

Unexpected Romance

read
38.5K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook