bc

Daylight of a Dungeon

book_age18+
603
FOLLOW
1.5K
READ
dark
possessive
age gap
manipulative
goodgirl
drama
tragedy
straight
city
model
like
intro-logo
Blurb

DAY SERIES #3

Mataas ang lipad ng pangarap ni Diana Laroque para sa kaniyang pamilya at para na rin sa kalagayan ng Isla Agunaya kung saan niya lumaki at nagka-isip. Ngunit nawalang parang bula ang lahat nang maulila siyang lubos. Dahil sa hindi inaasahang pagkakataon, nawasak ng isang malawak na sunog ang buong isla ng Agunaya, ang kanilang tahanan, ang mga ari-arian, at ang pinakamasaklap… ang mga natitirang mahal niya sa buhay.

Hindi niya alam kung paano magsisimula at kung paano siya makakausad. Halos isumpa na niya ang mundo dahil wala na siyang malapitan. Hanggang sa dumating si Arlet Deano Gumabon— isang sikat na modelo sa isang kilalang modeling agency na noo’y isang mangingisda ng Isla Agunaya. Hindi niya inaasahan na sa paglipas ng walong taon ay muli silang magkikita. Hindi kailanman sumagi sa isip niya na sa pamamahay nito sa Manila sila maninirahan nang magkasama, sa bahay kung saan nakatira rin ang fiancee nitong si Dahlia Romualdez.

Sa paglikas mula sa nawasak na isla, isang masalimuot na kapalaran pala ang naghihintay sa kaniya sa Maynila. Kakayanin kaya niyang bumangon sa unos ng kahapon? Paano kung aksidente niyang mabasag ang plano ng magkarelasyon?

**

Day Series #1: Daydreams of a Doctor

Day Series #2: Daybreak of a Damsel

Day Series #3: Daylight of a Dungeon

This is the third book of the series. Please read Daydreams of a Doctor and Daybreak of a Damsel for better reading and appreciation. Those are highly recommended.

chap-preview
Free preview
Chapter 01
DAY SERIES #3 Pikit-mata kong tinatahak ang madilim na daan habang ang paligid ay pinupunan ng nakabibinging ingay. Dinig na dinig ang iyakan ng mga bata, ang sigawan ng mga tao, at alulong ng mga aso. Kanina ko pa hinahanap sila Nanay at Tatay ngunit ni anino at bakas nila ay hindi ko matagpuan. “Nay! Tay!” nanginginig kong sigaw at huminto sa ilalim ng puno ng niyog. Malalim na ang mainit na gabi at kitang kita kung paano kumalat ang naglalagablab na sunog. Mula sa malayo, ang mga bahay ay patuloy nang tinutupok. Ang mga puno ay unti-unti nang winawasak ng apoy at marami na sa mga ari-arian ang naging abo. Amoy na amoy sa paligid ang nakahihilong baho ng gasolina. Kung sakaling lalawak pa ang sakop ng sunog, nasisiguro kong gagapang na sa buong isla ang apoy. Awang awa na ako sa mga pamilyang nilamon na ng trahedya. Literal na impyerno talaga ang aking nasasaksihan. “Nay! Nandito ako! Tatay!” hiyaw ko pa at hinawi ang namuong butil ng pawis sa noo. Kailangan kong mahanap ang mga magulang ko. Kailangan ko na silang makasama. Hinding hindi ako lilikas sa islang ito hangga’t hindi ko sila nakikita! “Diana! Tara na! May mga rescuer nang naghihintay sa dalampasigan!” Lumingon ako sa kaliwa ko at nakita ko ang humahangos kong kababata, si Inna. Marahas akong umiling bilang tugon. “A-ayoko! Hinihintay pa ako nina Nanay at Tatay—” “Punyemas! Hindi ka pa ba natatauhan? Kanina pa sila hindi mahanap-mahanap! Paano kung natupok na sila ng apoy?” Marahan akong umiling at nagsimulang umatras papalayo sa kaniya. “H-hindi! Hindi pa sila patay! Hahanapin ko sila!” Nahihilo man sa amoy ng usok, pinilit ko pa ring tumakbo at nakihalo sa grupo ng mga tao. Inisa-isa ko ang mga matatanda. Lumuluha ako habang hinaharap sila sa akin. Kailangan ko silang mahanap dahil sila na lang ang natitira sa akin! “Nay?” usal ko at hinarap sa akin ang umiiyak na matanda, nanlumo ako nang malamang hindi iyon si Nanay. “Tay!” sigaw ko at hinawakan ang palapulsuhan ng isang tumama sa aking likod. Nang tingalain ko siya, mas lalo akong nanlumo. Padabog kong sinipa ang mga bato sa lupa habang pinagmamasdan ang rumaragasang sunog sa kalayuan. Nanlalabo man ang paningin ko dahil sa luha, malinaw sa akin ang sinapit namin sa trahedyang ito. Totoo bang magiging abo na itong Isla Agunaya? Bakit kailangang pati magulang ko pa? Napaluhod ako at hindi na napigilan pang humagulhol. Hindi ko na inalintana pa ang nakakapasong init ng gabi habang nagluluksa na ang karamihan. Hindi ko maintindihan kung bakit ako ang kailangang makaranas nito. Namatay na sina Ate at Kuya, bakit pati pa ang ama ko’t ina? Tumingala ako sa langit upang pagmasdan ang maliwanag na sikat ng buwan. Kalat na kalat ang mga bituin na nagmistulang mga alikabok sa kalawakan. Ngunit hindi rin doon nagtagal ang aking pansin nang masilayan ang nagsisitaasang usok mula sa lumalawak pang sakop ng sunog. “Tara na Diana! Lumikas na tayo!” sigaw ni Inna na sumunod pala sa akin. Magpumiglas man ako nang magpumiglas ay wala rin akong nagawa. Tanging paghikbi na lang ang nagawa ko habang nagpapatianod nang nakapikit. Hindi ko inasahan na mangyayari pala ito sa totoong buhay. Parang panaginip lang ang lahat. Naalala ko pa ang masasayang ala-ala na nabuo ng aming pamilya sa isla. Ang pag-ibig, tuwa, luha, galak… masakit sa akin na sa dinami-dami na ng naranasan ko rito, ganito pala ang kahahantungan nito. Lagi’t lagi ko nang sinabi noon sa sarili ko na tutuparin ko ang pangarap ko para sa pamilya ko at para sa isla na ito. Ngunit ngayong wala na ang dahilan kung bakit ako naging inspirado, paano ko pa itutuloy ang buhay na ito? Sa paghinto namin ni Inna sa dalampasigan, sinubukan ko nang idilat ang aking mga mata. Sumalubong kaagad sa akin ang nakasisilaw na liwanag mula sa flashlight ng mga rescuers. Marami na ang mga bangkang nakalutang sa mababaw na parte ng dagat, tila naghihintay na isakay kaming mga residente roon. “Tara na…” mahinang bulong ni Inna. Kasabay nito, isang malakas na pagsabog ang narinig namin sa hindi kalayuan. Sabay-sabay kaming napalingon doon at agad na nakita ang mas lumawak pang sakop ng apoy. Kapansin-pansin ang lalo pang pangingitim ng mga usok at ang kilabot ay nangahas na gumapang sa buong sistema nang lumakas pa ang sigawan ng mga tao. “Diana! Bilis! Lalumunin na tayo ng sunog!” Wala akong nagawa. Gustuhin ko mang bumalik at hanapin ang mga magulang, lubha nang delikado upang gawin pa iyon. Kaya’t habang sinusuyod ang buhangin patungo sa mga rescuers, para akong sanggol na hindi matigil sa paghahagulhol. Kung sana’y kasama ko lang sina Nanay ay hindi na ako manlulumo pa nang ganito. “Double time! May mga isusunod pa kami sa inyo!” matigas na sigaw ng rescuer at tinulungan akong makasakay ng bangka. Ganoon din si Inna na ngayon ay tahimik nang nakaupo sa aking tabi. Napa-angat ang tingin ko sa kalunos-lunos na sinapit ng isla. Paano na ako? Paano na ako ngayong ako na lang ang natitirang mag-isa? Ang dami kong maiiwan dito sa isla na sinayang lang ng trahedyang ito. Hindi ko halos matanggap na pati ang bahay nina Kuya Galileo at Ate Ada ay parang papel lang sa lagablab ng impyerno. Paano na ako ngayong ako na lang ang nabubuhay sa pamilya? Patay na sina Ate walong taon na ang nakararaan. Wala na rin si Kuya dahil sa sinapit niya noon sa laot. Kung alam ko lang na mawawalay pala silang lahat sa akin, sana pala noon ko na rin kinitil itong buhay ko na hindi ko na makitaan pa ng saysay. How could I live with nothing? How could I survive without my everything? Paano ako? Ate, Kuya, Nay, Tay, bakit iniwan ninyo ako? “D-diana…” Umiiyak na rin ngayon si Inna sa aking tabi. Tulad ko ay naiwan din sa sunog ang kaniyang mga magulang. Pati yata mga kapatid niya dahil malapit lang sa kanila ang pinagmulan ng pagsabog kanina. Nilingon ko siya at ikinulong sa mainit na yakap. Sabay na kami ngayong umiiyak habang unti-unti ring napupunan ng sakay ang sinasakyan naming bangka. Lalo akong naluha dahil sa kaniyang hagulhol. Ang sakit-sakit makita. “Tayo na lang ang natitira sa pamilya natin, paano na tayo makakabangon? Saan tayo pupulutin ngayon?” Hindi ako nakapagsalita dahil hindi ko rin batid kung saan na ako dadalhin ng kapalaran. Magagawa ko kayang buhayin ang sarili ko? Pero paano? Paano kung wala akong dala ngayon kundi ang sarili ko? Nanghihinayang ako dahil isang semester na lang at ga-graduate na ako ng senior high school. Ilang buwan na lang sana ang tatiyagain kong paghirapan upang makamit ang diploma ko. Pero ngayong wala na talaga, sa paanong paraan ko ibabangon ang sarili? Nawalan na ako ng ganang mabuhay. Nawalan na ako ng dahilan upang lumaban. Pagod na pagod na akong mahirapan. Ayaw ko na. Nang mapuno na ng sampung katao ang bangka, saka na nagsimulang magsagwan ang rescuer. Sa puntong iyon ay matapang kong hinarap ang isla na ngayon ay halos abo na lang. Sa unti-unting pag-usad ng aming sinasakyan, lumuluha kong tiningala ang langit upang kuwestyunin kung bakit kailangan kong pagdaanan ito... Dahil sa dinami-dami ng mga bangungot na walang awa nang dumaan sa buhay ko, ang gabing ito ang pinakamasakit.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.6K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.8K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
276.4K
bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
258.9K
bc

NINONG III

read
364.2K
bc

NINONG II

read
619.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook