bc

Dayfly of a Dauntless

book_age16+
388
FOLLOW
1.1K
READ
stalker
powerful
independent
brave
twisted
sweet
bxg
serious
small town
first love
like
intro-logo
Blurb

DAY SERIES #8

Matagal nang tinanggap ni Raphia Alcaras na hinding hindi na mabubuo ang kaniyang pamilya. Sampung taong gulang pa lang siya nang maghiwalay na ang mga magulang. Pinili niyang manatili sa kaniyang ina sa Maynila dahil mas nakumbinsi siya nito sa isang napakabigat na dahilan— na abusadong politiko ang kaniyang ama at nangunguna sa corruption na nagaganap sa Isla Capgahan.

Dahil dito, hindi niya kailanman pinangarap na mapasabak sa mundo ng pulitika. Hinding hindi siya susunod sa yapak ng alkalde niyang ama dahil batid niya ang tinatago nitong dumi at matagal nang tinatago sa taumbayan. Ngunit paano nabago ng isang sakristan ang matagal niyang pinanghahawakan? Paano siya bumitaw at sumunod na lang sa kagustuhan ng ama upang kumandidato at lumaban? Dahil nang makilala niya ang nag-iisang Jaslo Viendijo, hindi na niya itinuloy ang paglisan sa Isla at hindi na bumalik ng Maynila. Pinili niyang manatili nang hindi alam na isang masalimuot na buhay-pag-ibig pala ang nag-aabang sa kaniya.

chap-preview
Free preview
Chapter 01
DAY SERIES #8 I almost died the moment I met his gaze and the sound of chimes echoed the whole place. The spiritual ceremony is about to begin now that he's walking through the red-carpeted aisle. I really used to hate going inside this church. Mula nang lumipat ako rito sa Isla Capgahan, panay na ang tanggi kong sumama sa tuwing inaanyayahan ako ni Papa. Sadyang napilitan lang ako dahil si Lola na `yong nag-imbita sa akin. Wala naman daw akong ginagawa kundi manood ng movies at magpakababad sa kung ano-anong mga series. Kaysa makarinig pa ng kung ano-ano, wala akong nagawa kundi sumama. Totoong inasahan ko na wala akong mapapala sa pagsimbang ito dahil wala ako sa huwisyo. Pakiramdam ko ay nagsasayang lang ako ng oras na sana ay ginugol ko na lang sa panonood. Pero nang makita ko ang sakristang ito, doon nagsimulang umurong lahat ng sinabi ko sa sarili ko. Kung kanina ay tamad na tamad ako, ngayon ay para akong lantang lobo na pinunan ng hangin. His look is so unbelievable. Bakit ganyan siya kagwapo? His eyes are blank yet gleaming. With his high-arched brows and almond eyes, I bet no one would resist his jaw-dropping charisma. He’s a strongly built man and probably in twenties, maybe 20 or 21. He has tan skin and dark hair, formally dressed in his plain white cassock and wearing well-polished black shoes. Totoo, hindi ako informed na may gwapo rin pala rito sa isla. Tumikhim ako nang ibaling na niya sa iba ang mga mata. Diretso na ang kaniyang lakad kasama ang iba pang mga sakristan, church servants, at ang pari. The whole place is rendered by an eerie contrast, beaming from the brass scultpure on the central altar. The atmosphere had become soft and comfortable now that the holiness of the place had been fully deciphered. Sa buong seremonya, bago at pagtapos ng misa, hindi sa pari at mensahe ang atensyon ko. Hindi ko pinalalampas ang segundong makikita ko ulit ang sakristan, lalo na sa mga pagkakataong pinoposisyon niya ang sarili sa gitna ng altar upang pagsilbihan ang padre. He’s too good-looking to serve. Sa tanang buhay ko kahit noong nasa siyudad pa ako, wala pa akong nakitang nilalang na ganoon kalala ang kagwapuhan. Literal akong wala sa sarili, tulala at mistulang ninawakan ng katinuan. I should’ve paid attention to what’s happening around but that altar server really made me pre-occupied. Ano kaya ang pangalan niya? Saan kaya siya nakatira? Sa ibang isla kaya? Sakop kaya ng pinamumunuan ni Papa ang lugar na tinitir’han niya? “Magandang araw, mayor.” “Uy, nandyan pala si Mayor.” “Si Mayor Alcaras!” Napapikit ako nang matapos na ang banal na seremonya. Ngayong malaya na sa kilos ang lahat at saktong natagpuan na nila si Papa, napapikit na lang ako sa inis. My father is the town mayor of this island and that horrifies me. Wala silang kaalam-alam kung sino at ano ba talaga ang intensyon ng tatay ko. “Raphia! Ayus-ayusin mo `yang mukha mo. Nasa simbahan pa tayo!” pabulong na asik sa akin ni Lola. Kinurot pa niya ako sa tagiliran kaya napangiwi ako. “Mamaya ka sa‘kin sa bahay.” Papa is now greeting back for his people. Hindi naman sana siya artista, santo, o kung ano pa man pero kung dumugin ay akala mong namimigay ng dolyar. Sinong politiko ang hindi magpapasikat gayong malapit na ang eleksyon? Pilit kong inayos ang mukha ko gaya ng utos sa akin ni Lola. Tumayo na rin kami gaya ni Papa at pumuwesto sa tabi niya. Kumakaway-kaway pa siya at si Lola ay sopistikada kung ngumiti. Kilalang kilala ang angkan namin sa islang ito dahil mahaba ang dinastiya ng aming pamumuno. The crowd is now bustling. Hindi man ako banal, batid kong nakakahiya na dahil dito pa talaga sa loob ng simbahan nagkakagulo. Iyong iba ay desperado na upang makipagkamay. Mangilan-ngilan lamang ang walang pakialam at tuloy-tuloy ang lakad palabas. Siguro ay suportado sa partidong kalaban ng Alcaras. Truth is, I hate politics. Ang ironic lang isipin dahil kilalang mga politiko ang angkan ko. Si Lolo na ngayon ay yumao na, ay dating mayor ng islang ito. Sadyang si Papa ang pumalit dahil siya lang naman ang nag-iisang anak. At dahil nag-iisa lang din naman akong anak, hindi malabong itutulak nila akong sumabak sa pulitika—isang bagay na mariin kong tatanggihan. I really hate the idea of seeing myself as a politician. Hindi ito para sa akin. Maybe someone could fit in, iyong hindi kabilang sa aming angkan. Kailangan ng tapusin ang paghahari ng Alcaras dahil tanggapin ko man o hindi, aminado akong corrupt ang aking mga ninuno. “Ito nga pala ang anak ko, si Raphia,” pagpapakilala sa akin ni Papa nang makalabas na kami ng simbahan. Nakapalibot sa amin ang hindi mabilang-bilang na dami ng tao habang ako ay nakapagitna sa kanila ni Lola. Pinilit kong ngumiti lalo’t bagong salta pa lang ako sa islang ito. Naiwan lahat sa Manila ang mga kaibigan ko kaya wala akong kilala ni isa rito maliban sa pamilya ko. “Hello po,” mahina at nahihiya kong bati. “Siya po ba ang sinasabi niyong tatakbo bilang SK chairman?” Bigla akong nabahala sa tanong na iyon. Naglahong parang bula ang ngiti ko at lumingon kay Papa. Sa gulat ko ay para akong binuhusan ng malamig na tubig, lalong lalo na nang marinig kung ano ang kaniyang sinagot. “Tama ka, kakandidato nga itong anak ko bilang SK Chairman. Maaasahan ko ba ang suporta niyo?” Biglang nagsigawan ang mga tao. Tuwang tuwa at animo’y may labang naipanalo. Marami ang nagpalakpakan kaya ang ingay ay halos umabot na sa kalsada. Umawang ang bibig ko sa magkahalong iritasyon at gulat. Sa buong linggong narito ako at kasama sa iisang bubong si Papa, ni wala man lang siyang sinabi tungkol dito. Kaya ba nila ako kinuha mula kay Mama para rito? Kaya ba nila ako pinatira rito sa Isla para lang maging pulitiko? Batid kong mababang posisyon ang pagiging SK Chairman kumpara sa iba pero nababanaag kong paraan nila ito para ma-train ako! Hindi ako makapaniwala... “Raphia! Ang lintik mong mukha!” pabulong na saway ng istrikta kong Lola. Paulit-ulit akong bumuntonghininga habang patuloy sa pagsasalita si Papa. Kung kanina ay ipinakilala ako, ngayon ay ipinagmamalaki naman. Rinding rindi ako kahit magagandang bagay naman iyong mga sinasabi tungkol sa akin. Kung hindi ko lang talaga nakita ang gwapong sakristan kanina, siguro nagpupumilit na ako ngayon upang bumalik ng Maynila. I hate Isla Capgahan. I hate politicians of this faraway island. I hate my father. I hate the clan of Alcaras. I hate everything! But remembering those moments when I met his gaze and the sound of chimes echoed the vicinity of the whole catholic church, my hatred had almost died. For somehow, I found my only way to stay here even for the longest times. And just because I found him, I found my reason.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
95.4K
bc

His Obsession

read
73.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.6K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook