Chapter 02

1236 Words
Where do I run to when I live in a broken home?   Mula nang lumisan si Daddy, tuluyan nang nasira ang lahat. Wala na akong matatawag na pamilya at kung may tatanggap man sa akin nang buong buo ay sarili ko na lang. Pero kahit kaluluwa ko’y hindi ko na kasi rin mayakap. Diring diri na ako sa sarili ko kahit na wala naman akong ginawang masama.   Kasalanan bang mabuhay? Kung alam nilang puro problema lang pala ang maidudulot ko, sana pinatay na nila ako kahit noong nasa tiyan pa lang ako!   Sayang. Sayang ang labing walong taon kong paghinga sa mundong hindi patas. Sinayang lang nila ang ginastos para sa’kin. Pina-aral, pinalaki, itinaguyod… para saan pa ang lahat ng iyon? Naging masunurin ako at naging mabuti para kahit papano’y maging proud sila sa akin. Ganoon ba kahirap tumanggap ng isang anak na aksidenteng nabuo?   Bulagta sa sahig si Mommy dahil sa kalasingan. Totoong inasahan ko na papatayin na niya ako matapos akong sampalin ngunit siya ang kusang bumagsak. Sinubukan ko siyang gisingin habang tuloy-tuloy sa pag-agos ang aking luha ngunit sa sarap ng tulog niya, hinayaan ko na lamang siyang humiga sa pintuan nitong aking kwarto.   Nag-ring ang aking cellphone. Sa bilis ng ragasa ng puso ko, dali-dali akong tumayo at tumungo sa dresser kung saan ko ito itinago kanina. Nang mahawakan ito at makita kung sino ang tumatawag, abot-abot na humalo ang pananabik sa aking sistema. Sabik dahil tatapusin ko na ang paghihirap na ilang taon ko ring tiniis.   “H-hello?” bungad ko kay Pael. Narinig ko pa muna ang halakhak niya sa kabilang linya, animo’y masaya sa kaniyang kasama.   “Akala ko hindi mo sasagutin, five thousand ang kailangan ko.”   Napalunok ako nang marinig iyon. “Para saan ang five thousand?”   “Para sa suicide fee.”   “P-pero ang mahal naman—”   “Magpapakamatay ka ba o hindi? Sagot!”   Mariin akong pumikit. Sa pagkakataong ito’y bumaha ang samu’t saring mga ala-ala na matagal ko nang pilit tapusin. Ang pagtatalo, paninisi, mga sigawan, mga bangayan— ito ang halos araw-araw kong nasaksihan at tila hindi natatapos. Bata pa man noon at walang nauunawaan, saka ko lang naintindihan nang ako’y lumaki na.   Diana. Iyon ang pangalan ng babaeng kumalantare sa pamilya ko, ang babae na higit kong kinamuhian kaysa kay Daddy. Sinong matutuwa sa gawain ng isang kabit? Batid kong baliw na baliw siya sa kagwapuhan ng isang Arlet Gumabon dahil maliban sa dati itong modelo, kabi-kabila ang ine-endorse nitong brands ng underwear. Nalaman ko lang na siya ang puno’t dulo ng problemang ito dahil sa minsang pagbanggit nito ni Mommy. Baliw daw ang isang Diana Laroque at dapat ay huwag tularan.   Masamang gawain man ngunit halos araw-araw kong pinagdasal na sana, sana mamatay na siya. Na sana mawala na ang mga tulad niyang kabit na sumisira sa totoong simbolo ng kasal at pamilya. Isa lang naman ang nais ko kahit na hindi ko maabot ang ambisyon sa buhay. Kahit magkaayos man lang kami bilang isang pamilya, ako na ang pinakamasaya.   Pero ngayong sumama na si Daddy kay Diana, wala na. Wala na ang pag-asang inaasam-asam ko, ang dagitab na pilit ko pa sanang pagniningasin, at ang haligi na singlambot lang pala ng isang papel.   “Magpapakamatay,” desidido kong sagot. Sa puntong ito’y kinagat ko ang pang-ibabang labi upang pigilan ang ambang paghagulhol.   “Nice. Mahirap na kasing mabuhay ‘di ba? Nakakawalang gana na at paulit-ulit ang hirap. Kaya rest assure, worth it ang limang libo. Pasasaan pa’t matatapos din natin iyan.” pang-eengganyo sa akin ni Pael. Tumango-tango ako habang pinapahid ang luha.   “S-sige. Hahanap lang ako ng pera. Tatawagan na lang ulit kita kapag may hawak na ako.”   “Okay. Mas maganda kung ngayong gabi na tayo tumulak habang madilim pa at walang bantay.”   “Pipilitin ko, Pael.”   Pagkababa ng tawag, nanginginig kong binulsa ang cellphone. Humarap ako sa pintuan at naroon pa rin si Mommy, nakahandusay at masarap pa rin ang tulog.   Nangangarag man sa kaba ay pinilit kong ihakbang ang aking mga paa. Kahit hirap dahil sa pag-aalburuto ng pulso ay lumabas ako at kagat-labing tinahak ang daan patungo sa kabilang silid. Iyon kasi ang kwarto nila ni Daddy at naroon din ang pera na maaari kong magamit.   Pagbukas ng pinto, mabilis akong pumasok saka ito ini-lock. Tumakbo ako sa cabinet at inisa-isa ang mga containers na maaring paglagyan ng pera. Sa huling lalagyan ay nakakita ako ng pitaka. Akma ko na sanang pupulitin ito ngunit umagaw bigla sa pansin ko ang isang pahina ng dyaryo na nakapailalim dito. Isinantabi ko ang wallet at dahan-dahang pinulot ang halos kupas na papel.   Nang basahin ko ito, ganoon na lang paniningkit ng mga mata ko.   Bakit may obituary dito?   Pinakatitigan ko ang litrato at binasa ang mismong pangalan ng namatay. Hindi ko alam pero bakit parang pamilyar siya sa akin?   CARLO C. SEVINO   Paulit-ulit iyon rumehistro sa utak ko. May kung akong koneksyon akong nararamdaman ngunit hindi matukoy ng ala-ala ko. Ang sabi dito, namatay siya sa edad na eighteen at sampung taon na ang nakararaan. Halos matigalgal ako nang malaman kung ano ang ikinamatay niya— suicide.   Sunod-sunod akong lumunok dahil sa likod ng obituwaryong ito ay may balita din tungkol sa kaniya. Anito, sa patay na isla raw ito nagpakamatay, sa isla na dating kilala bilang Isla Agunaya.   Bumuntong hininga ako at binitawan ang pahina. Matagal na talagang usap-usapan ang patay na isla ngunit katagalan, para bang nano-normalize na lang sa lipunan na tahanan talaga ito ng mga kaluluwang nawalan ng pag-asa. May aksyon namang ginawa ang gobyerno upang pigilan ito. May mga bantay nang nakapalibot upang pigilan ang sinumang pumunta ngunit dahil kay Pael, patuloy pa rin ang iniiwasang mangyari.   Hindi na ako magtataka kung bakit limang libo ang singil niya. Maliban siguro sa pasikot-sikot iyong daan, baka mahirap talagang lumusot sa mga nagbabantay.   Hindi naman ako nagkamali ng kinuhang pitaka. Bumulaga ang sampung libo at kinuha kong lahat iyon. Tanging mga ATM cards iyong iniwan ko at mahahalagang ID's. Tip ko na lang kay Pael ang sobrang matatanggap.   Bumalik ako ng aking kwarto at nagbihis ng disenteng damit. Sinuot ko iyong regalo sa akin ni Daddy noong debut ko kahit na sobrang sakit alalahanin. Sinuot ko rin ang bracelet ko, ang kwintas na mamahalin, pati na ang mga magagara dahil batid kong ito na ang huling pagkakataon.   Nang maayos ko na ang sarili, saka ko t-in-ext ang meeting place kung saan kami magkikita. Sumang-ayon naman si Pael ayon sa reply at sinabing papunta na raw siya.   Kumuha ako ng papel at ballpen. Pigil ang luha ko nang simulang isulat ang huling liham para kay Mommy.   Mom,   Be strong. Alam ko pong kakayanin mo. Mahahanap mo rin ang lalaking magpapasaya sa’yo at bibigyan ka ng pamilyang magpapahalaga sa’yo. I’m very sorry for being weak, for leaving, for giving up. Sorry for making you live in a broken home. I’m sorry for choosing death.   In time, God will provide you a loving husband and bunch of cheerful children. Ipangako mo pong magpatuloy ka kahit napakahirap. Dahil kahit kadiliman man ang tingin sa atin ni Daddy, ikaw ang pinakamaganda kong bulaklak.   I love you Mom, siguro… hanggang dito na lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD